NINE months later... SIYAM na buwan na nakipagsapalaran si Maya. Mabuti na lang ay naging maayos ang pagbubuntis niya. Hindi siya makapaniwala na magkakaroon muli siya ng anak. Ang saya-saya niya kahit marami siyang pinagdaanan nitong mga nakaraang mga buwan. Habol ang paghinga ni Maya habang sinasabayan ang pagsakit ng tiyan. Medyo kumikirot na iyon ng kaunti. Alam niyang ngayon ang kabuwanan niya kaya sa isip-isip niya ay manganganak na siya. Nakatayo siya habang nakatanaw sa labas ng bintana. Gusto niya munang magliwaliw para maibsan ang sakit. Masaya naman siya dahil manganganak na siya. Magiging dalawa na ang anak niya. Si Cyrus ay hindi na niya naaalagaan dahil ang bilin ng doktor ay huwag magpagod kaya ang maid ang nag-aalaga rito. Mayamaya pa ay may naramdaman siyang umagos sa