#TheOtherTwinsRevenge CHAPTER 23 JUAN MIGUEL SEVERINO’S POINT OF VIEW... Nangunot ang aking noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay ko nang makita ko mula sa sala si Jass, nakatapat sa tenga niya ang kanyang cellphone at may kausap. Nanlaki ang kanyang mga mata at tila nanigas sa kanyang kinatatayuan, mukhang gulat na gulat sa sinabi sa kanya mula sa kabilang linya. Pamaya-maya ay nabagsak niya ang kanyang cellphone sa sahig, kaagad akong lumapit sa kanya ng akmang babagsak na siya at akin siyang sinalo para hindi tuluyang bumagsak. “A-Anong nangyayari?” pagtatakang tanong ko sa kanya. Napatingin ang maluha-luha niyang mata sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan ngayon. Ilang sandali lamang ay tuluyan na siyang napaiyak. Niyakap a