CHAPTER 10- Sa Masukal Na Gubat

1914 Words
Nakakita si Fendi ng isang munting kweba at siya nga ay nagpunta roon. “Letiana! Tara dali! Pasok kayo rito sa loob,” sigaw naman ni Fendi nang nakaakyat na siya roon sa isang kweba habang nakalingon ito sa tumatakbong dalawang bata palapit sa kanya. Umakyat na nga rin ang mga ito sa kinaroroonan ni Fendi. Napalingon silang lahat sa nakasunod na baboy ramo sa kanila hanggang sa dumiretso na lang ito sa isang talahiban na naroroon. Nakalagpas na nga ang baboy ramo na kanina pa humahabol sa kanila. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay sabay-sabay silang huminga ng malalim at sobrang pagod mula sa pagkatakbo. “Nako po Letiana, paano na tayo makakauwi nito? Natatakot na akong maglakad ulit doon baka mamaya eh ibang hayop na naman ang makasalubong natin tapos habulin na naman muli tayo,“ sobrang pag-aalalang banggit ni Chichi sa kanya habang hinahablot nito ang kanyang braso. “Dumito na muna tayo kaya saglit sa loob bago maglakad ulit sa ibaba. Maghintay muna tayo rito kahit ilang minuto lang sana,” saad naman ni Fendi sa kanila. Sinubukan naman ni Letiana na tumingin mula roon sa pinakalooban ng kwebang napuntahan nila. Napansin na lang niya na sobrang dilim pala roon. “Ahmm.. ang dilim pala roon sa loob oh. Sino pala ang may dalang flash light sa inyo?” natanong bigla ni Letiana sa kanila. “Hala Letiana baka may mumo sa loob. Ano na naman bang naisip mong gawin? Huwag ka na nga pasaway diyan! Dumito na lang tayo," sita naman sa kanya ni Chichi. “Baka mas safe kung papasok tayo sa loob di ba? Subukan lang natin kung ano ang mayroon sa loob. Tara na guys!“ pilit na pagyaya pa rin ni Letiana sa dalawang bata. “Oh ito... hiramin mo muna itong flashlight ko." Sabay abot nito ni Fendi kay Letiana at sila nga ay sabay-sabay nang pumasok sa loob. Dahan-dahan lang ang ginawa nilang pagpasok sa loob at si Fendi ang tinulak ni Letiana na pumaroon sa kanilang unahan. “Oh bakit ka nanunulak na diyan Letiana? Kala ko ba matapang ka? Di ba ideya mo ito bakit ako na ang pinagtutulakan mo ngayon rito sa unahan,“ sarkastikong saad naman nito kay Letiana. “Ikaw na lang sa unahan.. ikaw lang ang lalaki rito noh at puro kami babae. Kala ko, kaya ko manguna hindi pala hehe, sige na please kaya mo na yan hehe,“ tanging naging sagot na lang ni Letiana. “Nako po hala ka? Edi ito na.. wala na rin akong magawa hays!“ Binuksan naman kaagad ni Fendi ang kanyang hawak-hawak na flashlight saka niya iyon nilibot sa loob ng madilim na kweba habang pumapasok sila sa loob. Halos nangangatog na sa takot si Chichi na nakahawak ng mahigpit sa kaliwang braso ni Letiana. “Grabe nakakatakot naman dito sa loob super dilim. Pasaway ka talaga Letiana eh. Bakit mo pa pinagsapilitan na pumasok rito oh. Baka mamaya niyan ay may halimaw pala diyan sa loob. Nako po Lord please help us!" panay bulong pa nito ni Chichi kay Leitana. Sa patuloy nila na paglalakad ay naituro ni Fendi ang kanyang hawak na flashlight sa mismong kisame sa loob saka naman nila nakita na halos nagkukumpulan roon ang maraming mga paniki na nakahang sa ibabaw. Nang makita ito ng tatlong bata ay napasigaw ang dalawang batang babae saka sila nagmadaling lumabas ng naturang kweba. “Ahhhh! Paniki!“ tuluy-tuloy na sigaw ng dalawang bata sabay takbo nila palabas roon. “Uy! Ano ba kayo!? Huwag nga kayong mang-iwan diyan!