CHAPTER 14- Simula ng Paghihinala

1308 Words
“Hindi! Marciana bumalik ka rito! Hindi pa rin ako susuko! Marciana takot ka lang. Mahal mo naman ako hindi ba? Makakayanan mo bang makasal sa taong hindi mo mahal? Marciana mahal na mahal kita! Huwag mong gawin sa akin ito mahal!“ Napatayo na si Juanito at napasugod na ito sa kinaroonan ni Marciana pero hinarangan na lang siya ng guard. Todo pa rin sa pag-iyak si Marciana at nakatakip na ang dalawang palad nito sa kanyang bibig. Lumapit naman si Mrs. Graciana kay Marciana para damayan ito. “Ayaw mo pa ring tumigil na hayop ka! Mapapatay na kita!“ Inagaw muli ni Don Lucio ang baril sa kamay ni Don Constejo nang mabilisan at itinutok ito sa mukha ni Juanito. “Sige! Magpumilit ka pa! Sa puntod na ang bagsak mo!" pagbabanta nito at nagpupuyos na ito sa sobrang galit. “Papa! Huwag, maawa ka sa kanya! Sige na Juanito umalis ka na! Sinabi ko nang ayoko na sa iyo! Lumayas ka na kaysa mapatay ka pa ni papa!“ todo pagtataboy na lang nito sa kanya. Todo pagyapos na lang ng ina nito sa kanya habang humahagulgol pa rin ito. Napatigil saglit si Juanito sa ginawang pagtutok sa kanya ng baril ni Don Lucio. Para itong naistatwa sa kanyang pwesto. Nablangko bigla ang isip nito dahil doon ay pinagtulakan na lang siya ng guard palabas ng gate. Nagpatangay na lang siya sa paghatak sa kanya ng guard hanggang sa labasan. “Susunod ka rin naman palang hampas lupa ka! Pinahirapan mo pa ang sarili mo! Sa susunod na susugod ka ulit dito papalapa na kita sa aso!“ huling sambit pa ni Don Lucio sa kanya bago ito tuluyang nakalabas ng gate na iyon. Nakalabas na nga sa mansyong iyon si Juanito at iniwan na siya ng guard roon saka ito muling pumasok sa loob. “Marciana bakit bigla kang bumitaw?! … huhuhuhu.. Bakit!?” sobrang pagkasigaw nito habang nakatayo lang siya labas ng gate. Ito ang mga ala-alang naiwan sa isipan ni Premetivo mula sa lalaking nakita niya muli sa kagubatan na nanggaling sa nakaraan. Nagbalik sa kasalukuyan ang diwa ni Premetivo mula sa pagkasariwa niya sa una at huli niya ring naging ala-ala sa lalaking kaharap niya na walang iba kundi si Juanito. Napayukod naman si Juanito saka nito ibinaba mula sa pagkakabuhat ang batang si Chichi. Napatakbo na rin si Chichi sa kinaroroonan ng mag-ina nang sa wakas ay nahanap na nila ang tamang daan palabas sa gubat. Nakatalikod na ang lalaki nang biglang tinawag ni Premetivo ang atensyon nito. “Sandali lang ginoo!"biglang tawag ni Premetivo sa papaalis na si Juanito habang hawak-hawak nito ang anak na si Fendi. Magsisimula na sana sila maglakad papalayo sa kanila. Sa kabilang banda naman ay kinabahan at nagulat nang bahagya si Marciana sa pagtawag ng pansin nito sa papaalis na sina Juanito. Nagtaka siya at mataimtiman niyang tinitigan si Premetivo na nakatayo lamang malapit sa kanyang tabi. Napatayo ito bigla at palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. “Salamat sa tulong na ginawa mo. Paano mo pala, nakita ang anak ko sa gubat?" tanging tanong na lang sa kanya ni Premetivo. Nag-isip sandali si Juanito bago siya humarap sa kumakausap sa kanya. “Walang anuman. Ahmm.. nagkataon lang ang lahat dahil hinahanap ko rin ang anak ko kanina. Ang totoo niyan ay itong anak ko ang nakakita sa kanila dahil kanina pa raw silang nawawala. Pagkatapos ay saka ko naman sila nakita na magkakasamang tatlo sa paglalakad ko kaya naisipan kong dumaan dito sa gawi ng dalampasigan para ihatid na lang sila ng personal sa bahay nila," seryosong paliwanag nito kay Premetivo at mataimtiman niya itong tinitigan nang mata sa mata nang walang kakurap-kurap. Lumaban din ng titigan sa kanya si Premetivo nang wala ring kakaurap-kurap saka ito bahagyang ngumiti nang tipid. Halata rito ang pagbibigay nito ng pekeng ngiti. Kinabahan bigla si Marciana habang hindi ito mapakali sa kanyang kinatatayuan dahil ramdam nito na para bang may tensyon na pumapagitan sa dalawang lalaki kung kaya’t…. “Ah eh… ayun na nga, naku salamat ginoo sa ginawa mong paghatid sa anak namin ah. Grabing pag-aalala ang nararamdaman na namin para sa kanya. Balak na nga sana namin na ireport na sa mga pulis ang pagkawala niya. Para sana mas mahanap siya nang mabilis. Maraming salamat talaga sa tulong na ginawa mo para sa amin,“ pagdadrama na lang ni Marciana sa pakikipag-usap niya kay Juanito habang kaharap nito ang kanyang asawa. Tumitig lang si Premetivo sa kanya. Pagkatapos niyang kausapin ang lalaki ay napatingin na rin siya sa asawa nito. Nahuli na lang ni Marciana na nakatingin din sa kanya ang kanyang asawa na para bang binabantayan nito ang bawat galaw niya. “Ahmm.. kailangan na naming makaalis. Pagabi na rin," seryosong paalam ni Juanito sa kanila saka sila bigla nang tumalikod na mag-ama. Nakaalis na nga sila papalayo. Lumipas ang sandaling minuto… “Ahmm, sige Ma’am, mauna na rin ako roon sa baba ah. Nandiyan na rin naman si Sir," biglang paalam naman sa kanila ni Mauro. Tumango na lang parehas ang mag-asawa. Lumakad na nga ito palabas ng gubat. “Daddy! I missed you! Pakarga naman po ko please? Dali daddy! Ang tagal mong nawala eh,“ pag-iinarte naman ni Letiana sabay angat nang dalawa nitong kamay habang naghihintay ito sa pagbuhat ng kanyang ama. Binuhat din ni Marciana ang kaibigan nito na si Chichi. “Ok my precious princess.. let’s go home. I have a surprised for you," malambing na saad ni Premetivo sa kanyang anak habang buhat na niya ito. [“Really daddy? What is it? Grabi excited na ako makauwi.. Chichi pakita ko sa iyo bukas kung ano yung surprise ni daddy ah."] “Ok princess, let’s go home!“ Sabay-sabay na nga sila lahat na lumabas sa kagubatang iyon. Sa kabilang banda naman ay inihatid na lang ni Marciana ang batang si Chichi sa bahay nila saka naman niya inexplain nang maigi ang buong nangyari sa mga magulang nito. Matalik namang magkaibigan ang mommy ng bata at si Marciana kung kaya’t hindi na naging issue sa kanila ang nangyari. Dumating ang malalim na gabi, malalim ang iniisip ni Premetivo sa terrace ng kanilang kwarto habang nakatambay ito roon at hawak-hawak nito ang isang basong my lamang alak ng coco brandy. Nakatanaw lamang siya sa kabuuan ng paligid ng kanilang hacienda. Nakahawak din ang kaliwang kamay nito sa grills ng naturang terrace nila. Nang mga oras na iyon ay halos tulog na ang kanyang mag-ina. Naroon si Letiana natulog sa kanilang masterbed na kama. Nasa pagitan pa ito ng mag-asawa. Hindi mawala sa isip ni Premetivo ang naging pagtatagpo nila ni Juanito sa mga nakalipas na sandali. Sobra siyang nagtataka kung bakit nasa Alalingan Batangas City ang lalaki gayong matagal nang panahon mula nang nakita niya iyon sa kanilang lugar. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang mga kataga na… “Premetivo Del Puerca, isang hinahangaan at tinitingalang tao ng kanilang siyudad. Huwag kang pakampante sa mga nakikita mo.. alalahanin mong dating naging kasintahan ng asawa mo ang lalaking iyon. Ano ba ang sa tingin mo? Bakit biglang nagpakita ang multo ng nakaraan at dito pa sa kinasasakupan ng tahanan mo? Sa tinagal-tagal nang panahon na lumipas masisiguro mo bang tapat ang asawa mo sa iyo? O naiiputan ka na pala sa ulo mo nang hindi mo nalalaman? Ingat ka… baka bigla ka na lang tuklawin nang kalaban mo nang hindi mo pa napapansin.” Samu’t saring konklusyon ang pumapasok sa kanyang isipan, isa na ang mga ideya niya na baka ay matagal na ring nagkikita ang lalaking iyon at ang kanyang asawa nang hindi niya nalalaman. Baka nga ay niloloko na siya nang kanyang asawa. Sobra itong bumagabag sa kanyang isipan sa buong magdamag. Sa mga sandaling iyon ay nagsimula nang mamuo ang kanyang hinala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD