bc

THE OTHER TWIN'S REVENGE [COMPLETED]

book_age18+
3.2K
FOLLOW
9.6K
READ
revenge
dark
sex
drama
mystery
mxm
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Nawalan ng minamahal... ibabalik ang sakit na ipinaranas.

SYPNOSIS: Dahil sa pag-ibig, naisipang magpakamatay ng kakambal ni Juan Miguel Severino. Matinding pighati at sakit ang kanyang naramdaman sa pagkawala ng kanyang kaisa-isang pamilya.

Inalam kung sino ang taong inibig nito at natuklasan ang matinding panlolokong ginawa ng taong ito kaya naman matinding galit ang kanyang naramdaman at ninais na maghiganti sa pamamagitan rin ng pag-ibig.

Ngunit pag-ibig rin ba ang siyang gagapi sa kanya?

#TheOtherTwinsRevenge

by FRANCIS ALFARO

GENRE: M2M, ROMANCE, DRAMA, REVENGE

COPYRIGHT (C) 2020

ALL RIGHTS RESERVE, 2020

DISCLAIMER: This story is purely fictional. Any resemblance to living or dead person, places, events, and others are only coincidental.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
THE OTHER TWIN’S REVENGE BY FRANCIS ALFARO   DISCLAIMER...     No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical including  photocopying, printing, or by any information storage and retrieval system without the permission of the author. Please do not re-copy, re-edit, and re- publish this story without asking the writer's permission.   All of the characters in this story are fictitious, and any resemblance  to actual persons, living or dead, is purely coincidental. Copyright (c) 2020  All Rights Reserve 2020   GENRE: M2M, ROMANCE, DRAMA, REVENGE   PROLOGUE     “Ano? Ok ba sayo ang bago nating tirahan ha Kambal?” tanong ko sa kanya. Napapangiti ako habang nakatingin sa kanya na nililibot naman ang paningin sa buong paligid ng maliit na apartment na bago naming titirhan. Mabuti na nga lamang at nasaktong bakante ito kaya kaagad ko na ring nirentahan dahil bukod sa mura lang ang renta, maayos at maganda naman ang apartment na ito. Isang palapag lamang siya pero sa tingin ko naman, pwede na kaming dalawa ni Kambal dito.     Napatingin siya sa akin, para talagang nananalamin ako kapag nakikita ko siya, magkamukhang-magkamukha kasi kami. Pati ang ngiti na ipinapakita niya sa akin ngayon, kaparehas ng ngiti ko, kung parehas nga lamang kami pumorma, malamang hindi madidistiguish kung sino ako at kung sino siya ng ibang tao pero mabuti na lang at magkaiba kami sa pananamit.     “Ok na ito Kambal... Kasya naman tayong dalawa dito.” Sabi niya. Kahit ang boses namin, walang pagkakaiba. Ngayong mga binata na kami, mas malalim at buo ang boses naming dalawa.     Napangiti ako.    “Pasensya ka na kung kailangan nating lumipat a... Hindi ko na kasi kayang rentahan ‘yung dati nating bahay dahil sa laki ng renta.” Sabi ko. Sa aming dalawa, ako ang Kuya dahil mas nauna akong lumabas sa kanya ng ilang minuto kaya ako ang nagtatrabaho sa isang fast-food chain habang siya, pinapaaral ko. Mabuti na nga lang at matalino siya, mana sa akin kaya alam kong hindi masasayang ang pagpapaaral ko sa kanya dahil nag-aaral naman siyang mabuti.     “Ok lang Kuya... ‘Yun nga lang, malayo na itong bago nating tirahan sa school.” Sabi niya.     “Ok lang ‘yun... naayos na rin naman natin ang paglipat mo sa ibang school na mas malapit dito.” Sabi ko. Oo, nilipat ko siya ng ibang school, public pa rin naman pero mas malapit kumpara sa dati niyang school kung saan mas malapit naman iyon sa dati naming bahay.     Nakita kong nalungkot siya. Inakbayan ko nga.     “Ok lang ‘yan kambal... marami ka pa namang makikilalang bagong kaibigan sa bago mong eskwelahan.” Sabi ko. Tipid siyang napangiti.     Napabuntong-hininga ako habang nililibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng apartment. Kung hindi lang maaga namatay sila Mama at Papa, malamang parehas kaming nag-aaral ngayon at hindi malayong hindi sa ganitong tirahan kami nila ititira. Maayos man kasi itong bago naming tirahan pero sigurado akong hindi sa ganito kaliit nila kami ititira.     Namatay kasi sa panganganak sa amin si Mama kaya simula pagkabata, si Papa na ang siyang bumuhay sa amin ngunit isang trahedya naman ang dumating sa aming buhay nung kami’y nasa kinse-anyos na dahil si Papa, namatay sa aksidente sa daan. Mabuti na lang at maraming tumulong sa amin noon kabilang na ang lokal na pamahalaan kaya kahit papaano, naka-survive kaming dalawa. Wala na rin naman kasi kaming kamag-anak na pwedeng hingan ng tulong dahil sa totoo lang, hindi namin sila kilala at hindi na rin naman namin sila hinanap dahil na rin sa hiya.     Tatlong taon kaming nanirahan sa boystown nang magpasya kaming dalawa na umalis doon at mamuhay sa labas. Sa loob pa lang, naranasan na namin ang hirap pero mas mahirap pa pala kapag nasa labas ka na, lahat haharapin mo kabilang na roon ang hirap ng buhay.     Mabuti na lamang at naging ok na kahit papaano ang lahat.    “O siya... ayusin mo na muna ang mga gamit sa kwarto natin.” Sabi ko sa kanya. Napatango naman siya sa sinabi ko saka sinunod ang sinabi ko.     Nakasunod ang tingin ko sa kanya habang papasok siya sa kwarto. Nakikita ko naman na ok siya at masaya.     Ok at masaya nga ba talaga siya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.2K
bc

NINONG II

read
630.7K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
34.9K
bc

NINONG III

read
384.1K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.2K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
219.6K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
243.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook