7-Natunton Ang Kakambal

2123 Words
Kabanata 7 NANG SUMUNOD na araw, ang unang ginawa ni Maria ay ang makipagkita sa kaibigang si Yoona. At dahil malihim ito sa impormasyon kung saan ito nakatira ay minabuti nito na kitain si Maria sa isang pizzeria na malapit sa apartment na pansamantalang tinutuluyan ni Maria sa Maynila. Pagdating doon ng dalaga ay nauna na ng ilang minuto sa kanya ang katagpong kaibigan. Nakapag-order na rin ito. Dalawang klase ng large sized pizza ang naroon na sa table nila at dalawang pitcher din ng saffron and cardamom refresher. Pagkaupo pa lamang ni Maria ay kaagad siyang nagsalin ng inumin sa kanyang baso para pawiin ang uhaw. Nilakad lang kasi niya ang distansiya ng kanyang apartment patungo sa pizzeria na iyon. "Kailangan ko ang tulong mo, Yoona." Hindi na siya nagpatumpik-tumpik at inilahad niya kaagad ang dahilan ng makikipagkita niya sa kaibigan. "Hindi ba puwede'ng kumain muna tayo?" Natatawang saad ni Yoona na nakaisang kagat kaagad mula sa isang slice ng pizza na kinuha nito. "Kaya nga 'no? Gutom din ako. Wala pa pala akong lunch," aniya. "See?" Yoona laughed. Nilantakan na rin nila ang pizza. Nagmistulang mga kalahok sa isang eating contest ang magkaibigan. They showed no mercy at their foods and they were oblivious with the attention they got from other customers. Mangha ang nakakapanood sa kanila dahil ang pe-petite ng pangangatawan nila subalit para silang maton na isang araw na walang kain kung tsumibog. "Oh, Lord. Ngayon lang ako naganahan ng ganito sa pagkain mula nang dumating ako rito sa Maynila." Naiusal ni Yoona. Natawa si Maria sa kaibigan nang dumighay ito ng tatlong beses na magkakasunod habang himas nito ang tiyan. Noon lamang napansin ni Maria ang suot ng kaibigan. "Iba talaga ang lasa ng pagkain kapag tunay mong kaibigan ang kasalo. Thank you at nag-enjoy ako, Maria." "Ay si UE! Ako nga ang dapat mag-thank you kasi naka-experience akong kumain sa ganitong kasosyal na kainan. Pang-Italian tapos libre mo pa." Maria sounded so grateful. "Para na akong nasa ibang bansa kasi pati mga waiter ay imported." She chuckled. She thought na kung kasama lamang nila ang Inang Diyosa niya roon ay baka hindi na iyon matahimik sa upuan nito kakasulyap sa nagguguwapuhang mga empleyado ng Italian Pizzeria na iyon. "We'll try more fine dining sa susunod pang mga araw. Gusto ko ring sulitin ang mga araw na hindi ka pa nakakaalis patungong Sapporo." God! It excites her even more. May tatlong araw pa siyang makakasama ang kababata. Mababawi rin nila ang maraming taon na hindi sila nagkitang dalawa. Susulitin ni Maria ang pagkakataon. "Parang ang init ng suot mo. Naka-turtle neck ka pa. Parang bagay iyan sa Japan, pang-winter." Pilyang inigkas ni Maria ang kilay na ikinatawa ng kaibigan. Ngunit napakunot ang kanyang noo nang may ipasilip si Yoona sa ilalim ng turtle neck ng dress nito. Those were... hickeys. "Kailangang itago." Tawa nito. "Tinamad ako na lagyan ng foundation kaya ito na lang ang isinuot ko. Atsaka luma na 'to, ano ka ba? Mag-shopping tayo after. Treat kita. I will buy you anything you like," anunsiyo ni Yoona na nagpa-excite ng husto kay Maria. "Ay, hindi ko tatanggihan iyan, Yoons." "Ano nga pala iyong tungkol sa kailangan mo ang tulong ko?" Pag-uungkat ni Yoona sa sinabi ni Maria kanina. "Well, kung magpapatulong ka sa akin para kitain si Sir Uno, I am sorry, my dear pero ayon sa narinig ko kanina ay nakabalik na raw siya sa Amerika." Napangiwi si Maria sa pagbanggit ni Yoona tungkol sa lalaking nakasama niya kagabi. Nag-init kaagad ang kanyang pisngi sa simpleng pagbanggit tungkol kay Uno. "Na-love at first sight ka kay Sir Uno, 'no kaya gusto mo siyang makita ulit? Sumama ka pa talaga sa kanya kagabi. Hmm. Well, hindi naman kita masisisi kasi kahit iyong mga kasamahan ko sa trabaho ay nagkakagusto riyan kay Sir Uno." Yoona wiggled her brows teasingly. "Pero saan ba talaga kayo pumunta kagabi? Nag-kiss ba kayo? Ano pa'ng ginawa ninyo? Kumusta ang first kiss? Masarap ano? Si Sir Uno ba naman iyon kaya sureball na kinilig ka. Mag-kuwento ka dali." Pinamulahan na ng pisngi si Maria dahil nagsibalikan sa alaala niya ang mga nangyari kagabi. "Huwag kang magsisikreto sa akin diyan. Magtatampo talaga ako saiyo. Hmp." Si Yoona. Bumuntong-hininga si Maria. "Dinala niya ako sa magandang rest house." "Nag-kiss kayo?" Tumango si Maria. Naramdaman niya ang pagbabago ng temperatura ng katawan niya dulot ng paksang iyon. "Ugh! Jackpot ka, dzam at isang Uno Ugnayan ang first kiss mo." Impit ang tili ni Yoona na agaran namang sinuway ni Maria. "Ano pa ang ginawa ninyo? Nag-usap ba kayo? Nag-get-to-know each other?" Patuloy na pang-iintriga ni Yoona. Kinikilig. "S-in-ex niya ako." Pag-amin ni Maria na nagpaawang sa bibig ng kanyang kaibigan. "S—séx... Nag-séx kayo?" Utal nitong sabi at napakurap-kurap pa, hindi makapaniwala. Hanggang na nabahiran ng pag-aalala ang mukha ni Yoona. "How was it? Are you okay? Tell me. Don't you feel sore? s**t, Maria. Okay ka lang ba talaga?" "Tsk. Okay lang ako. Ano'ng reaksiyon 'yan?" Sinamaan ni Maria ng tingin ang kaibigan. "Hindi lang ako makapaniwala. Nakaya mo talaga? Daks na daks iyong si Sir Uno. Iyon ang usap-usapan ng mga katrabaho ko. Nakaya mo talaga? Hindi kaya na-warshock ang kiffy mo? Isn't he your first time?" "Oo pero... pero hindi naman kasi kami tuluyan na nag-séx. Slight lang. Isang sagad lang pero solid." "What? Why?" Nalilitong tanong ni Yoona. "I mean, naitusok naman na niya iyong ano niya sa akin pero mabilis lang. Umatras siya, Yoona." "No damn way." Napailing si Yoona. "Si Sir Uno? Aatras sa s*x? No, dear. You must be kidding me. Paano'ng aatras iyon sa bagay na iyon, e siya nga iyong pinakamalandi sa kanilang magkakaibigan? Matakaw iyon sa pekpek, Maria." Umayos ng upo si Maria. "Basta mamaya ko na ikukuwento ang kabuuan, Yoons. Ang sadya ko talaga ay magpapatulong ako sa'yo sa paghahanap kay Galiana." Yoona furrowed her brows. "Galiana? 'Yong kakambal mo?" "Siya nga, Yoons. Siya nga." Maria sighed. Bumakas ang pagkabahala sa kanyang mukha. "Gusto ko siyang mahanap. Nalaman ko kay Sir Uno na narito siya sa Maynila. At, Yoona. Alam mo ba'ng... alam mo ba'ng kabit ng tatay ni Sir Uno ang kakambal ko?" "What the..." Tumangu-tango ang dalaga. "Iyon ang dahilan kaya nagka-interes siya sa akin kagabi. Intensiyon talaga niya na masukol ako at usigin ang konsensiya ko dahil inakala niya na ako ang kakambal kong si Galiana na sumira sa pamilya niya. Yoons, galit na galit siya. Sa nasaksihan ko kagabi sa kanya ay parang may kapas siyang sumira ng buhay." "Sandali. Ano ba ang eksaktong naiisip mo riyan? Ano ang binabalak mo, Maria Gelli?" "Wala akong ibang iniisip kundi sa gawin ang sa tingin ko'y tama, Yoona. Gusto kong matunton si Galiana at gagawin ko ang lahat para makumbensi siya na layuan ang tatay ni Uno." May determinasyong wika ni Maria. NGUNIT katulad sa inaasahan ni Maria ay hindi naging madali ang plano niyang paghahanap kay Galiana. Ilang libo na ang napitas mula sa milyones na tinangay niya mula kay Uno para ipambayad sa dalawang investigator na ayon kay Yoona ay malaki ang maitutulong sa paghahanap sa taong pakay niya. Pinanghihinaan na siya ng loob dahil paalis na siya at wala man lang magandang resulta ang paghahanap niya kay Galiana. Baka maging huli na ang lahat. Isang araw bago sana ang nakatakdang pag-alis ni Maria patungong Japan ay nakatanggap siya ng balita mula sa ahensiya na nagkaroon ng aberya ukol sa kanyang departure. Na-postpone ang kanyang flight ng tatlong linggo at inisip na lamang ni Maria na pabor iyon sa ginagawa niyang maghahanap kay Galiana. Mas nadagdagan pa ang oras niya. "We found her, Ma'am." Iyon ang balitang nagpabalikwas kay Maria isang hapon habang nagpapahinga siya sa apartment na tinutuluyan. It's been more than two weeks since she started to search for her twin sister. "Sigurado na ba ito? Nasaan siya? Saan ko siya maaaring puntahan?" Ang imbestigador ang kausap niya sa telepono. "Confirmed na ang impormasyon na ito, Ma'am Maria. Huwag ho kayong mag-aalala," ani ng kanyang kausap. Naninigurado ang tono nito. "Kababalik lang ng pinapahanap ninyo mula Europa. Lumapag siya ng NAIA kamakalawa at dumiretso siya sa isang exclusive farm dito sa San Carlos dito sa Negros." Dahil hapon na nang matanggap ni Maria ang balita na iyon kung kaya't kinabukasan pa siya nakakuha ng flight patungo sa Bacolod. Mag-isa lamang siyang bumiyahe dahil hindi makakasama si Yoona dahil sa trabaho nitong hindi maiwanan. Trabahong hanggang ngayon ay wala pa ring ideya si Maria kung ano'ng klaseng hanapbuhay mayroon ang kanyang kaibigan. Mula sa airport ay mahigit treinta minutos pa ang biyenahe ni Maria patungo sa bayan ng San Carlos. Her trip went a bit extreme because she had to rode a motorbike para tuluyang makarating sa farm na kanyang sadya. Hindi ininda ni Maria ang nakakapagod na biyahe dahil wala siyang ibang iniisip maliban sa magiging paghaharap nila ng kakambal niyang si Galiana. Halu-halong emosyon ang baun-baon niya nang sa wakas ay natanaw na niya ang arko kung saan nakasulat ang pangalan ng farm na kinaroroonan ni Galiana. Kasama ni Maria ang imbestigador na nakatunton sa lugar na iyon. Ito ang gumawa ng paraan para payagan silang makapasok sa pribadong property na iyon. Walang ideya si Maria kung bakit naroon ang kanyang kakambal? Pagmamay-ari kaya nito ang farm na iyon? May lumang bahay sa loob ng farm at doon sila iginiya ng matandang babae na sumalubong sa kanila. Ang imbestigador ay naiwan sa labas ayon na rin sa kagustuhan nito. Magyo-yosi raw at magbabantay sa paligid. "Mabuti at naimbitahan kayo ni Ma'am Galiana na makapunta rito sa farm. Tiyak na matutuwa si Volter na makilala ang kakambal ng kanyang kasintahan. Matagal nang gusto ni Volter na makilala ang sino man sa pamilya ni Ma'am Galiana at sa wakas ay napagbigyan na ang amo ko." Nagsalubong ang mga kilay ni Maria sa narinig mula sa matanda. Volter? Kasintahan ni Galiana? Hindi ba't ang karelasyon ni Galiana ay ang ama ni Uno? "Maupo ka muna, Ineng at gigisingin ko lang si Galiana. Naku, ang ganda-ganda n'yo talagang magkapatid. Ikinagagalak kong makilala ka. Ano nga ulit ang iyong ngalan, Ineng?" "Maria Gelli po pero Maria na lang ang itawag n'yo sa akin, 'Nay. Iyon po kasi ang madalas na tawag sa akin ng mga kakilala ko imbes na Gelli." "Gano'n ba? Aba'y doon kayo nagkakaiba ni Ma'am Galiana. Siya naman ay ayaw na tawaging Maria. Gustong Galiana lang dahil pakiramdam niya ay matanda raw siya kapag Maria ang itatawag sa kanya." Natatawang saad ng matanda. Napangiti si Maria dahil sa maayos na pakikitungo nito sa kanya. "Oh siya at maiwan muna kita saglit, Ineng." Hinayaan ni Maria na umalis ang matanda. Naiwan siya sa sala de bisita at katulad ng inaasahan niya ay mga lumang muwebles, dekorasyon at mga kagamitan din ang halos nasisipat ng kanyang mga mata sa sala. Sa palagay niya ay sa panahon pa ng mga Kastila itinatag ang bahay na iyon. Hindi huminto sa panunuyod ng kanyang tingin si Maria sa kabuuan ng bahay. She was admiring the vintage vibes of that house. Lumapit pa siya sa mga naka-display na painting sa dingding. Nasa kalagitnaan siya ng panunuri niyon nang biglang may pumulupot na mga bisig sa katawan niya at siya ay mariing niyapos. Ikinatili ni Maria iyon. "Amoy araw ang aking liyag. Hindi ka nakinig sa akin na huwag ka munang lumabas at—" "No! Bitawan mo 'ko. Hindi ako... hindi ako si Galiana. Please, lumayo ka sa akin. Nagkakamali ka." Nahintakutang sabi ni Maria. The man abruptly released her and she was gasping in horror upon distancing away from the unknown man. Napakurap si Maria nang makaharap niya ang lalaki. Matangkad ito at bahagyang mahaba ang buhok. Nakasuot ito ng camisa de chino na mahaba ang manggas at ang pang-ibaba ay itim na chino pants na sa unang tingin ay malalaman mo kaagad na naka-isang daan nang laba. Wala itong suot na panyapak. Puti ang kulay ng damit nito at may mantsa iyon ng dumi na pakiwari ni Maria ay nakuha sa lupa. And the man is undeniably handsome alright. "Right, you're not Galiana. Galiana never likes her hair that long. She is obsessed with her short hair. You're Gelli I must say. Pasensiya ka na sa pagkakamali ko." Yumukod ito bilang pagpapaumanhin. She was amused by how the farmer talks formally. Ang expensive nitong mag-ingles. "Kilala mo 'ko? At teka, sino ka?" Sa isip niya ay baka ito na ang binanggit na Volter ng matanda kanina. Bago man makasagot ang lalaki ay nakabalik na ang kausap na matanda ni Maria kanina. Kasama na nito si Galiana na napahinto sa paglalakad at hustong nagulantang nang makita si Maria. Para itong nakakita ng multo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD