CHAPTER 20- Madilim Na Sinapit ng Kataksilan

1681 Words
Parang nafroze ito nang marinig niya na binanggit nito ang kanilang anak na si Letiana. Saka naman binagsak sa lapag ni Premetivo ang pagkakahawak nito sa buhok ng babae. “Tumayo ka!" Biglang kinaladkad ni Premetivo ang asawa niya papatayo at dinala niya iyon sa papag saka niya pinaupo ito roon. “Magbihis ka nga muna.. nandidiri ako sa kalaswaan ng katawan mo!" Nagmadali namang pulutin ni Marciana ang mga damit nito saka niya iyon sinuot. “Ahmm boss ano palang gagawin natin dito sa lalaking ito? Ililibing na ba natin ng buhay ito?" sabat naman bigla ni Mauro sa kanya. Nagpintig ang dalawang tainga ni Marciana saka ito mabilis na sumugod sa kinaroroonan ni Mauro at sinampal niya ito ng malakas. Pak! “Traydor ka! Sino ka para sumali sa problema namin huh?!" galit na galit na sigaw ni Marciana sa mukha ni Mauro. Bigla namang hinawakan nang isa pang tauhan si Marciana dahil sa senyas ni Premetivo at ibinalik ulit ito roon sa papag. Napahawak naman sa nasampal na pisngi nito si Mauro saka ito bigla ngumisi. “Ano bang karapatan mong manampal sa tauhan ko? Ikaw ang taksil dito.. kung hindi dahil kay Mauro hindi ko malalalaman ang kataksilan mo!" sigaw muli ni Premetivo sa kanya. Lumapit si Mauro kay Premetivo saka nito iniabot ang mga litrato at isang lumang touch screen na phone. “Ayan! Ang tagal mo na pala akong niloloko!” Sabay hagis ni Premetivo ang mga ebidensya nito sa mukha ni Marciana. Sumabog lang sa ibabaw ng papag ang lahat ng mga litrato nila ni Juanito. Nilapag din ni Premetivo sa ibabaw ng papag ang isang lumang touch screen na phone at nagpaplay roon ang isang video clip na nagtatalik sila sa loob ng isang kweba. Nashock si Marciana sa kanyang napanood. Naghalu-halo na ang takot at pangamba ni Marciana. Hindi na nakayanan ng babae na mapanood iyon hanggang sa naitapon nito sa dingding ang phone na iyon. Bigla na itong nagmakaawa kay Premetivo.Hinablot niya ang mga braso nito habang nagmamakaawa ito at umiiyak sa harapan niya. Si Premetivo naman ay hinagis lang siya sa papag at saka lumapit sa pwesto ni Juanito. Sumuntok siya ng isang suntok sa tiyan ng lalaki. Pak! Saka siya sumabunot sa buhok ng lalaki para iharap sa kanya ang mukha nito. “Hayop ka! Oo inaamin ko noon na mali ang pinagsimulan ng lahat dahil nagpakasal kami ni Marciana sa isang kasunduan para sa negosyo. May minamahal din akong iba noon.. wala eh.. hawak kami sa leeg ng mga magulang namin dati kaya wala kaming nagawa. Pero kasi… iba na ang sitwasyon ngayon eh.. Alam kong alam mo ang sinasabi ko. Hindi ba may pamilya ka na rin? Hindi mo ba naisip ang mararamdaman ng pamilya mo kung malalaman nila na kabit ka ng asawa ko? Huh? Gusto mo bang patayin na kita ngayon dahil sa pangangahas mong pagsira sa pamilya kong hayop ka!?" galit na angil ni Premetivo sa mukha ni Juanito habang hawak ng kaliwang kamay nito ang mukha ng lalaki. Hindi naman sumasagot sa kanya si Juanito. Nakatitig lang ito sa kanya nang matalim. Pagkatapos sabihin ni Premetivo ang mga katagang iyon ay pabigla na lang niyang binagsak ang pagkakahawak niya sa mukha ni Juanito. Lumapit muli si Premetivo sa pwesto ng kanyang asawa. "Huwag! Please… patawarin mo ako Premetivo.. patawad. Sige.. gagawin ko ang gusto mo. Lahat ng gusto mo basta huwag mo lang siyang patayin. Please maawa ka sa kanya. Please Premetivo huhhuhu. Ako ang may kasalanan nang lahat dahil ako ang nang-akit sa kanya. Ako ang nangahas lumapit. Maawa ka sa kanya.. sa akin mo na lang ibaling ang galit mo!" garalgal na boses ng babae na nagmamakaawa kay Premetivo habang patuloy pa rin itong umiiyak. Nakahawak na rin ito sa damit ni Premetivo sa patuloy nitong pagmamakaawa. Hindi na lang umiimik si Premetivo. “Dalhin ninyo si Marciana sa sasakyan ko ngayon na. Kayong dalawa at ikaw Mauro, maiwan kayo rito. Bantayan ninyo muna rito iyang tao na yan. Babalik ako, gusto ko nandito ako mamaya bago natin siya muling pahirapan. Gusto ko ako ang gagawa niyon sa kanya. Maliwanag ba?“ seryosong utos ni Premetivo sa kanila. “Yes boss!“ mabilisang sagot na lang ng dalawang tauhan nito na nakahawak sa dalawang braso ni Juanito. "Huwag! Premetivo! Maawa sa kanya! Huwag mo siyang patayin! Ahhh.. Huhuhuhu,“ pagwawala na lang ni Marciana at pagpupumiglas nito para hindi siya madala ng mga tauhan nila sa sasakyan. Hanggang sa may isinuot si Premetivo na isang facemask sa ilong ni Marciana saka ito biglang nahimatay. May gamot iyon nang pampatulog. Nadala na nga ng mga tauhan nito si Marciana papunta ng sasakyan. Pinulot naman lahat ni Premetivo ang mga nakakalat na ebidensya sa papag pati ung nabasag na phone saka siya sumunod papuntang sasakyan. Pagkaraan ng ilang sandali, nakakulong na si Juanito sa loob ng kubong iyon habang nagbabantay sa kanyang harapan ang dalawang tauhan ni Premetivo. Samantalang si Mauro ay umalis muna saglit para bumili ng kanilang makakain. “Pare, maiwan muna kita rito ah.. Ihi lang muna ako sa labas,“ paalam bigla ng isang tauhan sa kasamahan nito habang ang isa naman na tauhan ay nagbabantay sa loob ng kubo . Saka ito lumabas ng kubo para umihi. Lingid sa kaalaman ng dalawang tauhan na iyon na hindi pala mahigpit ang tali na ginawa nila sa mga kamay ni Juanito. Mabilis na natanggal iyon ni Juanito. Nang napatalikod saglit ang natirang tauhan na nagbabantay sa kaniya sa loob ay sinamantala naman iyon ni Juanito at bigla itong lumapit ng mabilis sa kinaroonan ng taong nagbabantay sa kanya. Pagkaharap nito ay saka niya iyon sinapak ng malakas. Pak! Napabagsak na lang ito sa lapag. Sinamantala naman kaagad ni Juanito na makatakas at nakalabas nga ito ng kubong iyon. Patakbo na si Juanito sa kagubatan nang napansin ng isang tauhan na umihi na mabilis itong nakalabas ng kubong iyon. Kumaripas ng pasok ito sa loob para alamin ang nangyari sa kanyang kasamahan. Nakita na lamang nito na nakahandusay na ito sa lapag. “Ano bang katangahan ang ginawa mo pare! Nakatakas yung binabantayan natin oh! Dali! Tumayo ka na kaagad diyan. Habulin natin yon! Nako po malilintikan tayo niyan kay boss, baka tayo pa ang mapatay niyon!“ sita naman ng isang tauhan ni Premetivo. Nagmadali silang tumakbo para dakpin muli si Juanito. Sa kabilang banda naman ay takbo lang nang takbo si Juanito. Hindi niya alintana ang pagod sa pagtakbo kahit madilim na sa paligid hanggang sa nakarating ito sa kanilang bahay. Paglipas ng ilang taon…. Sa taong 2017…. “Inay! Itay! Tulong! Tulungan ninyo ang mga magulang ko! Nasa loob sila ng nasusunog naming bahay! Mga kapitbahay tulong! Ma! Pa! Huwag ninyo akong iwanan mag-isa! Ahhhhhh!“ Saka napabangon bigla si Fendi mula sa pagkakatulog. Sobrang pawisan ito at mabilis ang pintig ng kanyang puso. Napatulala ito saglit dahil nabangungot na naman siya. Minumulto na naman siya ng kanyang nakaraan dahil sa kanyang natamong trauma. Tuluy-tuloy lang na nagriring ang kanyang alarm clock subalit parang hindi siya nabibingi nang mga oras na iyon dahil lutang na naman ang kanyang isip. Paulit-ulit na lang siyang dinadalaw ng pangit na panaginip na iyon. Maya’t-maya’y biglang nagring ang kanyang phone na nakapatong malapit sa lampshade. Nakadikit iyon sa kanang side ng kanyang higaan. Doon na biglang bumalik ang diwa ni Fendi sa kasalukuyan. Inabot niya iyon at sinagot ang tumawag sa kanya kasabay nang pagpatay nito sa tumutunog nitong alarm clock. “Hello bro, napatawag ka?" bungad na saad kaagad ni Fendi sa kausap niya sa kabilang linya. “Hey bro! Nasaan ka na ba? Narito na ko sa loob ng classroom. 15 mins. na lang darating na yung terror na professor natin sa Philosophy. Papasok ka pa ba?" tanong sa kanya ng bestfriend niya na si Tyron. Nagtaka si Fendi saka siya napaisip saglit sa sinabi ng kausap niya. “Huh? Anong sinabi mo? Oo nga pala! Late na pala ako! Hala bro sige baba ko muna ito ah. Mamaya na lang tayo mag-usap.” Nanlaki ang mga mata ni Fendi nang makita niya ang oras sa kanyang phone. Pasado 6:45 na pala ng umaga. Nagmadali na siyang bumangon sa kanyang kama saka siya kumaripas ng takbo para maligo sa kanyang sariling banyo. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagmamadali na itong bumaba sa hagdanan ng kanilang mansyon. “Senyorito, late ka na naman sa klase mo. Hala kain ka muna rito oh… naghanda ako ng agahan mo,“ pagtawag pansin sa kanya ng kusinera nila habang inaayos nito ang pagkain sa lamesa nila. “Nako po! Yaya bakit hindi mo man lang ako ginising kanina? Super late na tuloy ako." Nagsasalita ito habang nagmamadali na lumapit sa kinaroroonan ng lamesa nila. Dumampot lang iyon ng isang hotdog at binalot niya iyon sa isang tasty bread na nakahain sa lamesa. “Kanina pa kaya kita kinakatok sa kwarto mo. Takaw tulog ka po ata eh.. nakalock pa yung kwarto mo,” sagot naman sa kanya ng katulong nila. “Oh sige na yaya huh… alis na ako super late na talaga ako. Bye na!“ Nagmadali na itong dumiretso sa kanilang pintuan nang.. “Sandali lang senyorito, ito baon mo oh!“ pahabol pang sabi ng yaya nito sa kanya sabay abot nito ng isang lunch box. “Huwag na ho! Kakain na lang ako sa canteen namin. May pera naman ako,” sagot naman ni Fendi nang nakaabot na ito sa pintuan nila. “Grabi ka naman senyorito! Hindi mo ba maapreciate ang ginawa ko para sa iyo? Pinaghirapan ko pa namang gawin ito kanina," pangongonsensiya pang saad sa kanya ng yaya niya. Napahinto naman sa pagtakbo si Fendi sa mismong pintuan nila. Nakonsensya naman siya sa sinabi nito kung kaya’t bigla siyang bumalik ulit sa yaya niya para kunin ang lunch box na gawa nito. “Ok sige na po yaya kukunin ko na para hindi ka na malungkot. Oh ayan na po ah.. hala po… alis na ako.“ Saka na siya nagpaalam at patakbong pumasok sa service nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD