CHAPTER SEVEN

1361 Words
PAGPASOK ni Ivann sa loob ng kanyang cottage ay itinulak niya ang tatlong babae. Lango na siya sa alak ng mga oras na iyon. "Go home! I don't need you!" sigaw niya na ikinagulat ng tatlo. "Akala namin game ka?" tanong sa kanya ni Mia. "I change my mind. I just don’t like girls," he muttered with a slur, eyes glassy and unfocused. "Go!" sigaw niya pa. "Ang hina mo pala," natatawang sagot sa kanya ni Mai. "I guess I’m just not into it." Hindi niya na hinintay pa na sumagot ang tatlong babaeng nasa harapan ng kanyang cottage at kaagad niyang isinara ang pinto. Napailing na lamang siya. Hindi niya alam kung bakit nawalan siya ng gana sa ibang babae ngayon samantalang noon naman ay sunggab lang siya ng sunggab kapag may babaeng lumalapit sa kanya. Pabagsak siyang humiga sa kanyang kama pagkatapos niyang alisin ang kanyang sapatos at itinapon iyon sa isang tabi. Huminga siya ng malalim pagkatapos ay pinikit ang kanyang mga mata. Hindi niya na nabilang kung ilang beer ang kanyang nainom ng mga oras na iyon. Kinabukasan ay tanghali na siya nagising. Kung hindi pa kumirot ang ulo niya ay hindi siya magigising. Pinuntahan niya si Gold sa cottage nito pero nakailang katok na siya ay hindi pa rin sumasagot ang kanyang kapatid kaya umalis na lamang siya at naghanap ng pwedeng mapuntahan. May mga stalls naman sa paligid ng beach resort at halos pagkain ang binibenta kung kaya nag-order nalang muna siya ng kape para man lang mawala ang sakit ng kanyang ulo. Habang umiinom ng kape ay may umagaw sa kanyang pansin at hindi siya maaaring magkamali. Isang babae na gumugulo sa kanyang isipan. Napakurap-kurap pa siya sa kanyang mga mata sa pag-aakala na namamalikmata lang siya pero hindi dahil ang babaeng nakikita niya ngayon ay walang iba kundi si Candice. Lumakas ang kabog ng kanyang puso. Sa pangalawang pagkakataon ay lumakas ang pagtibok ng puso niya nang masilayan ang babae. Napangiti siya pero kaagad din na nawala ang ngiting iyon dahil nakita niyang may kasamang lalaki si Candice at sa ikinikilos ng mga ito ay mukhang may relasyon ang dalawa. Sa tingin niya ay nasa forties na ang lalaki, makisig din ito at gwapo. Mas hamak na may edad sa babae. Mabilis siyang nagbayad sa kape na kanyang inorder at sinundan si Candice at ang kasama nito. Naalala niya bigla ng sabihin ni Candice sa kanya ng gabing iyon sa bar na in relationship ito. Nakaramdam siya ng panibugho. Ibang Candice ang nakikita niya ngayon. Isang Candice na nakangiti at mukhang walang galit sa mundo, hindi tulad ng Candice na nakita niya sa bar na parang ang laki-laki ng problema. Alam niyang hindi siya napapansin ng babae dahil nasa likuran siya ng mga ito. Isa pa may mga mangilan ngilang tao at natatakpan siya. Patuloy pa rin ang ginagawa niyang pagsunod sa babae. Hindi niya mapigilan ang hindi humanga dito dahil sa napaka sexy nitong suot kahit pa natatakpan iyon ng puting bestida. Bakat na bakat rin ang mahubog nitong katawan. Hindi niya mapigilan ang hindi mainggit sa lalaking kasama ngayon ni Candice. Umiral ang pagiging agent niya ng mga oras na iyon. Palihim niyang sinusundan si Candice. Kaya ng magkaroon siya ng pagkakataon at iniwan ng lalaki si Candice ay mabilis na hinila niya ang babae sa isang tabi na labis nitong ikinagulat. Napansin niya ang pagkabigla sa mukha ni Candice nang makita siya. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa 'yon pero gusto niyang madugtungan kung ano man ang meron sila ng babae dahil hindi siya nito pinatatahimik. "Ivann?" tanong sa kanya ni Candice. Nakasandal ito sa pader ng cottage at halos magkadikit ang kanilang mga mukha. "What a small word hindi ba? Mabuti naman at naalala mo pa, Candice." Napangiti siya. Napakaganda ni Candice. Her full tranquility of features radiated natural elegance, making a memorable impression on anyone who met her eyes. Nababaliw siya sa ganda ng babae kung kaya hindi na siya napagpigil pa. "Hindi ko alam kung isa ka bang mangkukulam or ano dahil hindi ka mawala-wala sa isip ko. Ginulo mo ang tahimik kong mundo Candice." Ang ganda ng mukha ni Candice ay larawan ng mukhang walang kupas. Hindi mo na kailangan pa ng kung ano mang kolorete sa mukha para gumanda. "Bitawan mo nga ako at baka mamaya ay makita ka ng boyfriend ko. Kasama ko siya ngayon," umiiwas na sagot sa kanya ni Candice. "Alam ko at nakita ko kayong dalawa. Pagkatapos ng mga nangyari sa atin ay basta mo na lang ako iiwan?" Wwhat do you expect? Hintayin kong magising ka at maulit ang nangyari?" pauyam na tanong sa kanya ni Candice. "Bakit ba ang daling sayo na kalimutan ang lahat? Ako ang nakauna sayo at hindi ko makalimutan na ako ang unang lalaking umangkin sayo." "What's the big deal?" nakaarkong kilay na sagot sa kanya ng babae. "Bakit ginagawa mong big deal ang one night stand na nangyari sa ating dalawa? Sanay ka naman sa ganun hindi ba?" "Pero iba ang nangyari sa ating dalawa. Naiintindihan mo ba?" tanong niyang halos nakadikit na ang kanyang mukha sa mukha ng babae. Ang mga kamay nito ay nakapigil sa kanyang dibdib upang hindi siya makalapit dito. "Hindi lang yun one night stand. Gusto kong malaman kung bakit sa akin mo ibinigay ang virginity mo kung pwede naman dun sa boyfriend mo!" gigil niyang sagot. "Gusto mo bang magpabuntis sa akin kaya ginawa mo 'yon?" "What? Are you out of your mind? At bakit naman ako magpapabuntis sayo?" "Malay ko sayo dahil wala akong alam na rason para ibigay mo sa taong hindi mo naman kilala ang pinakamahalagang bagay sayo," giit niya pa rito. "There is no reason. Nagkataon lang na naging mapusok ako ng gabing iyon. That's it." Hindi niya napigilan ang sarili at tinuwid niya na ang maliit na distansya sa pagitan nilang dalawa. The kiss was gentle at first, banayad niya lamang itong hinahalikan pero hindi tinutugon ni Candice ang kanyang halik. Sa halip na huminto sa ginagawa ay ipinagpatuloy niya ang paghalik kay Candice at lihim siyang napangiti nang tinugon nito ang kanyang mga halik. Napapahawak na ito sa kanyang dibdib at hindi na siya magawang itulak pa. Ang sarap ng halik na kanilang pinagsasaluhan ng mga oras na iyon na tila ba miss na miss nila ang isat-isa. Pakiramdam niya ay silang dalawa lamang ang tao sa lugar na iyon. Natigilan pa siya ng matauhan si Candice at isang malutong na sampal ang binigay sa kanya. Sapo niya ang pisnging nasaktan. "You're taking advantage, Ivann!" sigaw sa kanya ng babae. "Taking advantage? Hindi ba tinugon mo ang halik ko?" tanong niya naman. Napansin niya ang pamumula ng mukha ni Candice dahil sa kanyang naging sagot. "Stop following me, okay? I'm telling you, Ivann. Masisira ang buhay mo sa akin, please." "Anong masisira? Sinira mo na nga. Don't you see you've disturbed my peaceful life? This is not me; I am not that kind of person—looking for a woman because of the f*****g one-night stand." "Bakit? Ngayon ka lang ba nagkaroon ng ka-s*x na virgin pa?" tanong pa sa kanya ni Candice kung kaya naningkit ang kanyang mga mata. "Nakikita mo ba ang pang apat na cottage mula rito?" sabay turo niya sa kanyang cottage. "Hihintayin kita mamayang gabi at kapag hindi ka dumating ay pupuntahan kita sa cottage mo kahit pa nandiyan ang boyfriend mo, got it?" wika niya pa kay Candice kaya natigilan ito. Napangiting iniwan niya ang babae na natitigilan. "Ginulo mo ang tahimik kong buhay Candice kaya hindi ako titigil na hindi mdugtungan ang ating nakaraan," wika niya sa kanyang isipan. Gusto niya lang naman subukan si Candice kung pupuntahan siya nito mamayang gabi pero ang totoo kapag hindi siya nito pinuntahan ay hindi niya na ito guguluhin pa. Isa lang din naman ang ibig sabihin sa lahat ng mga nangyari sa kanila. Isang laro lang dito ang lahat. Siguro nga nagkataon lang na siya ang lalaking lumapit dito at sa kanya naibigay ang virginity dahil marupok ito ng gabing iyon. Ganun pa man, sa kabilang bahagi ng kanyang puso ay umaasa siyang daratint ang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD