CHAPTER 21- Bagong Buhay

1808 Words
“Mr. Fendi Costodio... you’re late! You’re almost late ng 30 mins. Kanina pa nagsimula ang klase ko. Parati ka na lang ganyan. Not once not twice and also not thrice! May problema ka ba sa subject ko? Hala sige mag iskwat ka sa labas hanggang sa matapos ang klase ko. Mamayang break time din ay magpunta ka sa guidance office ah,“ galit na utos ng isang professor sa Philosophy sa dumating na si Fendi nang sinubukan nitong pumasok sa loob ng klase nila. “I’m sorry Ma’am, sige po mag iskwat na po ako sa labas.“ Napakamot na lang ng ulo si Fendi saka ito lumabas nang naturang klase. “Teka sandali lang pala… oh ito. Magpatong ka ng tatlong libro sa mga kamay mo. Dapat hindi babagsak yan ah. Maliwanag ba?“ pahabol pang saad ng professor niya saka ito nag-abot ng tatlong malalaking libro sa kanya. Halos lahat ng mga kaklase niya ay nagtawanan sa loob ng klase nila. Hindi naman sineryoso ni Fendi iyon. Dumiretso na nga ito sa labas ng kanilang classroom saka ito umiskwat doon sa isang gilid hanggang matapos ang buong subject nito sa Philosophy. Sumapit ang kanilang break time, tumambay sa isang canteen sina Tyron at Fendi. “Ano bro? Masaya bang umiskwat sa labas ng classroom? Hahaha.. sige magpalate ka pa araw-araw magiging sikat ka uli niyan hindi lang dito sa classroom kundi sa buong campus natin hahaha." Pang-aasar na lang sa kanya ni Tyron nang nakaupo na sila sa isang mahabang lamesa na naroon sa loob ng kanilang canteen. “Bakit bro? Sikat naman ako ah matagal na. Hindi na kailangan ulit magpasikat. Tsaka yun na ang magiging una at huli kong pag-iskwat sa labas. Papasok na talaga ako ng maaga,” tanging naging saad na lang ni Fendi habang nakasandal ang dalawa nitong siko sa lamesa na nakatalikod ito. “Naku po bro, nagyabang ka na naman… oo nga sikat ka na nga sa larangan ng swimming dahil sa pagiging scholar mo sa school at multi-awarded mo sa mga kompetisyon. Pero gugustuhin mo bang masira ang iniingatan mong pangalan nang dahil lang sa pagiging lazy mo sa pagpasok? Atsaka, ilang beses mo na ba sinabi na papasok ka na ng maaga? Hahahha… paso na yang linyahan mo bro! Narinig ko na yan sa iyo nung isang araw eh hahahha." Patuloy pa na pang-aasar sa kanya ng kaibigan niya. “Hala sige na nga.... tama na yan at kumain na tayo.“ Saka naman naasar si Fendi at nilabas na lang nito ang pagkain na pinabaon sa kanya ng yaya niya. “Ano yan bro? Naks naman.. pabaon-baon ka na ngayon ah... elementary lang hahaha." Pang-aasar pa muli ni Tyron nang makita niya na may dala-dala itong baon. “Wala naman masama kung magbabaon di ba? Atsaka, ang tawag dito pagiging praktikal kaysa bumili na lang araw-araw sa labas ng pagkain noh. Ang mamahal kaya ng paninda rito sa loob ng school natin.. parang ginto ang presyo sa mahal. Teka, sandali nga lang.. ano ba kita? Kaibigan o kaaway? Pansin ko lang kanina ka pa nang-aasar diyan ah. Ang lakas naman ng topak mo ngayon bro ah hehehe. Akala ko ba ako lang ang bully sa atin huh? Hehe, " tugon naman ni Fendi sa kanya habang kumakain na silang sabay. “Bakit bro naghihirap ka na ba ngayon? Super yaman kaya ng pamilya mo noh. Biruin mo may sarili kayong negosyo sa Amerika at dito sa Manila... nag-iisa ka lang na anak oh. Hehehehe. Ang sabihin mo umiral na naman yang pagiging kuripot mo hahahah. Bakit bro? Napipikon ka na ba? Weh di nga? Hahaha… asar talo ka pala eh. Siyempre kanino pa ba ako magmamana edi sa iyo! Hahahaha. Siyangapala maiba na nga tayo ng topic bro, nabalitaan mo bang may darating na bagong transferree student dito sa school natin this week?“ Pagpapatuloy na lang sa pagkukwento ni Tyron sa kanya. “Talaga? Edi nice, babae ba yan o lalaki?“ tanong naman sa kanya ni Fendi. “Ang sabi ng mga marites sa klase natin babae raw bro," dagdag pa ng kausap niya. “Bakit bro? Interesado ka na naman noh? Umiral na naman yang pagiging Chickboy mo tsk.. tsk.. tsk.. may iiyak na naman na kawawang babae pagnagkataon.“ Nagliligpit na si Fendi ng kanyang baunan pagkatapos nila kumain. “Ano ka ba? Hindi ko kasalanan kung maraming magmahal sa mala adonis kong mukha. Pinagbibigyan ko lang ang mga babaeng gustong magmahal sa sa akin noh bro. Eh, hindi naman ako madamot eh. Nagshashare lang ako ng pagmamahal sa kanila. Hindi ko na kasalanan kung maghabol sila sa akin hehehe. Ang torpe mo kasi eh heheh,“ pagyayabang saad naman sa kanya ni Tyron. “Hala tama na nga yan. Masyado ng mahangin sa pwesto natin baka magka earthquake pa bro. Siyangapla, may swimming practice pa tayo mamaya ah. Basta bro don’t forget after ng school diretso tayo sa Marikina Sport Center. Mas masarap kasi ang magpractice do’n eh," huling sambit na lang ni Fendi saka na sila bumalik sa kanilang klase. “Nako po hala bro.. mauna ka na pala sa classroom natin kasi pinapatawag pala ko sa guidance office natin. Punta muna ko roon ah,“ saad muli ni Fendi. "Just expect on it bro, hala ka hahatulan ka na.. lagot ka na sa mommy mo hehehe,” pang-aasar pa muli ni Tyron sa kanya at nauna na nga ito sa kanilang klase saka naman dumiretso si Fendi sa Guidance Office nila. Pagkalipas ng buong araw ng klase ay dumiretso nga ang dalawa sa Marikina Sport Center. Natapos ang buong araw na iyon nang sobrang pagod si Fendi dahil sa kakaensayo nito sa swimming. Naghahanda na naman ito para sa panibagong kompetisyon ng kanilang eskwelahan sa susunod na buwan. Siya ang isa sa inaasahan na magdadala na naman nang karangalan para sa Unibersidad ng Sto. Tomas kung saan ito nag-aaral. Sa edad na 20 ay nasa 3rd year college na ito. Mula 1st year hanggang sa 3rd year na antas niya sa kolehiyo ay hindi pa siya natatalo. Parati siyang nasa unang place kaya masasabing kilalang kilala na siya sa iba’t-ibang eskwelahan. Nang nakarating na siya sa kanilang mansyon ay pagod niyang ibinagsak ang kanyang katawan sa kanyang kama nang makaakyat na ito sa kanyang sariling kwarto. Pagkalipas ng ilang minuto ay naisipan niyang tumambay naman sa paborito niyang lugar mismo sa bubong ng kanilang mansyon. Nagmadali siyang umakyat sa kanilang attic at nung naroon na siya sa loob ay itinulak naman niya ang mataas na hagdan saka siya umakyat at inabot naman nito ang maliit na bintana sa pinakataas. Inakyat nga niya ang bubong ng mansyon nila. Nang nakaakyat na siya ay dahan-dahan siyang naglakad sa mga bricks ng bubong nila upang maiwasan nito na madulas at hindi mahulog sa ibaba. Nakasuot ito ng kulay itim na malaking jacket na may hood na tinerno sa kulay ng kanyang suot ding pajama. Napaupo na nga siya roon sa ibabaw ng bintana nila sa attic sa bubong mismo nito dahil patag ang nauupuan niya roon. Habang nakapwesto na siya ay saka siya napahiga. Nakaharap sa langit ang kanyang mukha. Nang mga oras na iyon ay naglakbay sa kawalan ang kanyang isipan. Inalala niya muli ang kanyang nakaraan kung paano siya nakarating sa Manila at kung paano siya naulila mag isa hanggang sa inampon siya nang nagngangalang "Maleyna Cuertas" na isa na ngayong "Maleyna Costodio" Fendi’s POV... Kadiliman… paghihirap ng puso… hataw ng kalupitan ng sitwasyon… ang unti- unting lumalamon sa akin sa tuwing naaalala ko kung paano namatay ang mga magulang ko. Masyadong masakit sa akin dahil naroon ako sa naging kamatayan nila. Nasaksihan ko ang bangungot ng aking nakaraan. Abala ako noon isang gabi sa pagpapakain ng mga alaga naming baboy sa likod bahay namin. Pagkaraan ko sa mini warehouse namin ay napansin ko ang aking itay na si Juanito na nasa loob nito at nakaupo ito roon sa mahaba naming upuan sa harapan ng isang malaking lamesa. Napapasok din ako sa loob upang sana ay kumuha ng isang gamit. Walang kuryente sa bahay namin nang mga oras na iyon sa kadahilanan na nagkaroon ng problema sa poste ng meralco malapit sa aming lugar. Kung kaya’t puro lampara at mga kandila lang ang ginamit namin para magsilbing ilaw sa loob ng aming tahanan. Ang mini warehouse namin ay puno ng stock ng aming mga gasoline container sa isang gilid, mga gamit para sa pangingisda ng aking ama, mga gamit sa pagsasaka at iba pa. Naaninagan ko ang itsura ng aking ama dahil sa isang lampara na nakalagay sa isang lamesa. Halos hinihingal ito at puno ng mga pasa, mga nagdurugong sugat at sobrang pamamaga ng mukha nito. Halos hindi ko na nga ito makilala nang mga oras na iyon. Bigla na lang ako nagsabi sa kanya na, “Oh itay? Ikaw ba talaga iyan? Ano pong nangyari sa mukha ninyo bakit po parang may bumugbog sa inyo sa kanto?" pag-aalala kong sambit sa kanya nang nakalapit na ako sa kanyang harapan. Hindi kaagad nakasagot ang aking ama. Tahimik lamang ito at umiwas ng tingin sa akin. Yumukod lang ito saka bigla na siyang nagsalita. “Ah anak… siyangapala magsirado ka na ng mga pintuan at bintana.. dalian na natin atsaka, kapag may maghanap sa akin sabihin mong walang nakatirang Juanito rito ah?“ pataranta na lang nitong sambit sa akin saka ito nagmadaling nagtungo sa pintuan para isarado iyon gayundin ang bintana sa loob ng mini warehouse namin. Nakatayo lang ako malapit sa lamesa habang nagtataka na pinanonood ko ang kanyang pagkataranta. “Ano pang tinatayu-tayo mo riyan? Hala, dalian mo na’t sayang ang oras-“ patarantang saad na lang sa akin ng aking ama habang nakatingin lang ako sa kanya sa isang tabi. Bigla ako napapitlag saglit at sinunod ko na lang ang payo niya. Maya’t maya’y nang isasarado na ng aking ama ang aming pintuan ay may biglang sumipa sa pintuan ng aming mini warehouse. Bag! Nagulat ako sa aking narinig. “Itay ano yun?“ tanging nasabi ko na lang at nagsimula ng rumagasa ang matinding takot sa aking dibdib. Naaninagan sa labas ng aking ama ang mga taong gumawa niyon saka ito biglang parang takot na takot at malakas niyang itinutulak ang pintuan para maisara niya iyon ng maigi. Nagimbal ako sa aking nasaksihan. "Hala’y tulungan mo nga ako… itulak mo nga ang malaking upuan natin papunta rito sakin para ipangharang ko rito sa likod…. Bilisan mo na!“ pasigaw na utos ng aking ama sa akin. Pataranta naman akong sumunod sa kanya at nagmadali akong itulak papunta sa kanya ang mahaba naming kahoy na upuan. Kahit sobrang bigat ay ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para maitulak ko iyon kahit halos mapigti na ang mga litid sa aking lalamunan sa kakairi ko.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD