CHAPTER NINE

1196 Words
NAGPUPUMIGLAS si Candice kay Frank upang makawala. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap ang relasyon niya kay Frank. Hindi niya ito mahal, wala sanang problema kung mahal niya ito pero kaunting nararamdaman ay wala siyang makapa sa kanyang puso. "Bakit ba kasi hindi mo pakisamahan si Frank? Siya ang pwedeng makatulong sa atin, lalo na ngayon na nakakulong ang ama mo. Mayaman si Frank Rivera at makapangyarihan, Candice. Gamitin mo naman yang isip mo. Pababayaan mo nalang ba ang pinakamamahal mong ama na makulong?" ani pa ng kanyang stepmother kung kaya tumulo ang kanyang luha. "Walang ibang pwedeng tumulong sa atin kundi siya lang. Sana ay mag-isip ka habang hibang pa sayo si Frank." "Tita naman kasi, hindi ko mahal si Frank. Alam ninyong hindi pwede ang pinapagawa ninyo sa akin. Hindi pwedeng maging kami." "So ano? Hahayaan mong mabulok ang ama mo sa kulungan?" sigaw sa kanya ng Tita Emy. Napaiyak siya. "Mag-isip ka!" sigaw pa sa kanya bago siya iniwan sa kanyang kwarto. Mahal na mahal niya ang ama at nang iwan sila ng ina para sumama sa ibang lalaki ay itinaguyod siya ng ama at pinag-aral. Hindi nga lang kaila sa kanya ang illegal nitong ginagawa. Her father was arrested for drug trafficking at ang boss nito ang ang business tycoon na si Frank. Kay Frank kumukuha ng drugs ang kanyang ama at kung may dapat man managot ay walang iba kundi si Frank. Hindi pwedeng pabayaan nito ang kanyang ama but knowing Frank? Ang mahalaga rito ay ang pangalan nito na hindi madungisan. Labag man sa loob ay lumabas siya ng kwarto dahil dumating si Frank at hinahanap siya. Pagbaba niya ay nakita niyang may hawak itong boquet ng rosas. “For you,” wika pa sa kanya ni Frank. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa lalaki na hindi man lang nagpasamalat sa lalaki pagkatapos niyang tanggapin ang bulaklak na binigay nito. “Masama ba na dalaawin ko ang mahal ko?” nakangiti pang tanong sa kanya ni Frank. Noon pa naman ay nagpapahiwatig na si Frank na may gusto ito sa kanya pero hindi niya pinapansin. “Have a seat,” ani niya. “Kumusta ang daddy? Kailan siya makakalabs?” tanong niya kay Frank. “May pinadala na akong abogado sa kanya. Hindi madali ang kaso niya Candice. Gusto kong malaman mo na may proseso ang batas. Isa pa malaking halaga ng drugs ang nakuha sa kanya ng mga pulis. Mauubos ang pera ko kapag binayaran ko yun sa lider namin. Alam mo naman ang trabaho namin, hindi ba? Kung bakit ba kasi hindi nag-ingat ang ama mo. Lahat kami ay nalagay sa alanganin dahil sa kanyang ginawa.” “Sino ba ang may gusto na mahuli siya? I’m sure hindi yun gusto ni Daddy. Kilala ko siya. Hindi niya kayo ilalaglag dahil kung mahalaga ang mga pangalan ninyo ganoon din sa daddy ko. Hindi na nga ako makapasok sa trabaho ko dahil sa kasong ito na pumutok pa sa media,” ani niya pa. Nagtratrabaho siya bilang isang structural engineer sa isang malaking kumpanya. Kakapasok niya pa lang sa kumpanyang iyon nabg mahuli ng mga pulis ang kanyang ama. Ayaw niya naman ng pag-usapan siya ng kanyang mga kasamahan kung kaya kusa na lamang siyang nag-resign. Isa pa ayaw niyang ipaliwanag sa mga ito kung anong buhay mayroon sila lalo na at tungkol sa droga ang kaso ng ama. Alam niyang ang tingin ng kanyang mga katrabaho sa kanila ay masasamang tao. "Walang may gusto sa mga nangyari Candice. Hindi ko naman sinisisi ang daddy mo, siguro nga nagkataon lang na siyang nahuli." "Tell me, Frank...Ano ang dapat kong gawin para makalaya ang Daddy? Hindi siya sanay sa buhay kulungan. Alam kong mahihirapan siya dun. Sigurado rin ako na iniisip niya ang sasabihin ng ibang tao sa kanya. He looks miserable in that jail. Hindi ko siya kayang makita sa ganoong sitwasyon." "Kung gusto mo ng tulong ko, alam mo kung ano ang gusto kong kapalit. Noon pa ay alam mong gusto kita, hindi ba? Sa panahon ngayon wala ng tulong na walang kapalit. Mahirap ba akong pakisamahan para hindi mo matutunang mahalin?" tanong pa sa kanya ni Frank kaya natigilan siya. "Dahil alam mong mali----- mali ang gusto mong relasyon. May asawa ka, Frank." "Pero ikaw ang mahal ko," giit pa ni Frank sa kanya. "Mahal na kita noon pa man. Kailangan mo ako Candice. Sa tingin mo ba makakapagtrabaho ka pa ngayon na pinagpipyestahan ng media ang buhay ng ama mo? Nang buhay ninyo? Baka bukas o sa makalawa ay sa kalsada na kayo pupulutin. Kailangan mo ako at kaya kitang protektahan kaya rin kitang tulungan sa Daddy mo." Hindi niya mapigilan ang hindi mag-isip sa sinabi ni Frank. Malaking pera na rin ang inilabas nito para sa kaso ng kanyang ama at kung hindi dahil dito ay baka patuloy pa rin na pinagpipyestahan ng media ang kanilang mga buhay. Pagkatapos pumuntok ang balita tungkol sa kanyang ama ay binayaran lahat ni Frank ang mga dapat bayaran at nagkaroon ng news blackout. "Wala naman dapat na makaalam sa relasyon natin. Alam mong maingat din ako pagdating sa mga bagay na ganito," ani pa Frank. Ginagap nito ang kanyang kamay kung kaya hindi siya tumutol. Simula ng araw na iyon ay naging sunod-sunuran na siya sa lahat ng gusto ni Frank. Lahat ng gusto niya ay binibigay nito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalaya ang kanyang ama. Hindi pa rin natutupad ni Frank ang pangako nito sa kanya. Nang gabi na nakilala niya si Ivann ay masyadong magulo ang kanyang isip. Oo naging mahina siya ng gabing iyon. Hindi niya kilala si Ivann pero habang nag-uusap sila ay may kakaiba siyang naramdaman para sa lalaki. Sa tingin niya ay halos magkaedad lamang sila ng lalaki hindi tulad ni Frank na mahigit sampung taon ang gap ng kanilang mga edad. Kay Ivann niya naramdaman ang unang pagtibok ng kanyang puso. Sa mga naging pag-uusap nila ng gabing iyon ay naging magaan ang kanyang loob sa lalaki. Hindi na siya nag-isip pa at inalay niya ang kanyang p********e kay Ivann. Naging napakasaya niya ng gabing iyon. Nagpanggap siya na mahal niya ang lalaking unang unangkin sa kanya. Ngayon na muling nagkrus ang kanilang landas ay parang kumuha siya ng bato na ipupukpok niya sa kanyang ulo. Ginugulo siya ni Ivann at tulad niya ay hindi nito makalimutan ang mainit na gabi na kanilang pinagsaluhan. "CANDICE!" sigaw ni Frank sa kanya. Gusto nitong may mangyari sa kanila. Handa naman na siyang ibigay ang sarili sa lalaki dahil iyon ang kapalit ng lahat ng ibinibigay nito pero dahil kay Ivann na hindi niya naman kilala ay at sa pagbabanta nitong susugurin siya sa kanilang cottage ni Frank at pilit siyang tumatakas mula sa mga kamay ni Frank. "Bumalik ka rito!" sigaw pa ni Frank pero hindi niya ito pinansin. Masakit ang anit niya sa ulo dahil hinila ni Frank ang kanyang buhok. Lasing na lasing ito at hindi niya gusto kapag nalalasing ang lalaki. Pakiramdam niya ay nakipagkasundo siya sa isang halimaw. Tulad ng kanyang ama ay pag- aari na siya ni Frank.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD