CHAPTER 11- Pagkaligaw

1627 Words
Sa kabilang banda naman.. “Baka pwede na tayo maglakad ngayon? Kasi anong oras na oh.. dapit hapon na baka kapag naabutan na tayo ng gabi rito ay mas lalo tayong mahirapan makauwi niyan,“ reklamo naman ni Chichi habang nakatambay pa rin silang tatlo roon sa gilid ng kwebang pinuntahan nila. “Ok sige tara na.“ Nagsimula na nga silang bumaba. Naglalakad na sila palayo sa nasabing kweba nang may bigla na naman silang narinig na kaluskos mula sa kanang side nila. “Hala, ano na naman yan? Dali, tumakbo na uli tayo!“ sigaw naman ni Letiana at napatakbo uli sila ng mabilis. Medyo malayo na ang kanilang narating at napahinto silang lahat sa pagtakbo nang halos sobrang layo na mula sa pinanggalingan nila. Nang mga oras na iyon ay sobra pa silang hinihingal at mga pawisan pa. “Hala sandali lang.. bakit ganoon parang hindi ko na alam ang lugar banda rito,“ biglang sambit ni Fendi habang nagpalinga-linga pa ito roon sa paligid na kinaroonan nila. “Anong ibig mong sabihin? Kala ko ba kabisado mo ang lugar na ito dahil dito ka nakatira?“ saad naman ni Letiana na nakapamaywang pa. “Hala ko po! Huwag ka naman magbiro ng ganyan. Hindi ka nakakatawa,“ saad naman ni Chichi. “Pasensya na pero hindi ako nagagawi sa area na ito.. hindi ko na kabisado ang banda rito.. pero huwag kayong mag-aalala dahil sisikapin nating makita ang daan pabalik sa dalampasigan,“ sabi pa muli ni Fendi sa kanila. Naglakad-lakad muli sila. Sa kabilang banda naman, nakarating na nga si Marciana at ang kanyang mga tauhan sa dalampasigan at nagsimula na silang pumasok sa loob ng gubat. Habang naglalakad si Marciana sa masukal na gubat ay panay ang sigaw nito. “Letiana anak! Nasaan ka na!? Sumigaw ka lang para marinig kita anak ko!" todong pagsigaw nito para lang marinig siya ng bata. Halos lahat ng mga tauhan niya ay ganoon din ang ginagawa. Panay lang sila sigaw nang sigaw para lang marinig sila kaagad ng bata. Lakad lang sila nang lakad habang palinga-linga pa sila sa loob. Inabot na nga sila ng halos pasado alasais ng gabi ay hindi parin na tutunton ng tatlong bata ang daan pabalik sa dalampasigan. “Ano ba? Wala pa ba? Grabe sobrang sakit na ng mga paa ko kakalakad oh? Sandali nga lang.. ang sakit na talaga eh.” Napasalampak na lang sa lupa si Chichi habang panay naman ang reklamo nito ng mga oras na iyon. “Teka lang.. kumakalam na rin ang sikmura ko. Hindi pa tayo kumain simula nung nanggaling tayo sa school kanina di ba Chichi? May pagkain ba kayo diyan? Grabe gutom na ako.. ahh,” reklamo naman ni Letiana sabay upo nito roon sa isang gilid ng bato na malapit sa pwesto Chichi. Sa narinig na iyon ni Fendi na reklamo ng mga kasama niya ay nagsimula itong maghanap malapit sa kanilang pwesto ng makakain hanggang sa nakakita ito roon ng puno ng isang mangga. Sinubukan niyang akyatin ang puno na naroroon at kumuha siya ng isang buong sanga na purong hitik sa bunga. Napansin na lang ng dalawang bata na biglang nawala sa kanilang tabi si Fendi. Nagpalinga-linga sila sa paligid doon at nakita nga nila ito na sumusubok umakyat sa puno ng isang mangga. “Hoy bata! Nakakatakot naman yang ginagawa mo! Baka mahulog ka riyan!" sigaw bigla ni Chichi ng makita niya ito. “Hala ko po Fendi! Ingat ka na lang huh? Mas mataas yan kaysa roon sa inakyat ko.. Mas nakakatakot eh. Madilim na rin oh baka bigla kang madulas hindi mo makita kaagad ang babagsakan mo!" sigaw naman sa kanya ni Letiana. Biglang napatayo ang dalawang bata sa sobrang pagkagulat sa ginawa ni Fendi. “Wohoo! Nandito na ako sa itaas! Huwag kayong mag-alala dahil isa akong superhero. Ako nga pala si Superman na magliligtas sa inyo!” sigaw na pabiro ni Fendi sa dalawang bata habang nakataas pa ang kanang kamay nito. “Anong superman ka riyan? Baka ibig mong sabihin Tarzan?! Hahaha.. para kang unggoy tuloy sa itsura mo sa itaas oh! Hahahha,“ todo sa pang-aasar at halakhak ni Letiana sa kanya. “Oo na… ito malapit ko ng maabot ang isang sangang iyon oh,“ sambit pa muli ni Fendi habang nakakapit pa ito roon sa matibay na sanga ng puno ng mangga hanggang sa nakuha na niya iyon. Pagkatapos niyon ay nagpaslide na lang siya pagbaba sa ilalim ng puno. “Oh ito.. para hindi na kayo magreklamo riyan. Buti na lang may nakuha tayong prutas na malapit dito sa atin. Hala kain muna tayo bago maglakad muli.” Inabot ng batang si Fendi sa kanila ang hawak-hawak nitong isang sanga ng hitik sa bunga ng mangga. Ang bilang nito ay halos nasa limang piraso rin. Pagkatapos nilang kumain ay muli silang naglakad para hanapin ang palabas sa gubat na iyon. “Oh my gosh! It’s my worst experience ever.. feeling ko parang nasa loob tayo ng isang puzzle game ah. Maze movie ba ito?“ reklamo ulit ni Chichi habang naglalakad sila. “Hays! Siguro, sa mga oras na ito’y nag-aalala na yung mga magulang natin. Kamusta na kaya sila yaya?“ reklamo rin ni Letiana habang patuloy pa rin silang naglalakad. “Siguro may balat ka sa pwet no Letiana? Kasi sa tuwing nagkikita tayo parati na lang parang may malas na sumusunod sa iyo,” pang-aasar na lang ni Fendi kay Letiana. Sa narinig na iyon ng batang babae ay bumisangot na lang ang mukha nito. Sa kabilang banda naman ay naghahanap din si Juanito sa kanila. “Fendi! Anak saan ka na ba banda?! Subukan mo nga na sumagot mula riyan sa kinaroroonan mo para marinig kita,“ sigaw naman ni Juanito habang naghahanap ito sa paligid ng kagubatan at gamit nito ang kanyang flashlight. Malapit nang dumilim sa paligid hanggang naisipan nito na dumaan sa isang mahalamang daan. Sa patuloy na paglalakad ng mga bata ay nakabanggaan na nila si Juanito. “Aray ko po!“ sigaw bigla ng tatlong mga bata hanggang sa sabay-sabay rin silang napabagsak sa lupa. “Fendi anak? Magkakasama pala kayong tatlo. Saan ba kayo nanggaling huh? Kanina pa nag-aalala ang mga magulang ninyo lalo ka na Letiana. Pinaghahanap ka na ng mama mo.“ Habang sinasabi iyon ni Juanito ay napayukod ito at tinulungan niyang makatayo ang tatlong mga bata. “Pa, buti na lang po nakita n’yo na kami.. ayon nga pa eh.. naligaw na po halos kami. Sila Letiana naman nawala muli kanina kaya tinulungan ko sila para sana ihatid roon sa dalampasigan. Kaso, nang may nakita kaming baboy ramo ay bigla kami hinabol,“ pagkukwento naman ni Fendi. “Opo, buti na lang po nakita ninyo kami kasi kanina pa po kami palakad-lakad eh. Hinabol po kami ng baboy ramo kanina hanggang sa nakarating nga po kami roon sa isang kweba," pagpapatuloy naman na kwento ni Letiana. “Ito pong friend ko si Chichi po.. halos hindi na po makalakad dahil nananakit na raw po ang kanyang mga paa,” dagdag pa ni Letiana sa pagkukwento. “Ah ganoon ba, halika iha at bubuhatin muna kita. Halina’t bilisan na natin makalabas dito kasi halos madilim na ang paligid oh." Saka yumukod uli si Juanito para mabuhat ang batang si Chichi. Nagsimula na nga sila lumabas ng gubat patungo sa dalampasigan. Sa kabilang banda naman, panay pa rin ang sigaw ni Marciana sa kakaikot nito sa kapaligiran ng kagubatan. “Anak! Letiana at Chichi! Nasaan ba kayo?! Mga anak nandito na ako sumagot naman kayo" sigaw ng todo nito sa patuloy pa ring paghahanap sa kanila. Sa kabilang banda naman… “Oh Sir? Kayo pala… dumating na po pala kayo,“ bati ng isang tauhan ni Marciana na naiwan doon sa kanilang mga sasakyan na nasa parking area malapit sa dalampasigan. Nakatayo lamang ito sa labas ng isang sasakyan at abala ito sa paninigarilyo. Nang makita niya ang biglaang pagdating ng kanyang boss na si Don Premetivo Del Puerca ay sobra itong nagulat at bigla itong nagbow habang kausap siya. Biglaang nagpunta roon si Premetivo nang malaman niya na nawawala ang kanyang anak na si Letiana. Hindi ito nagpasabi sa kanyang asawa at anak na pauwi na siya mula Manila dahil gusto sana nitong surpresahin ang kanyang anak na si Letiana. Subalit pagkadating nito sa kanilang bahay kanina ay naabutan niyang nagchichismisan ang kanilang mga yaya sa loob ng kanilang kusina. Naabutan niya na halos nangangatog na sa sobrang pag-aalala sa pagkukuwento ang isang yaya nila habang kausap nito ang isang kusinera roon. Aksidente nitong narinig na nawawala nga ang kanyang anak kanina pang tanghali kung kaya’t pinilit niyang paaminin ang mga ito na ikwento ang buong pangyayari sa kanya. Pagkatapos niyang malaman ang lahat ay todo nito pinagalitan ang nagbantay na yaya sa kanyang anak. “Ano ka ba?! Isang anim na taong gulang na nga lang ang aalagaan mo hindi mo pa nagawa ng maayos ang trabaho mo? Nakampante ka na ata masyado dahil matagal ka na rin dito sa trabaho mo. Nasaan ba si Marciana ngayon? “ galit na saad ni Premetivo sa kausap nitong yaya. “Sir, patawarin ninyo na po ako. Hindi na po talaga mauulit sa susunod. Ahmm.. si Ma’am Marciana po ay nagpunta roon sa loob ng gubat kasama ng ilang mga tauhan ninyo para hanapin ang mga bata,“ nangangatog naman na sagot sa kanya ng yayang kausap niya. “Pupunta muna ako roon.. hindi pa tayo tapos ah. Magpapatuloy pa tayo sa pag-uusap pagdating ko,“ galit pa rin na saad nito sa kausap. Saka siya nagmadaling pumunta sa kanyang sasakyan at pinatakbo niya ito ng mabilis para makarating kaagad sa nasabing lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD