Chapter 5:

1389 Words
Tila napapasong binitiwan ni Luan si Althea, batid niyang ramdam ng babae ang naramdamang init sa bahagyang pagdanti ng palad rito. Humakbang na ito papalayo sa kaniya pero maya-maya ay humarap ito at pairap pa rin siya kung tingnan. "Siguro naman ay hindi mo ako binuko kay daddy," wika nito na pormal na pormal ang mukha. "Hindi pa," sagot ng lalaki na tila balak pang sabihin sa ama. "Hindi pa? You mean you have plan to tell to dad what happen?" gilalas ni Althea. Napangiti tuloy si Luan dahil ang cute ng babae sa reaksyon nito sa kanyang sinabi. "Yes, if magiging pasaway ka sa akin," bulong niya sabay alis na. "Are you serious?" habol ni Althea sa kaniya na bumalik sa pagiging maldita nito. "Yes, so if I were you, mag-behave ka kapag nasa klase kita," banta niya sa babae. "Are you threatening me?" muling tanong nito nq nakataas ang kilay. "No, I'm not threatening you. I'm just telling what I'm going to do," aniya rito at nakitang nagsisimula na naman itong mabuwisit sa kaniya. Halos manlaki ang butas ng ilong nito. "You're kidding me!" irap nito sabay pamaywang pa. Doon tumawa si Luan, ng cute kasi ni Althea. "I'm not Althea, I mean everything what I said," turan dito saka ngumiti. "Okay, fine! You started this, hawak mo ang alas ngayon pero huwag mong isiping panalo ka na!" inis na sambit rito saka padabog na iniwan ito. Napangisi na lang si Luan, alam niyang natalo niya sa pagkakataong iyon ang babae. Handa na siya kung sakaling resbakan siya nito gaya nang ginagawa kanina sa kaniya sa kanilang klase. Akalan ba niyang daig pa niya ang ti ali nito sa upuan sa pamamagitan ng glue. *** Kinabukasan ay maraming estudyante ang nagbubulung-bulungan nang dumating si Althea sa campus. Marami ang nakatingin sa kaniya kasabay ng ngisi sa mga labi ng mga ito. Mabilis na hinagilap ang mga kaibigang sina Beatriz at Danica. Nang makita siya ng mga ito ay agad siyang hinila sa gilid ng mga ito at sa mga mata ang pang-uusisa. Hawak pa ni Danica ang cell phone nito na tila may tinitingnan. "Saglit lang, ano bang nangyayari at bakit sila nakatingin sa akin ng tila nakakaloko?" Tanong sa mga kaibigan na noon ay mataman ding nakatitig sa kanya. "Ikaw kaya ang dapat may aminin. Girl, sabihin mo nga. May—may—may," halos hindi matapos na tanong ni Danina. "Ano'ng may. . .may . . . may?" maang na tulad sa reaksyon at kung paano sinabi ni Danica. "May nangyari pa sa inyo ni Architect Luan Jacobo?" tuluyang tanong ni Danica. "What?!" gilalas niya sa inis. Sabayang nagtakip ng tainga ang mga kaibigan. "Grabe ka girl. Babasagin mo ang eardrums namin. Yes, bulung-bulungan sa buong campus na may nangyari daw sa inyo ni Sir Luan at listen to this," ani ni Danica sabay lagay sa harapan ang cell phone nito. "Pull harder," tinig ni Luan. "I'm doing it. Why don't you just pull off your pants," tinig niya naman kasabay ng kaluskos ng upuan. "Ahhh!" ungol niya habang hinihila ang upuan. "I think it's working, hold on the chair. I will try to stand up," saad pa sa muling narinig ang lumangitngit na upuan. Napamaang si Althea sa naririnig, tamang nangyari iyon pero wala silang ginagawang masama ng kanilang bagong instructor. "Oh wait, nangangawit na ako. Upuan ko na lang kaya," inis na turan ni Althea. "Okay, fine, I think that's better," sagot naman ni Luan. Hanggang sa marinig nila ang pagpunit ng pants ni Luan. "Ahhh!" ungol naman ni Luan. "Ohhh!" dagdag pa nito dahilan upang maging mapang-usisa pa ang tingin ng dalawa. "Yes! Successs!" masiglang tinig niya. Doon ay natapos ang recording na iyon. "Now girl, tell me or tell us, tama bang kayo ni Sir Luan ay nag quicky kaya ba natagalan ka kahapon?" tanong ng mga ito. Tumirik ang mata niya. "Una, walang nangyari sa amin. Pangalawa, 'di ba kinuha ko iyong magic glue mo kahapon, nilagay ko iyon sa upuan niya. Hindi ko naman akalaing didikit ng ganoong kadikit. He suspected na ako ang gumawa dahil pinahiya niya ako. So, sinabing maiwan ako para tulungan siyang makawala sa pagkakadikit niya," mahabang eksplika sa mga ito. "Quicky, ew! Saan mo naman napulot ang salitang iyon, ha, Danica?" aniya ss kaibigan. Maya-maya ay tumawa ang mga ito nang mapagtanto na totoo ang sinasabi niya. "Ngayon, samahan niyo ako at pupuntahan ko ang taong nagpapakalat nito!" buwisit na turan dahil naalala si Miss Ventura, batid niyang ito ang nagpakalat ng sound recording na iyon dahil naroroon siya paglabas niya kahapon. "Hey, wait Althea. Sino? Baka mamaya magkamali ka?" mabilis na awat ni Beatriz. "Baka bad shot ka na naman sa daddy mo pag nagkataon," paalala pa nito. "No! Hindi ako magkakamali," hiit na tila susugod sa giyera. Maraming estudyante tuloy ang nagtitinginan at natatawa sa kanya nang mapadaan siya sa pasilyo ng eskuwelahan papunta sa faculty. "Wait, Althea girl, sino ba susugurin natin sa faculty. Si Sir Luan ba?" nababahalang tanong ni Danica. "Hindi, iyong anghel na may sungay. Ganda ng pangalan, Angelika Ventura pero ito ang anghel na may sungay," gigil na turan niya sa mga kaibigan na noon ay natahimik. Muli siyang susugod sa faculty roon ngunit napatigil nang marinig ang mga kaibigan. Natawa sina Beatriz at Danica, ngunit walang nagawa kundi ang sumunid sa kanya nang mabilis na marating ang pakay. Kumatok sila sa faculty. "Yes Miss Robles," ani ng isang instructor. "Looking for Miss Ventura," aniya nang saktong pabungad nito. "Yes, do I heard my name?" mataray na turan nito. "Oh yes! You heard it right, titser ka man din pero wala kang delicadeza? How could you spread rumors without evidence?" mataray na turan dito kahit pa maraming co-instructor nito ang nakikinig. Tumawa ito. "What do you mean Miss Robles, is this one?" anito saka nilabas ang cell phone nito at binuksan ang audio. Napalunok ni Althea nang marinig ang boses niya at ng bagong instructor. "That's an evidence and how dare you to accuse me of spreading rumors," matapang na turan nito nang makitang nakuha nito ang pansin at simpatya ng co-instructor nito na nakarinig din. "Ikaw lang naman ang nag-iisang nasa pintuhan, Miss Ventura, you might be an instructor. I respect you for that pero sorry to say, I'm not at your level," taas-kilay na turan at hindi naiwasang ilabas ang kamalditahan. Nakitang susugod na sana ito nang hawakan siya ni Luan at hilain. "Aray ko! Saglit nga lang," angal kay Luan. "What is this?" mabilis nitong sita sa kanya. "As you see, I'm just defending myself. My God, look! Lahat sila nakatingin sa akin. They thought were having s*x!" gigil na turan sa huling salita. "I was there to confront, Miss Ventura. Siya lang naman ang nasa may pintuhan nang buksan ko iyon and for sure she's the one who spread this scandalous audio," inis at asar na turan ni Althea. Napatigil si Luan saka sinubukang pakinggan ang audio na sinasabi ni Althea kung bakit ito nanggagalaiti. "My God! Stop it!" banas panito nang marinig sa phone nito ang audio na iyon. Nasapo si Luan ng ulo sa naeinig na audio bagay na napansin ni Althea. "Ngayon, anong mukha ang ihaharap ko rito sa eskuwelahan. For you, it's okay but for me. Ang iba pinagtatawanan ako, na kesyo hindi ko daw type si Mr. Macario kaya pumalag ako at ikaw ay hindi dahil guwapo ka ganoon!" aniya saka nakapamaywang. "At ano ang sasabihin ng magulang ko kapag nalaman ito, ha!" aniya nang balingan si Luan naglalakad na ito pabalik sa faculty ng mga ito. Mas lalo siyang nainis dahil salita siya ng salita iyon pala ay wala na ang lalaki. "Buwisit! Makikita mo!" gigil na turan niya habang pinapagpag ang bag. Tiyak na ni Luan na ipapatawag sila ng pamunuan ng unibersidad dahil sa eskandalong kinasasangkutan kaya mabilis niyang kinorner si Angelika. "Tama ba ang sinabi ni Althea na ikaw ang nagpakalat ng audio?" deretsahang tanong niya rito. "Ako? Bakit ko naman gagawin iyon?" maang nito. "Ikaw lang ang nasa pintuhan kahapon!" giit niya sa babae. "Tell me, Luan? Inakit ka rin ba ng babaeng iyon?" puno nang inggit ng tinig nito. "Walang nangyari sa amin," giit niya. Ngumisi ito. "Come on, I saw you. Wearing your pants after—" putol na turan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD