8-Buntis Si Maria

2291 Words
Kabanata 8 ANG gulat na mga mata ni Galiana ay napalitan ng emosyon nang biglang tumalim ang paningin nito kay Maria. "Paano mo nalaman ang lugar na ito?" Sandaling natigatig si Maria sa ibinungad nitong tanong sa kanya. Habang papunta siya sa bayan na iyon ay inaamin niyang umaasa siya na magiging maayos ang paghaharap nila ng kanyang kakambal. Umaasa ang puso niya na maaantig ang damdamin nito oras na magkita silang magkapatid ngunit sa malamig na tono nito at matalim na tingin ay sapat na iyon para mapagtanto ni Maria na wala sa ano mang inaasahan niya ang mangyayari sa mga oras na iyon. Her twin sister wasn't happy to see her. Malinaw na mababasa iyon sa mukha ni Galiana, dahilan para makaramdam ng pait sa dibdib si Maria. Inalis ni Maria ang bara sa kanyang lalamunan. "May kasama akong imbestigador. Sinadya kitang ipahanap sa kanya, Galiana. May mahalaga akong pakay sa'yo pero maniwala ka, hindi ako naparito para gumawa ng ano mang komplikasyon. Gusto lang kitang makausap." Tumiim lamang ang mukha ni Galiana. "Aking liyag, hindi ka ba masaya na narito ang iyong kakambal at binisita ka?" Malumanay na wika ng lalaking nagkamaling yumapos kay Maria kanina. Humakbang ito para lapitan si Galiana ngunit mariin nitong tinapunan ng titig ang lalaki na tila binabalaan na huwag itong malapit-lapitan. "Oo nga, Ma'am Galiana. Nararapat lamang na magalak kayo dahil naparito ang iyong kakambal." Sumegunda rin ang matandang babae na gumiya kanina kay Maria papasok ng lumang bahay. "Mamaya n'yo na ako kausapin, Volter, Nana Charo." At tumitig ito pabalik kay Maria. Napapahid na lang sa gilid ng kanyang pantalon si Maria dahil pinagpawisan ang palad niya sa nararamdamang tensiyon sa loob-loob niya. "Sumunod ka sa akin kung gusto mo akong makausap." Malamig nitong saad kay Maria atsaka nauna nang tumalikod. Obviously, her twin sister doesn't know how to pretend and that she was not really pleased to see her. Nakita ni Maria ang pagpapalitan ng titig ng tinawag na Volter at Nana Charo ni Galiana. And when the old man turned to look at her, there was a sign of worry in her eyes. Nag-aatubiling ngiti lamang ang nakuhang isukli ni Maria sa mga ito. Then, she nodded at them. She breathed deeply before she moved her feet to follow her long lost twin sister. Binaybay ni Maria ang tahimik na hallway at sa dulo niyon ay exit na patungo sa isang malawak at mahabang patio. Nakuhang mamangha ni Maria sa magandang tanawin na nadatnan niya sa bahaging iyon ng lumang bahay. Kung hindi makakarating ang sino mang panauhin sa parteng iyon ng bahay ay hindi nito madidiskubre ang nakatagong napakagandang tanawin ng malawak na floral garden at maze garden. Ang lawak ng nasasakupan ng hardin. Parang yaong mga palayan sa lawak na palaging nadadaanan ni Maria sa lugar nila sa probinsiya. Ang malaking kaibahan lang ay hindi palay ang natatanaw niya sa harapan niya kundi samo't saring mga halaman at iba't ibang uri at kulay na bulaklak. "Sabihin mo na ang ano mang gusto mong sabihin dahil wala akong maiaalok na mahabang panahon para saiyo," ang agarang bungad ni Galiana nang maramdaman nito ang pagsunod ni Maria sa patio. Nasa barandilya ito at patalikod na nakatayo. Naninikip ang dibdib ni Maria dahil mukhang wala siyang pagkakataon na kumustahin man lang ang kanyang kakambal. Labing-anim na taon siyang nanabik na makita ang kapatid niya at ngayong kaharap na niya ito ay parang nilalamukos ang kanyang dibdib sa kabiguan dahil sa katotohanan na hindi naman pala tugma ang nararamdaman ni Galiana para sa kanya. Kulang na lang ay itaboy siya nito sa farm na iyon na tila siya peste na naligaw sa kahariang kinaroroonan nito. Pero inisip na lamang ni Maria na unawain ito. Kung ganoon man ito makitungo sa kanya ay may pinagsasaligan naman ang emosyon nito gawa ng hindi naman sila magkasama na lumaki. Magkadugo nga sila, magkakambal pa pero hindi necessary na maging close sila kaagad. They do not have any reason to have a close relationship due to the lack of shared experiences and memories. Ang daming gustong itanong, sabihin at ikuwento ni Maria sa kakambal ngunit pipiliin na lamang niyang sarilinin ang mga iyon. And God only knows kung may kasunod pa bang pagkakataon na makaharap niyang muli si Galiana dahil ilang araw na lang ay tuloy na tuloy na ang flight niya patungo sa Japan para sa naghihintay niyang trabaho roon. "Tungkol kay Mr. Uzziah Ugnayan ang dahilan ng pagpunta ko rito, Galiana," deklara ni Maria sa orihinal na pakay niya. Napansin niya ang pag-tense ng balikat ni Galiana. "Paano mo siya nakilala?" Kapansin-pansin ang pag-iiba ng tono ng boses ni Galiana kumpara sa kaninang parang istrikto. Her voice changed into something between confound and worried. And somehow sounded a bit interested, too. "May hindi inaasahang nangyari sa akin halos tatlong linggo na ang lumilipas. Sa isang bar, may humigit sa aking lalaki na hindi ko kilala. Uno..." Maria paused for a second to take a deep breath. "Uno Ugnayan ang pangalan niya at kung hindi ako nagkakamali ay nag-iisang anak siya ni Mr. Uzziah, Galiana." Noon napausal ng mura si Galiana. "Ano'ng ginawa niya saiyo?" Mababa ngunit naroon ang diin sa tanong na iyon ng kakambal ni Maria. "Galit na galit siya, Galiana. Galit na galit siya dahil nasasaktan siya sa nangyayari sa mga magulang n'ya. At halos maibaling niya sa akin ang poot na nararamdaman niya saiyo dahil napagkamalan niya na ako ay ikaw. Galiana, sabihin mo. Totoo ba na kabit ka ni Mr. Uzziah?" Maria couldn't control the stark in her voice na tila ba ibig niyang direktang usigin ang kapatid kahit na wala pa man siyang naririnig na kumpirmasyon mula rito. Ilang segundo ang namayani sa pagitan nilang dalawa. The nature that was in front of them is beyond beautiful and it's giving a euphoric feeling to one's soul subalit habang hinihintay ni Maria ang isasagot ni Galiana ay parang hindi makapasok sa sistema niya ang euphoric na pakiramdam na ibinibigay ng tanawing naaabot ng kanyang paningin. It's like a havoc congealing inside her system. Kinakabahan siya sa maaaring marinig mula kay Galiana. May bahagi kasi sa isip niya na umaasang sasabihin ni Galiana na nagkakamali lamang ang Uno Ugnayan na iyon sa mga paratang nito. Na nagkakamali ito ng pinaniniwalaan na kabit nga ang kakambal niya ng ama nito. Gusto niyang maniwala na inosenti si Galiana at hindi ito golddigger katulad sa idinidiin ni Uno. "Totoo." And that single word shattered every hope she had in her heart. Hinarap siya ni Galiana at awtomatiko niya itong tinitigan sa mga mata. Galit ang nakadungaw sa mga mata nito. "Totoo'ng kirida ako ni Uzziah." Pag-uulit na kumpirmasyon nito. The rage in Galiana's face went starker. "Ngayon ay maaari ka nang umalis. Nagsayang ka lang ng panahon at lakas sa paghahanap sa akin para lang sa isang bagay na wala ka namang kinalaman. You should have let it slip whatever happened between you and Uzziah's bastard. Hindi mo na sana pinapalaki." May disgusto ang huling tingin na ipinukol ni Galiana sa kanya. Magkaedad lamang sila nito pero sa pananalita at asta nito ay hindi mo aakalaing beinte dos años din ito katulad ni Maria. She spoke like a matured and sophisticated woman. Humakbang si Galiana. Subalit bago pa man siya malampasan ni Galiana ay muli siyang nagsalita para isiwalat ang iba pa niyang ibig sabihin sa kakambal. "Binigyan ako ng limang milyon ni Uno. I took it at kailangan ko iyong ibigay sa'yo, Galiana. Pera lang naman ang habol mo kay Mr. Uzziah hindi ba? Kaya ibibigay ko iyon saiyo at alam kong kahit na parehong dugo lamang ang nananalaytay sa mga ugat nating dalawa ay wala akong karapatan na humiling saiyo pero kaya kong magsumamo saiyo para lang tantanan mo ang pamilya ni Mr. Uzziah. Galiana, alam mo ba'ng nagkaroon ng karamdaman sa pag-iisip ang asawa ni Mr. Uzziah dahil sa relasyon ninyong dalawa?" Galiana turned around to face her again. Hilaw na tawa ang pinakawalan nito. "Excuse me? Limang milyon? Dear twin sister, para sa kaalaman mo ay magkaibang-magkaiba tayong dalawa. Kung para sa'yo ay kayamanan na ang limang milyon, puwes para sa akin ay barya lang iyon. Para sa kaalaman mo, there are properties worth billions of pesos owned by Uzziah na posibleng mapasakamay ko oras na matuloy ang kasal naming dalawa. Kung interesado ka sa baryang nakuha mo mula kay Uno, then you can have it and leave me alone." Hindi na napigil ang pagsulak ng galit sa dibdib ni Maria. "Iyong lalaki kanina, hindi ba't boyfriend mo siya? Kaya paanong gusto mong makasal kay Mr. Uzziah, Galiana? Bakit? Paano mo nasisikmura na manira ng isang pamilya? Bakit ka pumapatol sa isang may edad para lang sa pera? Ano ba'ng nangyari saiyo, Galiana? Nasaan si Mama Giannina? Ganiyan ka ba pinalaki ng sarili nating nanay?" Galiana scoffed. Humigit ito ng malalim na hininga bago siya nilampasan para bumalik ito sa puwesto nito kanina malapit sa panrehasiya ng patio. Her back facing her. "Iyon ba ang pagkakaalam mo? Na lumaki ako sa puder ng nanay natin?" Mahihimigan ang pait sa boses ni Galiana. Nagsisimula nang malito si Maria. "Nagkakamali ka, Gelli. Kung ikaw ay inihabilin ng ating ina sa kinilala mong magulang ngayon, ako nama'y inabandona niya." Napamaang ang bibig ni Maria sa ibinunyag ng kanyang kakambal. Iyon ang kailanman ay hindi niya naisip. All her life ang inaakala niya ay magkasama ang kanyang ina at si Galiana. Na masayang magkasama ang mga ito ng wala siya sa buhay ng mga ito. "Sino... sino ang kumupkop saiyo, Galiana?" "Naalala mo noong anim na taong gulang tayo, no'ng umuwi kami ni Mama mula Japan at dinalaw ka namin? After that day, doon ako iniwan ni Mama sa isang bahay ampunan, Gelli. Sa abot ng naaalala ko ay nagkaroon ng bagong asawang Hapon si Mama. Ayaw ng asawa niya sa ibang anak ni Mama." Mapait itong natawa. "So, you see? Ganoon kadali para sa nanay natin na iwan tayo para lang sa napangasawa niya roon sa Japan." Napaatras si Maria patungo sa silyang malapit sa kanya para makaupo. Para siyang nanghina bigla sa mga nalaman. "Walong buwan akong tumira sa bahay ampunan. Kaliwa't kanan na pambu-bully ang naranasan ko mula sa mga kasabayan kong orphan doon. They never liked me dahil sa pananalita ko. Kalaban ang turing nila sa akin dahil Hapones ang salitang alam ko. One day, dumating ang umampon sa akin. Ang mag-asawang Ulysses at Luna, sila ang mga magulang ni Volter. At sila, sila ang umako ng responsibilidad na dapat ay tungkulin sa atin ni Mama Galiana, Gelli. Masuwerte ka nga dahil mabuting tao ang umaruga saiyo. Pero masuwerte rin ako dahil napunta ako sa pamilya nina Volter. Na napunta ako sa farm na ito." "Kapwa tayo lumaki ng walang kompletong pamilya, Galiana kaya hindi ko maintindihan kung bakit nakiapid ka sa isang may asawang lalaki?" Galiana took a deep breath at iginala ang tingin sa tanawin ng farm. "As I grew up, I used to see that this place was the most beautiful. It was full of happiness and life not until... not until my adoptive parents were murdered three years ago." Napasinghap si Maria sa narinig. Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa gulat. "Pinatay ang kinilala kong mga magulang, Gelli and I am determine to marry Uzziah for his wealth. Siya lang ang tanging sagot para magawa ko ang matagal ko nang pinaplano. For revenge, my dear. Gamit ang pera ni Uzziah ay madali ko na lamang na mabubura sa mundo ang mga taong pumatay kay Papa Ulysses at Mama Luna." Sa dinami-rami ng mga nalaman ni Maria mula kay Galiana ay sumama ang kanyang pakiramdam. Nawalan siya ng lakas kaya wala nang namutawing salita mula sa kanyang bibig nang muling paalisin siya ni Galiana. Naninikip ang daluyan ng kanyang hininga at wala siyang ibang nais gawin kundi ang umalis na sa farm na iyon. Tanggap na ni Maria na walang magandang resulta ang tatlong linggong paghahanap niya kay Galiana. They were in the hallway, heading back to the house entrance when Maria passed out. Gabi na nang bumalik ang malay-tao ni Maria. Isang hindi pamilyar na silid ang bumungad sa kanya nang siya ay magmulat ng mga mata. "Gising ka na, Ineng. Salamat sa Diyos." Pabulalas na sambit ng kasama ni Maria sa silid. Si Nana Charo. "Narito pa rin ako sa farm?" Nanghihinang tanong ni Maria. She still felt dizzy. May kakaiba sa pakiramdam niya. Bukod sa pagkahilo ay ramdam din niya ang panghihina at pagod. Ipinagpalagay ni Maria na baka dulot lamang iyon ng pagod sa biyahe niya mula Maynila patungo roon sa Negros. Nilapitan siya ng matanda at pinigilan siyang bumangon. "Magpahinga ka lang dito, Ineng at bukas ka na umalis. Makakasama saiyo kung aalis ka nang ganiyan ang kalagayan mo at baka mangyari na namang mawalan ka ng malay. Delikado para saiyo." Malumanay na saad ni Nana Charo. "Iyong kasama ko ho, narito pa ho ba?" "Ah, oo naman. Si Agent Diaz, nasa labas siya, Ineng. Kausap si Volter." "Si... si Galiana po?" Ngumiti ang matanda. "Nasa sala ang kapatid mo, Ineng. Kausap pa si Doktor Blanco." "Doktor ho? Bakit may bisitang doktor si Galiana?" Pang-uusisa ni Maria sa matanda. "Si Doktor Blanco ang sumuri saiyo, Ineng nang mawalan ka ng malay. Alalang-alala kami saiyo, Ineng. Akala namin ay mayroon kang karamdaman pero mabuti na lang at wala naman daw ani Doktor. Mayroon daw kasi talagang pagbabago sa katawan mo dahilan para makaramdam ka ng hilo, pagod at pagkahimatay. Sa hormones daw. Normal daw iyon sa buntis, Ineng." Parang malakas na hinila si Maria at napabangon sa higaan. Her eyes were almost bulging out from its sockets. "Buntis? Ako ho buntis!?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD