CHAPTER 17- Taksil Ka!

1960 Words
Isang araw, nagpadaos muli ng isang simpleng okasyon ang pamilya Del Puerca para sana sa pagtatapos ng bakasyon doon ng mga magulang ni Marciana. Pabalik na sila ng Manila. Umaga pa lang ay nagpaalam na si Letiana sa kanyang ina na bibisitahin niya ang kanyang kaibigan na si Fendi para imbitahan itong dumalo sa kanilang munting okasyon. Pumayag na lang si Marciana na hindi nalalaman ng kanyang asawa. Nang makarating na sila sa isang palayan, natanaw nila si Fendi na nagpapakain ng isang kalabaw sa isang madamong gilid kasabay rin ng ilang mga inaalagaan nitong kambing na nakakalat naman sa damuhan habang sabay-sabay silang kumakain. Naglalakad na sila sa gitna ng palayan. “Yaya ayon siya oh… dali lapitan natin siya.” Tinuro ni Letiana sa kanyang yaya ang kinaroroonan ng batang si Fendi saka siya hinatak nito palapit doon. Nang nakalapit na sila sa kanya… “Wow naman! Ang astig ng kalabaw oh yaya. May alaga rin pala kayong kalabaw?“ tanging saad bigla ni Letiana nang nakalapit na sila. “Oh! Ikaw pala Letiana… nandito ka na naman. Nakakagulat ka naman diyan. Kala ko kung sino yung biglang nagsalita sa tabi ko. Ang alam ko ay mag-isa lang ako rito eh. Hmmm.. bakit nga pala kayo narito?" tanong nito bigla sa batang babae habang hinihimas nito ang likod ng kalabaw. Sinubukan nitong tanggalin ang mga matitigas na putik na nakadikit sa katawan ng kalabaw. “Iimbitahan sana kita mamaya roon sa bahay namin. May party kasi kami mamaya eh. Mga alauna ng tanghali. Punta ka ah,” pagyaya na lang nito sa kanya. "Buti pinayagan kang pumunta rito ng magulang mo,“ saad pang muli ng lalaki. “Ah, oo iho.. mabait naman ang mama ni Letiana. Punta ka na mamaya ah kasi bilin din iyon ni senyora sa akin para hindi malungkot itong si Letiana,“ sabat naman ng yaya na kasama ni Letiana. “Po? Ah eh… hindi ko po maipapangako ah kasi magpapaalam pa lang ako kina inay at itay ko kung papayag ba sila na magpunta ako roon sa mansyon ninyo,“ pag-aalangan naman na sagot nito sa kanila. “Ito oh… tanggapin mo yung invitation card para papasukin ka sa loob ng guard namin.“ Sabay abot naman ni Letiana kay Fendi ang isang maliit na envelope card na kulay maroon. Tinanggap na lamang iyon ni Fendi. Pagkalipas ng ilang sandali, naisipan ni Letiana na manatili muna sila roon hanggang alas dose ng tanghali. Todo pa sa pagpilit ito para lang mapapayag niya ang kasama nitong yaya. Tumawag na lang kay Marciana ang yaya nito para ipaalam ang kahilingan ng bata. Kalaunan ay pumayag na rin si Marciana dahil inisip niya na naroon lang si Juanito at panigurado siyang hindi naman ito mapapahamak doon. “Oh ayan ah.. napakakulit mo talagang bata ka. Hays! Hanggang alas dose lang tayo ah kasi marami pa akong gagawin doon. Ang kulit-kulit mo talagang bata ka… buti na lang at pumayag ulit ang senyora sa hiling mo," panenermon na lang ng yaya nito kay Letiana. Sobrang saya ni Letiana ng mga oras na iyon dahil pinayagan siya ng kanyang ina na makipaglaro kay Fendi. Naisipan ni Fendi na turuan itong magsaranggola sa kalawakan ng daanan sa gitna ng palayan kaya umuwi muna ito saglit para kunin iyon sa bahay nila. Habang naghihintay si Letiana kay Fendi ay nilapitan niya ang ilang mga kambing na naroroon at nakipaglaro siya roon. "Wow, ang cute mo naman. Behave ka lang ah, huwag mo akong kakagatin ito oh sige pa kain ka lang nang kain." Nakikipag-usap si Letiana sa isang kambing na nilapitan niya saka niya iyon inabutan ng mga damong pinitas niya sa isang tabi. Pinapakain niya iyon habang hinihimas-himas nito ang ulo ng kambing. Bigla namang kinain ng kambing ang inabot na damo nito at sa hindi inaasahang pagkakaktaon ay naabot ng bunganga ng kambing ang isang daliri nito. Napahiyaw bigla si Letiana pero hindi naman iyon nakagat ng kambing. Sumagi lamang iyon sa bunganga ng kambing. "Ay! Bugok kang kambing ka! Sabi ko diba magpakabehave ka! Mukha bang pagkain ang daliri ko? Pasaway ka ha.. kakagatin mo pa ang daliri ko," pagkagulat na saad ni Letiana sa kambing na kausap niya. Saka naman sumagot ang kambing ng Mheeee.. sa mukha ni Letiana. Sa kabilang banda naman ay dumating na nga si Fendi. Pagdating kaagad nito ay tinuruan na niya si Letiana nang tamang pagpapalipad ng saranggola. Takbo sila nang takbo habang sinusubukan nilang paliparin ang saranggola sa kalangitan. Buti na lang sa mga oras na iyon ay mahangin sa lugar nila. “Letiana! Dali takbo ka pa! Malapit mo na mapalipad ang saranggola oh. Unting praktis pa!" sigaw nang paulit-ulit ni Fendi para bigyan niya ito ng suporta. Hanggang sa nagawa na nga magpalipad ng saranggola ni Letiana at sa sobra nitong kasiyahan ay napatalon ito ng todo. “Fendi! Nakita mo ba iyon? Nagawa kong paliparin ang saranggola. Yahoo! Ang saya-saya ko! Yaya! Ang galing ko tingnan mo oh! Nagawa ko siya, yahoo!“ Sa sobrang kasiyahan nito ay hindi niya inaasahang nabitawan nito ang pisi ng saranggola. Nang makita iyon ni Fendi ay nataranta ito at hinabol niya ang papaakyat na pisi papuntang kalangitaan. Hinabol din iyon ni Letiana sa pagkagulat niya. “Naku po! Letiana nabitawan mo ang pisi!" patarantang tumakbo bigla si Fendi para habulin ang pisi. “Oh my gosh! Naku po! Sorry!“ pataranta ring sigaw ni Letiana saka siya tumakbo para mahabol niya ito. Parehas nila nahawakan ang dulo ng pisi ng saranggola. Sabay silang nagbungguan at napabagsak sila parehas sa lupa. Hindi inaasahang nadaganan ni Letiana si Fendi nang napasubsob sila sa baba. “Aray ko po!“ sabay silang napasigaw sa sakit nang pagkakabagsak nila. “Nako po! Susmaryosep ko po mga batang makukulit na ito oh. Anong nangyari sa inyo!? Hala tumayo nga kayo riyan at marurumihan ang mga damit ninyo lalo ka na Letiana. Pagagalitan na naman ako niyan ni senyora mamaya.“ Napatakbo sa kinaroroonan nila ang yaya ni Letiana sa pagkagulat nang makita nito na napabagsak sila sa lupa saka niya tinulungan ang dalawa na makabangon mula sa lapag. Pagkatapos niyon ay sabay tumawa nang malakas ang dalawang bata nang nakatayo na sila. Napakamot na lang sa ulo ang yaya nito. Sa kabilang banda naman, marami-rami na rin ang taong naroroon sa bakuran ng Del Puerca, halos nangangalahati na ang pumunta sa okasyon na iyon. Gaya ni Don Costejo ay mahilig din sa mga handaan at pagsasaya ang ama ni Marciana. Iyon ang hiniling nito sa kanila bago sana sila bumalik ng Manila. Isinabay rin nila sa kasiyahan na iyon ang paggunita ng sunud-sunod na pagtaas ng sales ng produkto nila sa pagbabalik ng mga magulang ni Marciana sa Manila. Sa gitna ng kabisihan ng mga tao sa bakuran ng kanilang hacienda at ni Marciana sa pagharap ng mga dumarating nilang bisita, si Premetivo naman ay naroon sa loob ng kanyang maliit na opisina. Abala ito na nagtatrabaho sa harapan ng kanyang laptop. Bigla namang may kumatok sa kanyang pintuan na nagpahinto sa kanyang ginagawa. Tok! Tok! Tok! Katok mula sa labas ng kwarto nito. “Please come in,“ maikling tugon ni Premetivo sa kanyang hindi inaasahang bisita. Bumukas ng bahagya ang pintuan na iyon at sumilip doon si Mauro. “Oh Mauro? Ikaw pala. What is it?“ tanong ni Premetivo sa tauhan niya nang nakapasok na ito sa loob ng kanyang kwarto. “Ah Sir, sorry sa abala ah. Alam kong nakakaabala ang presensiya ko. Napakabusy mo po pala ngayon,” tugon naman ni Mauro. Nakatayo na ito sa harapan ng lamesa ni Premetivo. “Hmmm.. I’m not loaded at this time. Sinubukan ko lang icheck ang status ng negosyo. Ok.. ano ba iyan? Urgent ba?" pagtatakang tanong nito sa kausap. Kinakabahan si Mauro. Parang gusto na niyang umatras sa mga sandaling iyon. May binabalak ito na ikagugulat ng lahat at magpapabago ng buong araw iyon. Halos ilang linggo at buwan na rin niyang sinubukang itago iyon at sinarili niya lang ang natuklasan niya sa asawa nito na si Marciana. Sinubukan niya ring akitin sa mga nagdaang araw ang amo nito subalit nang malaman niya kung gaano nakakatakot at kawalang-awa ang kayang gawin ng ama nito na si Don Lucio sa mga tumatraydor sa kanila ay natakot bigla na gumawa ng mali si Mauro. Natakot siya para sa kanyang buhay baka ipapatay siya ng ama ni Marciana. Nakonsensya na rin siya sa pagpapatuloy na pagtataksil ng amo nito kay Premetivo. Alam niya na mabait si Premetivo sa kanya mula nang nagtrabaho siya roon kung kaya’t hindi na niya masikmura pang tagalan ang pagpapanggap nito na wala siyang nalalaman sa kahayupan na ginagawa ng asawa nito sa lalaki. Isang gabi ay buo na ang kanyang isip na ibulgar na ang buong katotohanan kay Premetivo. “Ahmmm.. Sir siguro sa susunod na lang. Hindi tama ang pagkakataong ito. Mauna na po ako,” natatarantang sagot nito sa kanyang amo. Halos hindi ito makatingin ng diretso sa kanya. Panay rin ang lunok nito, halata rito ang sobrang pagkabalisa at pangangatog ng mga tuhod nito. Habang nagsasalita si Mauro sa harapan ni Premetivo ay pinag-aaralan nito nang maigi ang kataka-takang kilos nito sa mga sandaling iyon. Naghinala na siya na marahil ay nakapaseryoso ng sasabihin nito sa kanya kaya kaagad niya itong pinigilan bago pa ito makalabas ng kanyang kwarto. Nakatalikod na si Mauro at bubuksan na sana nito ang pintuan para sa kanyang paglabas nang nagsalita muli si Premetivo. “Mauro, sinabi ko bang pwede ka ng lumabas? You looked so nervous at very tense ka ata. Alam kong may seryosong problema. Sabihin mo na kaagad sa akin kung ano iyon. Huwag mo na akong paghintayin nang matagal," seryosong saad nito kay Mauro at tumitig ito ng seryoso sa kanya. Napahinto sa pagbukas ng pintuan si Mauro nang marinig niya ang sinabi ng kanyang boss kung kaya’t muli itong napaharap sa kanya. Lumapit ito sa kanyang kinaroroonan saka niya ipinatong sa ibabaw ng kanyang lamesa ang isang short envelope. “Ano ito?“ seryosong pagtatanong muli nito saka niya tiningnan ulit si Mauro. Hindi na lang umimik si Mauro. Nakatingin lang ito sa ilalim. Nagtaka naman si Premetivo kung ano ang nilalaman ng short envelope na iyon saka niya ito binuksan at dinukot ang nilalaman niyon. Hindi kaagad nakaimik si Premetivo sa kanyang nakita. Parang biglang nanikip ang dibdib niya. Pakiramdam niya, lahat ng dugo na nasa katawan niya ay umakyat sa kanyang ulunan. Sa sobrang init na nararamdaman niya ay parang gusto na niyang sumabog dahil sa sobrang galit. Hindi niya inaasahan na mararamdaman ulit nito ang sakit na kanyang naramdaman mula pa noong taong 1994 sa una’t huling babae na minahal niya dahil sa bawal na pagmamahalan. Sinubukan nitong bumangon muli at piniling mabuhay sa pamamagitan ng muli niyang pagbukas ng sarili sa panibagong pagkakataon para mahalin ang babaeng pinakasal sa kanya ng mga magulang niya. Sobrang sakit.. halos hindi siya kaagad nakapagsalita dahil sa natuklasan. Tama pala ang naging hinala niya sa mga nagdaang buwan tungkol sa kanyang asawa. Todo pagpipigil pa rin ito nang galit hanggang sa… “Paano mo natuklasan ang kahayupang ito? Kailan mo pa nalaman ang lahat ng ito?" Blanko ang ekspresyon ng mukha nito at halata na sobra itong seryoso sa pagtatanong sa kaniya. Hindi nakasagot si Mauro kaagad nang ilang minuto. Hawak-hawak ni Premetivo ang mga larawan sa ibabaw ng kanyang lamesa. Nakakalat iyon sa ibabaw ng lamesa. Ang mga larawan na iyon ay kila Marciana at Juanito. Ito'y kuha ng naaktuhan silang magkasama sa iba’t – ibang lugar at sitwasyon. Sa sobrang galit ni Premetivo ay napakuyom nito ang kanyang dalawang kamay na naging sanhi ng pagkalukot ng ilang mga larawan na nasa kanyang kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD