CHAPTER 6 “Hindi ninyo kailangang gawin ‘yan. Here’s the key pero please, Mayor. Huwag ninyong saktan ang bata. Daanin na lang natin ito sa batas!” narinig kong pakiusap ng Dean namin. Dinig kong binubuksan na nila ang pintuan at alam kong masusukol na nila ako Tumitig ako sa painting. Hinawakan ko ito na nanginginig ako. Bumukas ang pinto. Masusukol na nila ako! Hindi ko alam kung anong nangyari. May naramdaman kasi akong enerhiya na humigop sa akin at bigla na lang akong parang nasa ibang mundo na kahit anong gawin ko ay wala akong kontrol. Hanggang sa pagkabukas ng pintuan ay saka naman ako biglang parang nakaramdam ng kakaiba. Ibang lamig. Ibang lakas. Ibang katauhan. Inilibot ko ang aking paningin. Pamilyar sa akin ang nakikita ko. Kung ano ang nasa painting iyon ang nakikita