MATAPOS ang gabing iyon, hindi pa rin maalis sa isipan ni Maya ang lalaking kaniyang nakasama. Wild ito at ito ang nasusunod sa kanilang dalawa. 'Ni hindi niya naitanong ang pangalan nito. Hindi na bale, baka magkita ulit sila sa bar.
Pauwi siya ng kanilang bahay ngayon nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nagmadali niyang kinuha iyon at tiningnan. Ang momshie Caren niya ang tumatawag.
"Momshie, napatawag?"
"Maya, may naghahanap sa iyong lalaki," saad nito sa kabilang linya. Sino naman kaya iyon?
"Sino raw po?"
"Hindi sinabi ang pangalan."
Sino naman kaya ang wirdong lalaking ito?
"Naku, momshie, hindi ako basta-basta nagtitiwala sa mga lalaki. Pasabi na lang pong hindi ko siya kilala at wala akong oras pumunta dahil aalagaan ko pa po ang anak ko," paliwanag niya. Ngunit imbis na damayan siya ng momshie niya ay humagalpak lang ito nang tawag.
"Ano ka ba naman, Maya? Ito raw iyong lalaking kasama mo noong isang gabi. Hinahanap ka niya, gaga!" wika nito na ikinanlaki ng mga mata niya.
"T-talaga po?" Hindi siya makapaniwala. Ang akala niya kasi ay matapos ang lahat-lahat ng iyon ay hindi na ito magpapakita pero mali pala siya.
"Oo nga, magkita raw kayo ngayon na. As in!" may diing bigkas nito.
"Saan naman daw po?"
"Sandali lang at itatanong ko."
Napangiti siya. Paniguradong hahanap-hanapin talaga siya nito dahil sa tindi niya sa kama— este sa kotse pala. Doon kasi ang una nilang pagtatalik.
"Hoy, Maya!" Narinig niya ang tinig nito.
"Saan daw po?" eksayted na tanong niya.
"Doon daw sa may restaurant malapit sa bar."
"S-sige po. Pasabi pong pupunta na ako."
"Sige-sige..."
At pinutol na nito ang linya. Dali-dali naman siyang naglakad patungo sa kanilang bahay. Nang nasa may pinto ay kaagad niya itong binuksan.
Bumungad agad sa kaniya ang anak niyang nasa sahig habang kalat-kalat ang mga kanin doon. Nagmadali siyang pumasok at mabilis na ibuhat ang lahat; parang nandidiri pa siyang inalapag ito sa kuna. Malinis siya tapos malalapatan lang ng malagkit na kanin at dumi? Hindi maaari.
"Baby, nasaan si lola?"
Hindi siya sinagot ng anak. Paano ba naman ito sasagot sa kaniya, eh isang taon lang naman ito. Napailing na lang siyang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay at wala siyang nakita. Nasaan na naman ba ang nanay niya? Muli siyang napailing at napagdesisyunan niyang lumabas upang tingnan ito sa mga kapit-bahay at baka nagsusugal na naman ito.
Habang naglalakad ay nakasalubong niya ang isa sa mga kumare ng nanay niya.
"Nasaan po si nanay?" tanong niya.
"Naku, Maya naroroon kina Matilda ang nanay mo. Nagsusugal habang nag-iinuman!"
"Salamat po..."
Kahit mabato ang daanan ay tumakbo pa rin siya patungo kina Aling Matilda. Bakit pa kasi ngayon wala siya, eh sa eksayted na siyang umalis!
Sa hindi kalayuan ay nakita niya ang nanay niyang nakaupo habang nagsusugal gamit ang mga baraha. Isama pa ang mga basong may lamang alak. Dali-dali siyang lumapit dito para butatakan.
"Nanay, ano na naman ba ito?" gigil na tanong niya.
Napataas ang tingin ng nanay niya sa kaniya na parang sinusuri siya.
"Ano namang ginagawa mo ritong babae ka, ha?" Galit ang tono nito. Alam na niya, talo ito.
"Nanay naman, hindi ba't binilin ko si Cyrus sa inyo pero anong ginawa niyo? Mas inuna niyo pa ang pagsusugal kaysa alagaan ang apo niyo. Umuwi na kayo at aalis ako!"
Biglang napatayo ito dahil yata sa mga sinabi niya. Totoo naman, eh. Hindi muna inuna ang apo at parang mas mahal pa ang sugal. Kaya hindi sila yumayaman, eh dahil puro sugal ito at ang pera pa niya ang gamit.
"Hoy babae ka!" Dinuro-duro siya ng sarili niyang nanay. "Huwag mo akong sumbatan ng ganiyan! Anak lang kita at pagod na ako sa kakaalaga sa anak mo!" anito.
"Pero, 'nay! Walang magbabantay kay Cyrus ngayon at aalis ako. Kung gusto niyo bibigyan ko kayo ng pera pero sana naman ay alagaan niyo ang anak ko. Kadugo niyo rin siya!"
Hindi muna umimik ang nanay niya. Inilapag nito ang baraha sa lamesa sabay lagok ng alak. Parang alam na niya ang isasagot nito at ayon ay sige.
"Paano ba iyan, Matilda at mauuna na ako. Aalagaan ko pa kasi iyong guwapo kong apo." Nakita niya ang masayang mukha nito at sabay alis sa puwesto, pinuntahan siya nito. "Tara na," aya nito.
Napatango na lang siya. Kahit kailan ay mukhang pera itong nanay niya. Bakit ba kasi ganito sila ngayon? Biglang rumihistro ang nakaraan na kaagad niyang binura.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na sila ng bahay.
"Maya, nasaan ang pera kong pinangako mo?" Akmang uupo na siya sa kahoy na upuan nang marinig niya ang tinig nito.
Wala sa sariling napailing siya at kinuha na lang ang bag. Kinuha niya roon ang isang kulay puting sobre na naglalaman ng lilibuhing pera. Ayon ang kita niya nitong mga nakaraan at isama pa ang bayad ng lalaki. Malaki-laki rin iyon.
Kumuha siya ng mga sampung libi at inabot iyon sa nanay niyang nakatayo sa unahan niya. Nang maibigay niya ay malaking ngiti ang nasa mukha nito. Ayan, nakahawak lang ng pera.
"Saan ka ba pupunta, anak?"
Ang bait dahil nabigyan ng pera pero kapag wala ay mas masahol pa ito kung magalit dahil bubungangaan siya. Ganito parati ang takbo ng buhay niya. Ganitong-ganito.
"May pupuntahan lang ako sa may bayan." Tumayo siya at isinakbit ang bag sa balikat sabay lumapit sa anak, ginawaran niya ito ng isang halik sa pisngi.
"Mag-ingat ka at baka magahasa ka sa daan niyan dahil sa suot mo," rinig niyang sabi nito na hindi na lamang niya pinansin.
"Anak, magbait ka at huwag mong gagalitin si lola." Kahit alam niyang hindi naman magagawa iyon ng anak dahil bata pa ito. Ang pinaparinggan niya ay ang nanay niya.
Binalingan niya ito. "Mauna na ako." Nagmadali na siyang lumabas at hindi na hinintay pang makasagot ito.
Mahirap para sa kaniya ito pero kailangan niyang gawin para sa kapakanan niya at ang anak niya isama pa ang parang walang kuwenta niyang nanay. Araw-araw ay ganito ang buhay niya.
Sayaw sa gabi, uwi sa umaga na nakaka-stress naman. Pero ano pa ba ang nagagawa niya? Isa lang naman silang mahirap na dukha.