CHAPTER 7 “Paano ho nangyari iyon?” tanong kong naguguluhan pa rin. Isang bata ang bigla na lang dumating sa gitna ng pag-uusap namin ng nagpakilalang ina ko. “Ipagpaumanhin na ninyo Mahal na Reyna,” yumuko sa aking Inang Reyna kung siya nga talaga ang aking tunay na ina. “Nakahanda na po ang pagkain ng mahal na Prinsipe.” “Sakto! Salamat bata. Kanina pa ako nagugutom,” sagot ko. Ngumiti ang reyna. “Maraming salamat Zoyd. Susunod na kami.” Tumango ang tinawag ng Reyna na Zoyd ang bata at napakabilis niyang nawala. Parang isang hanging basta na lang dumaan. Kaya pala kanina ay hindi ko naramdaman ang paglapit niya sa amin kanina. “Hindi na bata si Zoyd kung edad sana ninyo sa mundo ng tao ang pag-uusapan. Dahil dito siya lumaki sampung taon lang siya kaya tingin mo sa kanya bata ng