CHAPTER 13- Ang Mapait Na Nakalipas

1387 Words
“Pa! Huwag mong gawin yan! Please pa, maawa na kayo sa kanya! Huhuhuhu,” garalgal na pakiusap nito sa kanyang ama habang patuloy pa ring umaagos ang mga luha nito sa kanyang mga pisngi. Itinaas na niya ang kanyang mga kamay bilang tanda nang pagpigil nito sa balak ng kanyang ama para kay Juanito. Nagulat na lang si Don Lucio sa biglaang pagharang ng kanyang anak na nasa harapan nito. Dahil sa nangyari sa mga sandali na iyon ay napatulala na lang ito. Biglang binuksan ni Marciana ang naturang gate doon para tulungang makapasok nang tuluya si Juanito sa loob. Nakapasok na nga ito saka sila nagyakapang dalawa sa harapan ng lahat. Sobra nilang namis ang isa’t-isa dahil sa pagkawalay nila nang ilang buwan mula ng nagpunta ang buong pamilya ng Monchesca sa Alalingan, Batangas City para asikasuhin ang napipintong kasalan. Sobrang higpit ng pagkakayakap nila habang si Marciana naman ay patuloy pa rin sa paghikbi. “Ano Marciana, sasawayin mo na ako?! Ngayon mo pa ba ako bibigyan ng kahihiyan kung kailan na nandito na tayo at maraming tao ang narito!?“ biglang sigaw ni Don Lucio na halos ay galit na galit ito. Hawak-hawak pa rin nito ang isang baril sa kanyang kaliwang kamay. Sa kabila ng nananaig na tensyon sa pagitan ng mag-ama ay sumingit sa usapan si Don Costejo. “Ah pare, sandali lang ah… pasensya ka na sa interruption ko. Maaari mo bang ibigay mo muna sa akin iyang baril na hawak mo? Baka sa sobrang galit mo, hindi mo mapigilan ay may mapatay ka na rito sa loob ng hacienda ko. Isipin mo na lang pare.. maraming nakakakita sa iyo ngayon dito," paalala na lang sa kanya ni Don Costejo saka niya sinubukang kunin ang baril na nasa kamay pa rin ni Don Lucio. Nagawa na ngang makuha ng tuluyan ni Don Costejo ang baril sa kamay nito. Napansin ni Dona Fermelita na masyado nang lumalala ang sitwasyon sa loob ng kanilang masyon kung kaya’t naisip niyang pauwiin muna ang mga tao na naroroon pa rin sa loob ng hacienda. “Ah eh.. mga amiga at amigo ko.. pagpasensiyahan ninyo na ang mga pangyayari ngayon dito ah.. Ahmm, may misunderstanding lang po na nagaganap. Baka pwedeng umuwi muna kayo.. sa susunod na lang natin ipagpatuloy ang kasiyahan na ito ah. Halika na kayo sa gate. Pasensiya na talaga kayo alam kong sobrang nakakahiya ang hindi nating inaasahang nangyari ngayon.. halina kayo sa labas,“ paghingi na lang ng pasensya ni Dona Fermelita sa ilang bisita na naroroon saka niya inakay silang lahat hanggang sa paglabas ng kanilang gate. Tumahimik lang muna saglit ang nagtatalong mag-ama na naroon pa rin sa gilid ng guardhouse nila sa loob ng mansyon. Halos hindi rin makatingin sina Don Lucio at Don Consejo sa mga panauhin nila na palabas na ng naturang gate. Nakalabas na nga lahat ng mga nabanggit na bisita at sila na lang ang natira sa loob. Nagtuloy ulit pagsasalita si Don Lucio… “Sige! Sige Marciana! Subukan mong sumama riyan sa hampas lupa na yan ngayon! Sisiguraduhin kong hindi ko kayo patatahimikin at gagawin kong impiyerno ang buhay ninyo kung sasama ka diyan!... tatanggalan kita ng mana ng tuluyan! Ni isang kusing ay wala kang mapapala. Maghihirap ka! Ano?! Sige Marciana Monchesca mamili ka! Iyang hampas lupa na yan? O kaming pamilya mo?!“ galit na galit na sigaw sa kanya ni Don Lucio habang nanduduro pa ito. Dahil sa mga narinig ni Marciana ay sobra na itong nalilito. Itinutok ni Juanito ang mukha nito sa kanyang mukha habang hawak-hawak naman ng dalawang kamay nito ang mga pisngi ng babae. “Mahal, Marciana makinig kang maigi sa akin ah. Kahit mawala na ang lahat sa iyo.. pangako ko na hinding-hindi kita pababayaan mahal. Kakayanin natin lahat ang mga pagsubok na pagdaraanan natin basta’t magkasama tayong dalawa. Magsusumikap ako ng todo hanggang sa makakaya ko para mapunan ko ang pangangailangan mo lalo na ang bubuuin nating pamilya. Basta’t maniwala ka lang na malalagpasan natin ang lahat ng pagsubok na maaaring darating. Kumapit ka lang sa ating dalawa. Please mahal?“ madamdaming pahayag ni Juanito sa nagugulumihanan na si Marciana. Nakatitig lang sa kanya ang babae. “Mahal kasi…" Sobrang gulo ng isip ni Marciana at malikot na rin ang mga mata nito na tumitingin-tingin sa kung saan at napadako rin iyon sa lahat ng tao na naroroon sa harapan niya hanggang sa napunta ang kanyang paningin sa ama niyang galit na galit. Biglang nagbalik sa ala-ala niya na may pinagkakautangan pala ang ama niya dati sa ibang business partner nito na naging dahilan nang paglapit nito noon kay Don Costejo para makautang ng pera pambayad sa iba niyang pinagkakautangan. Sa huli ay sa kasunduang pagpapakasal na lang ng mga anak nila ang napag-usapang kabayaran ng pamilyang Monchesca para makawala na sa malaking pagkakautang sa pamilyang Del Puerca. Sumang-ayon naman ang kanyang ama roon sa napag-usapan nila ni Don Costejo na makasal siya sa takdang panahon sa anak nitong si Premetivo. Kung hindi matutuloy ang kasalang iyon ay magkakautang ng malaki ang pamilya nila sa pamilyang Del Puerca at malaki pa ang posibilidad na wala na rin talaga siyang makuha pa.. pati ang magiging apo nila sa nakaambang paghihirap na nag-aantay sa buo nilang pamilya dahil sa utang. Ang malaking problema na iyon ay hindi niya nasabi noon sa boyfriend niya na si Juanito ng magkasama pa sila sa Manila. Sa kabilang banda naman ay biglang kumalas sa pagkakayakap ang babae kay Juanito. Sobrang nagulat si Juanito at nagtaka ito. “Ah eh.. mahal kasi hindi mo naiintindihan ang sitwasyon namin ngayon. Patawarin mo ako kung sasabihin ko ito sa iyo,“ nasabing bigla ni Marciana sa kanya na humahagulgol na. “Huh? Ang alin Marciana? Anong ibig mong sabihin?“ sobrang pagtataka naman na tanong sa kanya ng lalaki. "Pasensya na mahal ko.. pero gaya ng sinabi ko sa iyo noon... mas mahalaga pa rin sa akin ang pamilya ko. Patawarin mo ako.. hindi ko kayang sumama sa iyo,” todo sa hagulgol pa rin na sinasabi iyon ng babae sa kanya habang nakatakip na ang mga kamay nito sa sobrang basang mukha nito dahil sa pag-iyak. “Ano?! Marciana? Sinasabi mo bang tuluyan ka ng bibitaw sa akin? Ganoon ba? Marciana please huwag mong gawin sa akin ito! Alam mo namang mahal na mahal kita! Hindi ko makakaya na mawala ka ng tuluyan sa buhay ko! Mahal na mahal kita Marciana. Huwag mong wasakin ang puso ko.. Marciana, umikot na sa iyo ang buhay ko.. maawa ka naman sa akin please mahal?" nagmamakaawa na lang na saad ng lalaki sa kanya. Nakaluhod na ito kay Marciana at umiiyak na ito sa paanan niya. “Hindi ko kayang mabuhay ng simple lang… ayokong maghirap Juanito.. hindi ko kakayanin ang buhay na ganoon,“ pagdadahilan na lang ng babae sa kanya para tuluyan niya itong pagtabuyan. Sa mga narinig ni Don Lucio sa sinabi ng kanyang anak ay nawala ng bahagya ang galit at takot nito sa pagrerebelde ng bunso niyang anak na babae kung kaya’t… “Hoy! Hampas lupa ka! Hindi mo ba narinig ang sinabi ng anak ko? Ayaw na niya sa iyo! Bobo ka ba? O mahina lang talaga ang pandinig mo?! Kung ako sa iyo lumayas ka na rito sa loob ng mansyon na ito! Baka kapag nagpumilit ka pa eh tuluyan na kitang mapatay na hayop ka! Ang isang Monchesca ay hindi nababagay sa katulad ninyong hampas lupa! Atsaka, ano ba ang kaya mong ipakain sa anak ko huh? Putik? Lupa?! Ibabaon mo lang sa kahirapan ang anak ko kapag sumama siya sa iyo! Gugutumin mo lang siya! Engrata ka! Lumayas ka na rito!" galit na galit na sigaw muli ni Don Lucio habang hinahatak ang anak niyang si Marciana papalayo kay Juanito. "Guard..palabasin ninyo na nga iyang trespasser na iyan. Kung kinakailangan na kaladkarin ninyo edi gawin ninyo na,“ utos naman bigla ni Don Costejo sa kanilang security guard na nanonood lang sa isang gilid.. Nilapitan nga ng security guard ang lalaking umiiyak na nakaluhod malapit sa pintuan. “Pasensya na po Sir, trabaho lang po.. kung ako po sa inyo sumunod na lang tayo sa gusto nila kaysa lalo pa kayong mapahamak," pakiusap na lang ng guard kay Juanito na nakaluhod pa rin sa lapag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD