BUONG maghapon ay hindi umalis si Ivann ng kanyang cottage. Kulang nalang ay hilahin niya ang oras upang maging gabi dahil alam niyang pupuntahan siya ni Candice. Napapitlag pa siya nang biglang may kumatok. Napangiti siya ng matamis at kaagad na naglagay ng pabango sa katawan. Mabilis na binuksan niya ang pinto pero ang ngiti niya ay nawala nang makita niya na si Gold lang pala ang kumakatok. Muli niyang sinara ang pinto sa inis.
"Hey!" sigaw ni Gold sabay katok.
Wala siyang nagawa kundi ang pagbuksan ulit ang kapatid.
"May hinihintay ka bang ibang tao?" kunot ang noo na tanong ni Gold sa kanya na titig na titig sa kanya.
"What?"
"Kung wala ay bakit mo ako sinaraduhan ng pinto? Are you expecting guests?"
"Of course not!"
Pakiramdam niya ay namumula ang kanyang mukha.
"Bakit humahalimuyak ka?" nakangisi pang tanong sa kanya ng kapatid.
"Masama bang magpabango? Natural bagong ligo ako," pagsisinungaling niya pa. Mabuti na lamang at may nilagay siya sa kanyang buhok kung kaya mukhang bagong ligo lamang siya.
Napangisi pa sa kanya si Gold na mukhang hindi naman naniniwala sa kanyang sinasabi.
"Halika, maglakad-lakad tayo," yaya pa nito sa kanya kung kaya tumanggi siya.
"Pagod ako... Ikaw na lang."
"Pagod ka? Hindi ka naman lumabas sa maghapon ah?"
"Lasing na lasing ako kagabi at may tatlong babae na nangungulit sa akin diyan kaya magpapahinga na muna ako at sumasakit ang ulo ko dahil sa hangover."
"Ano yun foursome?" bulalas na tanong ni Gold sa kanya.
"Tigilan mo nga ako. Anong foursome? Kinukulit lang nila ako at gusto nilang maglaro kami ng apoy, syempre hindi ako pumayag... Paano kung may mga sakit ang mga 'yon. Isa pa hindi ako kagaya mo. Kung sino-sino ang pinapatulan. Huwag ka ng makulit at pagod talaga ako. Gumala ka kung gusto mo!" pagtataboy niya sa kapatid. Baka mamaya ay dumating si Candice at hindi na ito tumuloy dahil nakita ang kanyang kapatid na kasama niya. "Sige na, umalis ka na!" pagtataboy niya pa ulit.
Napailing si Gold.
"Magcondom ka!" sigaw pa nito sa kanya at nakaagaw iyon ng pansin sa mga naglalakad.
"Sira ulo!" sigaw niyang sagot na natatawa na lamang.
Naisip niya bigla na hindi pala siya nag-condom ng galawin niya si Candice. Paano nga kung tama sa Tyler na gusto lamang ni Candice magpabuntis sa kanya at nagsinungaling na fertile ito? Napapailing siya sa kanyang mga naiisip. Nababaliw na nga yata siya at kung anu-ano na ang pumapasok sa kanyang isipan. Kanina ng nakita niya si Candice ay mukhang wala naman itong pakialam sa kanya at mukhang nakalimutan na nga ang nangyari sa kanilang dalawa at siya lang itong parang ewan na pilit na pinapaalala ang mga nangyari.
"But he responded to my kiss?" wika pa ng kanyang isip.
"Sinagot niya ang halik mo dahil mahina siya. Madali siyang matukso. sino ba naman ang hindi matutukso sayo? Magaling kang humalik at gwapo. Walang babaeng hindi bibigay sayo," sabat naman ng bahagi ng kanyang isip.
Napapailing na lamang siya dahil sa pagtatalo ng kanyang isip tinalo niya pa ang baliw dahil nag-aaway na ang kanyang isip ng dahil sa babaeng iyon.
ALAS OTSO na ng gabi pero walang Candice na nagpakita sa kanya. Hindi niya mapigilan ang hindi magalit sa babae pero wala naman siyang magawa at lalong wala siyang karapatan para magalit. Sino ba siya sa buhay ng babae?
Kanina pa siya gutom na gutom at pilit na pinipigilan ang sarili na huwag lumabas ng kanyang cottage pero mukhang mamamatay siya ng gutom dahil sa paghihintay rito. Maputi na ang kanyang mata dahil sa pag-asa na baka sumulpot na lamang si Candice. Nang mainis ay lumabas na siya ng cottage at naghanap nang pwede mabili. Ang plano niya ay sa cottage na lamang kumain lalo na at wala naman siya sa mood para makipag-usap at makipaghalubilo sa mga taong naroon. Matutulog na lamang siya.
Pagkatapos kumain ay nanood na lamang siya ng TV. Nawalan na siya ng pag-asa na darating pa ang hinihintay lalo na at anong oras na rin. Imposibleng darating pa si Candice. Pinaasa niya lamang ang sarili.
Pinilit niyang makatulog ng gabing iyon. Ayaw niyang isipin na ang babae. Gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang buhay na wala ito lalo na at masyado ng naaapektuhan ang kanyang ginagawa. Malalim na ang gabi at malalim na rin ang kanyang tulog nang may narinig siyang sunod-sunod na katok sa kanyang pinto. Napabalikwas bangon. Tumingin siya sa bintana at may nakita siyang mangilan-ngilan na tao sa labas. Naulit pa ang pagkatok. Ang mga pagkatok ay tila nagmamadali. Biglang pumasok sa kanyang isipan si Gold. "Hindi kaya napa- trouble ang kapatid ko?" hindi niya mapigilang hindi tanungin ang sarili.
Kinuha niya ang baril na palagi niyang dala sa kanyang back pack at binuksan ang pinto. Mabuti na ang handa.
"Candice?" gulat gulat niyang tanong sa babae. Naka-paa lamang ito at mukhang kinakabahan. Napansin niya rin ang magulo nito buhok.
"Anong babae sa'yo?" hindi niya mapigilang tanong.
Hindi niya pa ito pinapapasok ng cottage ay kaagad itong pumasok at bigla na lamang ni-lock ang pinto. Hindi niya mapigilan ang hindi magtaka sa ikinikilos ng babae.
"May humahabol ba sayo?" ulit niya pang tanong.
"Ha?" tanong ni Candice sa kanya. Napatingin ito sa hawak niyang baril.
"Bakit may baril ka? Pulis ka ba?" tanong sa kanya ni Candice.
"Oo, pulis ako," pagsisinungaling niya. Ibinalik niya ang dala niyang baril sa kanyang backpack. "Okay ka lang ba talaga?" tanong pa niya sa babae. "Akala ko ay hindi ka na darating."
"At wala sa plano ko ang puntahan ka. Hindi ba sinabi mo sa akin na pupuntahan mo ako sa cottage ko kung hindi ako pupunta rito. Natakot ako kaya nandito ako. Ayokong magkagulo, Ivann," sagot sa kanya ni Candice. "Tell me, what do you want from me?" tanong pa nito sa kanya kaya natameme siya. Hindi niya magawang sagutin ang tanong nito. Pakiramdam niya nga ay nananaginip lang siya dahil sa biglaan nitong pagsulpot sa kanyang cottage. Hindi niya naman inaasahan na madaling araw na ito pupunta.
"Masisisi mo ba ako kung bakit? Nagtataka ako syempre. Ibinigay mo sa akin ang pinakamahalaga sa pagkatao mo tapos wala lang yun? Pwede bang mangyari yun? Ibibigay mo sa ka- one night stand mo? Alam kong may dahilan ka. Isa pa 'di ba may boyfriend ka? Bakit sa akin mo napiling ibigay ang virginity mo?"
"Pwedeng mangyari yun, Ivann. Ano pa bang kailangan kong ipaliwanag sayo? Kung ibinigay ko sayo ang virginity ko maibabalik mo ba 'yon? Nagkataon na mahina ako ng gabing yun at nandiyan ka sa tabi ko kaya naibigay ko sayo. Gustuhin ko man na bawiin ang mga nangyari ay hindi ko na magawa at kung tinatanong mo ako kung bakit hindi ko ibinigay sa boyfriend ko iyon ay dahil isang pagkakamali ang nangyari sa atin. Nagkasala ako, nagkaroon ako ng kasalanan sa kanya dahil sa halip na sa kanya ko ibigay ay sa ibang tao ko binigay at sa hindi ko pa kilala, okay na? Malinaw na sa'yo ang lahat?" tuloy-tuloy na sagot sa kanya ni Candice kaya hindi siya nakakibo.
"Ginulo mo ang tahimik kong buhay Candice at aaminin ko sayo--- hindi ka nawala sa isip ko pagkatapos ng gabi 'yon," pag-amin niya.
"Anong gusto mong mangyari ngayon?" tanong pa sa kanya ng babae. Kalmado na ito.
"Papayag ka ba kung sasabihin kung gusto kong magkaroon ng karugtong ang gabing iyon?"
"Kahit pa pag mamay-ari na ako ng iba?' tanong sa kanya ni Candice kaya hindi siya kaagad nakakibo.
"I want you, Candice. Nababaliw na ako sayo," sagot niyang nilapitan ang babae. Napasandal ito sa pader ng kanyang cottage. Titig na titig siya sa mga mata nito. "Hindi ako lasing ngayon at alam ko ang ginagawa ko. Gusto kong maging mahina ka ulit tulad ng gabing iyon---kung paano mo ako pinasaya."
"Ivann. Mali ito," tutol pa ni Candice sa kanya.
"Ano ang mali? Ang mali na pinipigilan natin ang init ng ating mga katawan. Gusto kong maging mahina ngayon. Gusto kong angkinin mo ako Candice----nang paulit-ulit," ani niya pang binulong iyon sa punong tenga ng babae kaya napapitlag ito.