BUMABA si Maya ng taxi at excited na naglakad patungo sa restaurant. Hindi alintana sa kaniya ang mga taong nababangga niya dahil sa pagmamadali niya.
Papunta siya ngayon sa restaurant kung saan naghihintay ang lalaki. Natigilan na lang siya nang may biglang narinig sa likuran. Isang pamilyar na boses iyon.
Nilingon niya iyon at bumungad nga sa kaniya ang lalaki. Ngumiti siya.
"Nandito ka pala." Tinapik niya ang balikat nito. Ang lalaki naman ay nagulat at nangunot ang noong tiningnan siya.
"What?" naguguluhang anas nito.
Ang gago! Makikipagkita ba talaga ito sa kaniya? Bakit hindi siya kilala. Ano ito, gaguhan?
"Nakalimutan mo na kaagad ako, Mr. Pogi." Kinagat niya ang ibabang labi na lalong nagpakunot ng noo nito. Mayamaya pa ay sinuri siya dahil tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"I don't know who are you, woman. Did we meet before?" tanong nito kaya napahagalpak siya ng tawa.
Jusko! Sasabog yata ang puso niya.
"May amnesia ka ba, Mr. Pogi at biglang nagbago ang isip mo? Hindi ba't magkikita tayo roon!" aniya sabay turo sa restaurant na kaniya sanang pupuntahan ngunit nginisian lang siya nito.
"I don't have an amnesia, I'm Light and don't call me Mr. Pogi, it sounds seductive. By the way, I'm not the person you've met before and I think or maybe it's my brother Blight."
Nagulat siya. So it means, Blight ang pangalan ng lalaking iyon. At ito ang kambal niya? Wow! Magkamukhang-magkamukha. Mula ulo hanggang paa. Maski ang boses ay parehas na parehas, isama pa ang nakakamatay nitong ngiti na katulad noong sa lalaki. Hindi siya makapaniwala.
"K-kambal kayo?" hindi makapaniwala niyang tanong.
"Yes, we are twins. And who are you?"
Ngumiti siya. "I'm Maya Cruz," pakilala niya sa sarili at kinamayan pa ang lalaking nagpakilalang Light.
Shit! Parehas pogi.
"Nice too meet you, Maya Cruz and I am Light Elizalde, twin of Blight Elizalde."
Wow! Muli siyang nagulat dahil sa mga apelyido nito. Ang ganda at talagang pangmayaman. Maganda kapag idudugtong iyon sa pangalan niya.
Maya Cruz-Elizalde.
Oha! Ang bongga at mukha na siyang mayaman. Ngumiti muli siya at mabilis na binawi ang kaniyang kamay. Isa pa'y baka nag-aantay na si Blight kaya kailangan na niyang magmadali. Nagpaalam muna siya bago umalis.
Nang nasa pinto ng restaurant, kaagad siyang pumasok. Hinanap ng mga mata niya ang lalaki at hindi naman siya natagalan dahil kaagad niya itong nakita sa may bandang tabihan. Dali-dali siyang lumapit dito.
"Why are you late?"
Bigla siyang kinabahan dahil sa klase ng tono nito. Bago sumagot ay umupo muna siya sa harapan nito.
"May ginawa pa kasi ako. Bakit mo nga pala ako pinapunta?" tanong niya.
"I want you!"
Sabi na nga ba, eh at hinding-hindi siya makakalimutan ng lalaking ito. Paano ba naman kasi ay naging tigre siya ng mga oras na iyon.
"Alam ko na ang pangalan mo," parang confident niyang sabi.
"Tell me," anito sa kaniya.
"Ikaw si Blight Elizalde at may kambal kang Light Elizalde. Alam mo bang magkamukhang-magkamukha kayong dalawa. Kano ba ang tatay mo? Parang wala kayong pinagbago sa isa't-isa at parehas pa kayong guwapo. Pero type ko iyong kambal mo, ha. Iba ang dating sa akin, eh!"
"So, you already met my f*****g brother?"
"Oo naman. Bakit may salitang f*****g. Ang sama mo namang kapatid," aniya.
"I'm not bad. I'm just telling the truth. He's so f*****g crazy! He cheated on me."
"Hoy, ikaw! Tigil-tigilan mo nga ako sa kaka-ingles mo riyan. Pero ano bang ibig mong sabihin?" Dumukwang siya at kumalumbaba sa lamesa. Ang lalaki naman ay bumuntong hininga.
"Niloko niya ako because he stole my girlfriend!" anang Blight.
Sad naman pala ang lovelife nito.
"Ganoon na lang iyon? Bakit hindi mo kuhanin ang girlfriend mo?" kuryos niyang tanong.
"Could you shut up your mouth? We're here because we need to talk."
"Tungkol naman saan?"
"You need to say yes before I tell you!"
Bakit magsasabi siya ng yes? Bahala na.
"Yes..."
"Thank you!" anito at mula sa bulsa ay may kinuha itong isang maliit na kahon. Hinawakan ang isa niyang kamay sabay bukas ng kahon at bumungad ss kaniya ang isang singsing na ikinagulat niya.
Anong ibig-sabihin nito?
Mayamaya pa ay isinuot na sa kaniya ang singsing. Kahit nagtataka ay ngumiti pa rin siyang binalingan ang lalaki.
"Anong ibig-sabihin nito, Blight?"
"Okay, I did this because of my parents' wants. Listen, I will get you in our house and I will tell them that you are my fiancé now. We need to pretend that we are. Ayaw kong ma-offend ang mga magulang ko kapag nalaman nilang wala pa akong papakasalan. Please, I'm begging you..."
Napaanga siya. "S-seryoso ba ito?" naguguluhan niyang tanong.
Sino bang tao ang hindi maguguluhan sa mga sinabi nito?
"Oo, totoo ito. I will pay you everyday and you don't need to work very hard. If you'll accept this, your life may be change..."
Parang may kung anong bumulong sa kaniya. Maganda naman itong gagawin niya at magpapanggap lang sila na sila talaga. Wala namang kahirap-hirap kaya naman tatanggapin niya.
Muli siyang ngumiti. "Sige, tatanggapin ko ang lahat pero ipangako mo sa akin na gagawin mo talaga iyang mga sinabi ko. Huwag mo akong paasahin dahil baka sabihin ko sa mga parents mo ang sikreto mo." Tumango lang ito sa kaniya.
"So, let's go?"
"Saan?"
"Sa bahay. Ipapakilala na kita."
Napalunok siya ng laway. Jusko! Kakayanin ko ba ito na ganito lang ako? Bahala na. Bahala na si batman na tumulong sa kaniya. Kaagad siyang inaya nito palabas at nang nasa labas ay agad silang sumakay ng kotse. Nasa tabi siya ni Blight habang nagmamaneho. Iniisip niya kung ano ang gagawin niya once na magkita sila ng mga magulang nito.
Bahala na talaga...
Ilang oras ang lumipas ang nakarating na rin sila. Ngayon ay nasa harap sila ng isang malaking bahay. Rinig niyang bumusina si Blight at kita naman niya ang pagbukas ng gate sabay pasok ng kotse sa loob.
Kabang-kaba siya ng mga oras na iyon lalo na't nang makita niya ang pinto. Parang mapipipe siya kapag nasa harapan na siya ng mga ito. Huwag sana, huwag sanang mangyari dahil malamang sa malamang ay baka mabuko silang dalawa.