#TheOtherTwinsRevenge CHAPTER 11 JUAN MIGUEL SEVERINO’S POINT OF VIEW... Dahan-dahan akong naglakad palapit kay j**s na ngayon ay naghihintay sa akin dito sa park. Bigla-bigla ay tinext ako nito na gustong magkita kami, ayoko sana pero pinagbigyan ko siya. Napatayo siya sa kanyang inuupuan nang makita ako. Walang ekspresyong mababanaag sa mukha nito. “Bakit mo ako pinapunta at gustong makita ngayon?” tanong ko sa kanya nang makalapit na ako sa kanya. Sandaling nakatingin lamang siya sa akin ng diretso sa mga mata ko bago nagsalita. “Sa huling pagkakataon... sasabihan kitang iatras na ang kasal sa kapatid ko.” Sabi niya. Napangisi ako sa sinabi niya. “Pinapunta mo ako ngayon dito para lang sabihin ang walang kwentang bagay na iyan?” tanong ko sa k