UMALIS NA SIYA pagkatapos akong bigyan ng instruction. I can’t believe I passed out because of his pigsa story. Ugh! Mahina talaga ang sikmura ko sa mga ganoong bagay. Padabog akong tumayo at inabot ang mga gamit ko saka nagtuloy sa kuwarto. Hindi ko naitanong sa kaniya kung may uniform akong kailangang suutin. Si Trining kasi ay mayroon at si Manang. Para na rin siguro hindi madumihan ang mga personal nilang damit. But I didn’t see anything in my room, so I guess okay na itong casual clothes ko. Dinala ko ang bihisan ko sa banyo at mabilis na naligo. I blew dried my hair too at dahil manipis lang naman ang buhok ko ay madali itong natuyo. I changed my mind about putting it on a ponytail. Instead, nilagyan ko iyon nang kaunting waves. I also put a little bit of make up on. Kaunti lang