Pabalibag na binagsak ang pantalong dala mula kay Mang Rudy at pairap na tumingin sa lalaki. "I did my part," aniya saka akmang aalis na upang hindi na humaba pa ang usapan nila.
"So, ganoon na lang iyon?" inis na pahabol na turan ni Luan sa babaeng bigla na lang siyang iiwan.
"Then what you want me to do, watch you change your pants. Hell, no way!" taas-kilay na turan ni Althea, guwapo at makisig ito pero wala siyang balak panuorin itong magpalit.
"I will not but kindly help me to get out of this chair, at least!" madiin na turan sa huling salitang binitawan.
Umirap si Althea tumingin sa lalaki at ayaw niyang lumapit rito pero wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Alam niyang seryoso na ito at baka totohanin na siyang isumbong sa ama, tiyak na sermon na naman ang aabutin sa ama.
Mahigpit na hinawakan ang upuang kinauupuan ng lalaki, halos napaluhod pa siya dahil mukhang, madikit ang glue na nilagay niya. "Pull harder," halos pautos na turan ni Luan sa kay Althea.
"I'm doing it, why don't you just pull off your pants?" suwesyon ni Althea na halos umikot ang mga mata.
Naramdaman ni Luan na tila matatanggal na ang pagkakadikit ng pantalon sa upuan. "I think it's working, hold on the chair. I will try to stand up," saad pa sa babae at mabilis na tumayo.
"Oh. wait, nangangawit na ako. Upuan ko na lang kaya?" inis na turan ni Althea.
"Okay, fine, I think that's better," sagot naman ni Luan, hanggang sa marinig nila ang pagpunit ng pantalon ni Luan.
"Yes! Success," aniya na halos mapatalon pa, ngunit sa kabiglaan ay halos mapalundag siya nang makita buong pang-upo ng slacks ng guro ay naiwan sa upuan at butas iyon dahilan upang makita ang superman nitong brief. Napabungisngis tuloy siya saka palihim na ngumiti ng matamis. 'Ala tigre pero pang bata ang breif,' pilyang turan ng isipan.
"Ahemmm!" tikhim niya upang kunin anh pansin nh lalaki. "Tutal ay natulungan na kita, sir, puwede na siguro ako umalis. Unless gusto mo pa akong panoorin kang magbihis," pilyang ngiti rito. "At makita ako ang superman mong brief," bulong pa sa sarili.
Bigla ay nahiya si Luan. "Okay, you may go. By the way, thanks," anito habang hawak ang pantalon na kinuha nito kay Mang Rudy.
Pagbukas ni Althea ng pintuan ay nabigla siya nang makitang naroroon si Miss Angelika Ventura na may ngisi sa labi nito. Sumilip pa ito at nakitang nagpapalit ng pants si Luan. Mas lalong ngumisi ito sa kaniya. "Akala mo makapagbintang nahinipuan ni Mr. Macario iyon pala ay nagpapagalaw sa loob pa ng classroom. Very nasty," anito na nang-iinsulto.
"Wala akong time makipag-usap sa'yo, Miss Ventura. Have a great day," aniya at banas na iniwan ito. Late na kasi siya sa usapan nilang barkada na hangout nila after class. "Buwisit!" inis talaga siya habang papalabas ng campus.
Mas lalo pa siyang nabuwisit nang makitang naroroon na ang sundo niya. Hindi niya tuloy ito matakasan, habang nasa kabilang panig ng daan ay nakatambay sina Beatriz at Danica.
"Ma'am, sabi ni sir, uwi na raw po kayo," awat kanyang driver ng pupuntahan niya ang barkada.
"Manong, kakausapin ko lang po sila," aniya rito at pinayagan naman siya nito.
"Oh my gosh, Althea girl, bakit ang tagal mo sa loob? Malapit na kami tubuan ng ugat. Ano, makakasama ka ba? Mukhang wala kang ligtas sa sundo mo," nguso nito habang nakatingin sa driver nila sa 'di kalayuan na nakatingin sa kanila.
""Di na muna siguro, bad shot ako kay daddy, heto na lang Beatriz. Gawin mo na lang ang report ko sa Economics," aniya sabay abot kay Beatriz.
"Sureness, basta ikaw na ang magbabayad ng aking upcoming project," ngiti sabad naman nito.
"Ano pa nga ba? Okay siya, see you tomorrow," paalam sa mga ito saka umuwi.
***
Pagdating sa kanilang bahay ay nadatnan ang ama dahilang upang mapataas ang kilay niya. Mukhang maaga itong umuwi, lalampasan na sana siya nito nang mapansin siya nito. "Good that you came home early," puna nito sa kanya.
"Do I have a choice, daddy?" may hinanakit na turan sa ama.
"Don't start, Althea, go and rest. Your mom will call you when the dinner is ready. Be ready, we have a guest," maang na turan ng ama. Mukhang cool ito ngayon dahil hindi ito nakipagmataasan nang sagutin ito ng pabalang.
Dumeretso na lamang sa silid at binagsak ang katawan sa kama. Naiinis siya sa daddy niya dahil sa paghihigpit nito sa kaniya. Maging ang choices niya sa gustong tahakin ay pinapakialaman nito. Banas na tumayo at nagpalit ng damit pambahay niya. Hindi man lang siya naghilamos o nagsuklay na. For sure naman kasi ay amigo o amiga ng ina ang maghahapunan sa kanila. Sinuot ang floral sleeves saka maiksing shorts. Lumabas tuloy ang mapuputing binti at braso niya.
Muling nag-dive sa kama niya at tinignan kung may emails o message ba sa kaniyang cell phone nang wala ay hinanap ang remote ng TV nang marinig ang mga yabag. "Anak, baba na at handa na ang mesa," malambing na turan ng ina sa kanyang pintuan kaya mabilis na tinali ang medyo kulay mais niyanh buhok.
Pabagsak ang hakbang niya sa hagdan nang maulinigang may kausap ang ama sa sala nila. Nasa punong hagdan na siya nang makita ang lalaking kausap ng ama. Nanlaki ang mata niya lalo at saktong sabay pa silang tumingin sa gawi niya.
'Oh s**t! Isusumbong na ba niya ako,' sa isip at halos hindi nakakilos sa lakas ng tambol ng kaniyang dibdib nang makita roon ang bago nilang instructor.
"Oh, hijo, ito nga pala ang nag-iisa kong unica hija, si Althea. Balita ko ay sa unibersidad na pinapasukan ni Althea ka nagtuturo?" masayang usisa pa ng ama sa lalaki.
Ngumiti nang matamis si Luan, ngiti dahil hindi maipinta ang kaba sa magandang hitsura ni Althea. 'Tignan natin, matira matibay,' bunyi niya sa isipan.
"Yes po tito, ctually ay ako ang instructor niya sa isang subject," magiliw na turan ni Luan habang niluluwagan ang ngiti kay Althea.
"Really, that's great, sana ay magising na itong anak ko at makapagtapos na. She suppose to be helping me to my company," saad ng ama. Napalunok si Althea. Well, mas tamang napahiya siya. Lalo pa at nakitang ngumisi pa ang lalaki, nagngingitngit na tuloy ang damdamin siya sa inis.
Nang papunta ang mga ito sa komedor ay naririnig pa ang usapan nila. "I guess you might help her to her class sibjects mostly Algebra. She've been taking that three years already," dagdag pa ng ama.
Mas lalo pang nairita si Althea nang marinig ang tawa ng lalaki sa sinabi ng ama. "Buwisit!" inis niya. Kung alam niya lang na ito ang pupunta sa bahay nila ay nagmatigas sana siyang sa silid na kakain.
"May sinabi ka ba anak?" tanong ng ina na noon ay naroroon na pala.
"Wala po mommy, I'm just hungry, parang ang sarap kasi ng niluto mo, mommy," kaila niya sa ina.
Hindi malaman ni Luan kung bakit natutuwa siyang nakikitang banas na banas si Althea. Palihim itong tinitignan at minsan ay nakikitang nakairap ito sa kaniya. Akala siguro nito ay naroon siya upang isumbong ang ginawa nito sa kanya.
"So, ngayon pala ang first day mo sa university, hijo. Aba, musta naman itong anak namin?" tanong ng mommy niya nang nasa komedor na silang lahat.
Ngumiti ng matamis si Luan saka tumingin kay Althea na pigil na pigil yata ng paghinga. "Well, okay naman po siya," sagot pero sa gilid ng isip ay iba. 'Medyo suwail lang,' dagdag sa isipan.
"Buti naman kung ganoon, dahil ayaw na naming mag-asawa na maulit pa ang nangyari kay Mr. Macario," ani ng ina kay Luan.
Muling tumirik ang mata ni Althea sa naririnig kasi sa mga magulang ay tila hindi naniniwala ang nga ito sa kaniya. Iniisip na gawa-gawa namang ang harassment nito sa kaniya.
"O, mukhang hindi ka kumakain anak. 'Di ba paborito mo ito? Akala ko ba ay gutom ka?" turan ng ina sa kalderita.
Paano ba naman kasi ay nawalan siya nang gana dahil mukhang mas magkakaroon ng mata ang ama sa kanilang eskuwelahan sa katauhan ng bagong instructor.
Marami pang pinag-usapan ang mga magulang at ni Luan. Tahimik lamang siya at hinihintay na matapos ang mga ito para makapagpaalam nang papanhik sa silid. Nariyang nagtatawanan ang nga ito, tama nga ang lalaki. Nagtrabaho pala ito noon bilang OJT sa kompanya nila.
"Alam mo hijo, masaya ako at bumalik ka na rito. I heard that your planning to open up your own architectural firm. That's good," turan ng ama na halata ang paghanga sa mukha nito.
"Okay, fine, 'di siya na ang magaling," bulong ni Althea sa inis. Bulong na narinig ni Luan, hindi niya na lamang pinatulan pa, mukhang malalim ang pinaghuhugutan nito.
"Opo, tito, hopefully ay magtagumpay," humble namang tugon ni Luan na mas lalong nagpahanga sa ama.
"Sure, sa galing at sipag mo. I'm sure, if you need help, I'm very much willing to help," turan pa ng ama kay Luan dahilan upang mas lalong mainis si Althea. Feeling close pa kasi ang lalaki sa kanyang ama.
Nang makitang tapos ang inang kumain ay nagpaalam na siya. Hindi na niya tinapunan man lang ng tingin ang ama at si Luan na abala sa pinag-uusapan at naiinis na umalis. Tila mas mabait pa kasi ang ama dito kaysa sa kaniya na anak nito, ayaw niyang sabihing nagseselos niya pero parang ganoon na nga.
Mabilis na pumanhik sa silid nang maalalang nakalimutan niyang magdala ng paboritong tsokolate. Kaya mabilis na pumihit pababa ng hagdan. Nakitang wala nang tao sa komedor kaya mabilis na tumalilis papunta sa kusina at binuksan ang fridge. Hawak na niya ang tsokolate nang marinig ang isang tinig.
"Are you jealous?" tinig na narinig na halos nagpatulos sa kanya.
Awtomatikong natingin rito. "Jealous?" maang-mangang turan pabalik sa lalaki.
"Sa daddy mo," deretsahang turan nito.
Tumawa si Althea saka humakbang na paalis pero hinawakan siya nito sa kamay. Nabigla siya nang tila may kuryenteng gumapang sa balat niya. Nagkatitigan sila at tila kapwa nakaramdam.