CHAPTER 19- Paghihiganti

1535 Words
Pagkapasok nga ni Marciana ay nilapitan niya ang asawa niyang natutulog sa kanilang kama. “Ah, honey… kamusta na pala ang pakiramdam mo?“ bungad ng pagtatanong ni Marciana. Nagpapanggap naman na tulog si Premetivo sa kanyang higaan saka siya kunwaring dahan-dahang dumilat ng kanyang mga mata. Napatingin ito sa kanya. “Masama talaga ang pakiramdam ko. Pwede bang hayaan mo muna akong magpahinga ng mahaba?“ iritadong saad nito sa kanya. “Ok sige honey.. ikaw ang bahala. Siyangapala, dadalawin ko pala ang status ng mga pabrika natin ah. Pati ng koprahan natin… mag-iinspection lang ako roon. Baka abutin ako ng buong araw kaya huwag mo na akong hanapin," pagsisinungaling na lang ni Marciana sa kaniya. Hindi na lang umimik si Premetivo at napapikit na lang ito sa kanyang pagkakahiga sa kama. Pagkaalis ni Marciana sa kanilang kwarto ay agaran na tinawagan ni Premetivo sa kanyang phone si Mauro. Ring! Ring! Ring! “Hello Mauro, nakaalis na siya rito. Lalabas na siya ng bahay. Alam mo na ang gagawin ah. Sundan ninyo siya kung saan siya pupunta pagkatapos ay tawagan mo kaagad ako. Susunod ako roon," seryosong pag-uutos nito sa tauhan niya. “Yes, boss. Copy po," maikling tugon naman ni Mauro sa kausap. Sa kabilang banda, nagngingitngit sa galit si Premetivo nang maalala niya ang mga narinig niya sa kanyang asawa habang nakikipag-usap ito sa kausap niya sa phone. Nawasiwas niya bigla ang lahat ng mga litrato nila na nakadisplay sa isang mababang istante na naroon sa loob ng kanilang kwarto. Lahat ng iyon ay lumagapak sa sahig at halos lahat ay nabasag. “Oras na ng paniningil mga hayop kayo!“ sobrang galit na saad nito sa kanyang sarili habang nanginginig ang mga kamay nito na nakakuyom pa. Pagkalabas ni Marciana sa kanilang bahay ay sumakay na ito sa kanyang sariling sasakyan. Nagmomonitor naman sa di kalayuan si Mauro sa kanya. Nang nakalabas na ang sasakyan nito sa kanilang gate ay saka rin lumabas ng gate ang sasakyan ni Mauro para sundan ito. Kasama rin ni Mauro ang tatlo pa nilang mga tauhan habang sinusundan nila ang sasakyan ni Marciana. Pagkarating ni Marciana sa isang magubat na lugar ay itinago nito ang kanyang sasakyan sa likod ng isang lumang barong na inabandona. Pagkalabas nito ay kaagad naman itong pumasok sa loob ng naturang kubo. Sa di kalayuan ay nasundan naman siya nila Mauro. Sumisilip sila sa isang malaking puno na halos malayo-layo ang distansya nila mula roon sa kinaroroonan ng bahay na pinuntahan ni Marciana. Nagtaka bigla si Mauro dahil parang naalala nito ang lugar na iyon. “Teka lang, parang alam ko ang lugar na ito ah.. natatandaan ninyo ba noon na minsan may inutos ako sa inyo na dakpin ang nagngangalang Juanito para ikulong sa isang lumang kubo?" pagtatakang saad nito sa iba pa niyang mga kasamang tauhan doon. “Oo boss.. dito yung address na binigay ninyo. Diyan pa nga namin siya iniwang walang malay sa lumang kubo na yan eh mismo sa loob. Saka namin siya iniwang nag-iisa roon. Sabi ninyo iwanan lang hindi ba? Kaya umalis na kami kaagad," sabat pa ng isa niyang tauhan doon. “Kaya pala pamilyar yung lugar na ito eh. Baka yung lalaking dinampot natin noon at ang kalaguyo ni Ma’am Marciana ngayon ay iisa lang? Ngayon malinaw na sa akin ang lahat," huling saad ni Mauro sa mga kausap niya. “Malalaman natin yan boss mamaya kapag nakita na natin yung lalaki,“ sabat pa ng isang tauhan sa mga kasama niya. Naisipan na ngang magreport muli ni Mauro kay Premetivo kaya tumawag na siya rito. Ring! Ring! Ring! “Hello Mauro, kamusta? Nasundan ninyo na ba kung saan na siya ngayon?" unang saad kaagad ni Premetivo sa tumawag na si Mauro. “Yes Sir nandito na po kami. Nasa kalagitnaan kami ng isang gubat na wala masyadong nakatira. Banda sa gitna nito, may isang abandonadong kubo at doon namin nakita si Ma’am Marciana na pumasok sa loob. Sinend ko na rin po sa inyo sa messenger yung link ng waze o gps po para matunton ninyo ang kinaroroonan namin ngayon.“ pagrereport na lang ni Mauro sa kanya. “Ok sige… stand by muna kayo riyan at mag-obserba ng mga kaganapan. Hintayin ninyo ako hanggang sa makarating ako riyan saka ko sasabihin sa inyo ang susunod na instruction.“ seryosong utos ni Premetivo sa mga tao niya saka na niya binaba ang phone niya. Naghanda na nga ito saka siya dumiretso palabas ng mansyon niya at sumakay na ito ng kanyang sasakyan. Dumating ang kulay itim na hondang sasakyan ni Premetivo sa lugar na nireport sa kanya ni Mauro. Pagkababa niyon ay nakita niya na may nag-aabang na sa kalsada na isa sa mga tauhan niya. Pagkalabas niya ng kanyang sasakyan ay hinatid na siya ng naabutan niyang tauhan sa kinaroroonan nila Mauro. "Nasaan na siya?” bungad na tanong kaagad ni Premetivo nang nakarating na siya sa pwesto ng kanyang mga tauhan na nakatambay sa isang malaking puno. “Nandoon Sir sa kubo na iyon,“ sagot kaagad ni Mauro sabay turo nito sa kanya ang kinaroroonan ng lumang kubo. Nauna na ngang naglakad papunta roon si Premetivo at sinundan lang siya ng kanyang mga tauhan. Paglapit nila sa tapat ng isang pintuan ng isang lumang kubo na kinaroroonan ng kanyang asawa ay agad namang pinagtatadyakan nang malakas ng mga tauhan nito ang harapan ng pintuan. Bag! Bag! Bag! “Huh? Ano yun? May sumisira ng pintuan sa labas,” sobrang gulat na saad ni Marciana at kaagad silang bumangon nang sabay ni Juanito. Nang mga oras na iyon ay parehas silang nakahubad at nasa kalagitnaan sila ng pagroromansa. Mabilisang nakapagsuot ng kanilang mga undies ang dalawa. Naisuot na rin ni Marciana ang kanyang bra nang biglang bumukas ang nawasak na pintuan. Tumambad sa paningin ng dalawa si Premetivo sa tapat ng pintuan. Sobrang nagimbal ang dalawa at rumagasa na ang matinding takot sa dalawa. “Mga taksil! Hayop!“ galit na galit na sigaw ni Premetivo nang makita niyang walang saplot ang dalawa maliban sa mga undies nila. Galit na galit itong sumugod sa higaan kung saan naroroon si Juanito at sinapak niya ito sa kanyang kanang pisngi. Pak! Sobrang lakas ng suntok hanggang sa napatalsik ito at napahandusay siya sa lapag. Dahil sa ginawa nito ay dumugo kaagad ang bibig at ilong ni Juanito. “Mga Traydor kayo! Hayop! Ang dapat sa inyo ay mamatay!“ hindi na makontrol ni Premetivo ang kanyang galit. Para itong naposes ng isang demonyo. Nagliliyab ang kanyang mga mata at sobrang init dahil sa sobrang galit ang kanyang buong katawan. Nilapitan niya muli si Juanito saka niya ito pinagsusuntok sa magkabilaan nitong pisngi habang nakaupo si Premetivo sa ibabaw ng lalaki. Pak! Pak! Pak! “Hayop ka! May pamilya ang tao.. pumatos ka pang demonyo ka!“ todo sigaw nito at pagsasapak sa kanya. Sa kabilang banda naman ay sigaw nang sigaw si Marciana sa sobrang taranta at takot. Napatakbo ito sa kinaroroonan ng kanyang asawa para pigilan ito sa pananakit kay Juanito. “Huwag! Tama na! Huwag mo siyang saktan! Maawa ka Premetivo.. tigilan mo na yan! Huwag mong gawin sa kanya yan! Huhuhuhu,“ sobrang garalgal ng boses ni Marciana habang hinahablot nito ang mga braso ni Premetivo hanggang sa naitulak ni Marciana ang kanyang asawa nang malakas na kinabagsak nito sa sahig. Pumuwesto kaagad ang babae sa ulunan ni Juanito at tinutulungan niya itong makabangon. Duguan ang mukha ni Juanito at nagsimula na rin itong mamaga. Mabilis kaagad na tumulong ang mga tauhan nito si Premetivo para makatayo ang boss nila. Itatayo na sana ni Marciana si Juanito nang bigla siyang nilapitan ni Premetivo at sinampal siya nito nang malakas sa kanyang kaliwang pisngi. "Taksil ka!” sigaw na malakas ni Premetivo kay Marciana sabay sampal nito ng malakas. Pak! Parehas napabagsak sa lapag sina Juanito at Marciana. Tumalsik sa kabilang side si Marciana dahil sa lakas ng pagkakasampal ni Premetivo sa kanya. Hinakawan kaagad ng dalawang tauhan ni Premetivo ang magkabilaang braso ni Juanito at kinaladkad ito papatayo. Lumapit naman si Premetivo sa asawa niya na nakahandusay sa lapag. Pinagmasdan niya ito nang matalim at nanlilisik nitong mga mata mula ulo hanggang paa. Sa mga oras na iyon ay nakabra at panty lang ang asawa niya. Duguan na rin ang bibig ni Marciana bunga ng malakas na pagkakasampal sa kanya. Umupo si Premetivo malapit sa ulunan ni Marciana sabay sinabunot nito ang sabog nitong maikling buhok para maiangat nito ang mukha ng babae. “Hayop ka Marciana… binigay ko ang lahat sa iyo. Napakasinungaling mo ring hayop ka! Sinunod ko ang kasunduan ng mga magulang natin noon para lang pakasalan ka kahit na mayroon akong minamahal noon. Minahal kita at naging tapat ako sa iyo tapos ganitong kahayupan lang ang isusukli mo sa akin?! Hindi ka ba naawa sa anak mo kung malalaman niya na ang kanyang ina ay isang puta! Malandi! At wawasak pala sa pamilya natin. Hindi mo ba naisip ang mararamdaman ng anak mo? Huh?" galit na galit na saad ni Premetivo sa mukha ni Marciana. Takot na takot si Marciana habang nakatitig lang sa mukha nito habang umiiyak. Hindi nakasagot kaagad ang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD