CHAPTER 9- Ang Pasaway na Paslit

2761 Words
Maingat itong nakahawak sa katawan ng puno habang umaakyat ito. Pinipilit niyang maabot ng kanyang kaliwang kamay ang mababang parte ng sanga na nakaturo roon sa looban ng bakuran nila hanggang sa naabot na nga niya ito at napakapit siya ng mahigpit doon. Gumagapang na siya nang dahan-dahan hanggang sa nakarating na siya sa tuktok ng bakuran nila saka siya sumilip sa loob kung mayroon bang tao ang nakatambay sa likod ng bahay nila. Nang masiguro niya na halos wala ngang katao-tao roon ay saka niya nilingon si Fendi mula sa ibaba. “Fendi! Maraming salamat ah.. oo nga pala nakalimutan kong iabot kanina yung pamasahe mo ito oh pulutin mo na lang diyan sa ibaba. Pasensya ka na natetense na kasi ako kanina eh halos nakalimutan ko nang iabot sa iyo ito,” mahinang bulong nito para lang marinig siya ng batang lalaki sa ibaba. Pinapanood lang siya ni Fendi sa ginagawa niya. “Ok ka lang ba riyan? Mag-ingat kang maigi sa pagbaba sa kabila ah…. sa susunod huwag mo nang gawin yan kasi sobrang delikado ang ginagawa mo. Doon pala sa pamasahe, ok lang sige… pupulutin ko na lang yung pera na nilaglag mo sa sahig at maraming salamat,“ pabulong din na sagot ni Fendi sa kaniya. Nakatawid na nga sa kabilang bakuran si Letiana. Nagpalinga-linga muna ito sa loob bago siya lumakad pababa sa hagdanan na nakadisplay pa rin sa dingding kung saan niya iyon iniwan. Kumaway-kaway na lamang ulit siya para magpaalam sa batang si Fendi at ganoon din ang lalaki sa kanya saka siya tuluyan nang nakababa ng hagdan. Nang nakababa na si Letiana, dumiretso kaagad siya sa pintuan ng kanilang kusina. Sumilip muna siya kung may tao ba roon na nakatambay at nang masiguro niya na wala na ngang tao roon ay maingat siyang pumasok sa loob. Nagtanggal muna siya ng kanyang suot na sapatos at maingat niya iyong itinago sa kanyang likod habang hawak-hawak pa rin niya ito. Nang aakma na siyang tatakbo sana papunta roon sa kanilang hagdanan paakyat sa kanyang sariling kwarto ay biglang nakita niya ang kanyang yaya na papunta sa direksyon niya. Bumalik muli siya sa loob ng kusina at nagpanggap na lang ito na kunwari ay kukuha siya ng makakain sa kanilang kaldero. Saktong pagbukas niya ng kanilang kaldero ay nakapasok na ang yaya nito sa kanilang kusina. “Oh senyorita? Gising ka na pala…. parang hindi ata kita napansing bumaba o lumabas ng kwarto mo kanina ah,” tanging saad na lang nito kay Letiana. “Gutom na ako yaya eh, may pagkain ba tayo rito?" saad naman ng bata na iniba ang usapan bigla. Binuksan na lamang nito ang kaldero na naroroon. "Hala sige na po senyorita at ipaghahanda na lang kita sa lamesa mo. Maghintay ka na lang roon." Saka naman ito dumiretso sa mga platuhan para mapaghanda niya ito ng makakain. “Thank you po yaya. Sige po akyat muna ako ha kasi may nakalimutan pala akong kunin doon.” Sabay akyat nito na nagmamadali sa kanilang hagdan patungo sa kanyang sariling kwarto. Si Fendi naman ay nakasakay na rin sa isang tricycle at nagpahatid na lamang iyon sa harapan ng isang palayan na malapit sa kanilang bahay. Malapit na ang summer at busy ang lahat sa eskwelahan ni Letiana.. “Good morning class, mga anak.. bago pala tayo magbakasyon ay may gagawin kayong project. Ito’y tungkol sa paghahanap ninyo ng actual na itsura ng iba’t-ibang uri ng halamang gamot. Magpasa kayo atleast sampung klase lang muna at kailangan ninyong gawan iyon ng description. Bibigyan ko kayo ng isang linggo para makapagpasa ng project ninyo, maliwanag po ba mga anak?“ Pagkatapos niyon ay sabay-sabay nga silang sumagot ng opo. Natapos ang buong araw ng klase nila ay naghahanda na ang dalawang magkaibigan ng kanilang mga gamit para makalabas na sa naturang classroom. “Yahoo! Malapit na ang bakasyon Chichi.. saan kaya magandang makapamasyal noh? Excited na ko!" masayang sambit ni Letiana sa katabi niya sa upuan. “Haler? Bakit ayan na ang iniisip mo kaagad eh, ayun nga diba may project pa raw tayong gagawin. Yun muna ang atupagin natin bago ang happy happy,“ sagot naman ni Chichi na kaibigan niya. “Ay! Oo nga pala noh? Hahaha. Hmm.. alam ko na, Chichi samahan mo kaya ako doon ngayon sa gubat malapit sa dalampasigan natin. Doon tayo maghanap,” aniya. [“Nako po, dalawa lang tayo? Nakakatakot eh.. dapat may kasama tayong aalalay sa atin. Alam mo na ba ang mga hahanapin natin? Wala nga akong kaalam-alam sa totoong itsura ng mga halamang gamot sa personal eh.“] [“May kilala akong tutulong sa atin.. ganito muna ha? Magpapaalam ako sa yaya ko na samahan tayo roon ngayon. Sabay ka na sa sasakyan namin tapos diretso na tayo roon,"] “Sama rin natin yung yaya ko huh? Ok sige tara na,“ yaya naman ni Chichi at sila nga’y sabay nang lumabas mula sa loob ng classroom nila. Nakasakay na nga sila sa service nila Letiana habang tinutunton nila ang daan papunta ng dalampasigan. “Yaya halika na po.. punta tayo roon sa loob ng gubat. May project kasi kami na kailangan ipasa kay teacher. Maghahanap daw kami atleast tigsampo na iba’t-ibang mga halamang gamot na ipapasa namin after 1 week,“ saad naman ni Letiana sa yaya nito habang hinahatak nito ang kaliwang kamay nito papunta roon sa nasabing lugar. “Ok siya sige na.. basta huwag lang tayo magtagal ha. Nako po, hindi pa tayo nagpapaalam sa mga magulang ninyo baka mamaya niyan eh, kami pa ang mapagalitan dahil sa kakulitan ninyo,“ sagot naman ng yaya ni Letiana. “Tara Chichi.. magpunta na tayo roon,“ huling tugon naman nito. Naglakad na nga silang apat na sabay-sabay sa loob ng naturang kagubatan. Sinabihan na lang ng yaya ni Letiana ang driver nila na hintayin sila saglit bago umuwi sa mansyon ng bata. Umabot halos ng ilang minuto ang kanilang paglalakad at saka naman biglang nagsalita si Chichi nang bigla siyang nakaramdam ng pagod. "Ahmmm pwede ba tayong magpahinga muna saglit dito? Sakto may malaking bato oh.. tara Letiana.. maupo muna tayo roon," sambit bigla ni Chichi sabay hablot nito ng braso ni Letiana papunta sa malaking bato na nakasandal sa isang malaking puno. "Sandali lang girl... hindi pa nga tayo nakakatagal dito at nagsisimulang maghanap. Nagrereklamo ka na kaagad diyan? Hahahhaha," pang aasar naman ni Letiana sa kanyang kaibigan. "Haizzz! Nariyan naman ang mga yaya natin Letiana. Hayaan muna sila ang gumawa ng project natin. Anong malay ba natin sa mga itsura ng halamang gamot na iyon hindi ba?" iritadong saad na lang ni Chichi sa kanya. Sa pagkakasabing iyon ni Chichi ay bigla namang sumabat ang yaya ni Letiana sa kanila. "Oh siya mga senyorita, kami na ang bahalang maghanap basta huwag lang kayo aalis sa mga pwesto ninyo huh? Para hindi tayo maghanapan mamaya bago tayo magsipag uwian lahat," saad na lamang ng yaya ni Letiana na nakapamaywang na lang habang nakikipag usap sa dalawang bata. "Opo yaya basta huwag ninyo sanang tagalan ah. Sige na ho, mag iingat po kayong dalawa," huling saad na lang ni Letiana. "Day, tara na. Doon tayo sa gawi roon oh. Parang mas maraming malalagong halaman doon at nang makarami na tayo na mahahanap," pagyaya na lang muli ng yaya ni Letiana sa yaya ni Chichi saka naman lumapit ang nasabing yaya at mabilisan na silang umalis sa harapan ng dalawang batang paslit. Pagkalipas ng ilan sandali, halos hndi naman mapakali bigla si Chichi sa kanyang kinauupuan at bigla itong naging maligalig saka siya nagsimulang umikot ikot sa kabuuan ng area ng kagubatan kung nasaan sila. "Wow! Nakita mo ba ang mga nag gagandahang bulaklak sa duluhang area na iyon oh Letiana. Tara sumilip muna tayo roon saglit. Para tayong nasa isang hardin ng palasyo wooohoooo!" Sabay hablot nito sa kanang braso ni Letiana at nagsimula na silang tumakbo. Halos makaladkad na si Letiana ni Chichi dahil sa pagiging sobrang excited nito. "Ano ba Chichi atat lang? Teka lang naman nako po! Sa kakahatak mo sa akin eh baka madapa tayo niyan ah," saad na hinihingal ni Letiana habang todo rin sa pagtakbo nito na nakasunod kay Chichi. Nang nakarating na sila sa duluhang area ng kagubatang iyon ay halos hinahabol na nila ang kanilang paghinga. "Ha.... ha.... ha.... wow! Ang daming naggagandaang mga bulaklak grabi hanep girl! Woohooo! Tara picture picture tayo! Sandali lang," masayang saad ni Chichi saka siya nagsimulang magkapa - kapa sa kabuuan ng kanyang katawan. Maya't maya ay bigla siyang nadisappoint ng napansin niyang parehas pala silang walang dalang gamit. "Ano bang kinakapa-kapa mo riyan girl? Nakalimutan mo bang naiwan natin parehas yung mga gamit natin sa loob ng van? Haizzz! Bumalik na kaya tayo sa pwesto natin. Kasi baka hanapin na tayo ng mga yaya natin oh. Tara na Chichi!" saad naman nito. "Sandali lang naman. Agad- agad ba? Eh kakarating lang natin oh. Enjoyin muna natin ang moment. Please? Hahaha... ang sarap tumakbo takbo wooohooo!" Halos maglulundag sa sobrang excitement si Chichi sa mga bulaklak na nasa paligid niya samantalang si Letiana ay naengganyo na rin gumaya sa ginagawa ni Chichi. Pagkalipas ng sandali, nagdesisyon na silang bumalik sa pwesto nila subalit nang pabalik na sila ay nahagip ang paningin ni Letiana sa mga pulumpon ng sunflower na naroon sa gilid ng isang malaking nara na nadaanan nila. "Wow! Nakikita mo ba iyon Chichi? Sandali lang ah.. Pipitas muna ko ng mga sunflower para may madala ako sa bahay namin. Paborito ko kasi ang mga bulaklak na iyan. Gusto ko ring bigyan si mommy pagbalik niya sa bahay namin. Wait lang ah. Gusto mo rin ba?" Pabalik na tanong naman ni Letiana kay Chichi. "Sigurado kaba girl? Hala... mukhang masyado ng delikado sa gawi riyan. Nakikita mo ba na mukhang bangin na ata ang likod niyon oh. Huwag ka na lang kaya tumuloy?" nangungusap na saad ni Chichi. Sa kabilang banda, hindi pa rin nagpatinag si Letiana at nagpatuloy pa rin itong umakyat sa mga matatarik na mga batong nakaharang sa mga bulaklak ng sunflower hanggang sa nagawa nga niyang makakuha ng maraming pitas ng bulaklak subalit bigla namang may kahindik- hindik na pangyayari ang naganap sa kanya. "Nako po Chichi! Ahhhhhh! Help Chichi nadulas ako! Malalaglag na ako Chichi please! Tulungan mo akong makaahon!" natatarantang saad ni Letiana kay Chichi na halos mabilisang umakyat din ng mga bato para lang sagipin si Letiana na nakalambitin sa gilid ng malaking ugat ng Nara. Nagawa ngang makarating ni Chichi sa pwesto ni Letiana at nang sinubukan niyang abutin ang kamay nito para sana hatakin siya papaakyat ay hindi niya nakayanan ang bigat nito. Sa huli ay siya rin ay nadala sa pagkakaslide ni Letiana sa naka slant na bangin at parehas silang nalaglag sa baba. Napatalbog sila sa mga pulumpon ng tuyong mga dahon na naipon sa ilalim saka sila tuluyang napahiga sa lupa. "Ahhhhh.... aray ko po! Ang balakang ko! Para atang may nabali na buto! Huhuhuhuhu... Letiana ok ka lang ba?" Sinusubukang tumayo ni Chichi mula sa pagkakadapa sa lupa saka siya lumingon sa gawi ni Letiana. "Huh? Oo girl ito nga oh... Kahit sobrang masakit ang pwetan ko pati tagiliran ay sinusubukan ko paring tumayo." Napangiwi na lamang si Letiana sa sobrang sakit habang tumatayo ito. Sa huli ay nagdesisyon na lamang ang dalawa na maglakad- lakad. Nagpatuloy na lang sa paglakad ang dalawang takot na bata habang parehas silang nagpalinga-linga sa paligid. Medyo kalahati na ang kanilang nalalakad mula roon sa kanilang pinagbagsakan hanggang sa may narinig silang sumisipol sa kaliwang side nila na naroroon sa likod ng malaking puno na di kalayuan sa kanila. “Narinig mo yun Letiana? May sumisipol.. ibig sabihin may tao sa gawi roon oh,“ excited na banggit sa kanya ni Chichi. “Tara puntahan natin dali.“ Tumakbo bigla si Letiana habang hatak-hatak nito ang kaliwang braso ni Chichi at nagtungo nga sila sa likod ng puno. Nang nakarating na sila roon ay naabutan nila ang isang batang lalaki sa madamong lugar at naglalagay ito ng mga putul-putol na kahoy sa kanyang malaking bag na nakadisenyo na basket. “Sandali lang, parang kilala ko yung batang lalaki na nakatalikod na iyon ah,” sambit ni Letiana, “Fendi ikaw ba yan?” sigaw muli nito. Napatingin nga si Fendi sa kinaroroonan ng sigaw na kanyang narinig. “Oh? Letiana ikaw pala.. nandito ka na naman ah at may kasama ka na ngayon,“ biglang tanong nito. “Oh Chichi siya nga oh.. halika dali, lapitan natin sya.“ Hinatak na patakbo ni Letiana si Chichi papalapit sa kinaroroonan ng lalaki. Nang nakalapit na sila… “Uy Fendi! Long time no see ah.. kamusta ka na? Mukhang busy ka ata... anong gagawin mo pala riyan sa mga naipon mong kahoy?“ tanong muna ni Letiana sa batang nakita nila. [“Ah eto ba? Nag-iipon lang para sa stock sa bahay pansiga roon sa lutuan namin. Hmmm.. bakit nga pala kayo narito?“] Sa pagtanong nito sa kanila ay biglang nagkatinginan ang dalawang bata saka naman sumabat si Chichi. [“Uy! Bata pahelp naman kami.. kasi nawala kami eh. Baka pwedeng maihatid mo kami pabalik roon sa dalampasigan? Hindi na kasi namin makita yung mga yaya namin eh.“] “Huh? Nawawala kayo? Saan ba kayo galing? Totoo ba iyon Letiana? Tsk tsk tsk.. hahahahha.” Tumawa bigla si Fendi sa sinabing iyon sa kanya. “Hey bata! Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?“ masungit na saad kaagad ni Chichi sa kanya saka bigla sumingkit ang mga mata nito at bumisangot na rin ang mukha nito sabay kros pa ng dalawa niyang mga braso. “Ay! Nako po bata pasensya ka na kung napatawa ako ah. Kasi ganito iyan eh, para sana kay Letiana iyon dahil sa tuwing nagkikita na lang kaming dalawa, parati siyang nasa trouble o nawawala naman. Pasensya na ulit,“ sarkastikong tugon naman dito. “Aba! Letiana sino ba itong kakilala mo? Napaka pilosopo naman pala eh.. halika na nga at makaalis na tayo rito.“ Padabog na sana itong tatalikod nang pinigilan siya ni Letiana. “Wait lang Chichi huwag ka nga pabigla-bigla. Hayaan mo na siya tutal, kasalanan naman natin kung bakit tayo nawala di ba? Atsaka kailangan natin siya. Sige ka, paano tayo makakabalik doon sa dalampasigan kung hindi tayo hihingi ng help sa kanya gets mo ba?“ bulong naman nito sa kanang tainga ng kanyang kaibigan. “Ah eh, pasensya ka na Fendi ah ganoon talaga eh. Hayaan muna pwede ba na pahelp na lang ulit kami kung paano makakabalik doon sa dalampasigan? May naghihintay kasi sa amin doon eh.. promise talaga na sa susunod ako naman ang babawi sa iyo,“ saad na lang ni Letiana na nagtaas pa ito ng kanyang kanang kamay bilang tanda ng pangako nito sa kanya. “Oo naman ok lang.. wala namang problema sa akin iyon eh. Masyado namang masungit ang kasama mo. Ah bata, peace na tayo huh? Hala tara na,“ yaya na lang ng batang lalaki sa kanila. Naglalakad na sila papunta roon sa dalampasigan nang bigla silang may narinig na kaluskos mula sa kanilang harapan. Ang dadaanan nila ay halos maraming malalaking mga halaman na kasing taas lang nila at masyadong malalaki ang mga damo na naroroon kaya halos hindi nila makita ng maayos kung sino o ano ang gumagawa ng munting ingay na kanilang narinig hanggang sa.. “Hala! Kailangan na nating tumakbo dali!" pasigaw bigla ni Fendi saka ito tumalikod at mabilis na tumakbo. “Sandali lang naman oh! Huwag mo kaming iwan… ano ba iyong nakita mo roon?“ sigaw naman ni Letiana at mataimtiman nilang tinitigan ang nasa harapan nila saka biglang may lumabas na isang baboy ramo roon na tumatakbo papunta sa kinaroroonan nila. “Uy! Ano pang tinatayo-tayo ninyo riyan? Tumakbo na rin kayo bago pa kayo maabutan diyan,“ sigaw muli ng batang lalaki nang huminto ito saglit sa pagtakbo. “Ahhhh! Baboy ramo! Tara Chichi takbo na tayo!“ sigaw rin ni Letiana at hinatak na nito ang kanang braso ni Chichi saka sila nataranta ng parehas sa pagtakbo habang nakasunod sila kay Fendi. “Ahhh! Letiana oh my gosh! Bakit may baboy ramo rito.. nako po mommy help!“ panay sigaw naman ni Chichi habang tumatakbo sila. Takbo lang sila ng takbo habang nakasunod pa rin sa kanila ang baboy ramo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD