Kailangan ni Maria Gelli Ramos ng malaking halaga para mailabas sa kulungan ang ina-inahan dahil nadawit ito sa krimeng wala naman itong kinalaman. Dahil wala siyang ibang mahihingan ng tulong o mauutangan ay nilunok na niya ang lahat ng kanyang pride at hiya at lumapit siya sa taong ni sa hinagap ay hindi niya gugustuhin na lapitan pang muli—si Galiana, ang kanyang kakambal.
Handa namang ibigay ni Galiana ang kailangang pera ni Maria Gelli but nothing in life comes for free, she'd pay in the end like how she can breathe in air only when she spends one breath out. Iyon ang realidad ng mundo.
Kayang-kaya naman ni Gelli ang kapalit na hiniling ni Galiana—iyon ay ang manatili siya sa mansion ng matandang napangasawa nito na kamamatay pa lang at siya ang magpapanggap na kanyang kakambal hanggang sa matapos ang dalawang buwan na itinakda sa kontrata para makuha ni Galiana ang manang iniwan dito ng namayapang asawa.
She then realized that the situation she had entered into is a lot more complicated than what she thought. Dahil sa pagpapanggap pala niya bilang ang kanyang kakambal ay hindi man lang siya naabisuhan na kailangan din pala niyang saluhin ang muhi at disgusto ng stepson ng kanyang kakambal. At ang stepson ng kakambal niyang si Galiana ay ang lalaking nakaulayaw niya may anim taon na ang nakakaraan.
Unorazio Ursus Ugnayan— he was that drunk man who mistaken her for her twin sister. He was that drunk man who donated a sperm inside her womb six years ago. Ang stepson ng kanyang kakambal—ito ang ama ng kanyang anak na pansamantala niyang makakasama sa iisang bubong.
Tuluyan nga bang magigimbal ang payak na pamumuhay ni Maria Gelli oras na mabunyag ang pinakatagu-tago niyang lihim— that she was hiding the wealthy Playboy's child?
DISCLAIMER
You're about to read a story containing scenes and languages which are suitable for adult and open-minded readers only. This is a steamy story. Malawak na pang-unawa ang kailangan.
DO NOT PLAGIARIZED.
DO NOT DISTRIBUTE WITHOUT THE AUTHOR'S CONSENT.
RESPETO SA PINAGHIRAPANG AKDA NG MANUNULAT.
Thank you!