KINAKABAHANG tumabi si Maya kay Blight. Ngayon ay nasa harap sila ng mga magulang nito. Hindi mawari ni Maya kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga ito lalo pa't nang makita niya ang mga magulang ni Blight.
"So, how are you, hija?" ang seryosong tanong na iyon mula sa lalaki ang umagaw ng kaniyang kalooban. Kinabahan man ay pilit pa rin niyang sumagot ng tuwid.
"A-a-ayos naman po ako," nangingiti niyang sagot.
"Good to hear that," wika pa nito.
Ngumiti siya sabay baling kay Blight. Hindi niya kasi alam ang susunod na gagawin. Pasimple niyang nilakihan ang mga mata dito.
"Tell them that we are already engaged," sabi nito sa kaniya.
Napalumod laway siyang ibinalik ang tingin sa dalawang matandang nasa harap nila.
"Engaged na po kami ni Blight."
Hindi niya alam pero ayon ang nasa isip niya sa ngayon. Bahala na talaga si batman. Bakit ba niya ito tinanggap?
"Wow! So, when?" tanong naman ng babae. Muli niyang ibinaling ang tingin kay Blight. Paano ba naman kasi, e wala siyang maiisagot sa tanong nito. Punyeta!
"Mag-isip ka na. Huwag kang tumingin sa akin at baka makahalata sila."
"Kapag talaga nakalabas tayo rito ay masasapak kita!" gigil niyang sabi at bumaling muli sa dalawa.
Ang mga ngiti niya ay peke, kabang-kaba talaga ang damdamin niya. Kulang na lang yata ay mahulog ang puso niya. Ang lakas ng t***k. Super lakas at kulang na lang ay baka sumabog na ito.
"Blight, when?" tanong ng daddy nito.
Nilingon niya muli si Blight at parang nag-iisip pa. Jusko! Dapat kasi pinaghandaan muna nila ang lahat-lahat ng sasabihin bago tumungo rito. Ayan, hindi tuloy prepared!
"Dad, I proposed because I loved her so much. But the wedding, we don't think it by this time. Masyado pang maaga at puwede namang next year or next-next year."
"Ang gusto ko sana, e maaga kayo ikasal. Blight, I just want you to know, we're not young and our life was so critical to death. Hindi kami pabata. Okay, I will accept it, but please, bigyan mo kami ng apo bago kami mamatay ng mom mo."
Nakita ni Maya ang malungkot sa mga mukha nito. Ganito pala ang mga magulang kapag gustong-gusto ng magka-apo. Mahirap lalo na't walang asawa si Blight, ang ginawa lang naman nilang dalawa ay mag-panggap. Pati, paano iyong sinasabing gustong magka-apo? Isa lang ang ibig-sabihin nito ay kailangan niyang magpabuntis kay Blight para mabigyan nila ng apo ang mga magulang nito.
No, it can't be. Ayaw na niyang muli mabuntis. Ayaw niyang muling maranasan ang hirap na pinagdaanan niya mula sa anak niyang si Cyrus.
"I will, dad!" rinig niyang sabi ni Blight.
"We'll wait, Blight and you. What's your name, hija?" Tiningnan siya ng daddy nito kaya muli na naman siyang mapalunok ng laway.
Sana matapos na ang araw na ito. Ayaw na niya.
"Maya Cruz po," aniya.
"Your name was so very beautiful, hija. Kapangalan mo ang mama kong namatay na. I liked it because her name came from a bird named Maya!" anang mommy nito.
"S-salamat po," nakayuko niyang sabi.
"Nahihiya ka ba sa amin, Maya?" Umiling lang siya dahil sa klase ng tanong sa kaniya ng daddy nito. Hindi niya kailangang sagutin ito ng tama dahil baka mag-walk out siya.
"H-hindi po," taas-noo niyang sagot.
"Hindi naman pala. You are always welcome here in our house. Feel free to do what ever you want," anito.
"Maraming salamat po."
Kating-kati na ang puwet niyang umalis sa mga harap nito. Para na kasing walang katapusan ang pag-uusap na iyon. Jusko! Oras, umikot ka nang mabilis. Pagkakausap niya sa sarili.
"Anong trabaho mo, Maya?"
Napatingin siya sa daddy ni Blight. Seryoso ito na ikinatakot niya. Ano naman ang sasabihin niyang trabaho? Kahiya-hiya naman ang trabaho niya.
Isip, Maya!
"A-ano-ano po ahmmm..." kandautal niyang anas. Sana'y hindi makahalata. Naku, patay na. "Ano po kas—" Magpapatuloy na sana siya nang biglang sumingit si Blight na ikinatingin niya rito.
"She's a sales lady, dad," wika nito.
Nawala ang kaba niya ng mga oras na iyon.
"Oh, mabuti na lang at maganda ang work mo, hija. Ayaw ko kasing makapag-asawa itong anak ko ng mga tira-tirahan lang." Nagulat siya sa sinabi nito. Siya ba ang pinariringgan nito?
"Dad!" si Blight na parang pinipigilan ang daddy.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" kuryos niyang tanong. Malakas ang loob niya ngayon. Para kasing may kutob siya na siya ang pinariringgan nito kahit hindi naman. Ano ba?!
"I mean, ayaw kong makapag-asawa itong aking anak ng isang babaeng madumi ang trabaho or should I say, I hate prostitutes. Example, kung prostitute ka, Maya, you're not welcome here in my house... in our life, even Blight. Ayaw ko sa maduming babae..."
Bigla siyang nakaramdam ng galit. Gusto niyang sumbatan ang matanda pero hindi puwede. Tanging sa loob ng katawan lang niya iyon inilalabas. Nakakainis! Nakakainsultong matanda.
"Dad, I'm so sorry but we need to go. May pupuntahan pa kami." Hinawakan ni Blight ang kamay niya kaya napasunod na lang siya.
"Ingat kayo, Blight and Maya."
E'di wow! Ang nasabi na lang ng isip niya. Iginaya siya nito sa sasakyan. Nang makapasok ay naglabas kaagad siya ng hinanakit.
"Bakit ganoon? Ang sakit-sakit sa pakiramdam? Bakit ganoon kung magsalita ang mga magulang mo, Blight. Ang sakit sa kalooban," naiiyak na sabi niya. Masakit pa rin. Masakit na masakit.
"Don't mind them. Basta't itigil mo na ang pagtatrabaho mo as prostitute. I will give you what you want basta't tulungan mo lang ako."
Titigil siya pero ito naman ang kapalit... ang husgahan siya? Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
"Gusto ko na munang umuwi."
"Ihahatid na kita sa bahay niyo."
Tumango lang siya kaya kaagad nitong pinaandar ang sasakyan. Walang imik siya sa biyahe dahil sa labis na kalungkutan.
"Bakit pala tayo magpapanggap? Wala ka bang ibang babaeng mahanap?" mayamaya pa'y tanong niya.
"Wala. Ikaw ang naisipan ko because you are so beautiful. Yes, madumi ka but it doesn't mean na patapon ka na. I did this because I just wanna change your miserable life, Maya."
Na-speechless siya. May kabutihang loob din naman pala itong si Blight. Iba ito noong una niyang makita sa bar na sobrang sungit. At hindi naman naglaon ay nahulog ito sa patibong niya. Hindi niya alam pero parang may naramdaman siyang kakaiba rito. Gusto na niya yata ito.