BINUKSAN ni Maya ang pinto at bumungad sa kaniya si Blight na nakaupo sa kama habang may hawak-hawak na basong alam niyang alak ang laman. Kakalibing lang ng ama nito kaya alam niyang nangungulila pa ito kaya kaagad siyang pumasok at sinaraduhan ang pinto. Sa totoo nga niyan ay nahihiya pa siya dahil sa ginawa nila ni Kim nitong nakaraang araw. Ngayon lang siya nagkalakas ng loob na kausapin ito. Lumunok muna siya ng laway at nagsimulang ibuka ang bibig. "Blight..." Nakita niyang umangat ang mukha ng lalaki kaya napangiti siya sa kaniyang isipan. Hindi masama ang tingin nito sa kaniya, nakakunot lamang ang noo. "Bakit, babe?" Parang nilunod siya sa isang malalim na tubig. Ang boses nito ay maamo at walang halong galit. Napalunok muli siya ng laway at dahan-dahang lumapit at tumabi rit