1-Virgin Ka Raw?

3349 Words
Kabanata 1 "MARIA! MARIA!" Ang hasty at mariin na boses ng tiyahin ng beinte dos anyos na si Maria Gelli Ramos ang nagpahinto sa dalaga sa pag-iimpake. Wala sana siyang balak na tumugon sa naghahanap sa kanya at ituloy na lang ang ginagawa ngunit ilang sandali pa ay kusa na siya nitong nadatnan sa kanyang silid. "Arista! Ano ba naman 'yan? Masisira ang pinto o." Napaangil ang dalaga dahil sa padaskol nitong pagtulak sa pinto ng kanyang kuwarto. Tiim na mukha ni Arista ang bumungad sa kanya. Parang susugod ito sa giyera. Hindi na iyon bago kay Maria dahil kung sa telenovela pa ay si Arista ang kontrabida sa buhay niya. "Kahit na gibain ko pa itong buong bahay ay wala kang pakialam dahil sa amin naman ito. Para ipaalala ko sa'yo, sampid ka lang sa bahay na ito kaya wala kang karapatan na makialam sa kung ano man ang gagawin ko sa bahay namin!" singhal nito sa kanya. Palihim na napaismid na lang si Maria at hindi na tinangka pa na makipag-argumento sa tiyahing si Arista na palaging kumukulo ang dugo sa kanya. Si Arista ay bunsong kapatid ng kanyang inang diyosa na si Diamante Jacolpia, isang binabae na bagaman at may pusong mamon ay siga sa baryo nila. Si Inang Diyosa ay ang kumupkop kay Maria Gelli mula nang maliit pa lamang siya at ito na ang mag-isang tumayo na kanyang ama't ina sa loob ng labing-anim na taon. Napatapos na siya ni Inang Diyosa sa kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management kaya mula nang siya ay gr-um-aduate ay isang taon na pinag-isipan ni Maria na simulan nang tuparin ang kanyang mga pangarap. At iyon ay makatuntong sa Japan. Nakatanim na sa isip ni Maria Gelli ang Sapporo na kapital ng Hokkaido sa bansang Japan. Doon siya ipinanganak bago siya maipuslit pauwi ni Inang Diyosa sa Pilipinas taong 1997. Naiwan sa Hokkaido ang kanyang ina na matagal nang naka-based doon kasama ang kanyang kakambal. Six years old si Maria Gelli nang huli siyang dinalaw ng kanyang ina sa Pilipinas at iyon na ang huling alaala niya sa kanyang ina. Kaya ngayon ay nais na niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa at makipagsapalaran sa bansa ng mga Hapon. Maliban sa ibig niyang hanapin ang kanyang biological mother at ang kanyang kakambal ay magandang opportunity din ang habol ni Maria Gelli sa Japan. Nagkakaedad na ang kanyang Inang Diyosa kaya ngayong tapos na siya sa pag-aaral ay ibig naman niyang suklian ang lahat ng sakrispisyo ng kanyang ina-inahan. Kapag stable na ang trabaho niya sa Japan ay uumpisahan na niyang tuparin ang lahat ng pangarap niya lalo na para kay Inang Diyosa. "Ano na naman ba ang problema mo, Arista at sa akin mo na naman ibinubunton ang galit mo?" Malamig na taong ni Maria sa babae. Hindi na niya nakasundo si Arista. Likas na mainitin ang dugo nito kay Maria sapol nang magkaisip siya. "Ikaw!" bulyaw nito at dinuro siya. "Ikaw ang problema ko at iyang kasaltikan mo, Maria! Bakit gusto mong mag-Japan, ha? Hindi mo na ba matiis iyang pangangati mo at gustung-gusto mo nang sumunod sa fiancé ko sa Japan?" Doon na napahinto si Maria sa pagtutupi ng kanyang damit para harapin ang galit na galit na babae na kung anu-ano na naman ang maling akusasyon. "Dzam, pupunta ako ng Japan para kumayod nang sa gano'n ay mabigyan ko ng maganda-gandang buhay ang Inang diyosa at para maipaayos na rin itong pamamahay na ito na parati mo na lang ibinibida na pagmamay-ari mo pero hindi mo naman maayos-ayos gayong brino-broadcast mo sa buong bayan na mataas ang pinapadala sa'yo ng fiancé mo. Ni isang pako wala ka ngang mabili." "Hayop ka! Ang kapal ng mukha mo para sabihin iyan! Sino ka ba sa akala mo para pakialaman ang ibinibigay sa akin ni Apollo, ha?" "Kung hayop man ako, gusto kong hilingin sa Diyos na kung gawin man niya akong lamok ay hayaan na lang niya akong matigok sa anemia basta ayaw kong tikman ang dugo mo dahil for sure, ubod iyan ng pait." "Pûta kang sampid ka! Aangasan mo talaga ako ha!" Susugurin na sana siya ni Arista nang mabilis niyang naitaas ang palad bilang senyales na kailangan nitong tumigil. "Huwag mong balakin, Arista dahil hindi ako magdadalawang-isip na isilid ka sa maleta ko at ihagis sa kabilang ibayo." Kalmanteng banta ni Maria sa babae. Bahagi na ng childhood memories ni Maria ang pakikipaghamok kay Arista. Dalawang taon ang tanda nito sa kanya kaya kung umasta ito sa pamamahay na iyon ay tila ito ang reyna. Inaapi siya ni Arista habang lumalaki siya ngunit natuto si Maria na lumaban nang minsan sumobra na ito at nagawa na siyang saktan sa pisikal na paraan. Mamimihasa itong saktan siya kung hindi siya naglakas-loob na gumanti. Noong nasa kolehiyo si Maria ay naging madalang na ang pagtatalo nila ni Arista dahil kapwa rin silang naging abala sa kani-kanilang pag-aaral ngunit nang magsimulang ligawan ni Apollo si Maria Gelli ay muli na namang ginampanan ni Arista ang pagiging kontrabida nito sa buhay niya. Isa si Arista sa patay na patay kay Apollo Tibayan habang ang binata ay matagal nang may pagtingin kay Maria Gelli ngunit hindi lang mapormahan ni Apollo si Maria dahil gulpi ang aabutin nito kay Inang Diyosa. Sa edad na beinte dos ay wala pang nagiging nobyo si Maria Gelli dahil sa ubod ng kahigpitan ni Inang Diyosa pagdating sa kanya. Wala rin namang kaso iyon kay Maria dahil wala pa naman siyang nakakatagpong binata na nakapagpatibok sa puso niya. Si Apollo ay naging crush niya minsan ngunit hindi naman siya humantong sa pagpapasya na sagutin ito para maging boyfriend. Magiging komplikado kasi dahil nag-aaral pa siya at tiyak ni Maria na makakatikim ng halik ng kamao ni Inang Diyosa ang binata. "Ang landi-landi mo talagang pûta ka! Palibhasa namana mo sa nanay mong Japayuki iyang kapokpokan mo kaya kahit na lumayo na si Apollo ay gumawa ka talaga ng paraan na habul-habulin siya. Haliparot! Kunwari ka pang magtatrabaho pero ang tunay na pakay mo lang doon ay sulutin ang fiancé ko. Tse!" Nagpanting ang tainga ni Maria sa paratang na iyon ni Arista. Nahahamon ang pasensya niya sa tuwing idinadamay ni Arista ang kanyang ina ngunit bagkus na dipensahan ang sarili at patulan ito ay napagpasyahan ni Maria na inisin na lang si Arista hanggang sa mangisay ito sa galit. "Bravo," humahangang wika ni Maria at pinalakpakan ang kinilalang tiyahin na halos umusok na ang ilong at tainga sa galit. "In all fairness, Arista, ang talino mo riyan. Paano mo nalaman na iyon nga ang plano ko?" Minura na naman siya nito sa nakakabulabog na paraan. Tiyak na nagkukumahog na ngayon palapit sa bakod nila si Nay Sinang na isang certified na tsismosa nilang kapitbahay. "Napakalandi mo talagang anak ng p****k! Mana ka sa nanay mo, mga dumi kayo ng mundo!" Sinugod na nga siya ni Arista ngunit nakahanda naman si Maria. Bago pa man nito makanti ni isang bahagi ng katawan niya ay nahablot na ni Maria ang buhok nito. Pilit din na gumaganti si Arista hanggang sa nauwi sila sa sabunutan at hampasan. Gigil na gigil na rin si Maria. "Sumusobra ka na, púnyeta ka! Pinapalampas ko lang iyang kamalditahan mo dahil ayaw kong sayangin ang panahon ko saiyo pero ngayon, sasamain ka talaga sa akin." Malakas niyang hinila ang buhok nito hanggang sa mawala ito sa balanse at napahiga sa sahig. Kakalmutin na sana ito ni Maria nang tumili ang kanyang Inang Diyosa. Sa takot na pagalitan ni Inang DIyosa ay dali-daling lumayo si Maria mula sa nadehadong si Arista. "Púnyeta! Anong akala ninyo sa bahay natin, UFC octagon? Bakit nagpapatayan kayo rito ha?" Naging brusko at buo ang boses ni Inang Diyosa na isang fifty-three years old na isang bear gay—a gay who has facial and body hair and a cuddly body. Natahimik si Maria at hindi makatingin kay Inang Diyosa. "Arista! Ikaw na naman ang pasimuno ng gulong ito, ano? Tumanda ka na lang at lahat pero hindi mo pa rin binabago iyang ugali mo. Basagulera ka pa rin pero itong anak ko lang naman iyang kinakaya-kaya mo. Bakit hindi mo ilabas iyang tapang mo roon sa mga kaibigan mo na kinakaibigan ka lang kapag may pera ka?" "Ako na naman! Palagi na lang nasa akin ang sisi, Manong." Masama ang loob na sambit ni Arista sa nakatatandang kapatid na nakaugalian nitong tawaging manong. Umiiyak na ito na tila ito ang naaapi gayong kung sugurin nito si Maria kanina ay tila ito isang mabangis na hayop. "Kapag may gulo sa pamamahay na ito ay rekta parati sa akin ang sisi. Parang wala na akong ginawang tama mula nang iakyat ninyo ang sampid na anak ng Japayuking iyan dito sa bahay. Iyang haliparot na iyan ang parati mong kinakampihan imbes na ako na sarili mong kapatid! Ang unfair mo, Manong." Paglalabas pa ni Arista ng saloobin nito. Sinundot naman ang konsensya ni Maria dahil magkakagalit na naman ang magkapatid. Gusto niyang sisihin ang sarili ngunit huli na. Nagkagulo na. Kinalma ni Inang Diyosa ang sarili para mabuksan ang isip at loob nito para sa hinaing ni Arista. "Naiisip mo lang na hindi patas ang pagmamahal ko sa inyo ni Gelli dahil nabubulag ka ng galit mo, Arista pero maniwala ka, pinipilit ko namang ilapit ang sarili ko saiyo bilang natitirang pamilya mo pero ikaw itong parating lumalayo. Bihira ka na lang din na umuwi rito sa Punta Maria at hindi ka man lang nagpapaalam ng maayos. Sana iniisip mo kung nakakatulog pa rin ba ako ng mahimbing dahil sa pag-aalala saiyo. Tapos kung uuwi ka naman ay mainit ang ulo mo." "Natural, Manong dahil ipinaparamdam ninyo kasi sa akin na iyang ampon lang ninyo ang mahalaga sa inyo. Natural sa ibang lugar ako maghahanap ng mga taong may paki sa akin." Katwiran ni Arista na nagpasikip sa dibdib ni Inang Diyosa. "Hindi ibig sabihin na kapag pinagsasabihan kita ay hindi ka na mahalaga sa akin. Mahal kita, Arista kaya tinatalakan kita ay dahil gusto kong mamulat ka sa katotohanan na pinaplastik ka lang ng mga itinuturing mong mga tropa. Kita mo ngayon, kasama ka ba nila sa Camiguin? Hindi 'di ba? Pinaalam ba nila saiyo na magbabakasyon sila? Hindi! Dahil tinuturing ka lang nilang tropa kapag may iaambag ka. Tapos kapag wala ka sa harapan nila ay kung anu-ano ang masasamang sinasabi nila tungkol sa'yo." "Hindi iyan totoo. Malamang hindi na nila ako isasama sa mga lakad. Binugbog mo ba naman iyong mga lalaki kong tropa." Gigil na saad ni Arista. "Dahil narinig kong pinupulutan ka nila sa usapan nila at nababastos ang pangalan mo. Kay lalaking mga tao pero mga Marites. Hesus ko!" Tiim ang mukhang sabi ni Inang Diyosa. Si Maria ay lihim na napakuyom ang mga palad. Sinasabi na nga ba niya at hindi talaga mapagkakatiwalaan iyong mga kaibigan na iyon ni Arista. "Ngayon, ano na naman iyang pinagtalunan ninyong dalawa, Arista, Gelli?" Tumingin si Maria sa taong umaruga at nagpalaki sa kanya. Bubuksan na sana niya ang kanyang bibig para magpaliwanag ngunit inungusan siya ni Arista. "Itong ampon n'yo kasi, Manong. Nabalitaan ko na paalis na pala ng Japan." "Alam ko. Ano namang masama kung magja-Japan ang pamangkin mo, Arista?" Si Inang Diyosa. "Masama, Manong at hindi ko pamangkin ang sampid na iyan!" Arista almost roared. "Babaan mo ang boses mo, Arista at huwag na huwag mong matatawag na sampid ang anak ko," saad ni Inang Diyosa na may pagsuway sa tinig. "Hindi n'yo kasi dapat na pinayagan iyang babaeng iyan na mag-Japan, Manong. Alam mo namang nandoon din si Apollo. Binibilog lang niyan ang mga ulo natin. Kesyo magtatrabaho para mabigyan kayo ng maganhiwang buhay pero ang totoo ay balak talaga niya na sulutin ang fiancé ko." Umirap si Maria. "Ay si UE, kung makapagbintang naman 'to! Arista, kahit magpadala ka pa ng spy sa akin sa Hokkaido ay bigo mong mapapatunayan iyang mga walang katuturan mong bintang sa akin. Huwag kang ma-paranoid dahil kahit lumuhod pa ulit sa harapan ko si Apollo, hindi ko papatusin iyang fiancé mo. Hindi ko siya type kaya saiyong-saiyo siya." "Pero gusto ka pa rin n'ya." Halos pabulong na sambit ni Arista bago ito nagmamadaling lumabas sa silid ni Maria na lumuluha. Hinayaan na lamang muna nila ang babae. "Inang, pasensiya na po kung hindi na ako nakapagtimpi at napatulan ko si Arista." Kaagad na hinging paumanhin ni Maria sa kanyang inang diyosa. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni inang diyosa at tahimik na umiling. Para itong maluluha pagkatapos nitong sulyapan ang iniimpake ni Maria. Tangka itong tatalikod upang itago kay Maria ang paghulagpos ng luha nito ngunit agaran itong nilapitan ng dalaga at niyapos mula sa likuran. "Iiyak ka na naman, Inang Diyosa," natatawang sabi ni Maria kahit na maging siya man ay naiiyak na rin. "Three months ago pa itong dramahan natin, Inang hanggang ngayon ay emosyonal ka pa rin baka mamaya makita ni Nay Sinang na umiiyak ka, ipagkakalat niyon na bading ka." "Gaga! Bading naman talaga ako," pabirong angil ni inang diyosa. Humarap ang ina-inahan ni Maria para gantihan siya ng yakap. Hindi na pinigil ni Maria ang pag-alpas ng kanyang mga luha. Saying goodbye to loved ones will always be the hardest yet she's lucky that she has someone who makes saying goodbye so hard—ang kanyang inang diyosa. Napakasuwerte niya dahil mayroong tao na kahit hindi niya kadugo ay piniling tumayong sandalan at gabay niya sa mundo kung saan siya inabandona ng mga taong sana ay responsibilidad siyang itaguyod. "Maghintay lang po kayo, Inang ha? Kaunting tiis lang naman po at tutuparin na natin iyong matagal n'yo nang pangarap na magkaroon ng sariling aesthetic salon sa bayan. Bibilhin po natin lahat ng mga pangarap ninyong kagamitan na mga high-tech. Basta kapag nasa Japan na ako, alagaan n'yo ang sarili n'yo ha? Kahit dalawa o tatlong customer na lang ang trabahuin ninyo sa isang araw para naman hindi na kayo mapagod ng husto dahil aalalayan ko na po ang mga gastusin dito sa bahay." "Hay, Maria Gelli, anak ko. Napakasuwerte ko na naging anak kita. Huwag mo kaming masyadong iisipin dito. Unahin mo muna ang sarili mo at... at ipapanalangin ko na matupad mo rin ang isa mong pakay sa pagpunta ng Japan, anak." Not only a single tear trailing down her cheeks. "No matter what po, inang ay kayo pa rin po ang ituturing kong the best mother sa buong mundo. Wala pong makakapalit sa inyo sa puso at sa buhay ko. Utang ko po sa inyo lahat, Inang." Nag-iiyakan na sila nang may isiningit na namang biro si Maria. “Pag-iipunan ko rin po ang para sa pagpapa-kiffy ninyo, Inang.” “Siraulo ka talagang bata ka, oo. Ang sagwa ko naman kung magkaka-kiffy ako gayong kasing-laki ni John Cena ang katawan ko.” Nagtawanan ang dalawa hanggang sa tumulong na lang si Inang Diyosa sa pagtutupi ng mga dadalhing damit ni Maria sa Japan. LIMANG araw bago ang flight ni Maria papuntang Japan ay pinaunlakan niya ang anyaya ng isang matalik na kaibigan na makipagkita rito. "Japan?" bulalas ni Yoona nang sabihin niyang nakatakda na siyang lumipad patungong Japan. "Pupuntahan mo na ang tunay mong ina roon? Magkikita na ba kayo?" Kababata ni Maria Gelli si Yoona, kapitbahay at kaklase mula preschool hanggang sekondarya ngunit hindi katulad ni Maria ay hindi nakapagpatuloy sa kolehiyo si Yoona dahil sa hirap ng buhay. Umalis ito sa bayan nila at maagang nakipagsapalaran sa Maynila. They seldomly talked over FaceTime these past few months kaya nasorpresa si Yoona sa kanyang ibinalita. Natatawang umiling si Maria. "Magtatrabaho ako sa isang hotel sa Sapporo, Yoona. Natanggap ako kahit isang taon palang ang work experience ko. Ang s'werte ko 'di ba? At tungkol naman sa biological mother ko, ang totoo ay kasama na siya sa plano ko kung naroon na ako. Susubukan ko siyang hanapin pati na rin ang kakambal ko, Yoona." Dinala siya sa isang disco bar ni Yoona pagkatapos siya nitong inilibre ng dinner sa isang mamahaling restaurant. Bigatin na ang kaibigan niya. Katunayan niyan ay katatapos lang ng ipinatayo nitong bahay sa baryo nila noong nakaraang buwan. Two storey na bahay na apat ang kuwarto at may swimming pool pa. Maria never tried asking her childhood bestfriend again about her real job. Tikom ang bibig nito noong minsang naitanong niya kaya nirerespeto naman niya ang desisyon nitong ilihim ang trabaho nito sa Maynila. Ayaw niya ring manghusga katulad ng mga tao sa bayan nila dahil mas kinokonsidera niya ang pagkakaibigan nila ni Yoona. "Oh, my God! Sapporo," her bestfriend mimicked proudly. "Sa wakas ay matutupad na ang pangarap mong makapag-Sapporo, Madzam. Masayang-masaya ako for you," she sincerely told Maria. "Mag-vlog ka roon, Dzam. Maraming OFW na vlogger doon na napapanood ko. Sobrang ganda ng Japan at hindi nakakasawa. Siyempre kasing-ganda ng best friend ko kaya kung magiging vlogger ka ay tiyak kakagatin ka ng netizen. Pandak ka lang pero pambato sa beauty pageant ang ganda mo. Puwedeng puwede kang pumalit sa trono ni Maria Ozawa." Sumimangot si Maria. "Kung nandito si inang, I am sure nasabunutan na tayong dalawa no'n. Atsaka Maria Ozawa talaga, Yoons? E pornstar iyon samantalang ako ni first kiss ay wala pa nga." Sumimsim si Maria sa cocktail na in-order ni Yoona sa kanya. Sanay siya sa ganoong inumin dahil sa naging trabaho niya sa isang local hotel sa bayan nila kaya kayang-kaya nang i-tolerate ng kanyang lalamunan ang mga alak. "Poor you," sambit ni Yoona nang bigla itong may naisip na kalokohan. "Teka, may naisip ako." "Ano na naman iyan?" Pilya siyang nginisihan ng kaibigan. "Look around, Dzam. Bumabaha ng mga pogi sa bar na ito. Find a target, iyong sa tingin mo ay worth it para maging first kiss mo. Pabaon mo na rin iyan sa sarili mo bago ka mag-Japan." Pumalag si Maria sa suhestiyon ng kaibigan. Sinasabi na nga ba niya at kalokohan na naman ang iniisip ng kaibigan niya. "Ayoko. Nakakahiya naman 'yon," tanggi niya at parang natatawa pa siya. "Anong hiya-hiya? E mga walanghiya naman ang mga tao rito. Atsaka for experience lang para naman memorable itong despedida mo." Yoona kept urging her. Sa pamimilit nito ay natukso na si Maria na patulan ang hamon nito. Lumipas ang isang oras at wala pa ring ma-spot-an si Maria na potential target. May iilang lumapit sa kanila pero hindi niya rin bet. Iyong iba kasi ay lasing na at si Yoona naman ang tipo ng mga ito. Nang medyo tinamaan na siya ng alak ay hinayaan na niya ang sarili na magsaya sa dance floor. Abala na siya sa pagsasayaw nang hindi niya namamalayan na nahigit na si Yoona ng isang lalaki. Napailing si Maria nang makitang nakikipaghalikan na ang kaibigan niya. She felt disappointed with herself. Ganoon ba talaga siya ka-unattractive? Just when she was about to return to the bar counter to grab another shot of drink when a large and solid forearm suddenly wrapped around her slender body. Maria impossibly did a move to face who the hell hugged her from behind dahil hinigpitan ng bisig na iyon ang pagkakapulupot sa baywang niya. "Hey, sandali. Sino ka po?" "It doesn't matter. Narinig ko mula sa kasama mo na virgin ka raw. Is that true?" The stranger's voice was low and raspy. Kinilabutan si Maria. "Ano?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Maria. "Bitawan mo po muna ako, Kuya para po makapag-usap tayo." Gustong mag-panic na sabi ni Maria. "Oh sure, baby doll. I'll get you out of here so we could talk and negotiate... alone and probably in bed. I'll try to change your mind, baby doll. Patutunayan ko saiyo na mas masarap akong kumant*t kaysa sa tatay kong matanda na siyang nilalandi mo." What the hell? Ano ang pinagsasabi ng estrangherong ito na may matanda siyang nilalandi? “Teka, sandali. Hindi kita maintindihan...” alma ni Maria. “Quit acting like a hard to get lady because I know you're a bítch who seduces filthy rich old men to satisfy your damn whims and caprices. Ngayon, tayo ang magtuos.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD