Chapter 3

1043 Words
WULFRIC Wala ang pamilya ni Roselle at titigil daw ang mga ito ng isang araw sa Tagaytay. Nagtataka ako kung bakit hindi s'ya sumama at sa halip ay mga kaibigan ang pinili. Kasama n'ya si Glenda kanina pero may dumating pang dalawa na parehong hindi ko kilala. Pakiramdam ko ay nasa contest sila kung sino ang may pinakamalalim na neckline ng blouse kaya naman ang mga lalaki sa bar ay panay ang sulyap sa kanila. "Upo ka. Ikukuha lang kita ng maiinom," sabi sa akin ni Roselle. Ang bahay nila ay yari sa bato at nasa isang subdivision. Bungalow ang style at siguro ay may dalawa hanggang tatlong kwarto. Not bad dahil nagbabarko naman ang stepfather n’ya, at least ay may pundar. “Dito ka na matulog at ihahatid na lang kita bukas pagkakain natin ng agahan. Medyo pagod na kasi ako kung lalabas pa tayo.” “Pwede naman akong magtricycle pauwi kung pagod ka na. Baka kasi magalit ang mother mo kapag dito ako nagpalipas ng gabi.” Ipinatong ko sa lamesita ang baso ng tubig na ininuman ko. Kaagad na kumalong sa akin si Roselle. “Ayaw. Dito ka lang. Gusto kong matulog sa tabi mo.” Yumakap s’ya sa akin. Nang maghikab s’ya ay tinanong ko kung alin ang kwarto n’ya at sinabing sa dulong kaliwa. Binuhat ko s’ya habang nakapaikot ang mga binti n’ya sa baywang ko. Napatawa ako nang maramdaman ang mga labi n’ya sa aking leeg. “Akala ko ba inaantok ka na?” bulong ko sa kanya habang naglalakad ako papunta sa kwarto n’ya. “Hmm.” Nang marating namin ang kwarto n’ya ay bumaba mula sa pagkakakarga sa akin at tinungo ang banyo. Ang mga babae kasi ay may mga ritwal sa gabi bago matulog. Ang siste, wala akong pamalit. Naghubad na lang ako ng pantalon at t-shirt. Isinampay ko ‘yon sa silya malapit sa study table n’ya para hindi gusot ang suot ko bukas pag-uwi sa amin. Kakatok pa lang ako sa banyo nang biglang bumukas ‘yon at lumabas si Roselle na nakatapi lang ng tuwalya. Nagshower s’ya pero hindi binasa ang buhok at amoy na amoy ko ang sabon na ginamit n’ya. “Libre na ang banyo kung gusto mong gamitin," sabi n'ya sa akin. Nagtuloy ako sa banyo para umihi at maglinis ng katawan ko bago matulog. Medyo maalinsangan ang panahon kanina at ayaw kong mahiga sa kama na nanlalagkit. Hindi pa rin bihis si Roselle nang makalabas ako ng banyo at naglalagay ng lotion sa katawan. “Saan ka nahihiga? Kaliwa o kanan?” tanong ko sa kanya. “Sa kanan.” Kinuha ko ang remote ng TV bago nahiga. Si Roselle ay kumuha ng oversized t-shirt at isinuot ‘yon saka tumabi sa akin. Niyakap ko s’ya at inihimlay ko ang aking pisngi sa kanyang tiyan habang nilalaro n’ya ang buhok kong medyo may kahabaan na. “Anong pinapanood mo?” “Documentary,” sagot ko sa kanya. “Ang boring naman n’yan." Inagaw n'ya ang remote sa akin at saka pinatay ang TV. "Tulog na lang tayo." Minsan na lang akong makapanood ng TV ay nabiso pa. "Okay. Late na rin naman." Nang matanaw ko ang orasan kanina sa kwarto n'ya ay alas dos y media na ng umaga. Umayos ako ng higa at sa lambot ng kama n'ya ay mabilis akong dinalaw ng antok. Nagising na lang ako paumaga na nakayakap sa akin si Roselle at wala s'yang suot na panty kung ‘di ang oversized t-shirt. Sinipa n'ya siguro ang kumot kagabi at ngayon ay hantad na hantad sa akin ang kanyang katawan. Inabot ko ang kumot at itinakip sa kanya saka bumalik uli sa tulog. Hindi ko alam kung nananaginip s'ya kaya kung saan-saan dumadapo ang kanyang kamay o sadyang mahilig lang s'ya. But when she started stroking me, napapikit na lang ako at inenjoy ang ginagawa n'ya. Inililis n'ya ang kanyang damit at idinait sa akin ang kanyang dibdib. Wala kaming pormal na relasyon at tuwing magkikita na lang kami ay nauuwi sa s*x. Hindi ko rin alam kung may iba pa s'yang lalaki at sa totoo lang ay ayaw kong magtanong. *** Nang makauwi ako sa bahay ay sinulyapan ako ni Nanay na kasalukuyang naghihiwa ng sibuyas. Nagmano ako sa kanya at dahil hindi makatiis ay nagtanong. "Anak, tuwing may tugtugan ay alam kong inuumaga ka ng uwi. Pero bakit pakiramdam ko ay may kasamang pambababae 'yang tugtugan na 'yan? Baka masira ang pag-aaral mo," paalala n'ya sa akin. Bago pa ako nakasagot ay nagsalita na s'ya uli. "Alam kong binata ka at malaki ka na, pero ako pa rin ang Nanay mo at tungkulin kong paalalahanan ka. Nasa iyo pa rin naman ang desisyon. Ang sa akin lang, huwag kang magpadalos-dalos. Kakaiba na ang mga babae ngayon at parang kendi lang kung ipamigay ang sarili nila." "Nanay, napaparanoid ka na naman." "Wulf, ayaw lang kitang mapikot. Sa hitsura mo ay marami ang nagkakagusto sa 'yo. At ang kaalaman na tumutugtog ka sa banda ay karagdagan pang puntos. Alam mo, kahit 'yong mga musikero na hindi kagandahang lalaki ay maraming naaakit na magagandang babae. Iyon ang mahika ng musika. Kaya mag-iingat ka riyan sa mga nakikilala mo." Hindi ko masisi si Nanay dahil marami kaming plano sa buhay at ang isa roon ay makaahon sa hirap. Gusto kong makaalis kami rito sa Aplaya at manirahan sa isang mas tahimik na lugar. Dito sa amin ay palagi na lang may nag-aaway at puro inuman ang paligid. Talamak pa ang prostitution at ayaw kong makalakihan 'yon ng kapatid ko at isipin na normal. "Huwag kang mag-alala, ‘Nay. Maayos ako at isa pa ay nag-iingat ako." Lumipas ang dalawang buwan… Bihira na kaming magkita ni Roselle. Siguro ay once a week na lang at kahit sa school nila sa tapat ay hindi ko s'ya nakikita sa usual spot kasama ng mga kaibigan n'ya. Naisip ko na lang na baka may lakad sila ng kanyang pamilya o baka naman nanawa na sa akin at may iba na. Ganoon na lang ang gulat ko nang madatnan s'ya sa bahay namin. Nasa sala s'ya at nakatindig. Ayaw sigurong umupo sa bangko. "Roselle, anong ginagawa mo rito?" May kakaiba sa kanya pero hindi ko matukoy. "Buntis ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD