CHAPTER 12- Muling Pagkikita

1766 Words
Kasalukuyan na nga nito kausap pagkadating niya ang isa niyang tauhan na naabutan niya roon sa parking area malapit sa dalampasigan. “Nasaan na ba banda sila Marciana ngayon?“ seryosong tanong nito sa kanya. “Ah Sir naroon na po silang lahat sa loob ng gubat kanina pa,” saad kaagad ng kausap nito. “Anong oras pa ba sila nagsimula sa paghahanap? Inabot na sila halos ng dilim oh,“ iritadong tanong muli ni Premetivo. [“Mga bandang 2:30 pa po ng tanghali.“] [“Hindi na maganda ito, kanina pa pala sila naghahanap wala pa rin bang resulta? Kailangan ng maireport ito sa mga pulis ngayon para sa agarang aksyon.”] Nakapamaywang kaagad si Premetivo habang nag-iisip ito ng malalim saka siya bigla nang nagtungo sa loob ng madilim na gubat. “Kapag may resulta na tawagan mo kaagad ako ah. Punta muna ako roon,“ utos na pahayag nito sa tauhan niya. “Yes po Sir!“ Saka ito sumaludo sa boss niya bago ito tuluyang nakaalis sa harapan nito. Sa kabilang banda naman, halos mangiyak-ngiyak na si Marciana dahil inabot na sila ng dilim ay hindi pa rin nila nahahanap ang mga bata kung kaya’t kinausap na siya ng kanyang pinagkakatiwalaang tauhan niya. "Ah Ma’am pasensya ka na ah, suggestion ko lang naman po ito. Baka naman po pwedeng ireport na natin kaagad ito sa mga pulis para mas mabilis natin sila matagpuan. Kailangan mo na ring makapagpahinga na Ma’am sobrang dilim na rin dito sa paligid oh. Hindi na rin safe na magpatuloy pa tayo sa paghahanap,“ saad naman ni Mauro na tanging tauhan niya na kanyang pinagkakatiwalaan. Hindi kaagad nakasagot si Marciana. Palinga-linga pa rin ito sa kanyang paligid at sobra pa rin itong nababalisa habang hawak-hawak ng kanyang kaliwang kamay ang noo nito. Maya’t maya ay biglang nagring ang kanyang phone. Ring! Ring! Ring! Kinapa nito bigla ang kanyang kanang bulsa saka niya dinukot doon ang kanyang cellphone. Nakita niya na si Premetivo ang tumatawag sa kanya. “Nako po! Paano ito? Si Premetivo ang tumatawag. Sasagutin ko ba ito o iignore ko na lang ba? What should I do?" natatarantang tanong nito kay Mauro na kausap niya. “Nako Ma’am, kung ako sa iyo sabihin mo na lang sa kanya ang totoo. Kasi karapatan na niyang malaman. Halos buong araw ng nawawala si senyorita," saad naman nito. "Ah hello, oh honey kamusta ka na? Napatawag ka?“ unang bungad kaagad ni Marciana sa kausap niya sa kabilang linya. Halos pinipilit nitong pakalmahin ang kanyang sarili sa pakikipag-usap para lang hindi mapahalata rito na may problema siya. “Hello Marciana nasaan ka ba ngayon?“ tanong ni Premetivo sa kanya. “Ahmmm.. nasa bahay lang. Siyempre busy sa mga reports, checking ng status ng business natin. Ikaw naman, kamusta ka na diyan sa Manila?“ pagsisinungaling na tugon naman nito sa kausap. “Marciana, sigurado ka bang nasa bahay ka lang ngayon? Don’t try to lie on me.. si Letiana nasaan na?“ saad pa muli ni Premetivo. Nakikipag-usap siya sa kanyang phone nang natatanaw na nito ang kausap habang naglalakad na ito palapit sa kinaroroonan nito. Bago nakarating si Premetivo sa kinaroroonan ni Marciana ay nakita na nito ang mga tauhan nila pagkapasok niya nang kagubatang iyon. Nakita niya silang lahat na halos pabalik na sa kanilang mga sasakyan. Sa pagkakataong iyon ay nagtanong na rin siya sa kanila kung saan na banda naroroon si Marciana saka ito nagpunta roon. “Anong ibig mong sabihin?" nabiglang tanong ni Marciana na kumunot pa ang noo nito, saka niya tiningnan ang mukha ni Mauro. Napansin nito na parang nashock ang tauhan niya habang nakatitig lamang ito sa kanyang likuran. “Ma’am si Sir,“ tanging nasabi na lang sa kanya ni Mauro habang nakatitig iyon sa papalapit na si Premetivo. “What do you mean?" nagtatakang sabi naman ni Marciana kay Mauro. Nanlaki bigla ang mga mata ni Marciana nang naintindihan nito ang ibig sabihin sa kanya ng tauhan niya. Umikot ang mga mata niya nang dahan-dahan sa kanyang likuran habang nasa tainga pa rin nito ang kanyang hawak-hawak na cellphone. Pagkatalikod niya ay nakita niya si Premetivo na papalapit sa kanila saka palang niya naibaba ang phone niya sa sobrang pagkagulat. Nang nakarating na ito roon sa kanilang pwesto… “Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin ang nangyari sa anak natin huh?" galit at seryosong tanong ni Premetivo kay Marciana nang napahinto na ito sa kanilang harapan. “Akala ko nasa Manila ka pa? Bakit nandito ka na kaagad? Ahhh? Ayun ba.. naku I’m sorry kung hindi ko kaagad nasabi sa iyo kasi.. ayokong mag-alala ka lalo na’t nasa malayo ka. Napagdesisyunan ko na… na ako muna ang gumawa ng paraan bago ko sana masabi sa iyo ang nangyari ngayon," todo sa pagpapaliwanag na lang ni Marciana sa kanyang asawa. “Anong nangyari sa ginawa mo? Nahanap na ba si Letiana?" balik na tanong uli sa kanya ni Premetivo. Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay biglang sumigaw si Letiana. "Mommy! Daddy! Nandito na po kami!“sigaw ni Letiana nang makita sila di kalayuan sa labasan ng kagubatan. Nakarating na nga sila sa lugar na kinaroroonan ng mag-asawa nang ligtas sa tulong ng paghatid sa kanila ni Juanito. Parehas tumigil sa pag-uusap ang dalawang mag-asawa nang marinig nilang sumigaw ang anak nila. Parehas silang napalingon sa kinaroonan nang sigaw na iyon. Pagkalingon nila ay nakita nilang patakbo sa kanila si Letiana. “Anak! Diyos ko po salamat! Narito ka na at ligtas!“ madamdaming usal naman ni Marciana nang napayakap na sa kanya si Letiana.Bago iyon ay napaupo ito at binuksan niya nang malapad ang kanyang dalawang braso para yakapin ang anak niyang palapit sa kanya.Niyakap niya ito nang mahigpit at napapikit ito saglit. Sa kabilang banda naman, nawala na ang tensyon sa pagitan ng mag-asawa pero si Premetivo ay hindi napigilang mapalingon sa pinanggalingan ng anak nila. Nagulat siya ng bahagya nang makita niya si Juanito at nagtanong na lang ang kanyang isip kung bakit ito naroon. Nakilala niya si Juanito. Hindi na lang umimik si Premetivo. Naalala niya muli ang nakaraan kung paano nito nakilala ang lalaki noon. Pag-alaala sa nakaraan…. “Marciana! Mahal nandito na ako! Marciana! Lumabas ka riyan sa mansyon! Marciana!” todo sigaw ni Juanito mula sa labas ng malaking gate ng isang mansyon. Tirahan iyon nila Premetivo at panay ang kalampag pa nito sa nasabing gate. Galing siya ng Manila para sana pigilan ang nakatakdang kasal ng babae sa anak ng business partner ng ama ni Marciana walang iba kundi si Premetivo. Nang mga panahong iyon ay nakastay ang buong pamilya ng Monchesca sa mansyon ng Del Puerca hanggang sa pagsapit nang araw ng kasal ng kanilang mga anak. “Sir huwag na nga po kayo mag-iskandalo rito. Wala rito ang sinasabi ninyong Marciana. Nakakaperwisyo na kayo sa ibang mga nakatira rito eh,“ sita naman sa kanya ng security guard sa loob ng mansyon. “Alam kong nandiyan si Marciana. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi siya lumalabas sa mansyon na yan! Marciana mahal! Nandito na ako Marciana! Lumabas ka naman diyan!“ todo sigaw pa rin ni Juanito sa labas ng naturang gate. Maya’t-maya’y nagulat ang lahat ng taong nasa loob ng masyon habang nagkakasiyahan kasama nang ilang mga piling bisita sa naturang simple at pampamilyang okasyon nila. Biglang lumabas si Don Costejo at sumugod ito sa naturang gate. Napasunod ang buong pamilya nito pati ang buong pamilya ng Monchesca. Nagulat si Marciana nang makita niya na si Juanito pala ang nag-iiskandalo sa labas ng mansyon na iyon. Sila Marciana ay nakapwesto malapit sa pinakapintuan ng naturang mansyon at kasama nito ang kanyang inang si Mrs.Graciana. Takot na takot ito at sobrang nag-aalala para sa kanyang minamahal na si Juanito. Nakayapos lang si Mrs. Graciana sa kanya para pigilan itong lumapit sa kinaroroonan ng lalaki. "Sino ka bang lapastangan ka?! Anong karapatan mong mag-ingay at manggulo rito sa teritoryo ko! Hindi mo ba alam na private place itong napuntahan mo!“ sigaw na saad sa kanya ni Don Costejo na nakapawaywang pa at nanlalaki ang mga mata nito nang medyo nakalapit na ito sa gate. “Pare! Pasensya ka na sa iskandalo na ito.. hayaan mo sanang ako na ang bahalang kumausap sa kanya," biglang sita naman sa kanya ni Don Lucio nang nakalapit na rin ito sa kanyang tabi. Nang mga oras na iyon ay nagsipaglabasan na rin ang ilang mga piling bisita roon dahil sa nangyari at halos ang ilan sa kanila ay palihim na pinag-uusapan ang insidenteng iyon. Si Premetivo naman ay nakatanaw lang mula sa labas ng pintuan nila gayundin ang ina nitong si Dona Fermelita. “Hoy! Hampas lupa ka… ang lakas naman ng loob mong sumugod dito mula Manila. Hindi pa ba malinaw ang lahat sa iyo na hindi nababagay sa iyo ang anak ko! Gusto mo bang ipadampot kita ngayon sa mga pulis dahil sa panggugulo mo!“ nanggagalaiti na sigaw ni Don Lucio kay Juanito. “Mahal ko ang anak ninyo! Hindi pa ba malinaw yun sa inyo? Kaya kong patunayan sa inyo na karapat-dapat ako para sa kanya. Nagmamakaawa po ako na huwag ninyo na sanang ituloy pa ang pagpapakasal niya sa iba,“ pagmamakaawa pa ni Juanito kay Don Lucio habang nakahawak ito sa mga rehas ng naturang gate. “Aba?! Sinusubukan mo talagang sagarin ang pasensya ko hampas lupa ka!” Sa sobrang galit ni Don Lucio ay bigla nitong inagaw ang baril na nakalagay sa kaliwang baywang ng security guard na nakapwesto lang sa kanyang tabi. Dahil sa nangyari, nagulat ang lahat at lalong nagpumiglas si Marciana sa pagkakayapos sa kanya ni Mrs. Graciana hanggang sa nakawala ito at mabilis na tumakbo papunta sa naturang gate. “Pa! Huwag mong gawin iyan!“ todo sigaw ni Marciana habang todo pa rin sa pag-iyak kasabay nang pagtakbo nito ng mabilis papunta sa kinaroroonan ng ama niya para pigilan sa balak nitong pagbaril sa kanyang minamahal na si Juanito. Nakarating na nga ito sa gate. Mabilis nitong hinarangan ang kanyang ama nang itinutok na nito ang hawak na baril kay Juanito. “Pa! Huwag mong gawin yan! Please pa, maawa na kayo sa kanya! Huhuhuhu,” garalgal na pakiusap nito sa kanyang ama habang patuloy pa ring umaagos ang mga luha nito sa kanyang mga pisngi. Itinaas na niya ang kanyang mga kamay bilang tanda nang pagpigil nito sa balak ng kanyang ama para kay Juanito. Nagulat na lang si Don Lucio sa biglaang pagharang ng kanyang anak na nasa harapan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD