CHAPTER 4- Pagsuko't Pagkabigo sa Pag-ibig

1966 Words
Sinamahan na lang ni Premetivo na makalabas si Maleyna hanggang sa kanilang gate. Nakamonitor pa rin ang ilang security sa likod nila. "Ahmm.. mahal sige na.. huwag mo sanang seryosohin ang mga sinabi ng papa ko tungkol sa pagpapakasal ko sa ibang babae, wala talaga akong nalalaman doon.. baka sinabi niya lang iyon ay para manakot lang sa atin.. umuwi ka na muna sa inyo.. basta after 3 days mula ngayon, magkita tayo sa pantalan ng bandang 9 pm, darating ako mahal,” bulong na lang ni Premetivo sa kanya habang nakayakap ito na nakatalikod sa mga nagmamatyag sa kanya. Ang kanyang mga magulang ay nagmamatyag din sa di kalayuan sa labas ng kanilang pintuan. Nakarating na nga si Maleyna sa kanyang bahay na malungkot at nakatulala lang sa isang tabi. Pagkalipas ng tatlong araw ay sinunod nga ni Maleyna ang habilin sa kaniya ni Premetivo na magkita sila ng alas nuwebe ng gabi sa isang pantalan. May dala itong halos dalawang maleta at isang bag pack. Positibo pa rin itong naghihintay sa kanya ng buong gabi subalit lumipas ang 30 minuto ay hindi ito dumating. Positibo pa rin ito sa paghihintay hanggang sa nakaabot na halos pasado alas-dose na nang gabi ay wala pa ring dumating na isang Premetivo sa kinaroroonan niya. Sa pagkakataong iyon ay halos nawalan na ito ng pag-asa. Sa kabilang banda naman, nagreready na makaalis si Premetivo sa kanilang bahay subalit, sobrang higpit talaga ng mga nagbabantay sa kanya. Sinubukan niyang dumaan sa likod ng kanilang kusina nang masiguro niya na wala ng nagbabantay roon ay pinilit din niyang umakyat sa kanilang bakod na naroroon upang makalabas na siya. Nagtagumpay nga siya sa paglabas ng kanilang bakuran at dali-dali siyang tumakbo nang mabilis upang magtungo sa pantalan. Nang makarating na siya roon ay hindi na niya naabutan si Maleyna. "Mahal ko Maleyna! Nasan ka na? Nandito na ako.. mahal saan ka ba nagpunta? Mahal!" sigaw na paulit-ulit nito sa paligid ng pantalan subalit halos wala nang katao-tao sa paligid. Kanina pa palinga-linga sa kung saan-saan ang lalaki at sobra na itong kinakabahan na baka sa sobrang paghihintay sa kanya ng babae ay napahamak na ito nang kung sinuman. "Maleyna mahal! Nandito na nga ako! Huwag ka naman mabiro ng ganyan kasi kinakabahan na ako ngayon kung saan ka na nagpunta.. mahal!" sigaw pa rin nang paulit-ulit nito sa kanyang paligid subalit wala pa ring Maleyna ang tumambad sa kanyang paningin. Halos sinuyod na nito ang buong paligid. Maya’t-maya'y bigla niyang naalala ang dalampasigan kung saan sila madalas tumambay ni Maleyna kung kaya’t nagpunta siya roon. Sa kabilang banda naman, nakatulala sa isang dalampasigan si Maleyna na patuloy pa ring umaagos ang mga luha nito sa kanyang mga pisngi. Bigla na lang itong napabagsak sa buhanginan at napasigaw sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman… “Ahhhhhh… huhuhu.. Bakit Premetivo! Bakit mo ako pinaasa at pinagmukhang tanga sa mga salita mo!.. Bakit mo ako sinasaktan ng ganito! Bakit!“ sigaw naman nito habang patuloy itong umiiyak sa gilid ng isang dalampasigan. Habang umiiyak siya ay may biglang sumigaw sa di kalayuan. "Mahal! Nandito na ko! Huwag ka ng umiyak,” sigaw ni Premetivo habang tumatakbo ito papalapit sa kanya. “Patawarin mo ako kung natagalan ako kasi sobrang higpit talaga ng pagbabantay sa akin. Kaya huwag ka ng mag-alala,” pagpapaliwanag na lang ni Premetivo nang makarating na siya roon at napabagsak na rin sa buhanginan. Niyakap niya ang babae habang patuloy pa rin itong umiiyak. "Kala ko… wala ka na, akala ko tuluyan mo na akong pinabayaan,” hagulgol na pahayag ni Maleyna sa lalaki. "Shhhh… tahan na mahal… halika ka na… tumayo ka na at sumakay na lang tayo ng bangka para makatawid na tayo roon sa kabilang isla. Halika na,” yaya na lang ng lalaki sa kanya saka niya hinatak ito papatayo. Nakahanap nga sila ng bangka na maghahatid sa kanila sa kabilang ibayo. Napasakay na ni Premetivo si Maleyna roon sa loob ng bangka nang biglang may sumigaw sa di kalayuan sa kanila habang tumutulong ang lalaki sa pagtulak ng bangka palusong sa tubig. “Ang tigas talaga ng ulo mo Premetivo! Saan ka ba pupunta!?” sigaw ng kanyang ama. Dumating ang kanyang mga magulang kasama ng ilang mga tauhan nila roon nang masundan sila nito. "Anak, ipagpapalit mo ba kami para lang sa babaeng iyan? Kaya mo ba talaga iwanan ang lahat para lang sa lintik na babae na yan huh?!” sigaw naman ng kanyang ina habang patuloy silang tumatakbo papunta sa kinaroonan ng anak nila. Nagulat si Premetivo nang makita niya ang kanyang mga magulang na naroroon din sa dalampasigan kaya mas binilisan nitong tinulak ang bangka at katulong niya ang isang manong sa kanyang tabi. "Manong dali, bilisan na lang natin sa pagtulak,” natatarantang sabi na lang ng lalaki sa katabi niya. Si Maleyna naman ay halos sobrang natataranta na sa loob ng bangka nang makita niya na nasundan sila roon ng mga magulang ng lalaki. Nang sasampa na sa loob ng bangka ang lalaki ay biglang narinig ni Premetivo na sumigaw ang kanyang ina.. "Diyos ko po Costejo! Anong nangyayari sa iyo? Premetivo tingnan mo ang ginawa mo sa ama mo! Inaatake na sa puso, kung may mangyaring masama sa kanya. Kargo de konsensya mo yan! Kasalanan mo ito!” sigaw ni Dona Fermelita na sobra nang natataranta at aligaga kung papaano niya aasikasuhin ang asawa niya na bigla na lang nanikip ang dibdib at napaupo sa sahig. Sa pagkakasigaw ng kanyang ina ay napalingon siya roon sa kinaroonan ng kanyang magulang at nalito na siya kung ano ang kanyang gagawin kaya’t… "Ahh... paano ba ito... Maleyna pasensya ka na ah.. mauna ka na lang sa Manila susunod na lang ako roon. Kailangan ko lang tulungan ang ama ko, pasensya ka na Maleyna kaysa mamatay ang ama ko.. hindi sa ganitong paraan ang gusto kong mangyari.. pasensya ka na talaga,” huling sambit na lang ni Premetivo sa kanya saka niya itinulak ng tuluyan ang bangka papalayo sa kaniya. "Hindi na lang ako aalis kung hindi ka lang din kasama, Manong ibaba mo na lang ako,” natatarantang sabi naman ni Maleyna. “Huwag Manong.. ihatid mo na lang siya roon sa pampang pasakay papuntang Manila.. Maleyna makinig ka na lang sa akin kaysa magstay ka pa rito lalo lang manganganib ang buhay mo. Kilala ko ang ama ko… iniisip ko lang ang kapakanan mo… sige na mahal.. paalam,” huling banggit nito saka siya tumakbo papalapit sa mga magulang niya para tulungan sila na madala sa pinakamalapit na hospital ang kanyang ama. "Ano ka ba Premetivo? Bakit ko ba kailangan pumunta roon? Hindi ba dahil yun sa iyo? Premetivo huwag ka muna umalis saglit! Huwag mong gawin sa akin ito," pahabol pa na sigaw ng babae habang papalayo na ang bangka. Sumugod ang ilang mga kalalakihan sa kinaroonan ng bangka pero hinarangan lamang iyon ng lalaki para lamang hindi makalapit sa babae. "Manong! Tumuloy ka lang sa pagsagwan.. huwag kang huminto hanggang sa makarating na kayo sa Manila! Maleyna sige na.. tumuloy ka na kaysa mapahamak ka pa rito," huling sambi na lang nito. Tuluyan na ngang nagkahiwalay ang dalawa… Sa taong 2004….. Abala na nagpapastol ng kambing sa isang magubat na daan ang pitong taon na bata na si Fendi nang may narinig ito sa di kalayuan nang nagsisigaw at humihingi ng tulong. "Tulong! Tulong may tao ba riyan? Tulungan ninyo ako! Tulong!“ sigaw ng isang anim na taong batang babae na nakahawak sa isang sanga ng puno at malalaglag na ito sa isang mabangin na lugar. Napapikit si Fendi habang hawak-hawak nito ang isang maliit na sanga na kanyang pinangpapastol sa mga kambing sabay pinakikinggan nitong nang maigi kung saan nangagaling ang sigaw na kanina pa niya naririnig. Sa kanyang paglalakad ay dinala siya nito sa isang mabangin na lugar hanggang sa nakita niya ang umiiyak na batang babae na nakahawak sa gilid ng isang sanga ng puno. "Bata, naku po! Anong nangyari sa iyo? Sige ganito na lang.. huwag ka muna basta-basta maglikot diyan ah para hindi ka mahulog.. sandali lang ha kukuha lang ako ng malaking kahoy para pangkapit mo,” sabi na lang niya dito sabay hanap nito sa kanyang paligid ng matibay-tibay na malaking kahoy na pwede niyang kapitan. Pagbalik nga nito ay may buhat-buhat na itong malaking kahoy ng bamboo at iniabot niya iyon sa batang babae habang nakaupo ito. “Bata, makinig ka ha, subukan mong abutin ang kahoy na iaabot ko sa iyo pagkatapos doon ka humawak ng mahigpit saka susubukan kong hilahin ka papaitaas ha, naintindihan mo ba?” tanong naman ni Fendi sa batang babae. "Ok sige naintindihan ko,” sagot naman nito at tumigil na ito sa pag-iyak. Nang makakapit na ito… "Bata bibilang ako ng tatlo ah tapos hihilahin ko na papaitaas. Isa, dalawa, tatlo ahhhhh! Kumapit ka ng maigi! Isa pang bilang ko… isa, dalawa, tatlo ahhh.. Kapit pa ng maigi!” sigaw ng pilit nito na halos umiiri na sa paghila si Fendi para lang mahatak niya ang batang babae papaakyat mula sa baba. "Bata, maraming salamat sa tulong mo ah. Kung hindi ka dumating baka tuluyan na akong nalalaglag sa bangin na iyon oh. Nako po! Ang lalim pa naman sa pinakababa niyon. Ayoko pa mamatay, malulungkot sila mommy at daddy ko." Kumorteng bisangot ang mukha ng batang si Letiana habang kausap nito ang batang si Fendi na halos hinihingal sa sobrang pagod at nakahiga ito sa damuhan. Todo hangos pa rin si Fendi dahil sa paghihilang ginawa nito, saka siya biglang bangon na nakaupo na sa damuhan. Pinunasan naman ng kanyang mga kamay ang namuong pawis sa kanyang noo sabay punas nito sa kanyang sandong itim na damit. “Ah bata, paano ka nga ba nasabit doon sa puno kanina? “tanong naman ni Fendi. “Ganito kasi yun, galing ako roon sa tabing dagat. May kasama akong mga classmate ko kanina. Namumulot kasi kami ng mga shell tapos pumasok kami dito para sana makashortcut ng daan pabalik sa amin. Eh ayun, habang naglalakad kami, eh may nakita akong kuneho sa isang gilid. Natuwa ako kaya ayon, sinundan ko hanggang sa bigla na lang nawala yung kuneho. Hindi ko alam kung saan na iyon nagsuot, napunta na ako dito nang hindi ko napansin ang nadaanan ko. Napansin ko na lang na wala na ang mga kasama ko at napahiwalay na ako sa kanila. Ayon, naligaw na nga ako. Tapos may nakita akong magandang bulaklak malapit doon sa gilid ng puno. Grabe, ang gaganda talaga kaya sinubukan kong abutin iyon, kaso bigla akong nadulas eh. Matarik pala sa napuntahan ko saka bigla akong bumagsak pababa. Buti na lang tumama ako sa may puno. Nako po! Thank you po papa God kasi napakapit pa ako roon sa sanga kaya ayun, “ mahabang pagkukwento nito. Ahhhh.. ganoon pala ang nangyari sa iyo. Paano na iyan? Alam mo pa ba ang dadaanan mo pabalik sa bahay ninyo? “ "Ah? Ah eh hindi ko nga alam eh hehehe… baka pwede mo akong tulungan? “ “Kamusta naman ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo o may mga sugat ka ba ngayon? “ “Wala naman akong nararamdamang masakit. Ito, madumi lang ang damit ko hehe, “ aniya. “Teka sandali, hala ko po! Bata kailangan ko na palang bumalik doon kaagad sa mga kambing ko, baka nagsipagwalaan na sila sa pwesto nila. Malalagot na naman ako sa nanay ko nito. Hays! Hala dali! “ Sabay tayo kaagad ni Fendi at kumaripas ng takbo pabalik sa kinaroroonan ng mga inaalagaan nitong kambing. “Huh ganoon ba, sandali bata! Hintayin mo ako! “ Tawag pansin naman ni Letiana sabay takbo rin nang mabilis nito sa pagsunod sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD