FOUR
Nasa byahe pa lang patungo sa bahay nila tulog na ang mga bata. Wala namang reklamo ang kapatid na siyang may kandong sa mga ito. Si Lila inabala na lang ang tingin sa labas ng bintana. Naglalakihang mga billboard ang makikita roon. Pero isang billboard ang umagaw ng kanyang atensyon.
It's her brother Thomas together with five Billionaire business man. Kilala niya ang katabi ng kapatid. Paris El Frid, asawa ito ni Belle El Frid. Carmela's bestfriend. Sa Isla Arguilla ang mga ito nag-honeymoon at nag-stay ang mga ito roon ng ilang araw.
Sila pa nga ang kasama niya sa clinic ng Isla ng manganak siya. Nang pabinyagan niya ang kambal ay bumalik sa Isla ang mag-asawa dahil kinuha niyang Ninang ng kambal na anak si Belle.
At kung di siya nagkakamali ang katabi naman ni Paris ay ang kapatid nito na si France. Nakwento na ng kapatid niya na ito ang ama ng anak sana ni Carmela. Playboy daw ang lalaki at sinaktan lang ang kakambal niya. Bilin pa nito na ganoong uri ng lalaki ang dapat niyang iwasan.
Napabuntong hininga siya saka nagdesisyon matulog muna.
---
Nang marating nila ang Arguilla's Mansion, sinalubong sila nila Marikit at Tal na tuwang-tuwa ng makita ang mga pinsan nito.
"Play, play!'' Tili ni Tal sa mga ito. Kaso tulog pa naman. Lumapit siya sa kapatid at kinuha si Halina.
"Later Tal, rest muna sila!" Ani ni Lila na humalik dito saka kay Marikit. Ang babaeng apo ni Maria Clara sa sobrang hinhin. Tinalo pa ang kahinhinan niya.
"Pakihatid sila sa magiging kwarto nila." Utos ni Thomas sa mga kasambahay na nakaantabay sa kanila. Naibaba na ang mga maleta nila at iniakyat na sa ikalawang palapag ng mansion.
Iniakyat nila ang kambal sa silid na inihanda para sa mga ito. May tatlong kama para sa kambal at sa Yaya Ami ng mga ito. Habang si Lila ang dating silid na katapat lamang ng silid ng mga bata ang gagamitin niya. Never pinabayaan ang kwarto kahit matagal siyang na wala sa mansion.
Nagawi ang tingin niya sa larawan ng babaeng nakasabit sa pader malawak ang ngiti ng babae sa larawan. Alon-alon ang buhok nito at may hawak na wine glass. That woman in the picture is Carmela Arguilla , a happy go lucky girl. Lumapit siya sa larawan at pinakatitigan iyon. Kahit iisa ang kanilang mukha, makikita agad ang pagkakaiba nilang dalawa. Mula sa ngiti na palaging kimi ni Lila, habang ang babaeng ito na nasa larawan ay may malawak na ngiti na waring ngumingiti din ang mga mata. Sa kulay ng buhok lalo na sa kanilang mga kutis. Morena siya habang ang kutis ni Cara ay maputi.
"Ma'am?" Nilingon niya ang pinto ng may kumatok. Inihanda niya ang kiming ngiti saka lumapit roon at binuksan ang pinto. Si ate Ami pala iyon.
"Si Nana po tumatawag!" Tinanggap niya ang cellphone na inabot nito. Saka nagpasalamat.
"Na?"
"Kumusta kayo dyan?" Excited na tanong nito.
"Ayos naman po, kadarating lang namin!"
"Ang kambal?"
"Tulog na pagod sa byahe!"
"Ganoon ba, sige inalam ko lang kung safe kayong naka byahe! Ingat!"
"Ingat din po kayo dyan Nana!"
---
"Isasama nyo ang kambal?" Tanong niya sa mag-asawa. Kagigising lang niya at sinabi ni Ate Ami na gusto siyang makausap ng kapatid.
