Nilapitan ni Lucas si Celina. Halatang nalasing na ang dalaga. Wala siyang choice kundi ang buhatin ito. Bridal style pa. Lihim na napangiti si Celina. Ikinawit niya ang dalawang kamay sa batok ng binata. Hindi naman talaga siya lasing, nakainom lang. Amoy niya ang mabangong cologne ng binata na tila nakakaliyo, naalala niya ang nangyari sa kanila kanina. Muntik na talagang may mangyari sa kanila, kaya lang ang daming sagabal. Pero sa pag-uwi nilang ito ay sisiguraduhin niyang may mangyayari sa kanila. At walang makakapigil sa planong namumuo ngayon sa utak niya. "Alam mo bang masakit dito," saad ni Celina sa binata, sabay turo sa bandang puso niya, nakikinig lang si Lucas. "Ang sakit-sakit, Lucas, 'yong parang sinaksak ka nang makailang ulit? Ano bang dapat kong gawin para mahalin mo an