CHAPTER 8- Forest Adventure

2070 Words
Sobrang saya ng batang si Letiana nang biglang natanaw niya di kalayuan ang batang si Fendi na namimingwit sa taas ng isang matarik na medyo may kababaan na bundok sa gilid ng dagat. Nagtaka ang batang babae kung ano ang ginagawa ni Fendi sa kinaroroonan nito kung kaya’t nilapitan niya iyon. "Pssssstttt! Bata! Fendi! Anong ginagawa mo riyan sa taas?“ sigaw na malakas ng batang si Letiana nang nakalapit na siya sa ibaba ng matarik na lugar na kinaroonan nito. Hindi siya kaagad napansin ni Fendi dahil malakas ang hangin pati ang tunog ng hampas ng tubig dagat sa pampang. "Hoy! Bata naririnig mo ba ako?! Nandito ako sa baba! Fendi lumingon ka naman dito sige na oh! Bata!" panay ang sigaw ni Letiana mula sa baba na halos lumabas na ang mga litid ng kanyang ngala-ngala sa kakasigaw dahil hindi pa rin makalingon si Fendi sa kanya. Maya’t maya’y napalingon na nga si Fendi sa baba mismo sa kinaroroonan ni Letiana. Ito namang batang babae ay panay ang kaway nito habang tumatalon pa para lang mapansin siya ito. "Wow! Ang galing mo naman.. nakahuli ka ng isda.. ang galing! Halos tatlo pa ang mga nahuli mo oh!“ pagkamanghang saad ni Letiana nang makita niya ang mga isdang huli nito sa loob ng timbang may tubig. Nakababa na nga si Fendi mula sa itaas ng matarik na bundok at nagpunta ito sa kinaroroonan ng batang babae. Sila ay naroon lamang sa gilid. “Oh ikaw pala Letiana.. mag-isa ka lang? Wala ka bang kasama?“ pagtatanong bigla ni Fendi sa kanya. “Huh? Ah… kasi… tumakas lang ako sa amin hehehe, gusto ko kasi gumala rito sa dalampasigan eh. Alam ko namang hindi ako papayagan ng yaya ko,“ tugon naman nito. “Ah ganoon ba, nako! Lagot ka na naman sa mama mo.. wait lang sabi mo may yaya ka? Hala! Wow naman sana all may yaya haha.. nako po! Lagot ka, tumakas ka.. baka magwala ulit ang mga magulang mo niyan tapos bigla ng magreport sa radyo dahil missing ka na naman hehehe,” sarkastikong pang-aasar sa kanya ni Fendi habang nililinis niya ang isang isda. Tinatanggalan niya iyon ng bituka at lingkis. Naroroon na silang dalawa na nakasalampak sa buhanginan. “Hindi naman siguro… kasi sila mommy at daddy ko parati na lang busy sa work eh. Wala nga sila sa bahay namin ngayon,“ saad na lang nito, “Siyangapala.. ano yang ginagawa mo? Ew! Kadiri naman yan! Ang baho naman at ang langsa pa.. marunong ka pala magtanggal ng bituka ng isda?“ manghang sabi ni Letiana habang pinapanood nito si Fendi na naglilinis ng isda. “Oo naman… tinuruan ako ng nanay ko kasi syempre, ako lang ang nauutusan niya eh.. wala naman akong kapatid kaya kung anuman ang ginagawa niya sa bahay ay tinuturo niya na rin sa akin habang bata pa ako. Hmmm.. naisipan ko lang na mag-ihaw ng isang isda ngayon. Nakatikim ka na ba ng inihaw na isda?" tanong naman ng batang lalaki. [“Huh? Oo naman noh.. naghahain si yaya sa lamesa namin minsan niyan kapag kakain na kami. Yung tinutukoy ko ay yung tagaluto namin doon.”] [“Ano ang sabi mo? Hindi lang isa ang yaya ninyo? Wow! Ikaw na ang pinagpalang mayaman hehehehe.. nakakahiya namang makipagkaibigan sa iyo, sobrang yaman mo pala.. pati tagaluto mayroon kayo naks naman! Nako po, sana hindi ka basta-basta lumalabas kasi baka bigla kang makidnap niyan sige ka.. siyangapala, baka pwede na natin itong lutuin kasi nalinis ko na. Ahmmm… ok lang ba na dumito ka muna? Pupunta muna ako sa gawi roon oh.“] “Anong gagawin mo naman doon sa loob ng gubat?" tanong naman ni Letiana. [“Maghahanap lang ako ng ilang mga putol na kahoy kasi gagamitin natin iyon sa pag-ihaw ng isda.”] [“Teka sandali, pwede ba akong sumama?"] [“Huh? Paano naman itong mga dala ko? tingnan mo oh may bitbit akong timba at pawingwit ko.“] [“Ako na lang magbibitbit ng timba mo.. mabigat ba iyan?”] “Hindi naman kasi kaunti lang ang lamang tubig nito tapos tatlong isda lang ang laman nito.” Nagtungo na nga sila sa loob ng kagubatan para mamulot ng mga maliliit na kahoy. Naglakad-lakad na nga sila sa loob saka sinubukan ni Fendi na magputul-putol nang maliliit na kawayan. “Uy! Nakakapagod na oh.. hinto muna tayo rito saglit ok lang ba? Ang hirap pala magbuhat ng timba," reklamong saad ni Letiana at napaupo na ito roon sa nakita niyang malaking bato sa gilid ng isang malaking puno ng nara. “Oh, kala ko ba sabi mo kanina kaya mo? Bakit nagrereklamo ka na diyan? Hahaha… akin na nga yung timba.. anak mayaman kasi eh hehehe,“ pang-aasar na lang ni Fendi sa kanya. Maya’t maya ay lumapit siya sa isang nakabagsak na sanga ng kawayan at sinubukan niya iyong hilahin at putul-putulin. Sa ginawa niyang paghila ay napatumba siya sa lupa. Napaupo tuloy siya sa maputik na area ng lupa nang hindi niya namalayan kung kaya’t narumihan ang kanyang suot na short. “Oh Fendi tingnan mo iyong short mo sobrang dumi na oh dahil sa putik hahaha.. ang dugyot mo na oh! Mamaya nga ay maligo ka na lang saglit doon sa dagat,“ sita naman sa kanya ni Letiana na nakaupo pa rin sa malaking bato. Nang nakarami na sila ng maliliit na kahoy na nakuha ay bigla parang naawa si Letiana sa kanya kasi marami na siyang binibitbit. “Akin na nga iyang ilang mga kahoy na nasa iyo.. mukha ka ng kawawa sa dami ng bitbit mo at ang dumi pa ng damit mo.. para ka na tuloy pulubi na nakatira sa kalsada oh haha,“ pang-aasar namang bahagya ni Letiana sa kanya. [“Sigurado ka ba? Baka magreklamo ka na naman diyan na mabigat eh.”] “Hindi na.. promise!“ Sinubukan nga ng batang babae na magbitbit nang mga naipon nilang kawayan hanggang sa bumalik na ulit sila roon sa dalampasigan. Nagsimula na nga si Fendi na ayusin ang mga kahoy na sisigaan nito nang naibagsak na nila iyon sa buhanginan. “Sigurado ka bang marunong ka niyan? Baka masunog mo lang yan at hindi makain ah.. masasayang lang ang isda.” Sinasabi ni Letiana iyon habang nakasalampak na ito sa buhanginan. “Oo naman marunong din ako mag-ihaw.. boyscout yata eto noh. Kita mo naman.. nasa bundok kami nakatira eh kaya lahat matututunan mo talaga. Subukan mo rin minsan para kahit maligaw ka ulit sa gitna ng bundok, eh makakaya mong mabuhay.“ Sinubukan na nga nito na lagyan ng apoy ang pinagsama-sama niyang mga kahoy habang nakalawit lang sa gitna ng mga ito ang tinuhog niya na isda na nakaready na para maluto ito. Habang iniihaw nila ang isda ay sinamantala na nga ni Fendi na hugasan ang sarili niya at labhan ang parte ng short nya na nalagyan ng putik. “Letiana tingnan mo oh.. ang ganda ng hampas ng tubig.... parang ang sarap tuloy lumusong doon.” Biglang sumugod si Fendi sa humahampas na alon at dali-dali itong tumakbo pabalik muli para hindi siya malamon ng malaking alon ng dagat. Takbo lang siya nang takbo sa gilid ng dagat at sobrang masaya ito sa paglalaro roon. Si Letiana naman ay panay tawa lang sa ginagawang iyon ni Fendi lalo nung muntik na itong matumba sa tubigan dahil sa lakas ng paghampas ng alon.Sa mga oras na iyon ay makikita sa kanila ang itsura ng mga batang walang dinadalang problema at sobra masaya lang ang pinapakita nila. Sa kabilang banda naman ay naluto na nga ang isda, saka nila sabay itong pinagsaluhang kainin. Lumipas pa ang ilang mga oras na magkasama sila ay naisipan na ni Letiana na umuwi na sa kanila. “Nako po, kailangan ko na pala umuwi kaagad sa amin kaso alam mo bang may problema ako?“ tanong na may pag-aalala ni Letiana sa kanya. “Ano naman iyon?“ tugon nito. [“Diko kasi alam kung papaano ako makakaakyat doon sa puno para makatawid ako sa bahay namin eh.. baka pwede mo akong samahan ok lang ba?“] [“Huh? Anong puno? hindi kita maintindihan. Ibig mo bang sabihin sa puno ka dumaan?“] [“Oo.. may nakatayo kasing puno roon sa gilid ng likod bahay namin eh kung saan pwede ako makaakyat. Ang problema, yung pagbalik ko ay hindi ko na naisip kaagad kung papaano ako makakabalik sa loob eh hehe.“] [“Paano yan eh may dala-dala akong timba na may isda? Kailangan ko muna itong ibalik sa amin.”] [“Edi dalhin mo na lang yan. Don’t worry sagot ko ang pamasahe mo balikan para makabalik ka rin kaagad dito.“] “Nako po! Letiana pasaway ka palang bata ka.. paano kapag nahuli tayo niyan?" pag-aalalang tanong naman nito sa kanya. “Hindi yan kasi wala namang gaanong dumadaan sa gawi roon. Medyo tago ang area roon eh,“ sagot naman nito sa kanya. “Ok.. sige na nga.. hala tara na.” Nagtungo na nga sa labasan sa may sakayan ng tricycle ang dalawang bata habang bitbit pa rin ni Fendi ang isang timba na may lamang dalawang isda sa loob nito. Napasakay na sila sa isang tricycle. Nakarating na nga sila sa subdivision na tinitirahan ng batang si Letiana, roon mismo sa gilid ng isang puno sa likuran ng bahay nito. Halos dapit hapon na nang nag-iisip si Letiana kung paano siya makakaakyat sa taas ng puno para makatawid sa kabilang bakuran nila. “Saan ka dadaan? Ayan ba yung puno na tinutukoy mo? Mukhang delikado para sa iyo ang umakyat muli diyan,“ saad ni Fendi. “Wala na kasi akong maisip na ibang paraan eh,“ tugon naman ni Letiana. “Hala ko po! Baka mapagkamalan tayong magnanakaw rito oh… mukha pa namang mga bigatin ang nakatira sa lugar ninyo eh oh? .. sobrang tahimik rin ng lugar ninyo.. atsaka buti na lang hindi kataasan ng puno. Kaya natin yan!" saad naman ni Fendi habang nagpalinga-linga lang ito sa kanilang paligid. "Wait lang.. alam ko na! Dali Letiana.. nakikita mo ba yung basurahan na iyon? Yung nakadikit lang banda roon sa gilid? Itulak kaya natin iyon papunta rito saka tayo sumampa sa ibabaw niyon. Hindi naman siguro tayo lulusot doon sa loob ng basurahan kasi nakita kong may takip siya oh at kahoy pa," dagdag pa muli ni Fendi. Iniwan muna nito saglit ang kanyang timba sa gilid ng isang puno saka ito nagtungo sa kinaroroonan ng basurahan. “Ano ka ba? Mabigat yan.. ano bang balak mong gawin diyan?“ pagtatakang tanong ni Letiana sa kausap. “Tulungan mo na lang kaya ako itulak ito roon sa likod ng puno dali! Basta sumunod ka na lang sa akin." Nagtulungan nga silang dalawa na maitulak ang isang malapad na basurahan at idinikit nila iyon sa nasabing puno sa pagitan ng dingding ng bakuran nila Letiana. “Ganito ha… tutungtong ako roon sa taas ng basurahan. Pagkatapos ay yuyukod ako. Ang gagawin mo naman ay sumampa ka roon sa likod ko para maabot mo ang isang sanga roon para makaakyat ka. Gets mo po ba?“ mahabang pahayag sa kanya ni Fendi. “Hindi ba delikado ang gagawin natin?“ takot namang saad ng batang babae. [“Hala ko po! Parang tanong ko ata iyan kanina sa iyo ah hahaha. Yung pagtawid nga na ginawa mo mula roon sa loob kaninang pag-alis mo nakakatakot na nga po di ba? Pero nakalabas ka pa rin. Bakit kasi pinapahirapan mo pa ang sarili mo kung pwede ka naman dumaan na lang doon sa harapan ninyo.“] [“Hindi pwede kasi malalaman nila na tumakas lang ako eh.. ang alam nga nila ay natutulog lang ako roon sa kwarto ko hanggang ngayon.“] “O siya sige na po.. sasampa na po ako roon sa taas ng basurahan ah.” Sumampa na nga si Fendi sa taas ng nasabing basurahan. [“Oh Letiana nakayukod na ako. Dali! Pwede ka ng umakyat. Mag-ingat ka lang ah.”] -Fendi “Ok sige ito na.. aakyat na ako.” Umakyat na nga si Letiana sa ibabaw ng basurahan at sumampa na rin ito roon sa likod ng batang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD