NASA hapag sila, hindi maiwasang mailang ni Maya sa mga magulang nito. Paano ba naman kasi ay hindi niya pa rin makalimutan ang lahat-lahat ng mga sinabi nito na parang siya ang pinariringgan. Pero tapos na iyon. Tahimik lang siyang nakain. "By the way, when can we meet your parents, hija? Naitaas niya ang kaniyang tingin at saktong nakatingin din ang ina ni Blight sa kaniya. Hindi muna siya nakaimik dahil nag-iisip pa siya. Ayaw niyang mangako dahil hindi naman iyon matutupad. "Mom, nasa abroad ang parents ni Maya," anang Blight na ikinagulat niya. "Wow! That's really good. Puwede naman tayong bumili ng ticket at pumunta sa abroad to see Mayas' parents," anito pa. Wala siyang imik ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya dahil parang natuod yata siya sa kinauupu