Your comments are all highly appreciated po. Xoxo
Kabanata 2
THE unknown man started dragging Maria away from the crowded dance floor. Hindi siya makawala sa lakas ng bisig nitong nakapulupot sa katawan niya kahit na ano'ng piglas niya. He was literally carrying almost all her weight dahil kanina pa nararamdaman ni Maria ang pag-angat ng mga paa niya sa sahig.
"Sir, sandali! Saan n'yo 'ko dadalhin?" Nanghina ang kanyang boses dahil nahihilo siya sa bilis ng pagkaladkad nito sa kanya. Mabilis ang mga pangyayari at hindi nakakatulong sa alanganing sitwasyon niya ang pagiging tipsy n'ya.
Bumwelo na si Maria at inihanda na ang kanyang sigaw para humingi ng saklolo nang matilihan siya sa pangalan na itinawag sa kanya ng estranghero.
"Anywhere as long as your body has to be mine tonight, Miss Yamashita." Determinadong anito. Gumapang ang kakatwang kilabot sa gulugod ni Maria dulot ng malalim nitong boses.
He released her slender body and caught her wrist as he continued dragging her. Nakuhang ipagtaka ni Maria dahil kahit may nakakasaksi na mga bouncer sa puwersahang paghatak sa kanya ng estranghero ay wala man lang ni isang nagtangka na sitahin ang lalaki. Kahit ang matalik niyang kaibigan ay hindi na mahagilap ng kanyang mga mata. It made her feel hopeless.
Naalarma na siya sa takot nang napagtagumpayan ng estrangherong lalaki na mailabas siya ng disco bar. Hila-hila pa rin siya nito hanggang sa parking lot.
"Sir, krimen itong ginagawa ninyo. Makukulong ka oras na ituloy mo itong masamang balak mo sa akin. Marami ho kayong pagsisisihan bandang huli. Tapos kapag nakulong kayo tiyak na yayariin ng mga taga-selda ang puwit ninyo. Kayo rin." Sabi ni Maria na lihim na nananalangin na talaban ng pagkaalarma ang lalaki.
Huminto sila sa harapan ng umilaw na sasakyan— napakagarang sasakyan na isang sports car. Panic surging through her ngunit ang pagragasa ng kaba sa sistema n'ya ay naudlot nang sa wakas ay humarap sa kanya ang 'di kilalang lalaki.
Wala sa mukha nito ang pagiging kriminal. Mas mukha itong high paid model o aktor na titilian ang hitsura ng madla. Kaya pala walang nagduda sa loob ng disco bar na masama na ang hangarin ng lalaking ito sa kanya ay dahil nakakapanlinlang nga naman ang hitsura nito. Kahit siya na biktima ay namangha rito.
Umawang ang bibig ni Maria sa taglay na lakas ng kaguwapuhan nito. Pakiramdam niya ay huminto sa pag-inog ang mundo ng mga sandaling iyon at wala siyang nakikita kung hindi ang mukha nito.
She wouldn't stop gawking at the man's face until he gripped her wrist again.
"Get inside now, Miss Yamashita," utos nito sa mas buo at malalim na tinig. Pinipilit siyang pumasok sa loob ng kotse.
Lumunok si Maria. "Miss Yamashita? Sir, nagkakamali ho talaga kayo. Hindi po ako si Miss Yamashita at lalong wala sa akin ang treasure. Madalas na may sariling mundo lang ho ako pero hindi ako mayaman katulad ni Yamashita. Kung siya ang hinahanap ninyo, sasamahahan ko na lang ho kayo sa KJMS. Doon tayo magpatulong sa paghahanap kay Yamashita. Try lang natin tapos if it doesn't work, at least we tried." Panggagaya pa niya sa linya mula sa isang pelikula. Pilit pa nga niyang siniglahan ang boses na tila good influencer.
"Ang daldal mo," nagtitimping asik nito kay Maria na umawat sa kanya sa pagsasalita. "I can't believe my father is attracted to your kind. You are a cheap lady."
Napanguso at nagsalubong ang mga kilay ni Maria sa binitawan nitong kataga. Ang gaspang nitong magsalita. Nadidisgusto sa kanya sa hindi niya malamang kadahilanan.
"At huwag mo nga akong pinagloloko baka imbes na sa KJMS ay sa imbestigador mapunta ang kaso mo."
Muli siyang napalunok dahil sa pagtiim ng mukha nito at pagliyab ng galit sa mga mata nito. Sapat na sapat ang liwanag sa parking lot para mapagmasdan niya kung gaano kaganda ang mga mata ng lalaki. Nakakalunod iyong tumingin. Nakakatupok ng lakas ang titig niyon.
At sa twenty-two years of existence ni Maria ay niyon lang siya nahumaling sa mga mata ng isang lalaki.
"May masama ka nga talagang balak sa akin." Natatakot man at medyo lasing ay nagagawa pa ring kausapin ni Maria ang lalaki.
Sa tangkad niyang limang talampakan at limang pulgada ay todo tingala siya para lang titigan ang mukha nito. He looked dangerously handsome in Maria's eyes. Tila nilikha na ng Diyos ang dream man niya na parati niyang nilililok sa imahenasyon n'ya.
"Bakit hindi mo na lang ako diretsahin na nabighani ka sa ganda ko at gusto mo ng kiss ko? May drama ka pang kesyo napagkamalan mo 'kong si Miss Yamashita."
Gamit ang malaya niyang kamay ay maharot niyang sinundot ang tagiliran ng lalaki. He didn't budge and he just glared at her as if he was warning her.
"Kung wala lang sa plano ko na sirain lahat ng nagsasamantala sa tatay ko ay nunkang papatol ako sa bubwit na kagaya mo. Hindi ko tipo ang kagaya mong pandak, madaldal at higit sa lahat ay pumapatol sa matatandang mayaman para lang makaangat sa buhay."
Hindi niya ito maintindihan ngunit hindi na nakapagtimpi si Maria at ginantihan na niya ang lalaki ng pang-iinsulto but in her case, she had to come up with false abusive remarks dahil aaminin niya na wala siyang makitang maipipintas sa lalaki kung sa panlabas na anyo ang pag-uusapan. Sablay lang talaga ito sa pag-uugali.
"At sa tingin mo kahit na kainsu-insulto ako sa paningin mo ay papatol din ako sa kagaya mo? Excuse me lang pero ang lakas ng hangin mo, Sir. Hindi rin kita type 'no! Ang UE mo." Maria made a pretentious abhorred expression.
"UE?" The man frowned at her. "What the fúck is that stands for?"
"Duh! Pa-ingles-ingles ka pa pero iyon lang hindi mo naman pala alam." Irap niya at sinubukan na namang makawala sa mahigpit na hawak nito sa wrist n'ya.
"Then tell me what is that mean damn it."
"Aba ewan ko rin. Basta narinig ko lang 'yon sa anak ng kapitbahay namin kapag sinisermunan ng nanay n'ya. Gusto mo samahan mo 'ko sa probinsya namin tapos ikaw magtanong sa kapitbahay namin kung ano ang meaning ng UE niya. OA lang kasi ang alam ko. Over-acting ba."
The man's face hardened. "You know what? You are full of shít and you're wasting my time. Pumasok ka na, Galiana Yamashita!"
"Ang kulit naman kasi e. Hindi nga ako si Galiana Yamashita—teka!" Biglang natigilan si Maria at tila humulagpos ang epekto ng alak sa utak niya. Her brain suddenly sobbered up. "A—ano ulit 'yong pangalan na binanggit mo?"
Nahihiwagaan na ipinilig ng lalaki ang ulo sa kanan. "Hindi ka lang madaldal na pandak, bingi ka rin pala." Bumweltang pintas nito na ikinasama na talaga ng loob ni Maria. Ngunit hindi na muna inintindi ni Maria ang sariling nararamdaman dahil mas naging interesado siya sa pangalan na narinig mula sa lalaki.
"G—galiana? Iyon ang pangalan na binanggit mo."
"Dahil iyon ang pangalan mo!" Magaspang na anas nito. "Kaya natural na iyon ang itawag ko sa'yo. Alangan namang tawagin kitang Shakira gayong parang Wakawaka ang hitsura mo."
Hayup na 'to!
Sumusobra na talaga ito pero wala na siyang pakialam sa mga pang-iinsulto nito. Iisang bagay nalang ang kayang intindihin ng isip ni Maria sa mga sandaling ito.
At ang lalaking ito, tila hulog ito ng Diyos sa kanya. A blessing in disguise. Mukhang dinala na mismo ng kapalaran sa kanya ang daan kung saan siya mag-uumpisa na hanapin ang dalawang tao na hinahanap ng kanyang pagkatao.
At ang Galiana na binanggit ng lalaki—iyon ang pangalan ng kakambal niya. Tanda-tandang ni Maria iyon dahil kahit noong musmos pa lamang siya ay nakaukit na ang panhalan na iyon sa puso't isip n'ya.
"Kukunin na ikaw ni Mama, Gelli. Malapit na malapit na anak ko at magkakasama na tayong tatlo ng kakambal mong si Galiana. Mahal na mahal kita, anak ko. Babawi ang Mama, pangako ko iyan, mahal ko."
Kilala ng lalaking kumaladkad sa kanya ang kakambal niyang sana'y isa sa hahanapin niya sa Japan. Napagkamalan siya nitong kanyang kakambal! Iyon ang pagkakaintindi ngayon ni Maria sa sitwasyon.
Gustong maiyak sa labis na tuwa ni Maria.
“Shít!” Napakurap si Maria nang napausal ng mabagsik na mura ang lalaki. “Do not damn use that tactic on me, woman dahil para sabihin ko saiyo, hinding-hindi ako ang tipo na mabibilog ng mga drama mong puro kasinungalingan. Kabisado ko na ang mga taktika at mga paawa mo para kunin ang loob ng mga nabibiktima mong matatandang lalaki. I've known a lot of information about you dahil ilang linggo na kitang pinamamanmanan.” Tumaas ang sulok ng labi nito.
“Get inside the car now at may kailangan tayong tapusin sa gabing ito!”
Isinubo ni Maria ang sarili sa mas alanganin na sitwasyon nang kusa siyang sumama sa estrangherong lalaki na tila sumpa ng mundo ang tingin sa kanya. Sinunod niya ang ibinubulong ng isip niya na ito ang susi para makakuha siya ng impormasyon tungkol sa tinutukoy nitong Galiana Yamashita.
Those sparing informations made a sense. Yamashita ay isang apelido sa bansang Japan at palagay ni Maria na iyon ang apelido na ginagamit ng kakambal niya dahil nga'y doon ito ipinanganak at lumaking kasama ng kanilang ina sa bansang Hapon.
Dinala si Maria ng lalaki sa isang rest house na ilang oras ang layo ng biyahe mula sa disco bar na pinanggalingan nila.
“Señorito Uno? Señorito, kayo nga!”
Isang may edad na lalaki ang nagbukas ng entrada ng rest house. Makikita ang pagkasorpresa sa mukha nito.
“Mabuti at gising pa kayo sa mga oras na ito, Kuya Mal,” anang lalaki tumangay kay Maria.
Maayos naman ang pakikiharap nito sa nagbukas ng magarang rest house pero bakit sa kanya, kulang na lang ay tirisin siya?
“Nagising din ho ako kani-kanina lang dahil tumawag ang Daddy ninyo para ipaalam sa akin na linisan ko raw itong buong bahay-bakasyonan ninyo dahil uuwi raw dito sa susunod na linggo. Hindi pala kayo magkasamang umuwi ng Pilipinas ni Sir Uzziah, Señorito.”
“Hindi ho alam ng Daddy na uuwi ako rito sa Pilipinas, Kuya Mal.”
Nanatiling nakahalukipkip si Maria sa likod ng lalaki. Sa lapad ng katawan nito ay natatakpan ang presensya ni Maria mula sa paningin ng caretaker ng rest house ng mga Ugnayan na si Mal.
Walang maintindihan si Maria sa usapan ng mga ito pero isa lamang ang napagtanto niya. Iyon ay ang hindi madalas na pag-stay ng lalaki sa Pilipinas. Marahil ay sa ibang bansa ito karaniwang nakatira. Baka roon ito nagtatrabaho.
At base sa rest house na nasa harapan ni Maria at sa sports car na sinakyan nila patungo roon ay maipapalagay niya na hindi nga biro ay yaman ng lalaking tumangay sa kanya.
“Oh siya, tumuloy ka na, Señorito at hindi biro ang lamig diyan sa labas.”
Nabahiran ng gulat ang mukha ni Mal nang sumunod si Maria sa likod ng señorito nito.
“S—señorito, bakit ninyo kasama ang nobya ni Sir Uzziah?” Gulat na tanong ni Mal.
“Do not ask, Kuya Mal.” Malamig na saad ng lalaki at hinuli ang pupulsuhan ni Maria at hinatak siya patungo sa ikalawang palapag ng rest house.
Sa pagpasok pa lamang nila sa isang silid ay bumalik na naman ang mabangis na anyo ng lalaki.
Napakurap-kurap si Maria. Hindi na naman siya maayos na nakakahinga dahil natatablan na naman siya ng nerbiyos.
Napaatras si Maria nang hagurin siya ng malamig na titig ng lalaki.
“Dalawang bagay lang ang ibig kong patunguhan ng magiging usapan natin, Miss Yamashita.”
“A—ano?”
“Give in to me in that bed tonight and tomorrow, you're no longer seeing my father until your last breath. Pera! Alam kong iyon lang ang habol ng uri mo sa tatay ko but my father is so eager to fúcking marry a slút like you! Iyon ang hindi ko matatanggap dahil hindi ako makakapayag na ang papalit sa papel ng nanay ko ay isang katulad mo lang na isang mababang uri ng babae! Patutunayan ko sa tatay ko na nagkamali siya sa'yo. I'll prove to him how slútty of a woman you are!”
Hinaklit nito si Maria at dominanteng inangkin ang kanyang mga labi. Hindi napaghandaan ni Maria ang sensuwal na panlulupig nito.