Kabanata 5

1053 Words
PAGKABABA pa lamang ni Maya ng sasakyan ay narinig niya kaagad ang malakas na iyak ng kaniyang anak. Dali-dali siyang tumakbo papasok ng kanilang bahay at nakita ang anak na nasa kuna; naiyak habang nagtatatalon. "Anong nangyari, Cyrus?" Alam niyang hindi sasagot ito. Kaagad niya itong kinuha at hinele para tumahan. Hindi naglaon ay tumahimik na ito. Bakit naman kaya ito umiyak? Nasaan din si nanay? "Nay!" sigaw niya. "Ano ba? Kung makasigaw kang babae ka akala mo'y donya ka!" Biglang humawi ang kurtina at doon ay lumabas ang ina niya. Parang kakagising lang sa malalim na pagkakatulog. "Bakit naman po nadatnan kong umiiyak itong si Cyrus? Jusko naman, 'nay, apo ba ang turing mo sa kaniya?" aniya sa naiinis na tono. Nginisian lang siya nito sabay kumuha ng tubig sa pitchel. Nang matapos ay parang galit pa itong inilapag ang baso sa lamesa. "Nakakainis ka rin 'no, Maya? Magpapabuntis ka sa iba tapos hindi ka naman pinanindigan. Ayan, maghirap ka dahil parusa na iyan sa kalandian mong babae. Ilayo mo sa akin ang batang iyan dahil kanina pa akong naiirita sa boses niya. Walang hiyang buhay ito!" Kapagkuwan ay sinamaan siya nang tingin nito. Napaluha siya ng wala sa oras habang karga-karga ang kawawang anak. Pero kahit ganiyon ay kailangan niyang tatagan dahil isa na rin siyang ina. Hindi niya kayang mawala ang anak at kahit ano pang pagsubok ay lalaban siya. "Hindi ko alam kung bakit kayo pa ang naging ina ko. Oo, sa inyo ako galing pero hindi ibig-sabihin niyon ay puwede niyo nang gawin ito sa akin. Namatay na't lahat-lahat si tatay pero hindi pa rin nagbabago ang ugali niyo. Isa pa'y kasalanan mo rin kung bakit naging ganito ang buhay ko. Noon, gustong-gusto ko mag-aral pero ano ang ginagawa niyo? Nagsusugal kayo na sana ang perang pambaong iyon ay sa akin. Oo, may pera ako ngayon pero galing iyon sa madumi. Maduming trabaho na kailan man ay hindi ko pinagarap..." mahabang lintaya niya at napahagulhol na lamang siya. Sobrang sakit para sa kaniya ang mga iyon. Alam niya sa sarili na totoo ang mga iyon. Totoo na naghirap siya sa kamay ng ina. Galit na galit ang ekspresyon nito. Kung may hawak nga lang itong patalim o ano mang armas ay baka napatay na siya. "Wala kang kuwentang anak, Maya! Huwag mo akong susumbatan ng ganiyan dahil wala kang alam. Kung hindi mo rin naman kayang manatili sa puder ko ay lumayas ka ng gaga ka!" Hinawakan nito ang basong hawak at akmang ibabato na sana nito ang baso nang makarinig siya ng tinig sa likuran. "Maya, sumama ka na lang sa akin. She didn't deserve all your sacrifices." Nang lingunin niyo iyon ay nakita niya si Blight. Ang ekspresyon ng mukha nito ay galit. "At sino ka namang lalaki ka?" galit na tanong ng ina niya. Si Blight naman ay mas lalo pang pumasok sa loob at confident na iniharap ang sarili sa ina. Hindi alam ni Maya ang gagawin nito kaya napatuod na lang siya sa kinatatayuan. "I'm Blight Elizalde and I'm her fiancé. If you don't deserve what she's doing, just let her go. Let her go because she felt sad. She worked hard pero gaganyanin mo lang siya even her innocent son," anas nito. Pinakatitigan niya ang ina at nakakunot ang noo nito. Alam na niya, hindi nito naintindihan ang mga sinabi ni Blight. Pero siya, intinding-intindi niya. Tama siya. Tama lang na sinabi niya iyon sa kaniyang ina. "Ikaw na lalaki ka!" Nagduro ang nanay niya sa harap ni Blight, sa harap ng mukha. "Una, huwag mo akong ma-english-english diyan. Pangalawa, kahit ganito ako ay naintindihan ko ang ibang sinabi mo. Pangatlo, wala kang karapatang sabihin iyan sa akin. Pang-apat, baka gusto mong makulong. Panghuli, lumayas ka sa harapan kong punyeta ka!" galit na galit na wika nito. Tiningnan naman niya si Blight. Nakangisi ito. "Gusto mo akong ipakulong? Go, gawin mo at babalik din sa iyo. Sino bang may sabi sa iyong may karapatan kang duru-duruin ako? This is harassment!" Bakit harassment ang pagduduro? Sa pagkakaalam niya kasi ay masama ang pagduduro sa kapwa. Ayon lang. "Wala kang galang!" Nang tingnan niya ang ina ay itinaas nito ang basong kanina pang hawak at walang pag-aatubuling hinagis iyon sa posisyon ni Blight. Mabilis na nakailang ang lalaki na ikinahinga niya nang maluwag. "Nay, tama na. Tumigil na kayo!" sigaw niya. Imbis na sundin nito ang utos niya ay pumasok ito sa loob ng kuwartong nilabasan kanina. Mayamaya pa ay lumabas itong dala-dala ang mga damit niya kasama ang sa anak niya. "Lumayas na kayo rito!" anito. "Lalayas kami!" anang Blight sa galit at may halong iritasyon na tono. "Wala talaga kayong kuwentang ina!" Ayon ang huling sinabi ni Maya bago tuluyan silang lumabas ni Blight kasama ang anak. Masakit man pero kailangan nilang magpakalayo. Minsan na nga niyang napagkakamalang baliw ito. Hindi niya alam. Hinding-hindi niya talaga alam. "Are you okay?" tanong ni Blight nang makapasok sila sa loob ng kotse. Tumango lang siya. "Oo, ayos lang ako. Ikaw ba?" "I'm okay. May anak ka pala," parang nagtatakang saad nito sa kaniya. "Cyrus nga pala. Cyrus ang pangalan niya!" pakilala niya sa anak. "Sino ang ama niyan? Nasaan?" Napapikit siya at kalaunan naman ay minulat din ang mga mata. Malungkot siya. Parang pabagsak na ang buhay niya. Parang 50/50 na siya. Hindi niya ba alam o baka ito talaga ang kapalaran niya. Peke siyang ngumiti para itago kay Blight ang kaniyang kalungkutan. "Huwag mo ng tanungin," wika niya. Naramdaman na lang niyang hinawakan siya nito sa kamay at marahang minasahe. "Tell me. Mapagkakatiwalaan mo ako, Maya." Makulit. Wala na siyang nagawa. "Naanakan kasi ako ng isa naming customer. Matapos noon, hindi na ako pinanagutan. At ito, nagbunga." Inalog-alog pa niya ang anak sa kaniyang mga binti. "Nakaawa ka talaga, Maya." Talaga. Talagang nakakaawa siya. "Gusto ko na ngang mamatay, eh..." "Mamatay? Are you crazy? Gusto mong mamatay for what reason? You are depressed? I'm here, I'm here for you." Mabait talaga itong si Blight. Kaya naman ang gaan ng damdamin niya rito. Gusto niya talaga ito. Pero hindi niya masabi dahil hindi siya umaasang magugustuhan din siya nito. Pretend lang. Pretend lang ang lahat ng ginagawa nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD