6-Posibleng Pinsan

2055 Words
Kabanata 6 SA ANYO ng hitsura ni Uno ay para bang kakaripas ito ng takbo palabas ng silid na iyon ano mang segundo. For a few seconds, all he could do was to gawk at her in great disbelief. Makailang beses na bumuka at lumapat ang mga labi nito na tila hindi pa alam ang sasabihin. Itinukod ni Maria ang mga siko sa kama upang ibangon ang sarili. Napangiwi siya. Mahapdi kasi ang pagitan ng kanyang mga hita dahil sa walang babala at mapusok na pag-ulos ni Uno sa p********e n'ya. It was technically a single thrust pero bumaon talaga iyon dahil sa dalang gigil nito at maging sa pagiging agresibo. "You're... you're impossibly tight." Paanas na sambit ng binata nang mahanap nito ang boses. He was blinking slowly, taking it in. Tila ba may sinusubukan itong ipagtanto na nakakagulantang na bagay. Dahan-dahan din nitong pinasadahan ng tingin ang buong kahubdan ni Maria. Tumagal ang mga mata nito sa bandang gitna ng mga hita ng dalaga. Maria pursed her lips as she felt her cheeks flared up. She is devirginized, touched and kissed by this man ngunit tinablan pa rin siya ng hiya sa panunuri ng binata sa hubad niyang katawan. "How? How is that... How is that even possible?" Hirap pa rin ang binata sa itatanong as if he is terrorized. "S—sandali... Bakit? Ano ang problema?" Pagtataka niya sa biglang inaasta nito na hindi niya maunawaan. Tumalim ang titig nito nang ibalik nito ang tingin sa mukha ng dalaga. Hanggang sa niyuko nito ang ulo at nasipat nito ang pulang likido sa ari nito. "Anak ng... Punyeta!" He swore impulsively in sharp outburst. Namutla ang mukha ng binata habang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa mukha ni Maria at sa pulang likido na naiwan sa pagkalaláki nito. "Sir, okay ka lang? Namumutla ka." Puna ng dalaga. Naisantabi ni Maria ang hapdi sa pribadong parte ng katawan niya dahil sa pagkabahala. She forced herself to move and climbed off the bed. "D—dugo... May dugo!" Halos walang boses na sambit ng binata. His eyes grew impossibly wide. His voice weakened. At bago pa ito malapitan ni Maria ay nag-collapse na ito sa sahig. Lumagabog ito dahil sa tangkad at maskulado ba naman na pangangatawan nito. "Sir!" Ang tili ni Maria ay umabot hanggang sa labas ng silid at narinig iyon ni Kuya Mal na babalik na sana sa pagkakatulog. Naroon ito sala. "Sir!? Diyos ko! Ano'ng nangyari sa'yo? Sir!? Gumising ka hoy. Utang-na-loob, huwag mo naman akong takutin ng ganito. Ang daya naman ho. Kung kailan nakapasok ka na sa hiyas de Maria ko 'saka ka pa nahimatay. Sir, naman. First time ko 'to pero hindi mo man lang tinapos. Para mo namang ginawang byuda kaagad ang hiyas de Maria ko." She was talking nonchalantly. Halos mangiyak-ngiyak na siya. Dinudumog ng takot at matinding pag-aalala ang dibdib ni Maria nang daluhan niya ang binata. He passed out! He was now unconscious. Sinubukan niyang iangat ang ulo nito pamamagitan ng batok nito. She gently tapped his cheek to wake him up but to no avail. Ilang sandali pa ay may kumakatok na sa pintuan. "Señorito? Señorito Uno, ano hong nangyayari riyan?" Si Kuya Mal. Kumatok ito nang kumatok. Maingat na ibinaba ni Maria ang ulo ng binata sa sahig at tumayo. She grabbed a pillow para ipatanong sa pagkalaláki ni Uno na nakabuyangyang. Siya naman ay nagtapis lamang ng kumot at tensionadong tinungo ang pinto. Kaswal ang tingin ni Kuya Mal nang pagbuksan niya ito. "Ma'am—" "Kuya... Kuya, si Sir... ano, bigla na lang natumba e. Nawalan ng malay pero wala naman ho akong ginagawang masama sa kanya. Maniwala ho kayo sa akin." She said in dread, unconsciously defending herself in an instant. Naiiyak na talaga siya sa nangyayari. Naiisip ng dalaga na baka may masamang mangyari sa kaniig niya at siya ang mapagbintangan. Masisira ang buhay niya. Sa kabila ng pag-aalala ay nakuha pa rin ng caretaker na asikasuhin si Uno. Nagpasuyo ito ng unan kay Maria para ilagay sa ilalim ng ulo ng binata. Inusog din nito ang mababang ottoman at isinandal doon ang mga paa ni Uno. The old caretaker then gave Uno a chest compression. Maingat na maingat ito sa ginagawa. At halatang may alam ito sa first aid na gagawin sa taong nawalan ng malay. Si Maria ay hindi na mapayapa ang dibdib sa nerbiyos habang pinapanood niya kung paano asikasuhin ni Kuya Mal ang binata. Panay kurap ang kanyang mga mata at bahagyang nangangatal ang mga labi. Parang gusto na rin na manlambot ng mga tuhod niya sa magkahalong takot at pag-aalala. The man kept attempting to move Uno carefully until they noticed a sign of response. "May nangyari ba bago siya nawalan ng malay?" Without throwing her a glance, the old caretaker asked in a monotonous voice. Napakagat sa loob ng kanyang labi ang dalaga. "N—nag... uhm. Nag-aano ho kasi kami tapos bigla siyang umiwas. K—kasi may kunting dugo ho ata siyang nakita sa... sa may ano n'ya." She closed her eyes tightly and she was very hesitant to narrate what had happened in a detailed way. Nahihiya siya. Narinig ni Maria ang pagpapakawala ng buntong-hininga ng caretaker. Dahan-dahan itong tumayo at hinarap ang dalaga. "Baka maya-maya ay magkakamalay na si Señorito. May kaso siyang ganiyan simula..." Nagkaroon ng pag-aalangan sa mga mata ng matandang caretaker. Bigla itong huminto sa nais sabihin. "Simula nang ano ho?" Maria felt inquisitive all of a sudden. "Simula noong madatnan ni Señorito Uno sa bahay nila si Ma'am Brygida na walang malay at duguan. Hindi ito ang unang beses na nahimatay siya dahil nakakita siya ng dugo." Napakurap ang dalaga. Pakiramdam niya ay sinakal ang dibdib niya sa nalamang impormasyon. "Iyon 'yong Mommy niya po?" Nagsalubong ang kilay ni Kuya Mal. "Hindi ba't karelasyon kayo ni Sir Uzziah? Imposibleng hindi mo alam ang tungkol sa asawa niya o kahit ang pangalan lamang nito." Napaiwas ng tingin ang dalaga. Itinikom ang bibig. "Hindi ko ugali ang manghimasok sa buhay ng aking mga amo dahil isang hamak na empleyado lamang ako pero ibig ko lang malaman mo na kasalukuyang nakadetena sa isang mental hospital sa Amerika si Ma'am Brygida. Unti-unti itong tinakasan ng bait simula nang magkaroon ng ibang karelasyon si Sir Uzziah. At sa tingin ko ay lalala lamang ang kalagayan niya oras na malaman nitong pinaplano na ni Sir Uzziah na pakasalan kayo. Batid kong wala ako sa posisyon para magsalita ng ganito pero sana man lang ay masagi ang iyong konsensiya at maisipan mong tantanan ang pamilyang Ugnayan." Pagak na natawa ang matanda. "Ngunit batid ko na malabo nang mangyari iyon lalo na ngayong pati si Señorito Uno ay nasangkot na rin sa'yo. Asahan mong malapit ka nang magtagumpay. Mapagtatagumpayan mo nang mawasak ang maliit na pamilyang mayroon si Señorito Uno. Sana ay magkaroon ka ng tunay na kasiyahan sa ginawa mong ito." Matalim ang titig ng caretaker bago nito iniwan si Maria. Nanghihinang napaupo si Maria sa tabi ni Uno. Ang bigat-bigat ng kanyang dibdib habang nakatunghay siya sa guwapong mukha ng binata. Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit ganoon na lamang ang hinagpis nito kay Galiana Yamashita na napagkamalan nitong siya. He is devastated inside because of what happened to his family. She couldn't imagine how this man suffered in silence while watching his own parents split up. She couldn't imagine how heavy his heart went through whenever he saw and heard his mother cries because of heartache and betrayal. Hindi maisip ni Maria kung paano umiiyak at inilalabas ng binata ang bigat sa kalooban nito dahil sa nangyayari sa pamilya nito lalo na sa sarili nitong ina. Maingat na kinuha ni Maria ang kamay ng lalaki. "Huwag kang mag-aalala, hindi na ako inis saiyo dahil sa pagsusungit mo sa akin kanina. Naiintindihan ko na kung bakit ganoon ang pakikitungo mo. Hiling ko na lang na sana ay mas maging matatag ka pa para sa Mommy mo. I... I admire you now, Sir. Please be strong for your mother. Mula ngayon ay palagi na kitang isasama sa prayers ko. Kayo ng Mommy mo." Pinisil ni Maria ang kamay ng binata na hawak niya. She was holding it with her two hands. Nginitian niya ito at inilapit ang likod ng palad nito sa kanyang mukha. "Ang guwapo-guwapo mo. Ngayon lang ako nakakita ng kagaya mo. Siguro ay hindi ka naman masungit kung sa ibang pagkakataon lang kita nakilala. Siguro ay mabait ka naman." She heaved a sigh. "Aalis na ako ha. Nice to meet you pa rin. Asahan mo na habang-buhay kong dadalhin sa alaala ko ang pagtatagpo natin na ito, Sir Uno. Hayaan mo, bago ako makaalis papuntang Japan ay sisikapin kong mahanap si Galiana. Ipapamukha ko sa kanya kung gaano kalaki ang perhuwisyong idinulot niya sa pamilya ninyo. Pangako ko iyan. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana maayos pa ang pamilya ninyo." Humugot ng malalim na hininga si Maria. Bumilis ang tíbok ng puso niya nang bumaba ang kanyang mga mata sa labi ng binata. Napalunok siya. His lips are sexy and enticing. Hindi na nga namamalayan ni Maria na dahan-dahan nang bumaba ang mukha niya at ilang segundo lang ay nailapat na niya ang mga labi sa labi ng walang malay na binata. Ipinikit niya ang mga mata at hinalikan ito. She tasted his lips and the feeling overwhelmed her. Ngunit napaatras siya nang gumawa ng maliit na ungol ang binata. Wala na siyang sinayang na oras at dagli siyang tumayo para kolektahin ang mga damit. She winced when she picked her ripped underwear. Hindi na niya iyon maisusuot! Kaya initsa na lamang niya iyon sa dibdib ni Uno. Mabilis siyang nakapagbihis. Hinanap niya kaagad si Kuya Mal pagkalabas niya ng silid. Dala ni Maria ang susi ng kotse ni Uno. "Pasensiya na, Kuya pero may hihilingin sana akong pabor sa inyo. Puwede ho bang pakihatid n'yo ako kahit hanggang sa sakayan lang ng bus pabalik ng Maynila." Desidido na siyang umalis bago pa man tuluyang magkamalay si Uno. Maliit na tango lamang ang nakuha ni Maria mula sa caretaker ngunit pinaunlakan nito ang pakiusap niya nang walang binabatong ano mang tanong ukol sa agaran niyang pag-alis. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa isang talyer imbes na sa bus station. "Delikado kung babiyahe kang mag-isa sa oras na ito. Ipapahatid na lang kita sa pamangkin ko." Walang emosyon na sabi ni Kuya Mal. At hindi na binalak pa ni Maria na komontra sa ideyang iyon. Nagtiwala na lamang siya sa matanda. Lumipat siya sa isang may kalumaang Corolla na ang driver ay isang dalaga na parang lalaki kung kumilos. Princess Jasmine ang pakilala nito. At bago pa sila lumarga ay may binalikan si Maria sa loob ng kotse ni Uno na siyang sinakyan nila pag-alis ng rest house. Sinipa ng matinding kaba ang sistema niya nang makuha niya ang pakay sa loob ng kotse. Ipinagpasalamat na lamang ng dalaga na nonchalant si Kuya Mal kaya hindi na ito nagtangka na usisain kung ano man iyong kinuha niya sa kotse ni Uno. Kailangan niya ang bagay na iyon. Pagbalik ni Kuya Mal sa inaalagaang rest house ng mga Ugnayan ay nadatnan niya ang kanyang Senyorito sa sala. Tahimik itong nakaupo. Malalim ang iniisip. "She... left." Mababang sambit ni Uno nang hindi tinatapunan ng sulyap ang matandang caretaker. He let out a bitter scoff. "Ipinahatid ko siya kay Jasmine sa Maynila, Señorito." Huminga ng malalim si Kuya Mal at nag-aalalang humarap kay Uno. "Naguguluhan lang ako Señorito. Bakit nagawa mong galawin si Ma'am Galiana?" Uno slowly lifted his face and stared back at the old caretaker. His stare was sharp at tila nananantiya. "Why not? That woman is a filthy whóre!" "Ngunit hindi ho sana kayo nagpadalus-dalos, Señorito. Hindi n'yo ba alam na baka..." Ang sana'y sasabihin ni Kuya Mal ay naudlot at biglang lumikot ang mga mata nito na hindi na makatingin ng diretso kay Uno. "Say it." Mababa ngunit may diin na sabi ni Uno. "Say it, Kuya Mal. Ano'ng hindi ko alam?" "Ang... ang tungkol sa hinahanap ng Daddy mo na mga anak ng kapatid niyang si Ulysses. Kutob ko lang ito pero sa palagay ko ay isa si Ma'am Galiana sa hinahanap ni Sir Uzziah. Posibleng siya at... at, Señorito. Posibleng pinsan mo s'ya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD