FIRST BRAWL

2793 Words
CHAPTER 5 “Oh ano? Lalaban ka!” singhal niya sa akin. Kinuwelyuhan pa niya ako. Nakangisi na nang-iinis. Tinanggal ko ang aking salamin. Pinunasan ko ang lugaw sa aking mukha. Ramdam ko ang hapdi pero mas nangibabaw ang galit kaysa sa sakit ng lugaw sa aking anit. Ibinalik ko ang samain ko pagkatapos ko ring punasan. Tumitig ako sa kanya. Palabang tingin. Tinanggal niya ang salamin ko sa mata. Hinayaan ko lang siya, Binagsak niya sa sahig at buong lakas niyang tinapakan. Basag. Lalo akong nagngitngit sa galit. Inaambaan niya ako ng suntok. “Damon, huwag!” itinulak ni Fate si Damon palayo sa akin. “What else do you want from him! Binuhusan mo na siya ng lugaw. Is that not enough? Please stop doing this to him!” Iniharang ni Fate ang sarili niya katulad ng lagi niyang ginagawa sa nakaraan. “Umalis ka nga riyan, Fate. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kung mangingialam kang muli.” “Look Damon! This is crazy! Huwag mong panindigan ang pangalan mong Damon. Tignan mo siya. Tignan mo ang katawan niya. Nasa hitsura ba niya ang lumalaban ha? Piliin mo ang kalabanin mo. Yung alam mong kaya ka at hindi yung mga taong wala namang ginagawa sa’yo!” “Tama siya, Fate. Umalis ka riyan!” buo at palaban kong sinabi. “Pare! Narinig mo ‘yon? Narinig ninyo ‘yon?” kantiyaw ng isa sa kasama ni Damon. Apat lahat silang nakapalibot na sa amin n Fate. Panglima si Damon. “Tang-ina lalaban nga, P’re! Tignan mo yung kamao niya oh, naninigas!” “Tumabi ka muna ro’n, Fate at baka madamay ka. Salamat sa pagmamalasakit ngunit hindi ko na ngayon kailangan. Tama na!” “Aba! Lumalaban nga!” si Damon. “Sigurado ka? Kaya mo?” paninigurado ni Fate. Mukhang wala siyang tiwala sa akin na kaya ko samantalang siya kanila ang nag-advise na lalaban ako. Tumango ako. Hindi man sigurado pero ilalaban ko ito. “Lima sila. Mag-isa ka lang. Hindi mo sila kaya. Yes, sinabi kong lumaban ka pero hind isa lima.” “Let me handle this. I know, I can.” Huminga nang malalim si Fate. Wala siyang magagawa pa kundi ang umatras. Lumayo dala ang painting ko. Halatang natatakot at kinakabahan siya para sa akin. Itinulak ako ni Damon. “That was it?” tanong ko. Natatawa. Hindi man lang niya ako natinag. Napalunok siya. “Yabang mo ah! Oh eto!” Muli niya akong itinulak, buong lakas na sa kanya iyon pero siya ang parang tumilapon na ipinagtaka niya at ang kanyang kasamahan. “Pare, nakita mo ‘yon. Ikaw itong tumulak sa kanya pero ikaw ang tumilapon! Para ka lang niyang pinitik, P’re!” puna ng kanyang kasama. Ipinagtaka iyon ng lahat na nanonood sa amin. Tumigil ang ilang palayo na sana. Bumalik sila at nanood. Naglabas na ng ilang ng cellphone pero alam kong dati pa may nagla-live na. Mabilis na bumangon si Damon. Nilapitan niya akong galit na galit na. Sinuntok niya ako ngunit nasangga ko agad. Hawak ang kanyang kamao. Pinisil ko iyon. Narinig kong parang nadislocate na yata ang buto niya sa kamao. Namula siya sa sakit ngunit hindi sapat iyon para tumigil siya. Nang sipain niya ako ay sinangga ko muli at bumagsak siya. “Tang-ina mo! Hindi kagaya mo lang na iskwater ang tatalo sa akin!” sigaw niya. Galit na galit. Nilapitan ko siya. Sinakal at binitibit paitaas. “Iyon lang ba ang kaya mo? Iyon lang ba ang pinagmamalaki mong lakas mo!” sigaw ko. Nakaangat na siya sa sahig. Nagsimula nang tulungan siya ng kanyang mga kasama. Pinalibutan nila ako. Bago pa man dumapo ang suntok o sipa ng kanyang mga kasama ay ibinato ko siya sa tatlo sa kanila. Dumausdos sila sa lakas ng ginawa kong iyon. Marahil malakas na iyon para sa iba pero para sa akin hindi. Nagtumbahan ang mga mesa at upuan na dinaanan ng dumausdos na katawan nina Damon at dalawa niyang kasama. Ang kanina ay apat niyang back-up ay nadagdagan pa ng dalawa. Apat na ang nakapalibot sa akin. Tatlo sina Damon na bagsak na. Nang sabay-sabay akong sugurin ng apat ay binigyan ko sila ng round kick. Ako man ay nagulat sa taas ng talon ko at ang pananatili ko sa ere hanggang dalawang beses akong umikot sa kanila ng sipa na siyang dahilan ng pagtilapon ng katawan ng lahat sa sulok. “Owwwwww! Nakita ninyo ‘yon? Sobrang lakas ni Erron!” narinig kong puna ng ilan sa mga kaklase ko. Dumami na ang mga tao. Hindi pa rin nawawala yung galit ko sa ginawa ni Damon sa akin. At nakita ko siyang tumayo. Naglabas na siya ng armas. Sasaksakin na niya ako. Ganoon din ang kanyang mga kasama. May kumuha ng upuan na siyang gagamitin nilang pamalo sa akin. Ang ilan ay may panaksak na hindi ko alam kung paano nila naipasok sa campus. Hindi ako umatras. Wala akong naramdamang takot. Nai-imagine ko lang ang sarili ko na nasa laro lang ako. Ako ang bida sa isang mobile game. “Lalaban ka talagang hayop ka ha! Tignan natin ngayon ang galing mo!” banta ni Damon na basag na ang labi. Akala niya aatras na ako. Akala niya susuko na lang ako sa kanya kasi may armas siyang dala. Hinintay ko siyang makalapit. Hinayaan kong uundayan niya muna ako ng saksak. Iyon nga ang kanyang ginawa. Inundayan ako. Nakailag ako at nahawakan ko ang kamay niyang may hawak na kutsilyo. Pinilipit ko iyon na parang wala lang. Nabitiwan niya ang kutsilyo. Sinipa ko ang kutsilyo. Pumaimbulog saka ko sinalo at sa mismong harap niya. Binali ko na parang stick lang ng barbecue ang makapal niyang knife. Inihagis ko sa basurahan. Swak! Nagpalakpakan ang mga tao. Pawisan na hindi makapaniwala si Damon. Muli siyang umabante para suntukin ako. Tumalon ako. Umikot at kisapmata. Dumapo ang sipa ko sa kanyang mukha. Tumilapon ang pustiso niya. Lumabas ang kapangitan niya. Pagkababang-pagkababa ko mula sa halos palipad ng sipa ko ay binigyan ko siya ng power jab. Tumilapon siya sa lakas no’n. Muli kong sinundan hanggang sa kanyang kinabagsakan. “Okey na! Hindi na ako lalaban! Hindi na kita lalabanan!” Nagtaas siya ng kamay. Tanda ng pagsuko dahil duguan na siya at parang lantang gulay. Ngunit ang apat niyang kasama ay hindi pa sumuko. Dalawa ay hindi na nakatayo. Sabay-sabay silang lumapit na may armas. Inuna ko ang isang uunday ng saksak sa akin. Sinangga ko ang kamay saka ko pinisil na parang wala lang ang kanyang braso. Saka ko binali ang kamay na may hawak ng knife. Nagsisigaw siya sa sakit. Mabilis na sumunod ang hahataw sa akin ng upuan. Isang malakas na sipa sa dibdib ang pinakawalan ko. Tumilapon ng ilang metro din ang layo sa akin. Ang isang may panaksak ay sinipa ko sa kamay. Nabitiwan niya ang knife saka ko hinawakan ang isang paa niya at iwinasiwas paikot at binitiwan ko. Dumausdos ang katawan hanggang sa labas ng canteen. At ang huli ay hindi na tumuloy. Binitiwan ang kanyang pamalo at nagtatakbo palayo. Dumating ang mga nagtatakbuhang mga guard ng aming campus pati na rin ang aming Dean para rumosponde. Tumigil ako. Nakaupo lang na parang walang nangyari. Nagtataka ang ilan kung paano ko nagawa iyon. Kita ko sa mukha nila na parang nakasaksi sila ng isang totoong buhay na laban ng isang superhero at villain. Pinapareport kaming lahat sa office ni Dean. Binitbit ng mga guards namin ang mga lantang gulay na mga kasama ko. Si Dean ang lumapit sa akin. “Marami kang dapat ipaliliwanag sa akin.” Nilingon ko si Fate. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita niyang ginawa ko. Nagpalakpakan ang mga binully dati ni Damon. Nakita ko ang saya sa kanilang mukha. Para silang nakakita ng tagapagtanggol. Hindi ko alam pero nasiyahan ako sa nakita ko sa kanilang saya. Gusto ko yung aking pakiramdam na nakatulong sa mga inapi. Na ako ang kanilang mukha para ipagtanggol din ang aming mga sarili. “Guard, paki-escort si Erron sa office ko, ngayon din!” Nang kinuwelyuhan at hinila ako ng isang guard ay hindi na ko lumaban. Umaaray ang mga iba kong nasaktan. Nakita ko na sobra pala ang aking nagawa sa apat sa kanila. Mukhang kailangan nilang madala lahat sa hospital. Hindi magkamayaw ang secretary ng aming Dean na tawagan ang mga magulang ng aking mga nakasagupa nanbg makita niya ang aking mga kalaban. Nagtawag na rin sila ng ambulansiya at galit n galit na hinarap ako ng Dean. “What have you done!” “Ipinagtanggol ko lang ang sarili ko. Sila ang nauna, sir.” “Even though, hindi dapat umabot sa ganitong halos mapatay mo na sila. Who the hell are you na pito sila at ganyan ang ginawa mo? Mag-isa ka lang at wala ka man lang galos?” “Sir, nagpigil ako. Ilang taon. Hindi ako lumaban. Minsan lang akong lumaban. Ngayong kaarawan ko lang. Gusto ko lang kumain ng lugaw sa araw ng aking kaarawan. Sila ang lumapit. Binuhusan ako ni Damon ng mainit na lugaw at balak pang pagtutulungang saktan na wala naman akong ginagawa. Kung kayo ako, mananahimik lang ba? Matagal nang nare-report ang ginagawa nilang pambu-bully, have you done something to protect us? If you cangt protect us, then I need to protect myself.” “Kailan ka pa natutong sumagot ng ganyan? Hindi kita kilalang palasagot ng ganyan.” “Hindi na po ngayo, Sir. Hindi ako pwedeng hindi na lalaban. Hindi ba ninyo alam kung sino ang Damon na…” “Yes, Erron. I know. Bully si Damon but this is too much. He is the son of Mayor for God’s sake! Paano natin siya haharapin mamaya at ipaliliwanag ito? Paano ang pag-aaral mo niyan ngayon? Saan ka kukuha ng pampagamot mo sa mga sinaktan mo! Paano kung may mamatay? Paano ang scholarship mo?” sunud-sunod na tanong ng Dean naman na dati kong professor last year. “Bahala na po.” “Ano? Ganoon lang ‘yon? Bahala na?” “Yes po. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko.” “At kailan ka nagsalita ng diretso? Na hindi ka nauutal? Erron, hindi ko alam kung paano kita po-protektahan ngunit siguradong babalikan ka ng pamilya ng mga mayayamang iyan. Kaligtasan mo ang iniisip ko. Paano kapag babarilin ka nila? Kung papatayin ka?” “Then let them kill me, sir?” “What?” “I am not frightened. I know, I am right.” “Oh God! Who are you! Hindi na kita kilala, Erron.” “Hindi mo pa nga ako kilala sir pero salamat sa malasakit.” “Oh God!” Huminga siya nang malalim. Nakita ko yung takot niya para sa akin, “Stay here. Babalikan kita, okey? Alam kong kailangan mo na rin ng proteksiyon pero ngayon, kailangang madala muna sa hospital ang limang sinaktan mo.” “Thank you sir.” Naiwan ako doong nakaupo. Inilabas ko ang cellphone ko habang naghihintay kay Sir. Nakita kong viral na ang laban namin sa canteen. Pinanood ko lahat. Pati ako nagtaka. Naguluhan kung paanong higit pa akong mahusay sa mga napapanood ko dating mga action stars sa mga movie. Parang pang Marvel superhero ang aking mga talon at suntok. Nagtatanong ako sa aking sarili kung paanong naging gano’n ako kalakas. Kung bakit kaya kong tumalon ng lagpas tao at pwedeng manatili ng ilang sandali sa ere. Yung panghuli na apat kong hinarap at sabay-sabay pala kanina iyong umatake ngunit sa bilis ko, halos hindi na mapanood yung bawat galaw na ipinamalas ko sa bilis. Mahihiya si Flash sa bilis ng aking galaw. Kahit yung pagbali ko sa knife ni Damon, that was indeed an epic. Nakita kong in just 15 minutes ilan daang libo na at malapit nang mag-million ang views ng video. Sari-sari ang mga reactions. Halos lahat ng emojis ay wow. Hanggang sa biglang pumasok si Fate dala ang aking painting. Mukha siyang balisa. “You should leave now!” humihingal niyang sinabi sa akin. “Why?” nagtataka kong tanong. “Nandiyan na sila.” “Sinong sila?” “Sina Mayor at tauhan niya.” “Then why should I leave?” ibinaba ko ang salamin ko. “Why not? Paniguradong kukunin ka nila at saktan. Alam kong matulad ka sa isa kong kaklase na nakasuntukan ni Damon dati noong High School kami. Palalabasing aksidente ang mangyari pero papatayin ka nila. Believe me. You should go, now!” “I just can’t run away from this. Kung kailangan kong harapin sila, I’ll do it.” Nagulat akong nasasabi ko na kay Fate ang mga linyang iyon na hindi nahihiya, nanginig o kahit man lang nautal. “This time you should. Please!” “Pero, saan ako pupunta? Hanggang kailan ako magtatago. Ginawa ko, haharapin ko ang consequences.” “Are you out your mind? Hindi mo sila kaya.” “Why not?” “I should know.” “No. Ako nga hindi ko na kilala ang sarili ko, ikaw pa kaya?” “Please! Listen to me. Kahit ngayon lang. Hanggang hindi pa humuhupa ang galit ni Mayor. Magtago ka muna. I will help you. I am begging you to leave now!” “Why are you doing this?” nagtatakang tanong ko. “Because you are special. I know that there is this exceptional in you na hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, you need my help. Hindi ko alam kung maniniwala ka pero napapanaginipan kita these past few days. Nakita kong mangyari na ito sa’yo. Hindi man gano’n ka-clear pero kung hindi ka aalis at iligtas ang sarili mo, mapapatay ka.” Nanginginig na si Fate. Hinawakan niya ang kamay ko. “Tara na! Dali!” Parang may kung anong malakas na enerhiyang nabuo. Kumunot ang noo ko. Tinignan ko siya, diretso sa kanyang mga mata kung nagsasabi siya ng totoo tungkol sa panaginip niya. Weird. This is not possible! Nabasa ko ang ang nasa isip niya. Nakalkal ko ang nasa panaginip niya. Tama siya. Mababaril ako sa ulo. Tatlong lalaki ang gagawa no’n sa akin sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. Ramdam ko pa rin ang tama ng mga bala sa aking sintido at buong katawan. Inubos nila ang laman ng baril nila sa akin. Binitiwan ko ang kamay ni Fate. Hinihingal ako na parang mauubusan ng hininga. Pinagpawisan. Ninerbiyos ng husto. “What?” “Nakita ko sila.” “Sinong sila?” “Yung tatlong lalaki sa panaginip mo. Yung tatlong papatay sa akin gamit ang baril.” “Paano mo alam ang panaginip ko?” “I saw it?” “What? How?” “I don’t know. Nang hinawakan mo ang kamay ko, I don’t know if its real, but I saw what’s in your mind. I saw your dream. They are coming.” “Yes, they are coming. We need to go.” Tumayo kami. Palabas na kami sa pintuan ng office ng aming Dean nang papasok naman ang tatlong lalaki na nasa panaginip ni Fate kasama ang Mayor.” Umatras kami. “Sa CR. Dali! Magtago ka muna sa CR!” itinulak niya ako palabalik. Dali-dali akong sumunod sa sinabi ni Fate na pumunta muna sa CR pero hinawakan niya ang kamay ko. “Take this! I don’t know but there is something in this painting that could help you escape!” “Paano ako matutulungan ng isang painting para makatakas?” “I don’t know. Just bring it with you! Go!” Hindi ko na siya sinagot pa at ginawa ko na lang ang gusto niya. Nakita ko ng itinuro ako ng Dean sa mayor at mga tauhan nito. Nakita ko sa mukha ng Dean naman ang takot at pag-aalala. Mabilis akong pumasok sa CR ng Dean namin nang palapit na ang tatlo sa akin. Hawak ang painting ay kinakabahan at takot na takot akong pumasok doon. Isinara ko ang pinto. Ikinandado ko. Kumatok sila. Humarap ako sa painting. Nanginginig. “LUmabas ka diyan kung ayaw mong sirain namin ito at kaladkarin ka naming palabas.” Hindi ko sila sinagot. “Gusto kang makausap ng Mayor sa opisina niya!” singhal ng nasa labas. Hindi! Hindi ako lalabas! Papatayin nila ako. “Kid, lumabas ka diyan. Pag-uusapan natin ang ginawa mo sa anak ko! Kinalampag ni Mayor ang pintuan. “Hindi ninyo kailangang gawin ‘yan. Here’s the key pero please, Mayor. Huwag ninyong saktan ang bata. Daanin na lang natin ito sa batas!” narinig kong pakiusap ng Dean namin. Dinig kong binubuksan na nila ang pintuan at alam kong masusukol na nila ako Tumitig ako sa painting. Hinawakan ko ito na nanginginig ako. Bumukas ang pinto. Masusukol na nila ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD