CHAPTER 18- Hulihin sa Akto

1824 Words
Bigla itong napatayo at sinunggaban ang kwelyo ng damit na itim ni Mauro. “Hindi mo ba narinig na tinatanong kita? Kapag tinatanong kita sasagot ka! Uulitin ko ulit ang tanong ko sa iyo ha para maintindihan mong maigi. Kailan mo pa nalaman lahat ng kataksilang ito!“ sigaw ni Premetivo sa mukha ni Mauro. Naaninag ni Mauro na nagliliyab sa galit ang mga mata ng boss niya. Mga matang handang pumatay anumang oras. Lalo siyang kinilabutan sa ginawa sa kanya nito. “Ahmmm.. boss, pasensya na kung hindi kita nasagot kaagad. Ahhh.. boss sobrang lito kasi ng isip ko. Nakokonsensiya rin ako kay Ma’am Marciana sa ginagawa kong panlalaglag sa kanya kaso kasi.. alam kong mali na ang ginagawa niyang pagtataksil. Kahayupan na iyon at kawalan ng dangal sa ating p*********i dahil lalaki rin ako kaya alam ko ang pakiramdam na ganoon," sobrang garalgal nang boses nito habang nagpapaliwanag sa mukha ni Premetivo. Halos mautal-utal na ito sa pagsasalita. “Anong sinabi mo? Parang sinasabi mong matagal mo ng alam ang kahayupan nang dalawang iyon? Ha?..“ Sumabog na sa sobrang galit si Premetivo saka niya sinapak ang kaliwang pisngi ni Mauro nang malakas. Pak! Tumalsik si Mauro at napatumba siya sa gilid na estante ng kanyang tukador malapit sa kanyang sliding door. “Ugh!..” tanging nasabi na lang nito sabay hawak sa namamaga nitong pisngi. Hindi pa nakuntento si Premetivo at lumapit pa ito sa kinaroroonan ni Mauro. Sinunggaban niya ulit ang kwelyo nito saka niya iniangat ang kanyang kaliwang kamao para sa susunod pa na pananapak nito. “Traydor ka, pinagkatiwalaan kita!“ galit na galit na sigaw nito sa mukha ni Mauro. Sasapak na sana siya sa pangalawa pang pagkakataon nang bigla itong nagsalita. “Boss! Maawa ka naman po, sandali lang please! Hindi pa ako tapos magpaliwanag eh. Please naman boss oh.. makinig ka muna kasi sa akin. Saka mo muna pairalin ang galit mo dahil hindi mo pa nalalaman lahat ng alam ko,“ sobrang pagkataranta na paliwanag muli ni Mauro sa boss niya. Halos iniangat na nito ang dalawa niyang kamay para salagin ang kamao ng boss niya. Napatigil bigla si Premetivo sa sinabi nito. Nag-isip muli ito saka siya biglang tumayo. Tumingin muli ito sa nakahandusay sa lapag na si Mauro na sobrang galit pa rin. “Sige…. bibigyan pa kita ng pagkakataon na ipaliwanag ang sarili mo. Siguraduhin mo lang na may katotohanan lahat ng iyan... kung hindi, buhay mo ang malalagay sa alanganin," papanakot naman ni Premetivo sa kanya. Sobra pa ring taas ng enerhiya nito dahil sa nagpupuyos nitong galit. Tumayo mula sa lapag si Mauro at dumiretso ito sa lamesa ng kanyang boss. May dinukot itong isang may kalumaang touch screen na phone sa pinakalooban ng isang brown envelope na nasa lamesa nito. Saka niya binuksan iyon. Nanginginig pa ito nang iniabot niya ito sa kanyang boss. “Ito boss oh… dito nagsimula lahat kung paano ko sila nahuli. Sa isang kweba.“ Iniabot ni Mauro ang isang may kalumaang phone sa boss niya saka naman sinimulang panoorin ni Premetivo ang isang video clip na navideohan ni Mauro nung nagtalik ang asawa nito sa kalaguyo niya sa loob ng isang kweba. Nagimbal lalo si Premetivo sa napanood nitong pagtatalik nila. Lalong tumaas ang galit nito. Sa sobrang init ng ulo nito ay nabalibag niya sa sahig ang phone na iyon at napasigaw siya. “Ahhhh! Bullshit kayong mga hayop kayo! Mga traydor! Lintik lang ang walang ganti! Mga baboy! Hayop!" todo sigaw nito sa loob ng kwarto nito. Narinig naman ng ilang mga katulong nila na para bang nagwawala at panay ang sigaw ng boss nila mula sa pangalawang palapag ng bahay na iyon subalit hindi malinaw sa kanilang pandinig ang bawat salita na sinasabi nito. Napatahimik lang sa isang gilid si Mauro na medyo malayo ang distanya nito sa kanyang boss. Nakatingin lang ito sa nawasak na phone sa lapag. Nagpalakad-lakad na lang ito sa harapan ni Mauro na nakapamaywang pa hanggang sa bigla nitong nilapitan si Mauro at sinunggaban muli ang kwelyo nito. “Walanghiya ka! Ang tagal na palang nangyari iyon bakit hindi ka man lang nagsumbong sa akin huh?! Nakalimutan mo bang pinapalamon kita sa pamamahay ko at sinasahuran din kita na hayop ka! Tinatraydor na pala ako ng malanding asawa ko sa matagal na panahon wala ka pa ring ginawa? Huh? Hinayaan mo lang ako na magmukhang tanga sa matagal na panahon?! Gusto mo bang patayin na kita ngayon!" Sobrang galit na galit si Premetivo sa kanyang mga nalaman sa mga oras na iyon hanggang sa hindi na niya nakontrol ang kanyang sarili sa galit na bumubulag sa kanya. Binitawan niya ang pagkakahawak nito sa kwelyo ng tauhan niya saka siya dumiretso sa drawer ng kanyang lamesa at kinuha roon ang nakatago nitong maliit na baril. Bigla niya itong itinutok sa mukha ng tao niya. “Huwag boss! Maawa na kayo sa akin huhuhuhu… patawarin ninyo ako sa kaduwagan ko. Patawad po kung hindi ako kaagad nakapagsumbong sa inyo. Boss! Maawa na kayo sa akin boss.. please naman po oh! May maiiwan pa akong pamilya ko. Nagpapaaral po ako ng mga kapatid ko at may sakit na rin ang mga magulang ko. Ako na lang po ang inaasahan nila na mag-aalaga sa kanila. Maawa na po kayo sa buhay at sa maiiwanan ko kung papatayin ninyo ako huhuhu.“ Napaiyak na nang tuluyan si Mauro at lumuhod na ito sa paanan ng lalaki. Nagmakaawa rin ito ng todo sa kanya para sa buhay niya. “Sana matagal mo ng naisip yan! Hinayaan mo lang akong magmukhang tanga. Hinayaan mo akong paulit-ulit iputan sa ulo ko ng mga hayop at traydor na iyon?! Dapat sa iyo mamatay na rin!“ todo pa rin sa galit si Premetivo at nanginginig ang parehas nitong mga braso. Nakatutok pa rin ang baril sa mukha ng tauhan niya. “Boss huwag po! Maawa na po kayo sa akin huhuhu.. hindi po ba dapat magpasalamat pa kayo sa akin dahil sinabi ko pa rin sa iyo ang lahat ng natuklasan ko? Kung hindi ko po ginawa ito, hindi ninyo malalaman ang kahayupan nang malanding asawa ninyo at ng isang pobreng mangingisda na iyon. Boss, sa kanila ninyo dapat ituon ang galit ninyo hindi sa akin. Tumulong pa nga ako sa inyo eh." Humahagulgol pa ito habang sinasabi ang kanyang mga pahayag. Nakataas na rin ang dalawang kamay nito para patuloy na magmakaawa sa kanya habang nakaluhod pa rin sa paanan niya. Dahil sa kanyang mga narinig ay napaisip si Premetivo. Bigla nitong binaba ang kanyang kanang braso na may hawak na baril. Napaharap siya sa labasan ng kanyang terrace. Natanaw niya si Marciana na masayang nakikihalubilo sa kanilang mga bisita at nakikipagtawanan pa ito roon. Ganoon din ang mga magulang nito sa ibang lamesa. Lalong nagpuyos sa galit si Premetivo dahil sa natuklasan niya. Magaling magpanggap ang asawa niya sa harapan nang lahat lalo na sa harapan niya. Todo kuyom na lang nito ng kanyang mga kamao para makontrol nito ang nag-uumapaw na kanyang galit. Hanggang sa may naisip siyang paraan para makaganti sa kanila. “Mga traydor kayo… lintik lang ang walang ganti. Pagbabayaran ninyo ang kataksilan ninyo sa akin," usal na nanggagalaiti ni Premetivo sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya ang pagtawa nang asawa niya sa kanilang hardin sa pakikipag-usap nito sa iba nilang bisita. Pagkalipas ng mahabang sandali ay nagsimula na rin ang party. Pinilit pakalmahin ni Premetivo ang kanyang sarili para manatili siyang maayos sa harapan ng kanyang mga bisita lalo na sa mga importanteng investors niya na dumalo sa simpleng okasyon na iyon. Nakihalubilo lang siya nang halos dalawang oras saka siya nagpaalam na magpapahinga na. “Masama ang pakiramdam ko.. hindi ko na kayang tumagal pa na makiharap sa kanila. Ikaw na ang bahala sa lahat. Pakisabi na lang sa mga magulang mo na umakyat na ako sa taas.“ Sobrang seryoso si Premetivo na nakikipag-usap kay Marciana. Hindi ito tumitingin sa kanya. “Ah ganoon ba… ok sige ako na ang bahala sa lahat ng bisita natin dito. Magpahinga ka na sa taas. Sasabihan ko na lang ang katulong natin na hatiran ka ng gamot sa kwarto mo,“ may pag-aalalang saad nito sa asawa niya habang nakatingin ito sa kanya. “Huwag ka ng mag-abala tungkol doon. Ako na ang bahala sa sarili ko.“ Saka siya pumasok sa loob at dumiretso paakyat sa kanilang kwarto. Nakarating nga si Fendi sa naturang okasyon at maayos silang pinagsilbihan ng yaya ni Letiana. Naroon na ang tatlong bata na magkakasama sa isang malaking lamesa kasama sila Marciana at ng mommy ni Chichi. Mabait at maalaga makitungo si Marciana sa anak ng kalaguyo niya. “Fendi.. buti nagpunta ka rito. Masaya kami ni Chichi na nakasalo ka sa amin dito,” masayang sabi naman ni Letiana sa kaniya habang sabay-sabay na silang kumakain sa kanilang lamesa. “Oo nga buti nakarating ka. Next time, try ulit nating maglaro na magkakasama ah. Namis ko yung adventure natin sa gubat hehehe,“ masayang saad naman ni Chichi. “Hala anak, sige lang… kumain ka ng marami ah. Huwag kang mahiya. Magsabi ka lang kung may gusto ka pang kainin… marami pang mga dessert ang naroon sa buffet area,“ masayang saad naman sa kanya ni Marciana habang nakangiti ito sabay patong nito ng kanyang kanang palad sa ulo ni Fendi. “Maraming salamat po,“ maikling tugon naman ni Fendi sa kausap. Lumipas ang buong araw na natapos nang matiwasay ang okasyon na iyon. Hanggang sa nagsipag-uwian na rin ang kanilang mga bisita. Umuwi na rin si Fendi. Lumipas ang ilang araw, nagpanggap si Premetivo na mayroon siyang karamdaman kung kaya’t madalas lang siya maglagi sa kanilang kwarto o sa kanilang opisina sa loob ng bahay nila. Sinamantala naman ni Marciana ang pagkakataon na iyon upang palihim muling makipagkita kay Juanito. Nasa labas ng terrace si Marciana nang nakikipag-usap ito sa kanyang phone. Nakakros pa ang dalawang mga braso nito habang nakatingin ito sa kalawakan ng kanilang hacienda. "Mahal ko, magkita naman tayo ngayon.. tamang-tama lang ang pagkakataon na ito dahil may sakit si Premetivo. Hindi siya maghihinala kung matagal na oras man ako hindi makabalik sa bahay… ahhh.. kasi.. sobra na talaga yung pagkamis ko sa iyo mahal ko eh. Alam mo na kung saan tayo magkikita ah. Doon pa rin sa dating kubo. Ok sige na bye na,“ mahabang pahayag ni Marciana sa kausap sa kabilang linya. Pagkatapos ay kaagad na niya itong binaba. Lingid sa kaalaman ni Marciana ay tahimik pa lang nakikinig si Premetivo sa pintuan ng terrace nila habang nakikipag-usap ito sa kanyang phone. Narinig lahat nito ang mga sinabi niya at ang balak niya mismo sa araw na iyon. Natupad nga ang pinaplano ni Premetivo. Nang naramdaman na ni Premetivo na papasok na muli sa kanilang kwarto si Marciana ay mabilis itong bumalik sa kanyang kama at nagpanggap itong natutulog lang doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD