CHAPTER 7- Simula ng Magandang Samahan

1950 Words
“Hindi kita maintindihan.. I sacrificed when I left my life and job sa Manila para lang sundan ka dito sa Batangas at pigilan na makasal ka sa tao na iyon. Pero anong ginawa mo? Nakalimutan mo na ba na pinagtabuyan mo lang ako noon... pinili mo pa ring makasal sa anak mayaman na iyon." tugon naman ng lalaki. “That’s my worst decision that I’ve made in my entire life. Pasensya ka na kung naduwag akong ipaglaban ka.. pinili ko pa ring sundin ang utos ng parents ko dahil akala ko noon iyon ang mas makakabuti sa akin.. nagkamali ako dahil for this whole marriage namin ay ikaw pa rin ang totoong nagmamay-ari ng puso ko. Magkatabi nga kami sa kama pero sa isip at puso ko ay ikaw ang kasama ko,“ pagpapatuloy pang pahayag ni Marciana sa kanya. “Nang tuluyan mo na akong iniwan, I had at my worst. Nawalan ng direksyon ang buhay ko at nawalan na ako nang gana pa na bumalik ng Manila hanggang sa nakilala ko ang naging asawa ko ngayon. Sa kanya ko nabaling ang lungkot na binigay mo sa akin hanggang sa nabuntis ko na siya. I had no choice kung hindi panagutan na lang siya at tumira ako sa lugar nila," pagkukwento na lang ng lalaki sa kanya. "Nandito na tayo, huwag na lang tayo magpahuli sa mga asawa natin for our love,“ tanging nasabi na lang ni Marciana sa kanya. "Singapala, bakit kinailangan mo pala na gumawa pa ng palabas kanina?" biglang tanong ng lalaki sa kanya. “Palabas? Tulad nang?“ takang saad ng babae sa kanya. “Alam mo na yung sinasabi ko.. yung pagkakadakip sa akin ng mga nagpakilalang pulis na nagpunta sa palayan kanina para sunduin ako." “Ah yun ba, pasensya na.. wala na kasi akong maisip na paraan kung paano kita mapapapunta rito.. hindi naman ako pwede na ako mismo ang magpunta sa iyo.. mapapahamak ka lang dahil maraming nakakakilala sa akin, pasensya ka na mahal ko.“ “Totoo ba talaga na mga pulis yung pinapunta mo?“ dismayadong tanong naman uli ng lalaki. “Mga tauhan ko lang sila na pinagpanggap ko na mga pulis.. pasensya ka na mahal ko. Masyado kasing delikado itong pagtatagpo natin, syangapala.. mahal ko.. ito na rin ang reward mo sa ginawa mong pagkakaligtas roon sa anak ko. Ang ganda pala na nangyaring iyon dahil muli tayong nagtagpo," saad naman ng babae. “Naku, inabot na pala tayo ng gabi rito.. panigurado ako na hinahanap na ako nila Senia.” Mabilisan itong tumayo mula sa kanyang pagkakahiga at nagmadaling magsuot ng kanyang mga damit. “Ito nga pala tanggapin mo… itago mo sanang maigi yan sa kahit na kanino.. itex mo na lang ako kapag gusto mong magkita tayo para magawan ko ng paraan ang magiging schedule natin. Don’t worry rin pala.. ihahatid na lang kita roon sa kanto papunta sa inyo dahil hindi mo naman alam ang labasan dito.. basta ituro mo lang ang papunta sa inyo.“ Napatayo na rin si Marciana at nagmadaling magsuot ng kanyang mga damit pagkatapos nito iabot kay Juanito ang bagong brand ng phone para sa magiging komunikasyon nila. “Kailangan ba talaga na bigyan mo pa ako nito? Numero ng cellphone mo na lang ang ibigay mo mahal ko, ayoko namang isipin mo na ginagatasan lang kita sa mga materyal na bagay na binibigay mo sa akin gaya niyan.“ Sabay yakap muli nito at halik sa labi ni Marciana. “Ano ka ba mahal ko… hala’y tanggapin mo na lang yan para mas safe at hindi ka pagdudahan ng asawa mo roon sa sarili mong phone… baka biglang magcheck iyon ng phone mo isang araw nang hindi mo alam.. mapahamak pa tayo parehas. Mas safe na dito na lang tayo mag-usap sa isang phone na ito… basta ingatan mo lang na maigi ito at dapat ay hindi nila malaman o madiskubre na may isa ka pang phone,“ todo pa rin sa pagpilit nito sa kausap habang binabalik muli nito roon sa kamay ng lalaki ang naibigay niyang bagong phone. Pagkatapos nilang magbihis dalawa ay lumabas na kaagad sila at nagtungo sa isang gilid banda sa kanan ng bahay kubo patungo sa sasakyang apatan na upuan na kulay puti ni Marciana at sabay na silang sumakay doon. Naihatid na nga ng babae si Juanito banda sa kanto ng isang malawak na palayan. "Paano ba yan Marciana, hanggang dito na lang ako.. lalakad na ako papasok sa palayan para makauwi na sa amin," saad ng lalaki. "Sandali lang muna.. huwag mong kalimutan na magtext sa akin huh? I'm so happy mahal dahil nagkita muli tayo. Pakiss naman diyan mahal oh para may baon ako," hirit naman ni Marciana. Inilapit nga ni Juanito ang mukha nito sa mukha ng babae at mariin niyang dinampian ng matunog na halik ang labi ng babae bago ito tuluyan ng lumabas ng sasakyan ng babae. Wala namang katao-tao sa kinaroonan nila kung kaya't safe naman ang palihim na pagtatagpo nila. Palakad na ang lalaki nang lumingon ulit ito roon sa sasakyan ng babae at napakaway na lang si Marciana sa kanya mula sa loob ng sasakyan nito hanggang sa nakaalis na ang sasakyan nito. Nakauwi na nga si Juanito sa bahay nila nang… "Inay! Si Itay nakauwi na,” saad ni Fendi nang makita niya kaagad ang tatay nito na papasok na ng kanilang bahay. "Naku po! Juanito.. ano nang nangyari sa iyo? Sinabi pala ng kapitbahay natin na bigla ka raw dinampot doon banda sa palayan ng dalawang armadong lalaki saka ka raw isinakay sa dala nilang sasakyan.. sobra talaga kaming nag-aalala ng anak mo kung saan ka na napunta,“ pag-aalala namang salubong sa kaniya ni Aling Senia pagkapasok pa lang ng lalaki sa pintuan ng kanilang bahay. “Yun ba? Wag na kayong mag-alala pa.. Wala lang yung nangyari.. napaghinalaan lang ako nang nakausap ko sa prisinto kanina eh.. maling akala lang.. inakala nila na ako raw ang nakita nilang nagnakaw ng kalabaw nila na naiwan sa palayan noong nakaraan. Kamukha ko raw kasi ang magnanakaw.. debaleng maling description lang ang naireport nila," pagsisinungaling na lang nito sa asawa niya para mapagtakpan ang totoong nangyari. Dumiretso ito kaagad sa lamesa ng hapag kainan nila habang hinihintay nito matapos ang pagsasaayos ng kanilang pagkain sa lamesa. “Ah ganoon ba, eh sino ba ang mga nagbintang sa iyo? Nakilala mo ba?“ Busy naman na naghahanda ng kanilang pagkain ang kanyang asawa sa kanilang lamesa. “Hindi eh.. hindi taga dito sa atin. Taga ibang bayan ata.. sila raw yung pinagbentahan ng kalabaw nang dating may-ari nun,“ tugon naman nito. “Tamang-tama lang ang dating mo kasi halos hindi kami makakain ng anak mo sa sobrang pag-aalala kung saang lumalop ka na dinala ng mga nangharas sa iyo kanina.. Pumunta pala kami sa presinto kanina kaso wala ka naman doon eh.. saang printo ba ang tinitukoy mo na pinagdalhan sa iyo? Baka nga kako eh.. sa ibang branch ka dinala.. Papunta na nga sana ulit kami roon para makapag-update kung nakumpirma na ba nila na nasa kabilang branch ka," patuloy pa na pahayag nito sa asawa niya habang kumakain na sila nang sabay-sabay. “Hala sige.. tama na yan.. ang importante nandito na ako ngayon at wala naman nangyaring masama sa akin.. Tayo na’t kumain na tayo nang sabay-sabay," pagpuputol na lang ng topic ng lalaki. Kinabukasan, masiglang tumatakbo palabas ng kanilang eskwelahan si Letiana papunta sa sarili nitong service pagkatapos ng kanilang klase. Nang makasakay na ito’y kumakanta-kanta pa ito sa likod ng kanilang malaking van habang katabi naman nito ang kanyang sariling yaya. Napadaan sila sa kalawakan ng dalampasigan at napatanaw naman ito roon nang biglang may naisip ang bata na gagawin niya mamaya.. “Mukhang masarap maglaro ulit sa dalampasigan ahh.. namis ko tuloy bigla ang tubig hay... sino kaya ang pwede kong yayain mamaya? Ayoko si yaya ang kasama ko kasi hindi ko mapupuntahan ang gusto kong lugar.. alam ko na! Si chichi na lang kaso hindi ko siya nasabihan kaagad nang nasa school pa kami kanina, para sana magkita kami roon.. hay! Bahala na si wonderwoman kung sino makakasama ko mamaya.. basta pupunta pa rin ako.. Nako po! Excited na ako sa tubig.” Ito ang mga ideya na naglalaro sa isipan ni Letiana habang bumibiyahe pa rin sila sa kalagitnaan ng daan patungo sa kanilang bahay. Pagkauwi nila ay nagbihis kaagad ito at kumain. Nagsabi kaagad siya sa kanyang yaya na matutulog siya ng maaga. Wala naman ang kanyang mga magulang sa bahay nila dahil parehas silang abala sa negosyo nila. Pagkapasok naman nito roon sa kanyang sariling kwarto ay nagpakita na lang siya noong una sa yaya niya na nakahiga na siya sa kanyang kama.. “Yaya, matutulog na po ako ah.. huwag mo po akong gisingin kaagad mamaya dahil gusto ko pong humaba ang tulog ko. Sige na yaya labas na po kayo ng kwarto ko,“ saad na lang ng batang si Letiana at nagtalukbong na ito ng kanyang kumot. Pagkalipas ng mahigit kinse minuto ay dali-dali itong bumangon sa kanyang higaan at naglagay ng maraming unan sa ilalim ng kanyang kumot para magmukha siyang kunwari na natutulog doon na nakatalukbong naman dito ng maayos ang kanyang kumot saka ito dumiretso sa kanyang pintuan. Sumilip siya sa labas ng kanyang kwarto para magmatyag kung nasa paligid ba ang yaya niya. Nang masiguro niya na wala ngang katao-tao sa labas ay agad-agad itong lumabas ng mabilis sa kanyang pintuan. Nagmadali itong bumaba nang dahan-dahan sa kanilang hagdanan sabay diretso sa kanilang kusina. Huminto muna siya saglit at nagtago sa gilid ng isang malaking tukador dahil napansin niya na nagkukwentuhan ang dalawang katulong nila na naroon. Nang mapansin na niya na naiwang bukas ang screen door sa likuran ng kanilang kusina habang nakafocus naman ang mga katulong nila sa pagkukwentuhan ay mabilis itong dumaan doon ng hindi siya kaagad napansin sa paglabas. May alam siya na pwede niyang labasan mula roon sa likod ng kanilang bahay ng hindi na kailangan pang dumaan sa pinakamain gate nila. Sinubukan niyang akyatin ang kanilang bakuran nang nakita niya ang isang nakadisplay na hagdanan mismo sa isang gilid lang. Malikot at pasaway na bata si Letiana. Mahilig itong gumawa minsan ng kakaiba kapag talagang gustong-gusto niya ang isang bagay ay gagawin niya ang lahat para lang matupad iyon. Nakaakyat na nga siya ng kanilang bakuran at dumaan ito sa puno na nakadikit lamang sa labasan ng dingding nito. Halos nakaramdam na ito ng kaba kung papaano siya makakababa roon sa puno gayong sobrang taas ng kanyang babagsakan. “Hala ko po mommy! Huhu.. ang taas pala ng babagsakan ko paano ba yan? Bahala ka na wonderwoman ah,“ saad ni Letiana sabay nagpaslide na lang siya pababa sa puno pabagsak sa ilalim nito. Tumama sa sahig ang kanyang pwet nang napatalbog ito sa sahig sabay sigaw nito ng.. “Aray ko po! Gosh ang sakit ng pwet ko!“ Kumorteng bisangot ang mukha nito habang nakahawak ang kaliwang kamay nito sa kanyang pwetan. Hindi siya kaagad nakatayo sa sakit na naramdaman niya. Pagkatapos niyon ay naglakad na siya papunta sa paradahan ng tricycle malapit sa kanila at sumakay siya roon. Nagpahatid na lang siya sa dalampasigan ng dagat mismo sa pagmamay-ari ng pamilya nila. Nang makarating na siya ng dalampasigan… “Wow! Nakakaexcite naman wohooo!“ sigaw ni Letiana na sobrang saya nito sabay takbo nito roon sa humahampas na tubig ng dagat sa pangpang. Takbo siya nang takbo roon at nagtatampisaw pa ito sa tubig matapos niyang iwanan ang kanyang sapatos malapit sa kanyang kinaroonan banda sa buhanginan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD