PATAY! ANO’NG GAGAWIN ko ngayon dito? Lahat ng puti niya naging pink... but the colored ones were still okay. Napabuntonghininga na lang ako. I put it in the dryer at mamaya ay tuyo na rin ’yon. Ang sunod kong pinuntahan ay ang boxers niya. To my horror, the whites were very white at ang mga itim naman ay... hindi na kulay itim. Para bang naging light black tapos... huhubels! May mangilan-ngilan na orange. Hindi lang ’yon, may ilang butas pa ang mga ito. Was it the bleach? E, bakit sa patalastas, hindi naman nabutas? Dali-dali kong ibinuhos ang pinagbabaran ko ng boxers at pinatuluan iyon ng malamig na tubig. Binanlawan ko ’yon ng kamay gamit ang tig-dalawang daliri ng kamay ko. I couldn’t fully touch his underwear. Kahit nilagyan ko na ’yon ng bleach, baka may... what do you call that a