#TheOtherTwinsRevenge CHAPTER 21 JUAN MIGUEL SEVERINO’S POINT OF VIEW... Nasa sala kami ngayon ni Jass, magkatabing nakaupo sa mahabang sofa habang tutok na tutok ang mga mata sa pinapanuod naming pelikula sa telebisyon. Pareho kaming walang pasok. Napapangiti ako, paano naman kasi, nakasandal ang ulo niya sa balikat ko at nakayakap pa ang braso nito sa braso ko. Ang saya lang sa pakiramdam ng ganito. “May kakambal ka pala.” Nagulat at kinabahan ako sa biglaang sinabi ni Jass. Napatingin ako sa kanya at nalaman kong nakatingin rin siya sa akin. “P-Paano mo nalaman?” sana hindi niya napapansin ang kabang nararamdaman ko. Hindi pa panahon para lumantad ang katotohanan dahil hindi pa ako nangangalahati sa mga plano ko. Tipid siyang napangiti. “I’m