Chapter Three
Pinagmamasdan ni Lila ang kambal na mga anak na masayang nakikipaghabulan sa Yaya Ami ng mga ito at ni Tala. Tili ng tili lalo na si Hira. Kahit tirik ang araw hindi man lang ininda ng mga ito. Palibhasa kahit mababad sa arawan mamumula lang ang balad at bumabalik din sa mala snow white na kulay ang kanilang mga balat.
Hinihintay niya ang tawag ng kapatid na si Thomas. Tinext kasi niya itong gusto niyang makausap tungkol sa pamangkin na si Tala. Ayaw niyang lumaki ang nadaramang tampo at takot ng bata. Hindi kasi iyon ang ipinangako ng mag-asawa ng ampunin nila si Stelaluna o mas sanay ang lahat na tawaging Tala.
Hindi naman nagtagal at nag-ring ang phone niya. Dali-daling sinagot niya ang tawag nito.
"Lila!" Seryoso ang tinig nito. Bahagya siyang napangiti. At least hindi ito nagkamali ng tawag sa kanyang pangalan. Madalas Carmela ang unang binibigkas nito. But she's not Carmela, Cara is already dead! Her twin sister is dead.
"Anong pag-uusapan natin?" Sabi ng kapatid. Muli siyang tumingin kila Tala. Saktong lumingon ang mga ito kaya kumaway siya. Saka muli ang mga itong naglaro.
"This is about Tala!" Tumahimik ang kapatid sa kabilang linya. Saka narinig ni Lila ang pagbuntong-hininga ng kapatid sa kabilang linya. Saka siya nagsimulang nagkwento rito ng napag-usapan nila ng pamangkin.
"Yan ang nararamdaman niya?" Naramdaman niya ang lungkot sa tinig nito.
"Yeah, you still can do something about it kuya! It's not yet too late---Stelaluna needs you and Marikit! Kahit hindi ninyo siya tunay na anak kuya alam kong Mahal ninyo si Tala!"
"Can you help me? Pwede bang sumama kayo kapag pinasundo ko siya dyan sa isla? Hindi ko naman talaga siya gustong iwan dyan pero ikinapapahamak na kasi niya ang mga kalokohang ginagawa niya!"
"Kuya, kausapin nyo siya! Hindi naman mahirap gawin yun diba? Kesa tuluyan siyang masaktan kasi ang tumatanim sa isip niya ay di nyo siya mahal dahil ampon lang siya! Sasama kami ng mga bata, siguro tama lang na makita nila ang mundo sa labas ng isla!" Aniya.
"Thanks Lila, ipapahanda ko ang susundo sa inyo!"
"Okay!" Aniya na nagpaalam na saka ibinaba ang tawag. Nagpasyang tumayo at tunguhin ang mga bata.
"Kids, uwi na muna tayo! May kailangan sabihin si Mama sa inyo!"
"Pati kami Tita?" Tanong ni Tala na agad niyang tinaguan.
"Yes, pati si Yaya Ami!"
"Tungkol saan ba yun Mama?" Tanong ni Hira habang pabalik sila sa mansion. Hawak ito ni Tala sa kanang kamay at palingon-lingon sa kanya. Si Hali naman ang hawak-hawak niya.
"Later!" Aniya na nangingiti. Pasaway talaga, hindi makatiis pag sobrang curious.
---
Nang marating nila ang sala ng mansion agad na umayos ng upo ang mga ito at waring excited ang mga mukha sa sasabihin niya.
"Nakausap ko si kuya Thomas!"
"Si Uncle?/ Si Dad!" Mabilis niyang iniangat ang kamay at nagpipigil ng tawa dahil mas lalong na-excite ang mga ito.
"Yes, at magbabakasyon tayo sa manila!" Napatili ng sabay-sabay ang mga ito kahit si Halina. Napangiti si Lila dahil masaya siyang makita na masaya ang mga ito. Tumayo si Tala at nangingiting lumapit sa kanya saka yumakap dito.
"Did you already talked to Daddy?" Mahinang sabi nito sa kanya. Ngumiti lang siya rito at hinalikan ang noo nito.
"Thanks tita!"
"You're welcome!" Sabi ni Lila at iginiya ito paupo. Wala naman na siyang dapat ikatakot when it comes to her family's safety. The best ang kuya Thomas niya pagdating sa pag-aalaga at pagprotekta sa kanila."Dadating ang sundo natin, so dapat mag-impake na tayo!"
"I wanna help!" Tili ni Hiraya saka nauna ng tumayo at tatakbo na sana patungo sa hagdan ng magsalita si Halina.
"Don't run Hiraya!" Huminto si Hira saka lumingon sa kapatid.
"Okay Halina!" Saka ito lumapit at kumapit sa mga kamay ni Hali.
---
"Uncle!" Tili ni Hira ng makababa silang lahat ng private plane at makitang naghihintay na ang kapatid niyang si Thomas at mga bodyguards. Kumawala ang kambal sa pagkakahawak niya at tumakbo patungo dito. Lumuhod naman si Thomas at niyakap ang mga ito. Si Tala ay tinapik pa ni Lila para lumapit sa ama.
"Daddy!" Yumakap din ito kay Thomas. Saka humalik sa pisngi ng Daddy nito.
"Let's talk later?" Masuyong sabi nito sa anak na mabilis na tumango. Binuhat ni Thomas ang kambal. Saka bumaling ang tingin kay Lila.
"Let's go home?" Masuyong tanong nito sa kapatid na mabilis na ikinangiti ni Lila. Ilang taon na din simula ng umuwi siya sa kanilang tahanan. Limang taon na din. Noong buntis siya mas gusto niyang manatili sa hacienda kasama si Carmela na buntis din mga panahong iyon. Kaso dahil sa nangyari sa kakambal mas pinili niyang manatili sa Isla dahil ligtas roon. Habang ang kapatid nanirahan sa mansion ng kanilang mga magulang dito sa siyudad.
"Uncle where is Tal? The iyakin?" Tanong ni Hira. Pinsan nito si Tal mas matanda lang ng isang taon ang kambal dito.
"Hiraya!" Saway niya sa anak. Umaariba nanaman ang kadaldalan eh.
"Sorry po!" Sabi nito na nag-peace sign pa. Ang dami talang alam.
Sumakay sila sa isang itim na van. For sure bulletproof iyon bukod doon madami ding kasamang security ang kanyang kapatid.
"Kuya, gusto kong bisitahin ang puntod nila Mom and Dad!"
"Yeah, Walang problema!" Ani nito na abala ang tingin sa kambal. Ang kapatid niya ang naging father figure sa mga anak. Minsan nga na rinig niya ang mga ito na sana daw hindi na lang namatay ang Papa nila na madalas nilang bisitahin ang puntod sa isla. Doon ito inilibing. Hindi nga niya na bisita ang burol ng kapatid na si Carmela dahil kasama din ang kanyang kasintahan sa pagsabog ng van na kinalululanan ng mga ito. At sa isla ito ibinurol dahil siya na lang ang pamilyang meron ito.
"Mama, isasama mo ba kami pag binisita natin sina Lolo and Lola? Si Tita Carmela po?"
"Oo anak sasama kayo pag binisita natin sila, pati si Yaya Ami isasama natin" Aniya na ikinatango ng mga ito.
"Uncle, pwede mo ba kami isama sa work mo? Sabi ni Ate Tala, namamasyal daw sila ni Tal sa work place mo!" Sabi ni Halina sa uncle nito. Hindi pa na kontento at kumandong pa sa kuya Thomas niya gumaya naman si Hiraya na mukhang inaantok na dahil siguro sa mahabang byahe nila.
"Of course, lahat ng gusto ninyo gagawin natin because that's what Arguilla's princess deserves!" Ani ni Thomas saka sinulyapan si Tala na nag-cecellphone. Sakto namang lumingon ito na narinig ang sinabi ng ama.
"Am I one of Arguilla's princess, daddy?"
"Of course my love, you're my princess!" Ani nito na ikinangiti ni Tala.