CHAPTER 5- Bagong Kaibigan

1931 Words
Pagdating niya roon ay halos nagkulang ng dalawang kambing ang limang kambing na kanyang binabantayan. Nataranta na naman uli si Fendi sa kakahanap kung nasaan na napunta ang mga ito. “ Hala ko po! Kulang ng dalawa! Hala.. malalagot ako nito, saan na kaya nagpunta ang dalawang iyon? Nako po! Inay ko, “ takot na takot na sambit nito habang aligaga ito sa kakalingon sa bawat gilid kung saan nasuot ang mga hinahanap niya. “Bata anong nangyari? Ano ba ang hinahanap mo?" tanong kaagad ni Letiana pagkadating nito sa kinaroonan ni Fendi habang hinihingal pa ito galing sa pagtakbo. “Hindi pwede ito… nako po inay ko! Huwag mo sana ako mapalo mamaya… ah eh, nawawala kasi yung dalawang kambing ko eh,“ mangiyak-ngiyak na sabi nito sa kausap niya habang natataranta na ito. “Huh, ganoon ba, hayaan mong tulungan kita sa paghahanap.“ Naghanap-hanap na nga rin si Letiana sa paligid hanggang sa natagpuan niya ang dalawang kambing na magkatabi sa likod ng malaking puno na naroon sa kanilang tapat. “Yehey! Nandito sila dali bata! Nakita ko na sila. Dali! Lapit ka rito“ Nagtatalon sa sobrang saya si Letiana na nakataas pa ang dalawang kamay nito. “Hay, ala ey.. kala ko nanakaw na sila eh, buti na lang nasa malapit lang na paligid sila. Oh ayan ah, quits na tayo kasi natulungan mo na rin ako,“ saad naman nito. “Ok lang hehe," aniya “Ahmmmm.. Bata gusto mo ba sumama ka muna sa bahay namin? Gusto ko sana maibalik muna itong mga kambing doon at sasamahan naman kita na makauwi sa inyo mamaya," biglang yaya naman ni Fendi. “Siyangapala, kanina pa tayo nag-uusap hindi ko pala nasabi ang pangalan ko, ako pala si Fendi. Ikaw bata, anong pangalan mo?" “Ako naman si Letiana,“ sagot naman niya sabay abot nito ng kanyang kanang palad at nagshake hands silang dalawa. Nakarating na sa isang malawak na palayan ang dalawang bata. Ilang hakbang pa ay makakarating na sila sa kinaroroonan ng bahay ni Fendi. Halos medyo malayo ang ilang mga bahay sa kinaroroonan ng bahay nila Fendi. Sa likod bahay din nila ay mayroon silang ibang inaalagaang mga hayop gaya ng baboy, manok bukod pa roon sa mga kambing na pinastol niya kanina. Nang nakarating na sila sa bahay.. “Inay! Nandito na po ako.. sandali lang po ah at ibabalik ko lang po ang mga pinastol kong kambing kanina sa likod bahay natin.“ Busy naman sa pagluluto sa loob ng kanilang bahay ang kanyang ina. “Oh anak, nandiyan ka na pala. Hala sige pagkatapos ay magpunta ka na rito para kumain na tayo ng tanghalian. Sakto nakapagluto na rin ako,“ sigaw na sabi naman ng kanyang ina. Nasa likod bahay na nga sila nang.. “Wow great! Ang dami ninyo palang alagang hayop nakakatuwa naman!“ pagkamanghang sabi ni Letiana ng makita niya ang ilang mga hayop na naroroon. “Parang ang sarap tuloy tumira dito sa inyo ah… hays! Kasi masarap din ang simoy ng hangin atsaka malawak ang paligid oh.. ang lawak ng palayan sa harapan ninyo," dagdag pa ni Letiana. Sinubukan naman nitong hawakan ang isang tandang na manok malapit sa kanya subalit tumakbo naman ito papalayo sa kanya. “Ay! Ang kulit naman oh," gulat na sambit nito pagkatapos ay hinabol niya ang umiiwas na manok. Masayang masaya si Letiana na nakipaghabulan sa mga manok na nakawala sa bakuran ng bahay ni Fendi. “Sobrang lamig dito sa gabi, para kang nasa Bagiuo sa sobrang lamig kaya halos hindi na kami gumagamit ng electric fan madalas eh. Madali lang din makapasok ang malamig na hangin kasi gawa lang sa kawayan ang bahay namin. Kita mo naman oh," pagkukwento naman ng batang si Fendi habang binabalik nito sa kulungan ang mga pinastol niyang kambing sa gubat kanina. “Ang astig nga eh… kita mo, pagkagising mo ilang lakad lang makakalabas ka na kaagad ng bahay ninyo. Doon sa bahay namin hindi eh… malaki kasi masyado roon, minsan nga halos wala pang katao-tao roon. Hays, minsan malungkot nga eh kasi madalas ako mag-isa.. pero sa inyo kahit na simple lang masaya siguro kasi nagkakakitaan kayo kaagad sa bahay ninyo.. atsaka hindi rin magastos sa kuryente oh dahil mahangin at malamig pala rito, nakakatipid pa kayo ng kuryente diba? heheh. Ang ganda talaga dito grabeh! Ang sarap maglaro ng sarangola riyan sa palayan oh," masigla pang banggit ni Letiana. “Wow! Malaki pala ang bahay ninyo. Siguro mayaman kayo noh? Araw-araw masarap ang ulam sa inyo. Dito sa amin bubunot na lang kami riyan sa taniman ng nanay ko at sa palayan namin ayun! May makakain na rin kami,” saad naman uli ni Fendi. “Atleast malapit na lang, hindi na kayo bibili sa palengke tsaka pwede ninyo naman katayin yung mga alaga ninyo pandagdag ulam na rin di ba? Hahahaha,“ masayang komento naman ni Letiana. “Hala Letiana oo nga pala… kanina pa naghihintay si nanay sa loob. Tayo na sa bahay namin at kumain muna tayo ng tanghalian bago kita ihatid sa inyo. Tamang-tama nakakagutom na kasi ang layo rin nang nilakad natin kanina eh, ipapakilala rin kita sa inay ko,“ yaya naman nito saka sila pumasok sa loob. “Oh iho, sino itong batang babae na kasama mo?" takang tanong ng ina ni Fendi pagkapasok nila sa loob ng bahay. “Hi inay, siyangapala po.. siya yung batang tinulungan ko kanina roon sa gubat. Grave inay muntik na siyang malaglag doon sa bangin, buti na lang nakita ko siya kaagad,“ pagkukwento naman ni Fendi. “Ah ganoon ba anak, hala iha ano pa lang pangalan mo?“ tanong naman ni Aling Senia sa batang kasama ni Fendi. “Ako po si Letiana," aniya. “Ah ganoon ba iha, ok sige mamaya na lang muna natin pag-usapan kung paano ka napunta sa gawi na iyon ah, kumain muna kayo. Hala sige anak at isama mo na rin itong si Letiana sa hugasan ng kamay pagkatapos ay diretso na kayo roon sa hapag kainan natin ah." “Opo inay, tara na Letiana sa kusina.“ Sa kalagitnaan ng kanilang kainan ay biglang dumating galing sa bukid ang ama ni Fendi na si Juanito. Niyaya na siya kumain ng kanyang asawa at nagtaka na lang ito kung bakit may ibang bata ang kasabay nila sa hapag kainan. “Ahmm anak, ano bang nangyari pala sa iyo? Muntik ka na raw malaglag sa bangin kanina? Bakit iha? Ang bata mo pa pumupunta ka lang nang mag-isa roon,” saad naman ni Aling Senia kay Letiana. “Kanina po, may mga kasama ako.. mga classmate ko po… kaso po, talagang naligaw lang po ako.. kasalanan ko talaga kasi pinilit kong makuha yung mga bulaklak sa gilid ng puno kaya ayon po, nadulas ako eh… hindi ko po napansin na malapit na pala ako sa bangin,“ mahabang paliwanag na lang nito sa kausap. “Taga saan ka ba iha? Baka sa mga oras na ito sobra nang nag-aalala ang mga magulang mo,“ biglang singit naman sa usapan ni Juanito na ama ni Fendi. “Doon po ako nakatira sa malaking mansiyon po na kulay puti malapit sa paradahan ng mga tricycle malapit sa bayan,” sagot naman ni Letiana. “Siyangapala pa, pagkatapos po namin kumain ihahatid ko po siya sa bahay nila,“ sabat naman ni Fendi sa ama na kumakain nang kasama nila. Napatigil si Juanito bigla sa kanyang pagkain ng marinig nito kung saan siya nakatira. Ilang minuto rin siyang nakatitig sa plato niya saka siya biglang nagsalita. “Huwag na Fendi, ako na lang ang maghahatid sa kanya. Bata ka pa.. baka mapahamak lang kayo parehas sa daan kapag dalawa pa kayo ang lalakad,“ seryosong sabi naman ni Juanito. Sa kabilang banda naman… “What?! Anong nangyari sa anak ko? Talaga itong mga batang ito oh.. bakit naman ang kasi ang lalakas ng loob ninyo na lumakad na wala kayong kasamang matanda?“ natatarantang saad naman ni Marciana sa loob ng kanilang bahay nang pumunta roon ang mga classmate ng anak niyang si Letiana para ibalita na nawawala ito kanina pa. Sila ang huling nakasama nito nang magpunta sila sa dalampasigan hanggang sa dumaan sila sa kagubatan. “Ayun nga po eh, kala po namin kasama pa siya sa paglabas namin roon. Paglingon namin ay wala na siya sa aming tabi. Palabas na po kami ng gubat nang hindi na namin siya kasabay, wala na po siya. Naghanap-hanap na rin po kami roon pero wala po talaga siya, kaya naisip na po namin na magpunta na kami rito para humingi na po sana nang tulong," sagot naman ng isa sa mga classmate ni Letiana na naroroon. Sila’y nakaupo lahat sa sofa ng sala sa loob ng bahay ni Letiana. “Diyosmiyo mga bata kayo.. sana walang mangyaring masama sa anak ko.. naku naman Letiana, saan ka na naman nagsuot na bata ka.. ok sige.. ipapasuyod kaagad natin yung gubat doon para makita natin siya.“ Pabalik-balik na naglalakad sa loob ng sala nito si Marciana na sobrang lito at natataranta dahil kasalukuyang nawawala ang anak niyang babae. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay biglang pumasok sa kanilang pintuan si Letiana na tumatakbo palapit sa kanyang ina. Lahat ng naroroon ay napalingon at nagulat nang biglang pumasok ito saka napayakap ito nang mahigpit sa kanyang ina na nakatayo naman sa tapat ng kanyang mga kaklase. “Diyos ko po my darling, where did you go ba? Huh? Sobra mo kaming pinag-alala lahat ha.” Panay yapos naman at haplos sa buhok ni Letiana ang kamay nito saka ito umupo sa isang upuan at tiningnan niya ang mukha ng bata na nakahawak ito sa mukha ng bata. “Letiana, buti ok ka lang.. saan ka ba nanggaling? Bigla ka na lang nawala kanina.. nag-alala kaming lahat sa iyo," sabi ng ilang mga classmate niya na nakaupo roon at nilapitan nila si Letiana. “Pasensya na kayong lahat, mommy I’m sorry.. hayaan ninyo po hindi na mauulit. Siyangapala mommy halika sa labas. May ipapakilala po ako sa inyo.” Hinatak ni Letiana ang kanang kamay ni Marciana patayo at hinila siya nito papuntang labasan ng kanilang pintuan. “Huh? Darling bakit? Saan tayo pupunta ba?” Napatayo naman ito at sumunod na lang sa paghatak ng kanyang anak papunta sa labasan. “Mommy, siyangapala si Mang Juanito ang tatay nang batang tumulong sa akin kanina.. siya po ang naghatid sa akin dito,” sabi nito sa kanyang ina. Naghihintay naman ito sa labasan ng kanilang pintuan. Pagkalabas nila Marciana sa kanilang pintuan ay naabutan nilang nakatalikod sa kanila si Juanito na nakatanaw naman sa malayong lugar… “Mang Juanito si mommy ko pala,“ tawag pansin ni Letiana sa lalaking nakatalikod sa kanila. Paglingon ni Juanito ay nagulat si Marciana nang makita niya ito. Parang naistatwa si Marciana sa kanyang kinatatayuan na para bang nastroke ito sa reaksyon na kanyang pinakita, tumaas ang dugo niya sa sobrang pagkagulat dahil kilala niya ang taong nakatayo sa kanyang harapan ngayon. “Hi ma’am, ako po pala si Juanito. Hinatid ko lang dito ang anak ninyo dahil nawala siya sa kagubatan kanina. Natagpuan siya ng anak ko kaya nagkusa na akong ihatid siya. Gusto ko ring matiyak na talagang safe siyang makakauwi sa inyo.“ Matapos sabihin iyon sa kanya ni Juanito ay nakatitig lang ito nang malagkit sa kanya na walang kakurap-kurap. Para bang matagal na silang magkakilala na nawalay lang na matagal na panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD