Kahit papaano ay nahabag ang loob sa sinabi ng babae. Yes, pasaway ito ngunit nang marinig ang sinabi nito tungkol sa jung bakit ito nasa kursong engineering ay tila nakita ang tunay na nasaloobin nito.
"Okay, you may sit now," aniya saka pinagpatuloy ng iba ang pagpapakilala sa kani-kanilang sarili hanggang matapos.
"Let me refresh, which topic do you guys stop with Mr. Macario?" baling nito sa kanya, nakipagtitigan siya sa lalaki. 'Ako si Althea Robles, babaeng walang inaatrasan. Humanda ka,' ngitngit ni Althea sa kanyang kaloob-looban.
"Miss Robles, can you please give me the definition on quadratic formula?" maya-maya ay deretsahang tanong ng instructor sa kanya.
Napalunok si Althea at nainis dahil mukhang paborito siyang pagdiskitahan ng bagong instructor.
"Miss Robles, I'm loud enough so I assume you heard me, right? Give us the definition of quadratic formula?" ulit ni Joe, nakitang naningkit ang mata ng babae. 'Tignan natin ang tapang mo, bakit ngayon tila tumiklop ka!' aniya sa sarili nang makitang tila hindi man lang makapagsalita ito.
Nang mapansin niyang uneasy na ito sa pagkapahiyang ginawa ay binaling na sa iba. "Anyone in the class," aniya saka naglakad pagbalik sa harapan. Doon nagtaas ng kamay ang isang magandang babae sa harapan.
Mabilis na tumayo ang babae. "Quadratic Formula uses the a, b, and c from "ax2 + bx + c", where a, b, and c are just numbers, they are the numerical coefficients of the quadratic equation they've given you to solve," matalinong tugon nito.
"Very good Miss—"
"Hannah po, sir. Hannah Grace Lamdico," pagpapakilala nito.
"Very good, Miss Landico or it simply—" aniya sabay tingin kay Althea. "A quadratic formula is the solution of the quadratic equation," aniya.
Ngitngit na ngitngit si Althea sa kinauupuan. Wala pang nakapagpapahiya sa kanya kaya hindi siya titigil at hindi nakakaganti rito.
"Now, open your book at page 109 and answer the activity one by one on the board," aniya sa mga estudyante.
Anim-anim ang sabay-sabay sa board at sa pangatlong set ng estudyante napasama si Althea. Buwisit na buwisit siya sa kanilang instructor. Okay naman sana si Mr. Macario pero ilang beses na kasi itong nagpapakita ng pagnanasa sa kanya. Noong una ay pinapalampas pero noong hipuan na siya sa puwet ay doon na siya pumalag at para tuluyang matanggal ay gumawa na siya ng hakbang.
Patayo na siya nang mahagip ang biniling magic glue ng kaibigan para sa kanilang art work. Mabilis na dinampot iyon saka pasimpleng nilagay sa upuan ng instructor nila. Busy ito sa pagsusulat sa board ng kanilang isu-solve nang malagay ang glue ay napangisi siya.
'Lintik lang ang walang ganti!' aniya sa isipan saka ngumiti, nang matapos itong magsulat ay hindi pa ito naupo. Mabuti na rin iyon, mas madikit ang glue kapag medyo malapit na itong matuyo para hindi agad nito maramdaman.
Nahirapan man siyang mag-solve sa harapan ay kahit papaano ay may naitatagong galing sa pagkuha ng value ng mga variables, nang matapos sila ay saktong patapos na rin ang oras nito. Nakitang umupo ito at tumamis lalo ang kanyang ngiti.
Napaangat ng ulo si Joe ng tila mapansin ang matang nakatingin sa kanya at saktong pag-angat niya ay nabungaran ang matamis na ngiti ni Althea Robles. Ngunit agad naman nitong kinubli, masasabi niyang maganda ito, pangit nga lang ang imahe nito sa eskuwelahang iyon.
Nang maya-maya ay gumalaw siya at naramdaman niyang tila nakadikit ang puwetan sa upuan at doon na lamang nag-sink in sa isipan na tila ginantihan siya ng babae. Kaya pala ito nakangiti ng matamis dahil mukhang nakaganti ito sa pamamahiyang ginawa. Walang nagawa si Joe nang mapansing walang pag-asang makatayo kaya bago pa mapunit o mapahiya sa estudyante niya ay pasimple lamang siyang nakangiti sa kinauupuan.
Naningkit ang kanyang mga mata.
'Tignan natin,' aniya rito, hindi na siya tumayo at nagpahalata. Tutal ay tapos na ang klase nila ay nagdismiss na siya.
"Times is up! See you Wednesday, guys," aniya sa mga estudyante na tuwang-tuwang tapos na ang klase ng mga ito. Hindi na siya tumayo pa at inabala kunwari ang sarili sa pagsalansan ng kanyang gamit at nang makitang papaalis na ang grupo ni Althea ay agad siyang nagsalita.
"Miss Robles, kindly stay for a bit!" aniya na tinaasan konti ang tinig.
Napatigil ang mga ito at maging ang mga kaibigan saka nagtinginan. "I'm ordering you, Miss Robles," maawtoridad na tinig na ni Joe.
Nakitang tumingin ang mga kaibigan rito saka umalis. Naiwan ito at nang tanging sila na lamang ang natitira doon ay hindi niya maiwasang mainis sa babae. "Look what have you done!" aniya.
Ngumisi ang babae sa kanya. "What's so funny, Miss Robles. Explain to me, why did you do this? " aniya na inis na inis na. Papaano siya tatayo kung nakadikit ang pantalon sa upuan at kapag pupwersahin niya ay baka mabutas. He doesn't care kung mabutas man iyon pero hindi siya makakaalis doon ng butas ang puwetan ng pantalon.
Huminga ng malalim si Althea saka bumuntong-hininga. Hindi maikakatwang guwapo ang lalaking kausap. Kahit halos magsalubong na ang may kakapalan nitong kilay hanggang sa hindi niya namamalayan na medyo nagtatagal na pala ang titig sa mukha ng lalaki.
Medyo na-conscious si Joe ng mapansing titig na titig si Althea sa kanya. "So, what, Miss Robles, titigan mo na lang ba ako? Would you mind helping me since ikaw ang may gawa nito!" aniya upang maagaw ang pansin nito.
Tila biglang bumalik sa kamalayan si Althea nang marinig ang baritong tinig ng lalaki. Hindi na galit ang tinig nito. "What do you want me to do?" aniya para makaalis na rin doon.
"Why did you so this, to pour the whole bottle of glue on my chair?" muling sarkastikong turan ng lalaki.
Doon ay muling uminit ang ulo niya at imbes na lapitan ito upang tulungan ay tumalikod siya. "Hey! Miss Robles, what do you think you're doing?" awat niya sa pag-alis ng babae na tila wala itong balak tulungan siya.
Nagpanggap siyang walang naririnig at nagpatuloy sa paglalakad at nang marinig ang huling sinabi ng lalaki ay napatigil siya.
"Leave me here or I will call now your dad and he will witness what you did to me?" banta nito. "For sure, Mr. Robles won't allow any embarrassment from his only daughter," pang-uuyam pa nito kaya wala siyang nagawa kundi ang balikan ang lalaki.
"Tell me, what I can help?" mataray na tanong dito.
Ngumiti si Joe. "Find, amang Rudy and ask him if he has an extra pants," utos nito.
"Mang Rudy?" ulit niya.
"Wow! You've been here too long but you don't even know, Mang Rudy, the janitor?" muling sarkastikong wika.
"Alam mo kung hindi ka marunong makiusap, iiwan na lang kita?" banas na wika ni Althea na kanina pa siya tinatabla ng lalaki.
"Seriously, who did this, 'di ba ikaw? Alam mo dapat kanina ko pa talaga tinawagan si tito," anito.
"Tito?" taas-kilay na ulit ni Althea sa sinabi ng instructor.
"Yeah, matagal ko nang kilala ang papa mo since iisa ang circle na kinabibilangan namin. I worked with him once," anito.
Mas lalo siyang natakot na baka isumbong siya nito. "Okay, wait me here and I'll find, Mang Rudy," aniya saka hinanap ito at tiyempong nakita ang matanda sa janitor's room at nagmemeryenda ng nilagang saging at kape.
Nabigla pa ito ng makita siya. "Ah, manong, pinapatanong kasi ni sir—" aniya saka inalala ang pangalan ng lalaki. "Si Sir Luan Jacobo kung may extra pants kayo?" aniya rito na kinakunot naman ng noo ng matanda.
"Luan Jacobo?" ulit sa pangalang binanggit. "Teka, ineng, wala akong kilalang Luan—" tigil nito saka napisip. "Ah, si Joe siguro, ineng, saglit lang at mayroon naman ako rito medyo malauwag sa akin. Siguro ay sakto na ito sa kanya," wika naman ng matanda. "Aba'y ano ba'ng nangyari doon at unang pasok pa lamang ngayon," anito na tila concern na concern sa bagong guro.
Ngumiti siya ng pilya bago sumagot sa matanda. "Wala naman po, nabutas lamang po ang pantalon," aniya saka natawa.
Tumawa rin ang matanda. "O siya, dalhin mo na at makabihis na siya, medyo kupas na nga pero mas mainam na kesa butas," anito na natatawa pa ang matanda.
Napangiti na lamang siya habang pabalik sa kinaroroonan ng lalaki.