“ Napahabol na rin sa pagtakbo si Fendi sa kanila. Nang nakabalik na sila muli sa dati nilang pwesto… “Ayan kasi Letiana hindi ka nakinig! Paano kong pumasok pa tayo ng tuloy-tuloy roon sa loob paano na tayo? Baka lalo na tayong kainin ng mga monsters doon sa loob eh," paninisi na lang ni Chichi. “Ok sige na po. Ako na ang mali.. atleast nalaman natin kung ano ang mayroon sa loob. Dumito na lang muna tayo hanggang mamaya.” muling tugon na lang ni Letiana. Sa kabilang banda naman, halos nagpapanick na ang dalawang yaya nang napansin nila na wala na yung dalawang bata sa pwesto na pinag-iwanan nila. Dali-Dali silang bumalik sa service at ibinalita iyon kaagad sa driver nila. Bumalik muli sila sa naturang kagubatan na kasama na nila yung naturang driver at muli silang naghanap-hanap sa buong paligid ng kagubatan para hanapin muli ang dalawang nawawalang bata subalit nakalipas na halos ang 20 minuto ng pag-ikot-ikot nila ay wala silang natagpuang mga bata. Napagpasiyahan na nila na magmadaling umuwi sa mansyon ni Letiana para ibalita na ang nangyari at para makahingi na rin sila ng agarang rescue sa mga magulang ng bata. Nang nakarating na sila ng mansyon…. “Oh my gosh! What did you say yaya? Nawawala na naman si Letiana?! Bakit naman napaka stupid mo at iniwan ninyo ang mga bata roon sa gubat?“ pasigaw at natatarantang angil nito sa yaya ni Letiana saka bigla itong napatayo mula sa kaniyang lamesa. Bago pa man din nakapagreport ang yaya nito sa kanya ay abala itong nagtatrabaho sa harapan ng kanyang laptop sa ibabaw ng kanyang lamesa na may kinalaman sa trabaho ukol sa pagchecheck ng sales ng naturang negosyo nila. “Ma’am pasensya na po talaga.. hindi na po mauulit sa susunod,” pagmamakaawa na lang ng yaya ni Letiana. “Dalawa na nga kayong naroroon. Bakit maski isa man sa inyo ay hindi naisipang ipaalam muna sa akin o sa magulang din ni Chichi kung pwede ba kayo pumunta roon? Dapat humingi muna kayo ng consent sa amin! Anong klaseng pagbabantay yan? Napakairesponsable ninyo namang tagabantay ng mga bata! Hindi ba binabayaran kayo para alaagaan sila lalo na ang bantayan silang maigi? Nagpabaya naman kayo ngayon!" galit na angil ni Marciana na halos lumabas na ang mga litid nito sa kanyang leeg. “Sorry na po talaga Ma’am, hayaan ninyo po, sa susunod mas maghihigpit na kami magbantay sa mga bata,“ todo pa sa pagmamakaawa ng dalawang yaya na naroon. “Eto ah.. wala dapat magreport ng nangyari ngayon sa asawa ko tungkol kay Letiana. Nasa Manila siya ngayon for a business trip. Baka kapag nalaman niya iyon eh biglang mapauwi siya rito ng wala sa tamang oras o di kaya ay mawala siya sa focus doon. Naintindihan ninyo ba?“ seryosong utos nito. Pagkatapos niyon ay nagsipag-alisan na ang mga yaya at driver nito sa kanyang harapan. Sobrang aligaga at tarantang-taranta na si Marciana habang palakad-lakad ito sa kanyang munting opisina sa loob ng kanyang bahay. Bigla niyang naisipan na tawagan si Juanito. Sa mga oras na iyon, sakto namang katatapos lang mag-usap ni Juanito at ng kanyang asawa nang tumawag si Marciana sa kanyang phone. Nagkataon naman na nakapasok na sa bahay nila Juanito ang asawa nito. Abala naman si Juanito sa pagbibigay ng pagkain sa kanyang mga inaalagaang baboy nang naramdaman niya na nagvivibrate ang kanyang phone mula kanyang maliit na bag na nakatago mismo sa loob ng kanyang suot na damit. Agaran naman niya iyon sinagot. “Hello Marciana, bakit bigla kang napatawag? Napakadelikado ng ginawa mo.. hindi ba ang usapan natin ay magtext ka lang muna? Mabuti na lang ng tumawag ka eh nakaalis na yung asawa ko at nakapasok na siya roon sa loob ng bahay namin,“ bungad kaagad ni Juanito sa kausap niya sa phone. Pabulong lamang niya iyon sinabi sa kanyang kausap. “Naku mahal pasensya ka na sa abala ah. Sobrang tense na kasi ako ngayon eh.. Hindi ko na alam kung paano na ang gagawin ko eh,“ natataranta namang sabi nito sa kausap. "Alam mo, ang kailangan mo munang gawin ngayon ay kumalma ka muna para mas maintindihan kita. Ano ba ang problema?" tanong naman ni Juanito sa kabilang linya. [“Kasi yung anak kong si Letiana nawawala ulit sa gubat eh.“] [“Ano? Paano na naman nangyari iyon? “] - Juanito [“Ang report ng mga yaya kanina pati ng driver namin ay nagpunta raw sila roon after ng school nila kasi nagpatulong daw ang mga bata para kumuha ng samples ng mga halamang gamot na kasama sa project nila,“] [“Na hindi nagpaalam muna sa iyo?“] - Juanito ["Ayon na nga eh kaya ko nga pinagalitan ng todo ang mga yaya na ito eh dahil sa maling desisyon nila hays! Sobra ng nakakastress talaga ang mga nangyayari ngayon. Nakakastress na nga sa work pati pa sa kakulitan ng batang yun nagpadagdag pa sa stress ko.“] [“Anong balak mong gawin ngayon? Bakit ako pala ang tinawagan mo? Dapat ipaalam mo rin ito sa asawa mo.“] - Juanito [“Hindi ko pwedeng ipaalam kaagad kay Premetivo yung nangyari sa anak namin ngayon kasi naroon siya sa Manila eh.. may business trip siya roon. Ahmmm.. susubukan ko munang lutasin ito kapag talagang kailangan ng sabihin sa kanya… ok sige saka ko siya tatawagan.“] [“Ok sige.. tutulong ako sa paghahanap ngayon.. balitaan na lang kita kapag nahanap ko na siya.“] - Juanito [“Pupunta pala kami roon ngayon ng mga tauhan ko. Magkita na lang tayo roon.“] [“Sigurado ka ba na kailangan mo pa sumama sa search ang rescue? Di ba delikado iyon para sa iyo baka ikaw naman ang malagay sa alanganin. Hayaan mo na lang na ang mga tauhan mo ang pumunta roon para maghanap. Mas maganda na diyan ka na lang sa inyo habang naghihintay ng resulta.“] – Juanito "Ano ka ba? Are you listening yourself? Anak ko ang nawawala.. hindi ko kaya na maghihintay lang dito na wala ring gagawin. Pupunta pa rin ako roon dahil gusto ko.. na ako mismo ang makahanap sa anak ko,“ gigil na sagot naman sa kanya ni Marciana. "Chill ka lang.. I understand naman. Concern lang naman ako sa safety mo. Ok sige kung hindi ka talaga papapigil eh, magkita na lang tayo roon mamaya kung may chance pa.” Pagkatapos nilang mag-usap sa phone ay sabay na nilang binaba iyon. Naghanda na nga si Marciana sa pag-alis kasama ng kanyang mga tauhan para magpunta roon sa nasabing lugar. Kanina pa naiinip si Juanito sa kakahintay sa kanyang anak na si Fendi. Inutusan niya lamang ito na humakot ng pira-pirasong mga kahoy mula roon sa kagubatan upang ipandagdag sana sa stock nila bilang panggatong sa kanilang lutuan kung kaya’t.. “Ah Senia, anong oras nga ba umalis yung anak natin kanina para magpunta roon sa gubat? " tanong na lang ni Juanito sa kanyang asawa nang napadungaw ito roon sa loob ng kanilang kusina. Abala naman sa paggawa ng kakanin ang asawa nito sa loob para iready sa mga ititinda niya. “Kanina pa siyang umaga nakaalis. Inabot na nga siya ng tanghali roon hindi pa rin nakakauwi hanggang ngayon,” tugon naman ni Aling Senia. “Kanina pa pala wala yang batang iyan, dapit hapon na wala pa rin. Ano na naman kaya ang ginagawa pa niyon? Siyangapala, alis muna ako ah.. susunduin ko na lang ang anak natin doon,” saad na paalam na lang nito sa kanyang asawa. Pero ang totoo talaga na pinakadahilan niya ay para hanapin na rin ang anak ni Marciana na si Letiana. Nakaalis na nga si Juanito at nagtungo na ito roon sa loob ng gubat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD