Chapter 23

1228 Words

KIERA POV "IKAW ANG GUSTO KONG PAKASALAN. KAYO NG ANAK KO ANG GUSTO KONG MAKASAMA," may ngiti sa labi nitong sambit. Pakiramdam ko ay lumutang ako sa himpapawid dahil sa narinig na kanyang sinabi, naglulukso sa tuwa ang puso ko. Gusto kong sumigaw at magtitili sa subrang kilig pero hindi ko magawa dahil nananatili itong nakatitig lang sa aking mukha. Ramdam na ramdam ko ang paglaganap ng init sa aking pisngi dahilan upang mapa-iwas ako ng tingin. Ngunit sa ginawa kong 'yon ay muli siyang nagkaroon ng dahilan upang hawakan ang mukha ko at iharap 'yon sa kanya. Napakagat labi ako upang itago ang nagbabadyang ngiti sa aking bibig. "Hindi ka ba nagbibiro?" mahina at namumulang tanong ko at saka muli ay nag-iwas ng tingin. Napayuko ako nang mahina siyang tumawa dahil sa tanong ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD