NALUNOK yata ni Maya ang kaniyang dila habang titig na titig sa guwapong lalaki. Ang guwapo talaga na parang marami ang tumitili. Jusko! Parang mahihimatay na siya. Alam niya sa sariling malandi siya kaya kapag nakakakita ng guwapo ay nagiging type niya kaagad. Kita niya ang pagtaas-baba ng adams apple ng lalaki. Nakatingin din ito sa kaniya. "What are you doing, miss? May dumi ba ako sa aking mukha? And what kind of face is that? Ang pangit mo, gurl. You look ugly. I'm not a boy, I'm gay and I am actracted with my same gender, so don't act na papatulan kita. By the way, that's mine." Itinaas nito ang lipstick na hawak at umalis na. Halos lumaglag ang panga niya. Bakla ang lalaking iyon? OMG! Bakit sa kaniya pa nangyari? Sayang, ang guwapo pa naman. Nagulat talaga siya dahil sa inasta ng