"Alam kong ayaw mong pumunta sa company, kaya sila Hira ang isasama ko! Ipapasyal din namin ang mga bata!"
"Ganoon ba, kayo na ang bahala isama nyo si ate Ami may kalikutan yan lalo na si Hira!"
"Mama!" Malakas na sabi ni Hira. Ready na ang mga ito at may suot suot pa ngang bag na B1 and B2.
Sinenyasan niya ang mga ito na lumapit.
"Magpapakabait po kami ni Hira Mama!" Sabi agad ni Halina na ikinatawa niya. Kabisado na talaga ng mga ito ang linyahan niya.
"Lagi din kaming maghahawak kamay like this!" Naghawak kamay nga ang mga ito.
"At ano pa?"
"Wag pasasakitin ang ulo ni Yaya Ami!"
"Good! Kiss ko!" Sabay na humalik ang mga ito sa magkabilang pisngi niya.
Isinama ng kapatid ang kambal, si Tal at Tala saka si Marikit. Isinama din ang dalawang Yaya ni Tal at si Ate Ami.
Habang siya nag-decide siyang ngayon na bisitahin ang puntod ng magulang. Nagpaalam naman siya sa kapatid at ayon dito sasama ang mga bodyguards sa kanya.
---
"Hi Mom, Hi Dad!'' Aniya ng mailapag ang bulaklak na dala. Nagsindi din siya ng kandila sa mga ito. Nang sulyapan niya ang puntod ni Carmela ay may bulaklak na mukhang fresh pa. Impossible na ang kapatid ang bumisita ayon dito isang buwan na daw ng huli itong magpunta sa cemetery.
Pero nagkibitbalikat lang siya. Baka kasi kaibigan ni Cara ang nag-iwan nun.
Umusal siya ng panalangin para sa mga ito. Nang may naramdaman siyang presensya. Chill, hindi ng multo kundi ng taong may nakakaakit na Amoy. Nagmulat siya ng mga mata at sinulyapan ang taong nagmamay-ari ng amoy na iyon.
"Carmela?" Anas ng lalaki. Hindi ipinahalata ni Lila na nagulat siya sa lalaking nasa harap ngayon at nakuha pa niyang ngumiti dito.
"Para kang naka kita ng multo. Si Carmela ba ang binibisita mo?"
"C-ara!" Bahagyang tumawa si Lila.
"I'm not, I'm Lila Arguilla! Carmela's twin sister!" Aniya habang pinagmamasdan ang mukha ng lalaki. Ngunit umiling lang ito at waring di naniniwala. Humakbang ito palapit sa kanya at mahigpit itong yumakap.
Napasinghap si Lila sa gulat pero ng makabawi nagpumiglas siya at itinulak ang lalaki.
"Carmela!"
"Carmela is dead, she's dead!" Sabay turo niya sa puntod ng kakambal. This dude is crazy. Hindi porke kamukha niya ang isang tao ay pwede na siyang yakapin na lang basta.
"Stop lying, bakit Arguilla? Pinakasalan mo talaga si Thomas? I asked you to wait---"
"Stupid, Thomas Arguilla is our older brother Cara and I---we're twins!"
"Brother?" Gulong-gulo na sabi nito. Ngumiti lang siya saka nagsalita.
"Move on dude, Cara is dead!" Saka tumalikod at iniwan itong Waring natulos sa kinatatayuan nito.
"Cara!" Nahinto siya sa paglalakad. Ngunit nanatiling nakatalikod dito."Alam kong ikaw yan, magbago ka man ng ayos! Ikaw pa rin ang Carmelang mahal ko!"
Hindi na ni Lila hinintay na matapos ito sa pagsasalita. Kung bakit ba naman kasi pati katol sinisinghot na ng mga tao ngayon. Tuloy ang lakas ng tama ng isang yun. Hay naku talaga.