CHAPTER 15- Summer Vacation

1460 Words
Sumapit ang summer, halos natapos na ang araw ng eskwela at talaga namang nakaramdam ng sobrang kagalakan si Letiana dahil bakasyon na. “Daddy please? Pagbigyan muna ako… magcamping naman tayo roon sa dagat together with the family of Chichi. Payagan mo na po ako, bakasyon naman ngayon eh,“ todo pagmamaktol ni Letiana isang umaga sa ama niya habang hinihila-hila pa niya ang polo shirt nito na kulay cream. Nang mga oras na iyon ay naroon silang tatlo sa kanilang mini office room sa naturang bahay kasama si Marciana. Nakatayo lang sa isang gilid si Marciana habang pinapanood nito ang pamimilit ng anak niya. “Are you sure princess na camping talaga ang gusto mo? Hmmm.. pwede naman tayong mamasyal sa ibang lugar kung gusto mo. Yung ibang lugar na hindi mo pa nakikita." Napaupo na lang ito para hindi na mangalay ang kanyang anak sa kakatingala sa kanya. “Daddy, bakit pa po natin kailangang lumayo kung mayroon naman dito sa atin… tangkilin po natin ang sariling atin. Puro work na lang kayo. Gusto ko naman po na magkasama tayo ng mahabang oras nila mommy habang bakasyon pa po. Please daddy? Sige na po please?“ todo pa sa pagmamakaawa ng batang si Letiana. Tumahimik saglit si Premetivo… “Hmm.. kung ano ang kahilingan ng princess edi masusunod,” sagot naman nito. “Talaga daddy? Wow! Yehey! I love you daddy,“ masayang saad ni Letiana sa kanya sabay yakap nito nang mahigpit sa kanyang ama. Naging masaya rin si Marciana sa pagpayag ni Premetivo para sa camping nila kung kaya’t agaran din nitong kinausap ang pamilya ni Chichi para imbitahan sila ukol sa napipintong plano ng pagsasaya mismo sa isla na pagmamay-ari ng Del Puerca. Inimbitahan din nito ang kanyang mga magulang na naninirahan sa Manila na sina Don Lucio at Dona Graciana. Pinaunlakan naman ng kanyang mga magulang ang paanyaya nito. Sa kabilang banda naman ay naninirahan na sa London ang mga magulang ni Premetivo na sina Don Costejo at Dona Fermelita. Si Premetivo na lang ang naiwan sa Pilipinas kasama ang kanyang buong pamilya. Pagkalipas ng isang linggo, masaya ang lahat na nag-aayos ng kanilang mga gamit sa tabi ng isang malaking bundok na malapit sa isang kweba. Ito’y matatagpuan sa kanilang gilid banda sa kaliwa kung ang isang tao ay nakatanaw sa harapan ng dagat. Ang ilan sa mga tauhan ni Premetivo ay abala sa pagtatayo ng mga tent nila. Sila Marciana at ang mommy ni Chichi ay abala naman sa pagkukwentuhan habang inihahanda nila ang gastove at pang-ihaw para sa mga minarinade nilang manok, baboy pati isda. Inililipat din mula sa sasakyan nang mga kasama nilang katulong ang ilan nilang bagahe papunta sa loob ng ibang mga tent na naitayo na. Sila Letiana at Chichi naman ay panay ang takbuhan sa gilid ng dalampasigan habang naliligo samantalang si Premetivo at ang ama ni Chichi ay nagkukwentuhan din habang tumutulong sa ilang mga yaya na naghahakot ng mga gamit nila palipat sa mga tent. “Hays, nice to be back in this beautiful place again! Masarap ang simoy ng hangin at sariwa pa… hindi gaya sa Manila di ba Graciana?" saad ni Don Lucio sa asawa niya habang naglalakad sila sa tabi ng dagat at pinapanood ang apo nila na naglalaro sa tubig. “Mukhang naging tama naman ang desisyon natin na ipakasal ang anak natin sa business partner mo. Tingnan mo’t nagkaroon bigla ng pagmamay-ari nang ganitong kagandang lugar ang anak natin di ba? Napakaganda rin ng ating apo at mukhang maayos naman ang pagpapalaki sa kanya ng mag-asawa,” balik na sambit naman nito sa kanya. Pagkalipas ng ilang sandali.. "Oh! Mga anak… ahon muna kayo at dumito muna tayo nang makapagtanghalian na tayo. Mommy at daddy! Halina po rito,“ pagtawag naman ng pansin ni Marciana matapos nilang maihanda ang kanilang pagkain. Halos lahat ay masaya sa munti nilang pagsasalo. Pagdating ng kinahapunan ay abala na lang ang lahat ng mga kalalakihan roon na mag-inom ng alak habang nagpapatugtog nang isang magandang musika sa harapan ng kanilang ginawang burn fire. Nakasalampak naman sa buhanginan na medyo malayo sa kanila si Marciana. Sinubukan nitong ilibot ang kanyang paningin sa kalawakan ng dagat nang biglang may umagaw sandali ng kanyang pansin at ito ay ang isang bangka na medyo malayo sa kinaroroonan nila. Nakita niya na naroon si Juanito na nakasuot ng malapad na sumbrero. Nag-aayos iyon ng malaking lambat katulong ang isang batang lalaki. Ang batang katulong niya ay ang kanyang anak na si Fendi. Nakaramdam ng tuwa si Marciana nang makita niyang naroroon din sa mga sandaling iyon ang naturang lalaki. Buti na lang ay nag-iisa siya at hindi nakihalubilo sa pwesto ng kanyang pamilya. Nang mga oras na iyon, ang mommy ni Chichi ay abala na pinapatulog ang kanyang anak sa loob ng tent nila at si Letiana naman ay natutulog na rin. Agad naman niyang kinuha sa kanyang tabing bag ang kanyang phone saka niya iyon tinawagan. Nakatanaw lang si Marciana sa lalaki habang hinihintay nito na sagutin ang kanyang tawag. Pinapanood niya ito sa pag-aayos ng isang munting lambat. Ring! Ring! Ring! Tawag mula sa phone ni Juanito. Patuloy lang na nagvivibrate ito at nang maramdaman ng lalaki na may tawag mula sa kanyang bag ay agaran naman niyang binitawan saglit ang inaayos niyang lambat. Kinuha niya ang kanyang phone sa maliit na bag na iyon na nakatago sa loob ng kanyang damit. Nang mabasa nito na si Marciana ang tumatawag… “Ah, anak sandali lang ah.. may importante lang akong tawag. Kostumer natin sa palayan. Sasagutin ko lang,“ pagsisinungaling na lang ni Juanito sa kanyang anak saka naman siya bumaba ng kanyang bangka at lumayo sa kinaroroonan ng bata. “Sige pa, tuloy-tuloy lang po ako sa pag-aayos ng lambat dito," tugon naman ni Fendi. Nang nakalayo na si Juanito, "Hello, Marciana… napatawag ka?" sagot ni Juanito sa kausap niya sa kabilang linya. “Hi mahal ko, mis na kita. Alam mo bang nakikita kita ngayon? Gusto mo bang hulaan ko kung ano ang ginagawa mo?" saad naman ni Marciana sa kanya. “Huh? Paano mo naman ako nakikita ngayon? Nasaan ka ba?“ tanong muli ng lalaki sa kanya. "I’m here at your back. Palihim ka lang na lumingon dito kasi kasama ko ang asawa ko. Baka makita ka niya bigla. May family gathering kami ngayon eh. Kasama rin namin sina mama at papa,“ pagkukwento pa ni Marciana sa kausap niya sa phone. “What? Kasama mo ang buo mong family ngayon at nandiyan din sina Don Lucio? Ano ka ba? Napakadelikado naman ng ginawa mo. Bakit tumawag ka pa sa akin? Baka marinig ka riyan at mahuli ka ng asawa mo,“ sita naman sa kanya ng lalaki. Bahagya naman siyang lumingon sa kinaroroonan nila Marciana sa direksiyon na sinabi nito. “Ano ka ba? Hindi iyan kasi.. busy siya sa pakikipag-inuman doon kina papa oh. Don’t worry po nag-iingat ako,“ saad naman ng babae. Napalingon muli ng lihim si Juanito sa kinaroroonan ng asawa ni Marciana habang tinatakpan nito nang kanyang suot na sumbrero ang kabuuhan ng kanyang mukha. Sobrang ingat niya na tumatanaw sa kinaroroonan nila para hindi siya makilala at hindi malaman ng asawa nito na naroon siya lalo na ni Don Lucio. Nakikipag-usap na lang ito sa phone habang nakatalikod sa kanila. Nakita naman niya na abala nga ang asawa nito habang nakikipagkwentuhan sa iba. Napansin din nito na sila’y nag-iinuman. “Ayon lang ba ang sasabihin mo sa akin kung kaya’t napatawag ka? Para sabihing narito kayo sa isla?" balik na tanong naman ng lalaki sa kanya. “Hindi naman sa ganoon.. ganito ah, may night camping kasi kami ngayon eh. Ok lang ba mamayang gabi, mga alas dose o ala-una magkita tayo sa loob ng kweba?” saad pa muli ni Marciana. “Huh? Anong pinagsasabi mo? Bakit naman? Napakadelikado ng ideya mo kasi kasama mo ang asawa mo. Pwede ba na huwag muna ngayon? Baka mabisto tayo niyan eh, nandiyan pa naman ang mga magulang mo,“ pag-aalala namang sabi sa kanya ng lalaki. “Don’t worry mahal, mag-iingat akong maigi.. sobrang mis na kasi kita eh. Simula ng nakauwi na yung asawa ko medyo naging madalang na yung pagkikita natin. Kahit mga dalawang oras lang. Promise babalik kaagad ako,“ pamimilit pa ni Marciana. Wala na ngang nagawa si Juanito at pumayag na rin siya. Pagkatapos nilang mag-usap sa phone ay minadali na nilang ayusin ang kanilang lambat saka sila napauwi ng maaga sa bahay nila kasama ang anak nito na si Fendi. Bitbit nila ang isang timbang puno ng nahuli nilang isda at ang lambat na nakakarga sa kanyang likod sa loob ng isang dinesenyong basket na bag na malaki na kanyang suot-suot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD